Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)

By runesaito

32.1K 694 66

Ano ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang... More

Pagpapakilala
Unang pagkilala
Sinehan
Bahay ni Jestoni Alcala
Tunay kong pamilya
First day with Nathan Jonnes
Ang CD ni Jes? It's a TRAP
Ang Sandwitch
Sing for Him
Confessions
Si Nathan
Di na mababawi
Chapter 11 & 12
Love or Lust
Ang nararmdaman ng magkapatid
Pag-amin sa kaganapan
White Deer
Future Holds (Blue Tear Gem)
Bakit ako pa? (Nephrite)
paghaharap
Chapter 21 & 22
You're Trying too Hard
Pagka-awa
One place three cases
Ang muling pagkikita
Maghihintay Ako
Another Hatid-Sundo 01
Another Hatid-Sund 02
Kakaibang Pakiramdam
Pagbabalik ng Ala-ala
Si Jerwin at ang kanyang nakaraan
Kami lamang ngayon(till it happened to you)
Elo
Pampublikong Tren
Walang Kwentang Palabas (Paalam Mafia)
Ang Alamat at si Mico
Bakit pa?
Nathan Sees
3 Years Ago
General Fiction
Ang taong iyong Sandigan
This Ending

Bahay ng Pusa

114 6 0
By runesaito


Hatid-Sundo (2015)

-Bahay ng Pusa

Alien's PoV

Tumatakbo ako papunta sa bahay nina Jestoni at Jerwin Alcala. Wala na ang aking mga luha ngunit narito pa rin ang sakit na unti-unting napapalitan ng galit. Naiinis ako sa pangyayari, bakit ba kasi dapat ako pa ang mapaglaruan ng ganito. Habang iniisip ko ang nangyari sa buhay ko simula ng makilala ko siya ay nakikita ko ng malinaw kung bakit niya ginawa ang lahat ng palabas na ito sa akin.

Limang taon pa lamang ako ng makilala ko si Jerwin sa isang lumang bahay na mukhang hunted house ngunit maraming mga pusa roon.

----------

"Umuulan pa, kailan kaya ito titigl?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana ng bahay na ito.

Malaki ang bahay at halatang hindi na tapos dahil ding-ding at bubong pa lamang ang naitatayo nila pero hindi na tinapos pa.

Medyo malamig ang araw na ito dahil sa pag-ulan pero mainit ang pakiramdam ko dahil sa mga katabi ko ngayon habang nakatanaw ako sa bintana ng bahay.

Patuloy akong nakatingin sa pumapatak na ulan mula sa bubong ng bahay na ito ng makarinig ako ng mga yapak at nagsipag-gawa ng tunog ang mga katabi kong pusa na animo'y nagagalit sa dumarating. Napatayo ako't napaatras dahil doon, nagawa namang pumunta sa harapan ko ng labinlimang pusa at ang natitirang maliit na apat ay katabi ko sa likuran. Pakiramdam ko'y protektado na ako ng sandaling iyon at lahat kami'y nagulat ng isang bata ring kasing edad ko ang pumasok mula sa pintuang wala namang pinto suot ang kaniyang polong puti na asul ang kuwelyo, simpleng asul na shorts na maong at isang mamahaling rubber na sapatos.

Napahawak ako sa dibdib ko ng makita ko itong basang-basa sa ulan at kaunting sinag lang ng liwanag ang nagpapakita ng kaniyang mukha sa akin. Ilang sandali pa ay napatingin siya sa dereksyon ko at nagawang ngumiti. Ngumiti rin naman ako pero agad ko iyong binawi at tumingin sa mga pusang kasama ko. May kaunting hiya akong naramdaman dahil hindi naman prinsentable ang kasuotan ko ngayon di tulad sa mga sinusuot ko sa mansyon na pinagtatrabahuhan ng aking ina.

