Chapter 10

5.9K 97 3
                                    

Chapter 10

Alyana

Napaungol ako.

Frustrated kong tinitigan ang hanggang ngayon ay blangkong canvas ko. Ilang oras palang mula ng napag desisyonan namin ang mga subjects namin. Since sa katapusan pa naman ng September ang exhibit. Kaya napag desisyonan nila na sa tatlong magkakasunod na Sabado ng September kami gagawa ng paintings. Para pagdating ng last week ng September ay may ipepresent na kami. Hindi na kami magpipinta pag Linggo, iyon na lamang kasi ang rest day namin.

Pero syempre ay di ko sinunod iyon. Bored na bored na ako at wala akong magawa. Mas mabuti nang gawin ko na ngayon. Bakit pa patatagalin kung pwede namang gawin ngayon diba? Wala talagang kwenta mag plano si Kyle kahit kaylan.

Pero mukhang hindi yata nakikisama ang utak ko dahil kahit tuldok ay waka akong maipinta!

"Ugh! What's happening to my artistic side?!" Kinatok ko ang gilid ng ulo ko. Gusto ko nang matapos 'to!

Muli kong tinitigan ang canvas. No matter what it takes! Basta ay magpipinta ako!

Akma kong ipapahid ang paint brush nang tumigil ang kamay ko sa ere. Ugh! I can't do it!

Tumayo ako at nag jacket. I need to unwind baka sakaling gumana ang artistic side ko.

Nagpaalam ako sa mayordoma namin. My both parent are lawyer. They're always busy with their hearings kaya late na sila umuuwi. I don't mind though. Binibigay naman nila lahat ng pangangailangan ko jaya wala nang kaso sakin iyon.

Lumabas ako at pumunta sa 7/11. Hindi yon kalayuan sa bahay namin. I want to drink their famous slurpee. Sakaling gumana namin tong artistic side ko.

Nasa akin na ang malamig na slurpee nang biglang bumuhos ang ulan. Fuck. Di ako handa!

Napailing nalang ako at umupo sa high stool sa gilid, kaharap nang salaming dinding. Sinimulan kong sumipsip sa straw ng aking slurpee.

"Slurpee? Tanga lang,"

Napatigil ako. Katabi ko lang ata yung nag salita. Ako ba ang kausap nya? Yumuko at tinitigan ang hawak kong slurpee.

I frowned. Mukhang ako nga!

"Pakealam mo ba kung gusto kong uminom ng slurpee? Why do you care?" Marahas kong sabi. Hindi ko sya tinitigan. Nakatingin lang ako sa unahan.

Hah! He's not worth of my attention. Kung sino man sya! He's mean!

"Sino bang kausap mo?"

Umirap ako at nilingon sya. Nanlaki ang mata ko. And so he is.

"Ikaw?!" Sabay naming sigaw.

What the! I can't believe him! I can't believe this!

At may slurpee din syang hawak. I really can't believe him!

"What the hell are you doing here Megan?! Di mo ba alam na delikadong lumabas pag gabi?" Naka kunot na tanong nya sakin.
Napakunot din ang noo ko.

I should be the one asking!

"Stalker! None of your business asshole! Di kita tatay! At anong karapatan mo na sabihan ako ng tanga? Huh?" I spat.

Grabe sya! Akala mo naman kung sinong matalino! Oh well, magaling sya sa arts pero kahit na, that is not enough!

"Ano bang pinagsasabi mo?" Napa irap ako.

"Look, Kyle. Wala akong oras para makipag usap sayo. At wala ka ring pakialam kung trip kong uminom ng slurpee kahit umuulan!" Singhal.ko sakanya. Pati ba naman sa pag inom ko ng slurpee ay pakikialaman nya pa?!

The Jerk's Possesion (Jerk's Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin