Unexpected

By ohpurplerain

75.4K 1.1K 334

Walang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero... More

Prologue
Chapter 1*
Chapter 2*
Chapter 3*
Chapter 4*
Chapter 5*
Chapter 6*
Chapter 7*
Chapter 8*
Chapter 9*
Chapter 10*
Chapter 11*
Chapter 12*
Chapter 13*
Chapter 14*
Chapter 15*
Chapter 16*
Chapter 17.1*
Chapter 17.2*
Chapter 19.1*
Chapter 19.2*
Chapter 20*
Chapter 21.1*
Chapter 21.2*
Chapter 22*
Chapter 23*
Chapter 24*
Chapter 25*
Part 2*
Chapter 26*
Chapter 27*
Chapter 28*
Chapter 29*
Chapter 30*
Chapter 31*
Chapter 32*
Chapter 33*
Chapter 34*
Chapter 35*
Chapter 36*
Chapter 37 ~ The Unexpected Ending

Chapter 18*

1.4K 26 4
By ohpurplerain

Chapter 18 ~

Nakauwi na kami ng bahay, hindi pa rin maalis ang ngiti ko. Ganito ba talaga ang feeling nang matuto mag-bike? O baka may ibang dahilan?

Nasa baba si Renzo at tinutulungang magluto ng sinigang si Lola. Hindi ko alam na mahilig pala siyang gumawa ng mga gawaing bahay. Una, naghuhugas siya ng pinggan. Ngayon naman, nagluluto. Napangiti na naman ako.

Habang abala ang akala mo'y totoong "mag-Lola", eto ako at nagliligpit ng gamit. Hindi ako nakapagligpit kanina paggising ko eh.

Habang naglilinis, nakita ko ang dati kong notebook. Yung notebook ko na walang kwenta. Hahaha. Puro scratch, doodle, pirma ko at kung anu-ano pang matripan kong ilagay. Kumbaga, ito yung notebook na ginagamit ko kapag sobrang bored ako sa klase. O di ba, ako lang ang may ganyang notebook. Haha. Binuklat ko, unang tumambad sa akin ay ..

Bakit ayaw kong ma-inlove.  

 

1. Study first.

2. Bilin sa akin ni mama ang no. 1 kaya kailangang sundin. Bawal ko siyang biguin.

3. Magiging tampulan lang ako ng tukso ni Kaysha. Ipapamukha niya lang sa akin ang palagi kong sinasabi na "study first."

4. Pag may love life, umasa kang maraming aaligid na tsismosa sa'yo.

5. Ayaw kong masaktan. Ayaw kong maranasan ang nangyari kay Mama na sinaktan at niloko lang ng lalaki.

 

 

Napangiti na lang ako. Ang daming rason para hindi ma-inlove pero ang kinalabasan, na-inlove pa rin. Buhay nga naman este- puso nga naman. Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito.

Napakanta ka no? Haha!

Wala na nga siguro akong magagawa kundi sundin ang nararamdaman ko. Tanggap ko na naman eh, na gusto ko na nga si Renzo. Pero kaya ko bang panindigan ito? Paano kung hindi naman talaga ako ang gusto niya? Kakayanin ko ba?

Itinago ko na sa drawer ang aking notebook at nagpatuloy sa paglilinis. Nang mabuksan ko naman ang aking cabinet, nakita ko ang gitara ko. Napangiti ako nang makitang buhay pa pala ito. Hihi.

Isa rin ito sa mga frustrations ko. Kung may alam man akong tugtugin, Hawak Kamay lang ni Yeng. Bukod kasi sa basic chords lang ito, paulit-ulit pa. Umupo ako sa kama at sinubukan kong tanda ko pa ba ito.

*STRUM*

 

"Magaling ka pala mag gitara?" napalingon ako nang makitang nakasilip na pala sa may pinto si Renzo. Isang strum pa lang nga ang nagagawa ko, magaling na agad?

Tumayo ako at ibabalik na sa lalagyan ang gitara ko.

"Teka, tapos ka na ba?"

Tumango lang ako at ipapasok na sa loob ang gitara nang bigla itong lumapit sa akin at inagaw ito sa akin.

"Ang ganda ng gitara mo."  sabi niya at umupo ito sa kama ko. "Pa-testing ha."

 (A/N: Play the video on the right side )

 

Hindi ko alam kung anong tinutugtog nya. Pero I can’t deny na magaling syang mag gitara. Hindi ko sinabi na magaling sya dahil basic chords lang naman alam ko. At hindi ko rin sinabi na magaling sya kasi "Hawak Kamay" lang yung alam kong tugtugin at pahirapan pa akong maglipat ng chords.