Kita pa rin ang galit sa mga mas nakakatandang pusa at wala pa rin namang alam na gawin ang mga katabi kong mas batang pusa. Ilang sandali pa'y lumapit ang bata sa amin at bago pa siya kalmutin ng mga pusa ay naglabas siya ng isang supot ng biskwit at binigyan silang lahat. Namangha ako sa ngiting hindi naman para sa akin kundi sa kasiyahan ng pagpapakain ng mga pusa. Ilang sandali pa'y naroon na ang lahat ng labing siyam na pusa at kumakain. Sapat lamang ang isang malaking supot na iyon ng biskwit para sa kanilang lahat at nagpapasalamat na ako at may isang tulad niyang gumagawa ng mabuti para sa mga hayop.

"Hi, do you speak english?" tanong ng bata sa akin ng mapansin niya akong kanina pa nakatitig. "Do you want some of it? I have cookies here, it's chocolate so we can't feed it to them. If you want I can share it with you."

Napangiti na lang ako doon at napatango. Ilang sandali pa ang nakalipas at nakahilig na kami sa sementadong dingding at unti-unti kaming pinaligiran ng mga pusa habang inaantok na sila't kami naman ay nagsimula ng kainin ang mga cookies na dala niya. Hindi naman ito marami pero sapat na para mawala ang gutom ko.

"Did you escape? Did someone kidnapped you? I don't know where you are from but my parents can help us find your parents. It's not good strolling around here in the Philippines with that cute face of yours." Di ko maintindihan kung bakit niya ito sinasabi sa akin kaya naman sinagot ko siya ng may ngiti sa labi.

"I'm not kidnapped or something like that. I just want to leave my home for a while because my father left my mother and I, and now we are having a great trouble in my mother friend's household where she apply as a maid; and I can speak Filipino, by the way. Thank you."

Hindi mapakaling ngiti ang naibigay niya sa akin at kumamot lamang siya sa kaniyang ulo.

"Ang galing naman pala. Mukha kang taga ibang bansa pero marunong ka ng wikang ito?" tinanong niya iyon sa akin saka niya pinunasan ang labi ko na nagkaroon ng kaunting tsokolate dahil sa cookies na ibinigay niya.

Tiningnan ko siya sandali hanggang dilaan niya ang hinlalaki niyang iyon para ubusin ang tsokolate. Habang ako nama'y kinuha ang daliri niyang iyon at hindi nagpadaig dahil gusto ko rin ng tsokolate. Napakurap siya sa ginawa ko at parang nagtaka kaya naman nagsalita na ako.

"Gusto ko ng tsokolate." Panimula ko at hindi naman siya makapagsalita dahil hawak ko pa rin sa labi ko ang daliri niya't kinukuha ang tsokolate doon. Lasa ring tsokolate ang kamay niya kahit pa wala ng natitirang tsokolate doon. Nang matapos ako'y saka ko sinagot ang huling mga sinabi niya. "Dito ako ipinanganak at tinuruan ng aking ina, ang sabi niya dalwang taon lang akong nakita ng aking ama at iniwan na niya kami. Tatlong taon ring nagtrabaho si mama Anna sa iba't-ibang kaibigan niya hanggang sa narito na kami, sa lugar nina Mrs. De Mesa."

Dinilaan ko na rin na parang pusa ang mga daliri ko saka ako nagwika ng pagpapasalamat sa kaniya at tumango naman siya doon.

"Totoo nga ang hinala kong cute ka." Pahayag niya na ikinatingin ko sa kaniya.

"Bakit naman?" ganti kong tanong na ikinatawa niya ng kaunti.

"Hindi ka ba nag-aalala na isa akong lalaki?"

"Dapat ba? Isa pa bata ka lang ding tulad ko kaya wala kang magagawang masama sa akin. Sa payat mo ring iyan mas matatalo kita sa takbuhan. At kung susubukan mo naman akong saktan, marami akong putik na maitatapon sa mata mo kaya matatalo pa rin kita."

"Bakit mo sinabi sa akin ang strategy mo? Edi matatalo na kita niyan dahil alam ko na ang mga gagawin mo." Natatawa siya ng sandaling iyon pero hindi pa rin ako nagpatalo.

