The Jerk's Possesion (Jerk's...

By YeolKhyun_143

221K 4K 123

"I can do anything, Megan. Kaya kong gawin ang lahat basta mapa saakin ka lang. Gagawin ko lahat basta ay saa... More

The Jerk's Possesion
Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 8

7.4K 136 1
By YeolKhyun_143

Chapter 8

Kyle Buenaventura

"Meg, kumuha na nga pala kami ng special class ni Dave," balita sakin ni Mazzy nang makalabas kami sa class room. Napaangat ang gilid ng labi ko. Mazzy and Dave became really close. Good for them.

"Really? Ano naman ang kinuha nyo?" Nilingon ko silang dalawa na parehong nasa gilid ko. Tumawa si Mazzy at napailing ako.

"Song writing!" Masayang sabi ni Mazzy at may kasama pang pagpalakpak. Napa tikhim ako ng wala sa oras. Song writing huh?

"Oh? Talaga?" Kunwaring gulat na sabi ko. Well, hindi na ako nagulat doon, noong maliit pa kami ni Dave ay mahilig talaga sya sa music. Lalo na sa pagsusulat ng kanta. It's his hobby. Samantalang si Mazzy ay, oh well. May talent din naman sya kahit papaano. Mahilig din naman ako sa music, kaya nga kami naging magkaibigan ni Dave ng dahil doon. Pero noon iyon. Kinalimutan ko na ang tungkol don.

"Yup! Gulat na gulat nga si prof kasi ang layo daw sa course namin!" Humagalpak ng tawa si Mazzy at binigyan ko lang sya ng isang hilaw na ngisi. 

"Why? Are you interested?" Nahimigan ko ang bahid ng panunukso sa boses ni Dave. Kabado ko syang nilingon at binigyan ng isang matalim na tingin. Balak nya ba aking ilaglag kay Mazzy?

"Huh? Bakit? Teka, mahilig ka rin ba sa music Megan?" Bumali sakin si Mazzy. Gah! I knew it! Kabado akong tumawa at bahagyang umiling. I'll kill Dave after this! I promise!

"Ha? Hell no," Nilingon ko si Dave at pinakiusapan sya gamit ng mga mata ko. Pumungay ang mga mata nya at marahang tumango. Bahagya akong napa buntong hininga. Mabuti naman.

"Ah! Akala ko mahilig ka rin sa music! Edi wala ka nang hindi kayang gawin nyan kung sakali?" Humagalpak ng tawa si Mazzy. Ganoon rin si Dave. Ngumisi ako at bahagyang umiling.

Yes Mazzy. Wala akong hindi kayang gawin. Mas lalo akong umiling dahil sa mga sariling iniisip ko. Para akong tanga.

Nagyaya sila na tumambay sa cafeteria. Sinulyapan ko ang relo sa braso ko. Quarter to one na. Ayon sakanilang dalawa ay ala una ang meeting nila para sa song writing. Kung ganoon pala ay hindi sila makakain ng lunch. Mag isa nanaman akong kakain.

Pinagkibit balikat ko nalang iyon at pumwesto sa isang table na malapit sa cashier habang iyong dalawa ay bumuli ng pagkain nila.

"Megan. Are you not eating?" Tanong ni Dave habang nilalapag nilang dalawa iyong tray na may lamang egg sandwhich at pineapple juice. Umiling ako at nginitian sila.

"Uh. Nope. Maybe later," Tumango silang dalawa at mabilis na kinain iyong mga inorder nila. Siguro ay mamaya nalang ako kakain pagka alis nilang dalawa. Kung kakain ako ngayon ay baka matagalan akong matapos at hindi sila masasabayang matapos. Mabagal pa naman akong kumain. Masasayang lang iyon kung sakali dahil mawawalan ako ng gana kapag umalis na sila. Yeah. Maybe I should just eat lunch later.

"Nga pala, Megan. May napili ka na bang special class?" Ngumuso ako at marahang umiling. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol doon. Required kaming lahat na kumuha ng special class. Hindi naman sa mababa ang grades namin pero nakasanayan na kasi iyon dito sa University. Parang iyon na ang club dito sa University.

