Chapter 17

3.2K 72 2
                                    

Chapter 17

Jealous

I was too stunned to even move my feet or to react. They won! Nanalo sila! And I'm going to be his pretend girlfriend for three weeks! What the hell? This can't be! Natauhan ako nang hilahin ako ni Mazzy pababa sa bleachers.

"Where are we going?" Iritang tanong ko kay Mazzy. Tumigil sya sa paglalakad at hinarap ako. Nakakunot ang noo nya at nakapameywang.

"Duh Megan! Sa clinic! Kyle is injured!" Napaawang ang bibig ko. Injured? What the hell? Hindi na nagpatumpik tumpik si Mazzy at hinila nya na ako palabas ng court.

Si Kyle ang tinutukoy nya hindi ba? Bakit sya nainjured?! Wait-- How can he be injured by the way?!

Nang marating namin ang clinic ay pumasok agad ako. Pinalibutan ng mga kateam mates ni Kyle ang isang hospital bed. Higante sila kaya hindi ko makita kung sino ang nakahiga. But I assume na si Kyle iyon! Huminga ako ng malalim bago hinawi ang mga kateam mates nya para makadaan.

"Tabi! Excuse mee!" Hiningal ako nang marating ko ang unahan. There I saw Kyle lying on the hospital bed! Naka benda ang kanang tuhod nya ngunit nakangising aso pa sya!

"Hey Meg-- aww! Aray naman!" Pinaghahampas ko sya braso. Pinagkrus nya ang braso nya para ipang shield sa mga hampas ko.

"Ang lampa mo talaga kahit kaylan, alam mo yun? Nakakainis ka!" Inipon ko ang lakas para sa huli kong hampas sakanya. Lumagapak ito at kitang kita ko ang pagpula ng braso nya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at umiwas ng tingin. Rinig ko ang pagpigil ng tawa ng mga kateam mates nya.

"Masakit Megan," seryosong saad nya. Ngumuso ako at kabado syang tinitigan. Nakataas ang kilay nya at nakanguso. Umiwas ulit ako ng tingin at lumunok. Halos magmakaawa ako na sana ay kainin na lang ako ng lupa. Tumikhim ang mga kateam mates nya at isa isang nagpaalam na sakanya.

Nanliit ang mata ko nang nahagip ng mga mata ko si Mazzy na nasa kabilang hospital bed. Nakaupo sya sa dulo noon at parang may kinakausap. Ang mga hospital bed dito ay pinaghihiwalay gamit ang kulay berdeng kurtina. Kaya hindi ko makita kung sino ang kinakausap ni Mazzy doon sa kabila.

Nakuha ulit ni Kyle ang atensyon ko nang bigla syang tumikhim. Nawala ang mga iniisip ko tungkol kay Mazzy at napalitan iyon ng hiya nang mapadapo ang tingin ko sa namumulang braso nya.

"S-sorry," humalakhak sya at tinaasan ako ng kilay. Kumunot ang noo ko at tinitigan sya ng masama. Kakaiba ang taong to! Sya lang yata ang kilala ko na nainjured pero kung makatawa at makapang asar, wagas!

"Kung wala lang masakit sayo, kanina pa kita nasaktan," inis kong sabi sakanya. Nakakainis talaga ang lalaking ito! Sana pala ay mas malala ang naging injury nya! Tsk!

"Easy. Remember our bet?" Ngumuso ako at umiwas ng tingin. How I wish na nagka amnesia nalang sya. Edi sana ay hindi na nya naalala ang 'bet' kuno namin. Sayang naman.

"Ha? Bet? Ano yun?" Nakataas kilay na tanong ko sakanya. Sinimangutan nya ako na ikinangisi ko. Ngayon ko lang sya nakitang naka simangot mula ng pumasok ako dito sa clinic. Lagi kasi syanv nakangisi kahit wala namang dahilan. Oh, I love seeing him frown. Pinitik nya ako sa noo ko. Napakurap kurap ako bago sya ginantihan ng hampas.

"Aray! Ang sadista mo! Alam mo yun?" Hinimas nya ang braso nya. Umismid ako at inirapan sya. Hindi na ako naaawa sa lalaking to! Psh. Deserve nya ang ganong hampas. Dapat nga ay mas malakas pa. Pasalamat sya at may natitira pang kabaitan sa bone marrow ko!

"Oo. Alam ko, matagal na." Umismid sya at hindi makapaniwala akong tinitigan. Tinaasan ko sya ng kilay. Tumawa sya at hinigit ang magkabilang pisngi ko. Fuck! I can't believe him! Napaka isip bata nya! Hindi nya ba alam na masakit sa pisngi ang kalokohang ginagawa nya? Urgh!

"Aray ko! Umayos ka nga! Para ka namang bata eh!" Hindi malinaw ang pagkakasabi ko noon dahil nga hawak nya ang mga pisngi ko. Kumunot ang noo ko nang pinakita nya ang kanyang kanang tenga sakin.