"HA! Ako kaya si Zenki. Sa kapangyarihan ng mga bituwin magagawa kitang talunin." Mapanghamon ko siyang tiningnan at tumayo pa ako sa kaniyang harapan.

"Zenki? Talaga? Nanunod ka noon?"

"Oo naman. Boy, kung alam mo lang kung gaano siya kalaki kapag tumatanda siya at kahit pa maliit siya kaya niya pa ring maging malakas para ipagtanggol ang babaeng nagpapalaki sa kaniya. Ako naman, ipagtatanggol ko si mama Anna sa lahat ng pagkakataon lalo na kung si papa ang masamang tao na iyon."

Inilihis ko ang tingin ko ng maalala kong si papa ang kinaiinisan ko at siya rin ang dahilan kaya ako tumakbo mula sa mansyon papunta rito. Dumating kasi siya kasama ang isang magandang babae na mahaba ang buhok. Narinig kong tinawag ni mama na asawa ni papa ang babaeng iyon na nakasuot ng panlalaking kasuotan. At dahil may mga alam ako sa mga bagay-bagay naintindihan kong hindi ako prayoridad ni papa dahil may asawa siya. Pangalwang pamilya lang niya kami ni mama at nasasaktan ako't naiinis sa mga kaganapang nangyari sa aming buhay na dapat ay kasiyahan lamang dahil bata pa ako, matatanda na sila at kailangan ko ng gabay ng isang ama at ina. Subalit kahit anong hiling ko, hindi ko na makukuha pa.

"Ganoon ba? Wala naman akong kilalang Zenki na gulagulanit ang damit. Mas astig pa rin naman ang mga power rangers kesa kay Zenki, pare." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Oh boy, umaasta kang matanda kahit pa bata ka pa. Sige ka magiging kalaban ka ng Magic Knights Reyearth." Biro ko kaya tumawa siya ng mas matindi.

"Pambabae 'yon ah! Bakit pinapanuod mo!"

"Hindi porket mga babae ang bida, pambabae na." Natigil siya sa kaniyang pagtawa dahil sa sinabi ko. Parang inisip niyang mabuti ang mga sinabi ko't may kung ano akong nagawa sa kaniya ng sandaling iyon. "Kung papapiliin nga ako, mas gusto ko pang naroon sa mundo nila. Sa mundong puno ng aksyon at labanan. Magagawa ko pang ipagtanggol ang aking ina sa bruhang asawa ni papa at maipagtatanggol ko si James sa lahat ng oras."

"Sino naman si James?" hindi ako nakatingin sa mukha ng batang nasa harapan ko kaya hindi ko alam ang reaksyon niya ng sabihin niya iyon.

"Mas bata sa akin ng isang taon. Moody, tampuhin at gustong makuha ang mga bagay na wala siya pero kahit ganoon para siyang kuting na naghahanap lang ng atensyon. Gusto ko siyang protektahan sa abot ng makakaya ko bilang tulong na rin sa pagpapatuloy sa amin ni Mrs. De Mesa sa kanilang tahanan."

Humakbang ako papalapit sa isa sa mga bintana. Umaambon na lamang at nagliliwanag na. Nakahilig pa rin ang kausap kong bata sa dingding at katabi ang mga nilalamig na pusa habang ako'y sa kalangitan lamang nakatingin.

"Kung magagawa kong mundo ng anime ang mundong ito magiging magkaibigan na ba tayo?"

Nagtaka ako doon sandali pero napatawa't napangiti rin sabay sa pagsikat ng araw mula sa nahawing ulap ay tumingin ako sa kaniya. Nasisikatan na kami ngayon ng araw at kita kong cute din naman pala talaga siya.

"Kung magagawa mo iyon, papayag akong ikaw ang isa mga babaeng ipagtatanggol ko." Bahagya ko pang ipinalo ang kamao ko sa aking dibdib bilang patunay.

"Hindi ako babae pero pwede na rin basta ba't ikaw lang ang kaibigang lalaking magtatanggol din sa akin." tumayo siya't lumapit sa akin. "Gagawin ko ang lahat para matupad ang iyong pangarap."