Sinabi kong magaling syang mag gitara kasi magaling talaga sya. He’s way better sa mga gitaristang nakilala ko na nagpeperform sa mga events na napuntahan ko.

 *LYRICS HERE*

 Heto na naman

Sulyap ng 'yong mata

Na nagsasabing, ika'y nag-iisa

Pinilit kong sabihin

Ngunit di ko magawa

Na magsabing gusto kita

Tuwing makikita ka

Ang damdamin ay hindi mapigilan

Mas nagulat ako nang kumanta na siya. Mahina lang ang boses nya na para bang bumubulong lang sa hangin pero maganda at napaka-sexy ng boses niya.

Noong una, nagulat ako ng malaman kong dancer sya sa school. Tapos kahapon, BMX rider pala sya. Tapos ngayon, magaling syang maggitara, at kumanta! Mayroon pa ba akong hindi alam sa kanya?

Kung anong kinawalang talent ko ay kinabongga naman ng talent nya. Siya na talaga!

May nagmamahal naba sayo?

Kung wala'y ako nalang

Lahat ibibigay sayo

Na walang alinlangan

Sana'y bigyan naman ng pansin

Ang puso kong ito

Kaya tanong ko lang

Kung may nagmamahal naba?

Sana'y ako nalang

Nang kantahin niya ang chorus ay para biglang may tumusok sa puso ko. Parang tinamaan ako. Para ba sa akin ang kanta niya? Ito ba ang gusto nyang sabihin sa akin? 

May nagmamahal na ba sayo? Kung wala’y ako na lang?

Wala pang nagmamahal sa akin Renzo. Pwedeng ikaw na lang?

Pero ang totoong tanong dito, mahal pa rin kaya niya si Kaysha?

Sana hindi na. Sana ako na lang.

 

Nadismaya naman ako nang bigla niyang bitawan ang gitara. "Ang ganda ng tunog ng gitara mo. Bago ito?"

"Uhm, last year lang 'yan. Padala sa'akin ng Ninang ako."

"Nice."  at ngumiti siya sa akin. "Tara na, kain na tayo. Luto na ang sinigang!"

Nagulat ako nang ihila ako ni Renzo nang upuan at agad na pinaupo. Kagulat-gulat din na ipinaghain pa niya ako at ibinigay ang pinakamalaking karne.

"Ako ang nagluto niyan!"  pagmamalaki niya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay at napatingin kay Lola na parang gusto kong sabihin na, totoo ba ang sinasabi ng mokong na'to?

"Siya ang nagpresenta na magluto. Ako na nga lang ang naghiwa ng mga kamatis dahil hindi talaga ako mapakali pag walang ginagawa."  lumapit siya kay Renzo at ginulo ang buhok nito. "Ginugulat talaga ako ng batang ito."

Napailing na lang ako. Ang sweet ng mag-Lola!

"Hindi niyo ba ako sasabayan?"  tanong ko sa kanila. Nakaabang lang kasi silang dalawa sa akin.

"Gusto ko muna malaman kung pasado ang sinigang ko!"  nangingiting sabi ni Renzo.

"At kung pasado ay papayagan ko na kayong mag-asawa, siguradong mabubuhay ka na ni Renzo." at humagalpak ng tawa si Lola at sumunod na rin sa pagtawa si Renzo.

Napataas ang kilay ko, anong sinasabi nila? "Lola!"  saway ko.

"Nagbibiro lang ako. Sige na, tikman mo na."

Sumandok ako ng sabaw at tinitigan ito. Nalingon ulit ako kay Renzo. Hindi kasi ako mapakali. Nararamdaman kong may kalokohan na naman siyang ginawa eh!

"Sigurado ka bang safe ito?"  matalas na tanong ko sa kanya.

"Grabe ka, iyan na nga ang bayad ko sa pagpapatuloy mo sa akin dito sa bahay niyo."

Naningkit ang mga mata ko. Hindi ako kumbinsido!

"Walang lason yan, promise!"  nakangiting sabi niya.

"Wala ngang lason, baka naman may gayuma!"

Natawa naman siya sa sinabi ko. "Hindi ko na kailangan nun!"  biglang nag-init ang pisngi ko. What does he mean by that? Lumipad ang tingin ko kay Lola, hindi kaya alam na ni Renzo? Pero mukhang clueless naman si Lola dahil poker face lang siya.

"Ang kapal talaga ng mukha mo!"  ang sabi ko sabay subo ng sinigang niya. Sa isang iglap, kusang bumaba ang kilay ko at na-flattened ang kaninang kunot na kunot kong noo.

"Aminin mo, masarap ang sinigang ko!" panunukso niya.

Continue Reading

You'll Also Like

156K 11.5K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
7.9M 479K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...