The Untouchable Beast

By greatfairy

22.5M 508K 75.9K

[A published book under PSICOM Publishing Inc. ] In a world where sunshine meets corporate storms, Nisyel Lov... More

Description
TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
ANNOUNCEMENT
New Series
EXTENDED CHAPTER

CHAPTER 32

385K 8.9K 655
By greatfairy

There is a sacredness in tears. They are not the mark of weakness, but of power. They speak more eloquently than ten thousand tongues. They are messengers of overwhelming grief... and unspeakable love. -W. Irving

Chapter 32: Retrograde

GOLD'S POV

Mahabang katahimikan ang namayani.

Napaawang ang aking mga labi gano'n din si tita Andrea at si mommy.

"Y-you're just kidding, right? Y-you remember us, right?" Kinakabahang saad ni kuya at nagsimulang bumalong ang kanyang mga mata.

"Huh? Anong pinagsasabi mo, mamang kidnaper?" Napapalatak na saad ni ate Nisyel at sinipat ng maigi ang mukha ni kuya.

"Teka.. Kidnaper ka ba talaga, kuya? Eh? Bakit ang guwapo mo? Mukha ka namang desente at maayos naman ang pananamit mo. Nag-level up na ba ngayon ang mga kidnaper? Sosyalin, ah! 'Di ba ang kidnaper ay parang lider ng mga goons? Makapal ang balbas at oily ang mukha?" takang-taka na wika nito na parang hindi niya talaga kilala ang lahat ng nasa paligid niya.

"L-love... It's me. D-don't you remember me?"

"Wapak! Kidnaper ka nga at stalker pa! Paano mo nalaman ang second name ko, kuya? Siguro matagal mo na akong inaabangan sa kan-"

Tuluyang tumulo ang mga luha ni kuya at mabilis nitong ikinulong sa kanyang braso si ate Nisyel.

"A-anak? H-hindi mo ba kami naaalala? A-ako ang mama mo," naiiyak na saad ni tita Andrea at nilapitan si ate Nisyel na yakap-yakap ni kuya.

Kunot na kunot ang noo ni ate at parang masyado itong naguguluhan.

"N-naalala? Ibig bang sabihin may Alzheimer's disease ako? Magkakilala na ba tayo? Imposible! Wala naman akong kakilalang iba, ah." iiling-iling na wika nito at pilit kumakawala sa bisig ni kuya ngunit lalong hinigpitan ng huli ang pagkayakap sa kanya.

"S-sandali, tatawagin ko ulit si Doc," natatarantang wika ni mommy at mabilis na lumabas.

Nilapitan ko sila at umupo sa tabi ni tita Andrea.

"Ate naman, eh! 'Di ba nagbibiro ka lang? Naaalala mo ako, 'di ba? Naaalala mo kami?" naiiyak na saad ko sa kanya ngunit umiling lang muli ang kanyang ulo.

"Bakit kayo umiiyak? Hindi ko naman kayo inaaway, ah..." sabi pa nito.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Napakasaya ko na gumising na siya ngunit masakit palang wala siyang naaalala. Awang-awa ako kay kuya dahil kitang-kita kong nasasaktan siya. Sino ba naman ang hindi masasaktan na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niyang pag-aalaga kay ate Nisyel ay hindi siya nito naaalala paggising niya. It's clear crystal that she's having an amnesia.

"Waah! Kuyang kidnaper na stalker bakit mo 'ko niyayakap? Nagagandahan ka ba sa'kin? Hehe.. sige na nga hahayaan na kita tutal mabango ka naman," inosenteng wika nito at tinapik-tapik si kuya sa likod.

Pumasok ang doktor kasama ni mommy na tahimik na lumuluha.

"B-bakit gano'n, Doc? Bakit hindi niya kami naaalala?" umiiyak na tanong ni tita Andrea.

"Ah... iha, may nararamdaman ka bang pagkahilo o anumang masakit sa ulo mo?" pagkuwa'y tanong ng doktor kay ate Nisyel na kakakalas lang sa yakap ni kuya.

