Chapter 6

8.3K 155 3
                                    

Chapter 6

Own me

Gaya nga ng pinlano nya ay pumunta muna kami sa park. Nag desisyon kami na maglibot nalang kahit saan at kumain sa isang Japanese Restaurant. Alam ni Aldwin na mahilig ako sa Japanese foods.

I remember Dan. Aish. I should stop thinking about him. I should relax and enjoy this night, I guess.

"Ahm. Megan, thank you for letting me court you and go out with me. I really appreciate it," napatango ako at nginitian sya.

"No Aldwin. I really appreciate it," I smiled. Nginitian nya rin ako pabalik. I started eating. Napatigil ako nang nakita kong di marunong gumamit nang chop sticks si Aldwin. I giggled. He looks Chinese. He have this chinito eyes on his face. Pero akalain mo nga namang di pala sya marunong mag chop sticks.

"Ugh. So annoying," hirap na hirap syang gumamit ng chop sticks. Napahakhak ako.

"Hindi ka marunong gumamit ng chop sticks?" Natatawa kong sabi. Natigilan sya at yumuko. Binaba nya ang chop sticks. Kinamot nya ang gilid ng ulo nya. Lalo akong natawa.

"Pinagtatawanan mo ako huh?" Natigilan ako at ngumiti.

"Pwede ka namang gumamit ng fork and spoon eh," tumango sya at tumawag ng waiter.

"I wanna learn this thing," natatawang sabi nya habang tinatabi sa gilid yung chop sticks.

"Tuturuan kita pag may time ako," Tumawa sya at tumango.

"Alright," nagsimula na kaming kumain. Nasisilayan ko ang weird nyang expression pag kumakain nung sushi. Hindi nya yata gusto ang lasa.

"Ayaw mo ba? Pinilit pa kasi kita. Gusto mo lumipat tayo?" Mabilis syang umiling.

"No. It's alright. Masarap naman eh, hindi lang siguro ako sanay," marahan akong tumango. Hindi ako kumbinsido sa reaksyon nya. Maybe I should eat fast para makakain na sya ng kung ano mang gusto nya.

Nang matapos kaming kumain ay naglibot kami si mall. It' is the same mall na pinuntahan namin ni Dan nung monthsary namin.

Sinamahan ako ni Aldwin na tumingin sa mga botiques. Sya ang tinatanong ko kung maganda ba o hindi.

"Lahat naman bagay sayo eh," he giggle. Napanguso ako. Sinasabi nya lang ata yon dahil nakukulitan na sya sakin dahil sa kakatanong ko ng opinyon nya.

"Nambola ka nanaman," tumawa sya at umiling. Napangiti ako. This guy is really ugh.

I bought ten clothes. Three jeans, two crop tops, two hanging blouse and three dresses.

"How much?" Nilabas ko ang wallet ko.

"7,236 ma'am," akma ko nang ilalabas ang pera nang pinigilan ako ni Aldwin.

"Here," binigay nya sa cashier yung walong one thousand. "Don't bother," saad nya sakin habang kinukuha yung sukli. Shocks.

"Ah, Aldwin. Hindi mo naman kailangang bayaran yun eh. Don't worry. I will pay you nalang--"

"Wag na Megan. It doesn't matter. Promise. Okay lang talaga," napanganga ako.

"Y-you sure?" Nginitian nya ako tumango. I smiled back. Nakakahiya talaga.

Natigilan ako sa pag iisip nang may nahagilap ako na pamilyar na rebulto. What is he doing here? Oh come on, Megan! What's with you kung nandito sya?

It's Dan. I know. He's with Claire Salvador. Naka black na mask at shades sila pero alam ko. Sila yon.

"Meg? Are you okay?" Wala sa sarili na tumango ako. I wanna cry. But I won't. Nakita kong tumingin sya banda saamin.

I looked away. Hindi nya pwedeng makita na affected ako. Habang sya ay masayang nabubuhay. I don't want him to pity me.

The Jerk's Possesion (Jerk's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon