Chapter 29

2.9K 63 2
                                    

Chapter 29

Sister

"Oh! Akala ko saleslady ka! I'm sorry!"
Kulang nalang ay lumuhod si Mazzy doon sa 'babae' kuno ni Dave. Napailing nalang ako.

Dave caught us. Mazzy is so loud to the point na nakakagawa na sya ng eksena. At dahil doon ay nakita kami ni Dave. So obviously, this is Mazzy's fault!

"Hala! Okay lang. Totoo naman eh!" Humalakhak sya at napanganga kaming dalawa ni Mazzy. 

She's a saleslady? She doesn't look like one... ngayon. I clearly remember na sya nga iyong kumausap samin ni Kyle noon at nakapang saleslady nga syang uniform noon. Pero ngayon ay ibang iba sya... She looks like a freaking rich kid!

Nanlaki ang mata ko nang dumapo ang tingin nya sakin. Nanlaki rin ang mata nya at agad akong nilapitan. Bahagya akong napaatras. O..kay?

"Wait! You look familiar! Ikaw yung girl na sinales talk ko last time! Ikaw nga! Oh my god! Asan yung gwapo at hot na lalaking kasama mo?"

Luminga linga pa sya. I frowned. Hot at gwapo pala huh? Tss..

"Kilala mo sya, Meg?" Gulat na tanong ni Mazzy. Kahit si Dave ay halatang nagulat rin.

"Uh.. yeah. Napadaan kasi kami ni Kyle dito noon. So..."

Humagalpak si Mazzy at kiniliti ako sa bewang. "Nako! Kayo ni Kyle ha! Ang sweet nyo naman!"

Tinitigan ko ng masama si Mazzy. Ang daldal talaga nito kahit kailan.

"Ha?! Sweet? Hindi ah. Hindi nga sila sweet noon e. Hindi kaya sila mag boyfriend! Diba? Diba?" Excited na tanong nya sakin. Napataas ako ng kilay. What's with her reaction?

"Nope. Noon yon. Kami na ngayon." Kahit na hindi totoo ay napilitan akong sabihin iyon. She's hitting on Kyle, obviously. Akala ko ba she's Dave's girl?

"Ah! Sus! Mag asawa nga nag hihiwalay, kayo pa kaya?"

Literal na napaawang ang bibig ko. Just. What. The. Hell.

"Cesca! Tumigil ka nga.." hinila sya ni Dave palayo sa harap ko.

Hindi pa rin ako maka recover sa pag kagulat. That girl is so insensitive. How come she can say that thing? And worse ay sa mismong harap ko pa.

Nagbubulungan sa gilid si Dave at iyong saleslady na tinawag nyang Cesca kanina. Sa tingin ko ay pinagsasabihan sya ni Dave.

"Calm down, Meg. Don't bitchslap her." Halakhak ni Mazzy.

Inismiran ko nalang sya. This girl. Ugh.

"Seriously. Kayo na ba talaga ni Kyle?"

Natigilan ako. Sinabi ko ba talaga 'yon? Mariin akong napapikit. Seriously Megan? Just seriously? Pag nalaman to ni Kyle ay paniguradong pagtatawanan ako 'non!

"No.."

"I knew it!"

Muli ko syang inirapan at tinuon nalang ang atensyon kay Dave at Cesca.

Naabutan kong nakatingin sakin si Cesca pero agad naman nya akong inirapan at nag iwas ng tingin.

"Aba! May pagka maldita naman pala yan e! Jusko. Uwi na nga tayo, Meg."

Sinangayunan ko si Mazzy. Wala naman akong mapapala kung mananatili pa ako dito.

Nagpaalam na ako kay Dave. I didn't bother say goodbye to Cesca. Hindi ko nga sya tiningnan.

Lumabas na ako ng shop. Lumingon ulit ako at nakita si Cesca na masamang nakatingin sakin bago ulit ako tumalikod.

"Meg. I'm sorry about Cesca.." malamig na sabi ni Dave ng ihatid nya kami ni Mazzy sa parking lot. 

The Jerk's Possesion (Jerk's Series #1)Where stories live. Discover now