Unexpected

By ohpurplerain

75.4K 1.1K 334

Walang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero... More

Prologue
Chapter 1*
Chapter 2*
Chapter 3*
Chapter 4*
Chapter 5*
Chapter 6*
Chapter 7*
Chapter 8*
Chapter 9*
Chapter 10*
Chapter 11*
Chapter 12*
Chapter 13*
Chapter 14*
Chapter 15*
Chapter 16*
Chapter 17.1*
Chapter 17.2*
Chapter 18*
Chapter 19.1*
Chapter 20*
Chapter 21.1*
Chapter 21.2*
Chapter 22*
Chapter 23*
Chapter 24*
Chapter 25*
Part 2*
Chapter 26*
Chapter 27*
Chapter 28*
Chapter 29*
Chapter 30*
Chapter 31*
Chapter 32*
Chapter 33*
Chapter 34*
Chapter 35*
Chapter 36*
Chapter 37 ~ The Unexpected Ending

Chapter 19.2*

1.4K 33 7
By ohpurplerain

Chapter 19.2 ~ 

 

Renzo's POV

 

"RENZO!"

Napalingon ako nang marinig ko ang pangalan ko. Nagulat ako nang makita si Yoanna. Anong ginagawa niya rito?

Si Yoanna ang babaeng tinutukoy ko, na dahilan kung bakit ako umalis ng bahay noong isang gabi. She flew all the way from States at dumaretso sa school para makita raw ako. Sumunod nga siya sa akin hanggang sa bahay kahit pinagtatabuyan ko siya. At ang ginawa ko, tumakas ako at tinaguan siya for that night para lang umalis na siya ng kusa sa bahay namin. And I made it! Umalis naman nga siya sa bahay ko dahil alam kong hahanapin niya ako. But now that the class has resumed, nandito na naman siya sa school para manggulo!

"Teka lang Jelynne ha." bulong ko kay Jelynne nang bitawan ko siya at hinarap si Yoanna. Kinaladkad ko siya palabas ng gym at nang makarating kami sa may covered ko ay inihagis ko agad ang braso niya.

"Aww, that hurts!"  pag-iinarte niya.

"Gusto mo bang saktan pa kita para lang umalis ka na?" nangangalit na tanong ko sa kanya. 

"Of course, you wouldn't do that."  lumapit siya sa akin at tiningnan ako ng malagkit. "I'm still your little sister, don't you remember? You can't afford to hurt me!"  an evil smile appeared on her lips.

"You're not that kid I used to know, Yoanna. Aminin na natin nagbago na ang lahat. And besides, you're the one who told me that you're not my little sister anymore!"

Napahalakhak naman siya. "I didn't know, you still remember that."

"Of course, I do!"  at inalis ko ang kamay niya na pumulupot sa leeg ko. "Stop this act, Yoanna. I know you're here just to pursue our engagement!"

"Haha! Ikaw naman. Hindi ba pwedeng na-miss lang kita kaya ako pumunta rito? Preparing our engagement is a long process. Pinag-iisipan ko pa nga kung itutuloy ko iyon eh!"  nang-aasar na sabi niya.

"Then drop that plan!"

"Relax, Renz. If that's what you want, then okay. Pwede pa rin naman tayong makasal eh kahit walang engagement. That would be better thou. Hahaha!"  nayukom ko naman ang palad ko nang marinig iyon.

"I'm just waiting for my 18th birthday at pwedeng pwede nang matuloy ang kasal natin!" tuwang tuwang sabi pa niya sa akin.

"You feel really determined, huh?"  I said sarcastically.

"As always, just for you Renz."  then she smiled again on me, a sheepish smile.

"Then good luck!"

"I always have a good luck." at inayos nito ang buhok niya. "You should be the one asking for good luck, you'll never know that this would be the last time you can flirt with other girls. Because sooner or later, you will be mine." 

"Don't you ever say that!"  I warned her but she just gave me an evil smile. She just disappeared before I could notice.

I never knew that my little sister would turn out to be my biggest enemy.

I'm only months older than her. We've been close ever since we were kids, we used be playmates, and I can even say that we're more like of a true brother/sister. Business partners kasi ang daddy namin at pag nagkakaroon ng business gatherings ay madalas nagkakasama kami.

We went on the same school from prep to elementary kaya masasabi kong sobrang malapit na talaga kami. But things had changed when we decided to fly back to Philippines. It was my mom's wish, to go back to the place where she was born bago siya pumanaw. And of course, we all want mom's happiness.

But Yoanna didn't understand the circumstances. She doesn't want me to leave.. Pinipilit niya akong wag na sumama sa magulang ko dahil hindi raw niya kakayanin pag nawala ako! Anong klaseng pag-iisip naman 'yon? Uunahin ko pa ba siya kaysa sa magulang ko?

At doon lang lumabas ang totoo niyang pagkatao, ang totoo niyang nararamdaman na sa akin which all I knew is just a brotherhood or love as a sibling, but I was wrong.

It wasn't my plan to gave her some false hope. Habang lumalaki kami, hindi ko napapansin na iba na pala ang nagiging tingin niya sa akin. Iniisip niya na kaya ko ginagawa lahat ng pag-aarugang iyon ay dahil sa mahal ko siya. Oo- mahal ko siya bilang isang kapatid. Hanggang dun lang yun.

Bago kami umalis ay nagkaroon kami ng pagtatalo.

"I will do anything to have you."  ito ang huli niyang sabi sa akin. Sinabi niyang pupunta siya ng London para mag-high school at pagkatapos ay noon ay babalik siya -- babalikan niya ako.