Umiling si Mazzy at tinaasan ako ng kilay. "Oh? Dapat ay meron ka na! Bukas na ang huling araw para sa pagpapalista hindi ba? Nauna lang natapos yung pagpapalista sa song writing kasi konti lang dapat ang estyudyante doon," napatango nalamang ako. Hanggang ngayon ay wala pa akong naiisip na pwedeng salihan.

Simula noong nag graduate ako ng high school ay pinako ko sa sarili ko na walang makaka alam sa mga talento at hobbies ko. Noong high school kasi ay lagi ako ang center of attraction ng lahat ng estyudyante pati narin ng mga guro. Well, my academics are good so is my curricular activities. Dahil doon ay hindi ko alam na may palihim na nagagalit sakin.

Ayoko ng mangyari ulit yon ngayong college.

"Why don't you try the dance troupe, Meg? You're good at it," halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa suhestiyon ni Dave. Kahit kaylan ay hindi ko sinang ayunan si Dave sa mga suggestions nya. Ngayin lang ata. What happened to those beautiful suggestions?

"Uh. Maybe I'll just try the sports," tumikhim ako at umiwas ng tingin.

Dammit.

***

"Iyon lang ba?" Tanong noong tindera sa cafeteria. Tinanguan ko sya at nginitian. Nakaalis na si Mazzy at si Dave noong tumunog ang bell. Kahit warning bell palang iyon ay umalis na sila. Masyado silang excited.

"O sige, kukunin ko lang iyong order mo sa kusina. Absent kasi ngayon si Diane," tumango ako at bahagyang natawa. Close ako sa tindera pati narin sa cook ng University. Kahit tatlong buwan palang kami dito ay suki naman kami ng cafeteria. Masyado kading matakaw si Mazzy.

"Sigurado ka na kaya mong maghintay?" Paninigurado nya. Tinanguan ko sya at nginitian.

"Opo manang. Ayos lang ako rito,"

"Hala sige," lumakad na si Manang papasok sa kusina. Inikot ko ang tingin sa buong cafeteria. Konti nalang ang tao sa cafeteria. Class hour kasi ngayon ng ibang year level. Kung may tao man dito ngayon ay para lang matulog o tumambay.

"Ang ganda mo yata ngayon Megan," napatalon ako dahil sa kaba. Kumunot ang noo ko at nilingon sya.
Ang kapal talaga ng isang 'to.

"Ano ba? Bakit ka ba nanggugulat?" singhal ko sakanya. Bakit pa sya nagpakita?! Aish. Ruining my day is really his hobby.

"Pinuri lang kita nagulat ka na? Aren't you fond of complements from me?" Inirapan ko sya at tinitigan nalang ang unahan. I don't want to talk to him!

"Umalis ka na nga. Bakit ba kita kinakausap?" Mas lalo akong nairita nang marinig ko ang munting halakhak nya. What's humurous in that? Baliw talaga sya!

"Why? Don't you miss me?" Malambing na tanong nya sakin. Halos masuka ako sa boses nya. Me? Miss him? Is he kidding me? No way!

"Naririnig mo ba ang sarili mo Kyle? That's not even possible!" Bumuka ang bibig nya na para bang may gusto pa syang sabihin pero mabilis din nyang tinikom iyon. Kumunot ang noo ko at sinundan ang tingin nya. Halos magpasalamat ako kay Manang dahil sa wakas ay dumating na sya.

Kinuha ko iyong tray at inabot ang sukli ko. Matapos kong magpaalam ay umalis na din ako. Nararamdaman ko ang presense nya sa likod ko kaya alam kong nakasunod pa sya. What should I do para tantanan nya ako? Tss.

Umupo ako doon sa inupuan namin nila Dave kanina. Pagkaupo ko ay umupo din si Kyle sa harapan ko. Para syang sisiw na buntot ng buntot sa inahing manok! Psh!