"Oo. Salamat."

----------

Ngumiti ako matapos ng usapan naming iyon at nagkataong sinundo na naman siya ng mga body guards niya at sinundo na rin ako ng aking ina.

Mula noon, nagkikita na kami sa bahay ng mga pusa at nagkukwentuhan. Hindi rin nagtagal at nakalimutan ko ang mga pangakong aming binitawan.

Iyon pala ang una naming pangako sa isa't-isa. Hindi ang pangakong hindi ko siya iiwan hanggang kamatayan.

"Oh boy. Ang tanga ko." Napahinto ako sa pagtakbo at nasa harapan na ako ngayon ng bahay ng mga Alcala. Nakita ako ng gwardya't agad akong pinatuloy subalit hindi ko nagawa.

Tumalikod na lamang ako't humakbang palayo pero may tumawag sa akin.

"Wait! You're him! Mr. McGeorge from Scothland, Seiji's tomodachi, I mean friend." Nilingon ko ang nagsalita at napakurap ako dahil parang kilala ko ang silver nitong buhok at ang kakaibang ngiti sa kaniyang mukha. "Ako ito si Kath, Katherine Tachibana. Ipinakilala na ako ni Seiji sa'yo doon sa school tanda mo pa?"

Inisip kong mabuti kung nakita ko na nga siya at ng maalala ko na'y tumango ako't kinuha ang kamay niya para makipagkilala.

"Oo tama. Noel Jhon McGeorge nga pala." Sabi ko at tumingin sa mansyon ng mga Alcala.

Napansin iyon ni Kath at nagsalita siya, "Wala daw si Seiji eh. Bawat linggo daw pumupunta ito sa isang lugar na tanging siya ang nakaka-alam. Ang weirdo niya talaga pero mabuti siya." Dama ko ang accent niya ng pagiging isang hapones.

Cute din siya sa depenisyon ko ng mga cute at gwapo.

Kakaiba siyang manamit siguro dahil isa rin siya sa mga mayayaman sa kanilang bansa at kahit saang angulo ko tingnan kaaya-aya siya sa lahat ng bagay na aking nalalaman. Makinis ang kaniyang balat, maputi rin na halatang nabilad lamang sa araw kaya medyo umitim at pormadong cool boy ang dating niya suot ang mga stripes shirt na black 'n white, converse na sapatos, coat sa ibabaw ng shirt na para bang hindi siya naiinitan at isang maong pants na sira ang sa may tuhod at pinapakita doon kung gaano siya kaputi noong hindi pa siya naarawan.

"Mukhang alam ko kung nasaan siya." Sabi ko matapos ko siyang kilatisin.

"Talaga? Puwede bang sumama? Ibibigay ko kasi itong naiwang damit niya sa bahay ko." Napakurap ako doon kaya agad niyang binawi ang sinabi niya. "Hoy ha. Wala kaming relasyon, iisang tao lang naman kasi ang tinititigan niya pamula noong bata pa kami. Baliw niya pati kasi hindi niya maipaglaban ang pag-ibig niyang iyon at saka itong damit na ito, pinili ko para ibigay niya doon sa mahal niya para bang couple T-shirt uso naman iyon dito sa Pilipinas hindi ba?" para siyang kinikilig na kiti-kita.

Halata ko sa galaw niya na pinilit lang niyang magpakalambot para sa kapakanan ko. Alam din siguro niya na ako ang sinasabi niyang mahal ni Jerwin pero pinili na lang niyang huwag parating na ako talaga iyon para sa mysterious effect. Nakakatuwa din naman itong kaibigan ni Jerwin mula sa Japan at mukhang sa paglipas ng panahon magiging kaibigan ko rin siya ng walang kahirap-hirap.

"Tara na?" tanong ko na lang saka naglakad palayo sa lugar na iyon pero huminto rin ako. "Ayos lang bang maglakad tayo?" tanong ko ulit na hindi na niya sinagot sa halip ay naunang maglakad sa akin.

