Chapter 26

3.1K 62 1
                                    

Chapter 26

Scam

Mabilis kong tinikom ang bibig ko at inirapan si Kyle. Tumingin nalang ako sa mga sasakyan sa labas. Nakakainis. Lagi nalang sya nakakabawi sa mga pang aasar ko. Ako parin lagi ang talo sa huli. Tsk.

"Sa akin ka nalang tumingin, Megan. Hindi hamak na mas maganda akong view kesa dyan sa kung ano man ang tinitingnan mo."

Ngumiwi ako at bahagya syang tinitigan. "Kapal mo!"

Tumawa sya at hindi na nagsalita. Bumalik namaman ang pagiging bipolar nya. Kanina kung makasimangot, akala mo namatayan. Pero ngayon, kung makatawa at makangisi, wagas!

"Why? Hindi ba totoo? Tsk! Anong tinitingnan mo dyan sa labas, Megan?"

Napanganga ako. What the hell.

"Ang bipolar mo! Ang galing mong mag shift ng emotions!" Sarkastiko akong nag slow clap.

"Wow. Complement ba iyan?" Tumigil ako sa pagpalakpak at sinimangutan sya. Tinagilid nya ang ulo nya at tumawa.

"I'm joking, alright?" Natatawang sabi nya. Napailing nalang ako. Hindi ko maintindihan ang mood ng lalaking ito. Minsan masaya, minsan seryoso lang, minsan parang may menstrual period kung makapag sungit. Tsk.

"Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit nag iiba bigla ang mood ko. Actually, sayo nakasalalay ang mood ko."

Napakunot ang noo ko at napaharap sakanya. What? Sa akin nakasalakay ang mood nya? Baliw ba sya? Paano naman nangyari yun? Tss.

"Minsan, masaya ako kasi masaya ka rin. Nakakahawa ang saya mo, alam mo yun? Masaya din ako pag naiinis kita.." Kumunot ang noo ko at matalim syang tinitigan.

How dare heeeeee!

"So sinasabi mo bang masaya ka pag naiinis ako? Kasiyahan mo ang inisin ako!"

Tumawa sya at iniwasan ang kurot ko sa bewang nya. I can't believe him! Sya palang ang kilala kong manliligaw na kung makapang asar, wagas! Urgh! Ang sarap nyang ipalapa sa aso!

"Minsan naman, seryoso lang ako. Seryoso ako dahil may gusto akong ipaintindi sayo. May gusto akong patunayan sayo. And seriously, parang hindi naman umeepekto kasi wala ka naman laging naiintindihan-"
"Aba!" Hindi ko napigilan ang pagreklamo. Ayos na sana eh! Ayos na! Ang galing nya talagang sirain ang moment! TSS.

"Chill, baby. Masyado kang hot.." hinampas ko sya sa braso. Inabot ko ang leeg nya para sakalin sya. Grr! Nakaka wala sya ng good vibes! Seriously!

Nilayo nya ang leeg nya sa kamay ko. "C'mon, Meg. Kung gusto mong magkasama tayong mamatay, huwag dito sa kotse dahil masyadong cheap. Hawak kamay nalang tayong tatalon sa bangin na may falls sa kabila para medyo may effects--"

"KYLEE!" Tumawa sya at umiling. Kinagat nya ang kanyang ibabang labi at pinaglaruan iyon. Napaawang ang bibig ko. Damn, Buenaventura. Ang lakas mo talagang magpabigay ng tuhod.

Umiwas nalang ako ng tingin sa kanyang labi. Pulang pula iyon at mukhang malambot. Marahas kong pinilig ang ulo ko. What the hell am I thinking?! Really, Megan? Nagiging hobby mo na ata ang pagpantasyahan si Kyle! Ugh!

"Di pa pala ako tapos. Kaya naman ako nagsusungit minsan ay dahil sa mga lalaking naka aligid sayo o di kaya sa mga lalaking tinititigan mo. Ito ang pinakanakakainis. Oo, Meg. You're right. Seloso ako. Sobra. Lalo na sa mga pag aari ko. I say to you, Megan. Ako lang dapat ang titigan mo. Hindi si Rustin. Hindi kahit kanino. Walang iba kundi ako at ako lang.."

Bumilis ang paghinga ko. Bawat salita na binitawan nya ay nanuot sa utak ko na para bang batas ito na hindi ko pwedeng kalimutan at labagin.

Gustong gusto ko syang sagutin. Oo, Kyle. Sayo lang ako titingin. Sayo at sayo lang. Hindi ako makapaniwala sa sarili ko. Para akong robot na ang master ay si Kyle. Feeling ko ay lahat ng sasabihin nya ay susundin ko. Shit.

The Jerk's Possesion (Jerk's Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang