Prolouge

21.5K 396 3
                                    

"Megan! Hindi ba may crush sayo yan?" Napakunot ang noo ko at sinundan ng tingin ang mga mata ni Aldwin.

Si Kyle yon na seryosong umiinom ng tubig at kakatapos lang mag basketball.

"Yan? Wala akong pakialam dyan!" Humalukipkip ako at nagpatuloy sa pagsisintas ng rubber shoes ko. May voleyball kasi kami ngayon. It's our PE subject. Grade 10 na ako atsaka si Aldwin. Ganon din si Kyle.

Nag stretching ako sa gilid ng covered court. Magaling ako sa sports lalo na sa voleyball. Kaya hindi mapagkakaila na nae excite akong maglaro.

"Megan," napatigil ako sa pag stretching at nilingon ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

Agad napakunot ang noo ko at tinaasan sya ng kilay.

"Bakit?"

Humilig sya sa dingding at nginisian ako.

"Sasama ka ba sa dinner mamaya?" Napataas ang kilay ko. May dinner mamaya ang family ko at family ni Kyle. Family friend kasi kami ng family nya.

"Nope. Aalis kami nina Aldwin," umiwas ako ng tingin at nag stretching ulit. Bahala sya dyan!

"With Dan?" Napatigil ulit ako. Napakunot ang noo ko at tinitigan sya ng masama

"What are you talking about?"

Inismiran nya ako at nginisian.

"How did I know? I have my ways Megan," nagkibit balikat sya at lumapit sakin.

"Wala akong pakialam sa'yo! Umalis ka na nga! Doon ka na sa mga babae mo!" Tinaasan nya ako ng kilay at tumigil sa paglapit sakin.

"Mag bibreak din kayo Megan," agad nag init ang ulo ko.

Napaka pakialamero talaga nya! Nakakainis sya! I hate his guts! I hate his face! I hate his smirk! I hate everything about him! I hate him!

"Wala kang paki alam Kyle!" Tinulak ko sya pero hindi sya natinag.

"Gagawa ako ng paraan Megan," lumapit ulit sya hanggang sa isang dangkal nalang ang lapit nya sakin.

"Gagawa ako ng paraan para maghiwalay kayo,"

The Jerk's Possesion (Jerk's Series #1)Where stories live. Discover now