Wala ng nagsalita sa amin hanggang makarating kami sa bahay ng mga pusa at tulad ng inaasahan ko, may pinto at bintana ang buong lugar ngunit nabigla ako ng makita roon si Jerwin na nagpapakain ng mga pusa tulad noong mga bata pa kami.

Marami ring mga pusang narito at mga halaman, puno at iba pang kasangkapang pupwedeng paglaruan ng mga pusa. May mataas na ring bakal na harang sa paligid at maganda ang pagkakapintura ng mga pusa. Sa gilid ng etrada ay may nakasulat.

Bahay ng mga Pusa.

Napahawak ako sa aking labi habang dumeretsyo naman si Kath palapit kay Jerwin. Pinanuod ko sila mula sa gilid ng gate at nagtago ako. Hinawakan ni Kath ang balikat ng nakatalikod na si Jerwin.

"Pusa! Paano ka napunta dito?" tanong ni Jerwin.

"Ah, sinamahan ako ni..." tumingin siya sa gate pero wala na ako roon dahil nagtago na ako ng tuluyan. "... never mind. I was here to give you this shirt. You're giving it to him, ne?"

"Ah oo. Wala lang akong lakas ng loob ngayon. Ayaw niya sa akin at tingin ko mas makakabuti kung ikaw na lang ang papakaslan ko." Nakarinig na lang ako ng malakas na lagatok. Siguro'y nasapok siya ng kaibigan niyang si Kath dahil sa biro nito.

"Baliw ka." Sabi nito at kung tama ang pagkakaintidi ko sa mga sunod niyang sinabi sa Japanese, isang tao lang daw ang papakasalan niya at si Sir Matt iyon.

Natawa ako ng kaunti doon dahil kung tama nga ang sinabi niya mukhang mapagtitripan siya ni Miss V dahil sa ka-kyutan niyang iyon.

"Kung masasaktan ka sa kaniya, ako na lang ha. Nasasaktan na kasi ako ngayon pa lang."

Napabaling ako ng tingin sa kanan kong balikat kasabay ng buntong hininga. Hindi ko naisip na pupwedeng masaktan ako ng ganito dahil sa kaniya. Gusto kong ibalik ang dati pero nakakapamura lang dahil siya ang dahilan ng sakit sa puso ko. Siya ang dahilan kung bakit nasasaktan ako sa pagmamahal ko kay Ryan.

Nakakabobo lang! Oh boy! Walang kwenta ang lahat kung palabas lamang ang naging pagmamahalan namin ni Ryan. Ako at siya lamang dapat. Wala ng iba. Walang mananakit. Walang ibang sankot.

Napatalon na lang ako dahil may tatlong pusang umaligid sa aking binti.

"Ay PUSA!" sigaw ko saka ako nagtatakbo palayo.

Narinig ko pang sumigaw si Jerwin pero nakaliko na ako't hindi na niya ako napigilan pa.

Sa huli hindi naman ako nakapagbuhos ng galit kay Jerwin.

Umuwi na lang ako sa parke at nanatili doon hanggang tuluyang mag-gabi. Wala naman kasi akong mapagkakatiwalaan kundi ang sarili ko lamang. Wala ng magmamahal sa akin dahil sangkot silang lahat sa kalokohang ito.

Continue Reading

You'll Also Like

46.2K 1.4K 43
This is a BL Story Para kay Greg, ang bangungot ng kanyang nakaraan ang siyang naging dahilan para isarado niya ang kanyang puso. Puso na ngayo'y nat...
135K 4.6K 48
Isang baklang Ilokano at isang lalaking Antipatiko, magkakasundo ba sila?, o baka may iba pang mangyayari sa kanila?
4K 89 70
I don't understand why I've fallen for this creature. Para siyang lalaki na natrap sa katawan ng babae. She's also an eating machine kaya babaeng moj...
29.9K 345 1
Paano kung humantong ang lahat sa katapusan, handa ka bang harapin ang mga ito?
Wattpad App - Unlock exclusive features