"Don't be silly, Megan. Of course it's possible. You should trust my own ways," umismid ako ako at sumubo ng kanin. Ha. Trust me, nonsense syang kausap.

"Megan. Pinagbigyan na kita. You said I should not talk to you and leave you alone for months. I did. Now I came back. What's the matter?" Suminghap ako at tumigil sa pag subo. Nakipag titigan ako sakanya. Ako ang unang bumawi dahil hindi ko kinaya ang bigat ng mga mata nya. It's just so intimidating.

Since my childhood days ay nakabuntot na sakin si Kyle, bago ko pa naging kaibigan si Dave. He's really showy about his feelings noong nag grade 9 kami. He thinks we're old enough to be a couple. Di ko sya pinasin dahil iba ang gusto ko that time, well kahit ngayon. Little did I know na gusto sya ng kapatid ko, Alyana. My sister got really angry at me because Kyle likes me. I think na obssesed na nga iyon kay Kyle. She did a lot of evil things just for him.
Since then, I hated Kyle. He's so selfish. He didn't think about Alyana's feelings kahit na alam nyang may gusto sakanya ang kapatid ko. He only thinks about his'.

"What do you want now Kyle?" Buntong hininga ko. There's no use in arguing with him. Really.

"Nagpalipat na ako sa block mo," umirap ako. Hindi ko na iyon ikinagulat. Magaling din kasing mag drawing si Kyle. Dapat ay Interior designing din ang kukunin nyang course, pero dahil na pinakiusapan ko sya na iwanan mo na ako kahit ilang buwan lang sy lumipat sya sa Visual Arts.

"So? Is that it? Kung ganoon, go away!" Hindi sya nakinig at  nanatiling nakaupo sa upuan sa harap ko. Kumunot ang noo ko at tamad syang tinitigan. What's his problem now?!

"Break na kayo nung gagong iyon," hindi ko sya sinagot. It's not a question afterall. Sumimangot ako at huminga ng malalim.

"Ano naman ngayon?" Tamad kong tanong sakanya. Bahagya nyang tinagilid ang ulo nya at binigyan ako ng nakakalokong ngisi.

"I told you. Magbi break din kayo," tuwang tuwa na sabi nya. He's really evil. How can hr be happy for the failures of others?! Yeah. I consider Dan a failure for me. Isa syang malaking pagkakamali.

"Shut it!" Umirap ako at tumayo na. I'm done eating. Nawalan bigla ako ng gana.

"Where are you going? Go back to your damn sit, Megan. You are not done eating yet," Or should you say, we are not done talking yet. Psh. Asa sya. I don't want to talk to him. Umiling ako at naglakad. Nakaka dalawang hakbang palang ako ay may isang braso nang pumigil sakin.

"What the hell Kyle? Bitiwan mo nga ako!" sinubukan kong bawiin ang kamay ko ngunit hindi man lang sya natinag.

"I know Dave is courting you," seryoso ang ekspresyon nya. Lumunok ako at bahagyang nanlaki ang mata. How did he know that?

"I told you Megan, trust my own ways," Tumikhim ako at sinuklian ang titig nya. I didn't look away this time. I want to know what's his problem with that.

"Ano naman sayo? What's the big deal--"

"Are you dense or what?" Sigaw nya sakin. Nakuha namin ang atensyon ng mga estyudyante na naroon sa Cafeteria. This guy is really fond of seeking attention.

"What are you talking about?"

"Nevermind! But I'll tell you this," pinakawalan nya ang braso ko at lumapit saakin hanggang sa naging isang dangkal nalang ang agwat nya sakin. He's close. Really close.

"Kahit kaibigan ko si Dave ay kaya ko iyong talikuran. Kaya kong ipahamak sya kahit na kaibigan ko pa sya, Megan. Trust me," mariing bulong nya sakin.

"Kaya ko iyon," ulit nya bago ako tinalikuran.

Napasinghap ako. Kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko. Fuck.

Is he serious?! He's impossible!

Continue Reading

You'll Also Like

980K 33.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
379K 26.7K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...