"Ha? Ano? May sinasabi ka ba?" Humalakhak sya at mas hinigit pa ang mga pisngi ko. Aba, aba! Hinahamon ako ng lalaking mayabang na ito ah! Hinigit ko din ang dalawang pisngi nya. Anong akala nya?! Hindi yata ako nagpapatalo!

"Aww! Sinong isip bata satin ah?!" Napatawa ako dahil sa panget ng boses nya. Panget na nga ang natural nyang boses, mas pumangit pa! Damn! How I wish I could record that voice! Haist. Sayang talaga!

"Bakit ba?! Ikaw kaya ang nauna!" Mas hinigit ko pa ang mga pisngi nya. Napasigaw naman sya kaya mas lalo akong natawa. Hah. See that, jerk? Wag mo akong hinahamon ah!

"Sige! Bibilang ako ng tatlo. Sabay nating bitawan ah?" Hirap na hirap na sabi nga. Lihim akong napangisi. Haist. Kahit kaylan talaga ay wala syang kwentang mag plano.

"Game! Sige, sige!" Tumango sya at huminga ng malalim.

"One, two." Wala pang three ay binitawan na nya ang pisngi ko. Habang ako ay nanatili ang dalawang kamay sa mga pisngi nya.

"Three!" Natatawang sabi ko! Hinawakan nya ang dalawing wrist ko at matalim akong tinitigan. Humalakhak ako at benelatan sya. Buti nga sakanya! Ang yabang nya kasi masyado eh!

"Aba! Ang duga neto! Bitaw na!" Tumawa ako at mas hinigit lang ang mga pisngi nya. Hinat na hinat na iyon. Siguro ay masakit iyon sa panga. Ha! Serves him right!

"Hm? Ha? May sinasabi ka ba?" Gaya ko sakanya. Aabutin na nya sana ang pisngi ko pero bahagya kong nilayo ang mukha ko. Matalim nya akong tinitigan. Para syang yung Anger na character doon sa isang chartoons na palabas.

"Aba--"

Napabitaw ako sa mga pisngi nya nang mahagip ng mata ko si Dave na nakatayo sa bukana ng pinto. Seryoso syang nakatitig kay Kyle. Tumikhim ako at umayos ng tayo. Saglit akong sinulyapan ni Dave bago sya lumapit kay Kyle.

"Oh? Mukhang ayos ka na ah?"

Ewan ko kung ako lang ang nakapansin na parang may bahid ng inis ang tono ng boses nya. Nilingon ko si Kyle para makita ang reaksyon nya pero bumalik na naman ito sa kakangisi.

"Yeah. Halata ba?" Humalakhak si Kyle. Tumikhim muli ako para maagaw ang atensyon nilang dalawa.

"Uh, Dave. Can we talk..." Sinulyapan ko si Kyle at nakita ko syang nakataas ang kilay sakin. "Privately." Dagdag ko. Mas lalong tumaas ang kilay ni Kyle sakin.

"Okay. Hihintayin kita sa labas." Aangal pa sana ako pero dire diretso na syang lumabas sa clinic. Pwede naman sanang sabay na kami lumabas. Nilingon ko si Kyle nang bigla syang tumikhim ng malakas. Hindi na nga parang tikhim iyon. Parang sinadya na.

"I'm injured and yet you'll leave me alone here for Dave?" Umismid ako at bagot syang tinitigan. Nakabusangot na sya na para bang batang inagawan ng candy. Napaka childish nya!

"Oh? Bakit? Ano ka bata?" Natatawa kong sabi. Suminghap sya at umiwas ng tingin sakin.

"I got injured because of you, actually. You're obliged to take care of me." Kumunot ang noo ko sakanya. At paano ko naging kasalanan ang pagka injured ng tuhod nya? Sya ang naglaro tapos ako ang may kasalanan? He's really impossible!

"Paano ko naman naging kasalanan iyon, huh?" Inis na tanong ko sakanya.

"I got injured because I want to win. Hindi para sa team kundi para sayo. Kahit na alam ko na pwedeng may mangyari pang masama sakin. I still did it. Aren't you guilty?"

Literal na napanganga ako. I lost some words to say! Sobrang speechless ako. Seriously? I mean-- is he serious? O pinag aasar nya lang ako? Yeah! Siguro nga ay nang aasar lang sya!

Tumikhim ako at suminghap.

"Uh. I'll go. B-babalik ako." Muli akong tumikhim at naglakad palayo sakanya. Nakaka ilang hakbang palang ako nang bigla syang nagsalita.

"Are you making me jealous?" Napatigil ako at mabilis syang hinarap. Me? Making him jealous? Niwala nga iyon sa isip ko! What the hell? He is so full of himself! Feeler sya ah!

"Yeah. You're making me jealous." Ulit nya. Marahan akong umiling. Iniisip nya ba na may gusto din ako sakanya? No way!

"Don't you ever make me jealous again Megan. It's making me sick."

My jaw literally drop.

The Jerk's Possesion (Jerk's Series #1)Where stories live. Discover now