Nawala na lahat nang 'yon dahil sa nangyari kay Mama. Namuhay ako dito sa Pilipinas na hindi man lang sumasagi sa isipan na minsang naging kaibigan o kapitad ko siya. Natutunan ko na siguro siyang kalimutan dahil hindi ko naman siya naging totoong sandigan. Siya pa itong nagsabi sa akin na huwag na akong umalis kahit alam niyang malubha na ang magulang ko. Napakasama niya!

Ngayon, nagbalik siya. Sinisigurado kong hindi niya makukuha ang gusto niya!

Jelynne's POV

My heart is now falling into pieces.  Chos.

Ang saya-saya namin ni Renzo kanina. Para kaming mga bata na naghahabulan sa playground, walang pakialam sa mundo at mga taong makakakita sa amin -- parang pagmamay-ari namin ang mundo.

At biglang nawasak ang mundo namin nang dumating ang kontrabida. Nakakainis! Isang tawag lang niya sa pangalan ni Renzo ay agad akong binitawan ni Renzo at iniwan sa gitna ng gym.

Nasaan na kaya sila? Ano nang ginagawa nila? 

 "Maawa ka naman sa colored paper!" natauhan ako nang biglang nagsalita si Dinno. Noong umalis kasi si Renzo ay bumalik na ulit ako sa trabaho at tinulungan ulit ako ni Dinno.

"Ay sorry! Uulitin ko na lang!"  kahit ako ay hindi ko rin alam kung bakit nagkapira-piraso ang ginugupit kong colored paper.

"May nangyari ba?" tanong niya sa akin.

Umiling lang ako at saka pinagpatuloy ang pagugupit.

Mga ilang minuto pa ay wala pa rin si Renzo. Umalis na ba siya kasama ang babaeng iyon? Hindi ko mapigilang hindi mag-isip tungkol sa kanila.

"Tapos na tayo Jelynne!"  masiglang saad sa akin ni Dinno. Ngumiti lang ako at saka sinimulang magligpit ng mga kalat namin.

"Tulungan na kita."  alok ulit niya sa akin. Sinabi kong kaya ko na naman pero mukhang mapilit siya.

"Sinabi nang kaya ko naman eh!"  bigla na lang akong nagburst-out. Hindi ko iyon sinasadya! Hindi ko sinasadya na sigawan siya, mainit lang talaga ang ulo ko ngayon.

 "Sorry."

Napayuko na lang ako at tumakbo palabas ng gym habang dala-dala ang mga basura na nawalis ko. Sa likod ako lumabas dahil alam kong nadoon ang mga basurahan. Doon rin ang daan papuntang covered court down to the gate 3.

Nang makalabas ako ay nakita ko naman agad ang basurahan. Ibinaba ko muna ang hawak kong dustpan. Bubuksan ko na sana ang basurahan kaso may biglang nag angat nito.

Si Renzo.

"Oh, tapos na pala kayo mag-usap ng girlfriend mo?" napaka-cold na sabi ko sa kanya.

"Pwede ba, hindi ko iyon girlfriend!"  naiinis na sagot niya.

 "Ah, talaga."  sarkastiko kong sagot at saka itinapon ang mga basura at balak nang bumalik sa loob ng gym

.

"Teka, galit ka ba dahil di ka nakaganti kanina?"  nang-aasar na tanong niya. "O dahil nagseselos ka?"

Inirapan ko lang siya. The reason could be both!

"T-teka lang naman."  hinawakan nya ang kamay ko nang aalis na sana ako. Napatigil ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin at hindi ko alam kung ngingiti rin ba ako dahil sa inis na nararamdaman ko.

Tiningnan ko sya na parang tinatanong kung ano pang kailangan nya.

"Iwan mo muna yan, sumama ka muna sa akin. "  Hindi pa ako pumapayag, hinila kaagad nya ako.

"Renzo,Ano ba?! Nakakaladkad mo na ako eh."  nagtitinginan na ang mga tao sa amin pero parang wala siyang pakialam.

"Uminit lang din ang ulo ko. Gusto kong magpalamig."  ang sabi niya sa akin nang tumigil kami sa Ice cream station.

Umorder siya ng dalawang vanilla icecream with chocolate syrup at ibinigay ang isa sa akin.

"Ano to?" tanong ko sa kanya.

"Ice cream."  obvious na sagot niya.

Umikot lang ang mata ko. "Alam kong ice cream ito, ang ibig kong sabihin, para saan?"

"Para sa'yo. "  

Okay. Wala talagang mararating ang pakikipag-usap ko sa kanya. Umupo na lang ako sa may upuan at doon sinimulan ang pagkain ng ice cream.

"Alam mo bang ang ice cream ay nagtataglay ng amino acid tryptophan?"

"Amino Acid?"  tanong ko sa kanya na habang patuloy sa pagkain ng ice cream.

"Tryptophan!"  he corrected me.  "May sedative effect yan sa utak natin" dugtong niya.

"Sedative effect?"   Okay. Inuulit ko lang ang sinasabi nya.

"Hindi mo alam?"  parang nang-aasar na tanong niya.

"Eh ano ba yun?"  kunwari interesado ako pero mas interesado ako sa pagkain ng ice cream.

"Sedative, ibigsabihin, nakakapagpakalma sa tao. Nakakabawas stress."

"Hindi ko na inaalam yan. Basta masarap ang ice cream!"  at patuloy lang ako sa pagdila sa ice cream ko.

Narinig ko siyang tumawa. "Oh di ba, effective?"

I just gave him a sarcastic smile pero ginantihan lang niya ako nang matalim na tingin.

"O di, thank you sa'yo!"  palagi na lang kasi siya nag-iintay ng thank you sa tuwing may gagawin siyang maganda sa akin kahit sa totoo lang ay hindi ko naman iyon hinihingi sa kanya. =___=

Ngumiti naman siya pagkatapos niya marinig ang gusto niyang marinig.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 56.6K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
27.3M 696K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]