"Sakit ng ulo? Bakit naman sasakit ang ulo ko? Hindi ko naman ini-istress ang sarili ko, ah. At saka, sino ba kayo?" naguguluhang tanong nito.

"Ate, siya si Doctor Ramos, ang doktor mo," mahinahong wika ko.

"Weh? 'Di nga? Doktor ho kayo? Eh, bakit mukha kayong si dugong na nagsuot ng lab gown?" nakataas kilay na tanong nito.

"Pft!" napalingon ako kay tito Shawn na nagpipigil ng tawa.

Awkward na ngumiti naman si Dr. Ramos. Napangiti na rin ako, si ate talaga, mahigit isang taong natulog pero hindi pa rin nagbabago. Wala pa ring preno ang kanyang bibig kung makapagsalita.

"Joke lang po, doc! Mukha lang pala kayong mambabarang... hehe. Hindi naman masyadong malayo, 'di ba?"

Umiling-iling na lang si doc sa kapilyahan niya. Haay... si ate talaga. Kung pikonin lang siguro ang kaharap niya kanina pa 'to nabigwasan, eh.

"Iha, naaalala mo ba kung ano ang pangalan mo?" puno ng simpatyang tanong ni Dr. Ramos.

"Siyempre naman po! Bakit ko naman hindi maaalala ang napakandang pangalan ko puwera lang sa apelyido ko. Akala ko po ba doktor ko kayo sabi nila? Bakit hindi niyo ako nakikilala?" kunot-noong tanong nito.

"Alright. So isa pang katanungan, anong petsa ngayon?" tanong muli ni doc na ikinasimangot ni ate Nisyel.

"Ang wierd naman ng mga tanong mo doc, mukha ba akong calendar? Haay..." Bahagya pa nitong tinampal ang kanyang noo na parang naiinis.

"JOKE LANG PO ULIT! Hehe. April 1, 2014 po ngayon kaya ko kayo binibiro kasi April fools' day ngayon, Doc, hindi mo ba alam 'yon?" Inosenteng komento nito at humikab.

Nagkatinginan naman kaming lahat. Laglag ang balikat ni kuya
Skeet. Bakit hindi naaalala ni ate?

August 18, 2015 na ngayon.

Tumikhim si Doc at nagsulat sa kanyang clip board.

"Huling katanungan, iha, saan ka nagtatrabaho at ano ang trabaho mo?"

"Wala pa ho akong trabaho, Doc, eh. Mag-a-apply po sana ako sa SDM Empire bukas, may immediate hiring daw kasi sila ng executive assistant. Kaya utang lang muna ang hospital bills ko, ah? Isa pa, hindi ko naman alam kung paano ako napunta rito. Ang huling naaalala ko eh natutulog ako sa apartment." Napakamot ito sa kanyang batok.

Ibig sabihin wala siyang naaalala simula nang pumasok siya sa company?

Tumango ang doktor at tiningnan kami.

"Mrs. Pelaez, Mr. Mijares, I think we need to talk in my office right away," ani ng doktor at kinausap sandali si ate Nisyel bago lumabas.

Hinalikan muna ni kuya ang noo ni ate bago tumalikod kaya kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ni ate.

Nagba-blush ba siya?

...

SKEET'S POV

I thought I would hug her the moment she'll open her eyes. I thought I would cry in so much happiness for finally she woke up.

I just thought, but...

I was speechless.

It damn hurts! Why can't she remember me?

"The patient is having a retrograde amnesia."

"A-ano ho 'yon, Doc? Bakit wala siyang naaalala tungkol sa'min?" Tita Andrea asked. I know she's hurting too.

"Ang retrograde amnesia ay usually nangyayari sa pasyenteng nakaranas ng cranial trauma dulot ng malakas na pagkakabagok ng ulo. We actually anticipated before na magkakaroon ng epekto sa utak niya ang tinamo niya noong nakaraang taon. Kung iisipin ay masuwerte pa ang pasyente na retrograde amnesia lang ang epekto nito sa kanya, ibig sabihin ay may specific period of time siyang hindi naaalala na pangyayari sa buhay niya. Mostly, patient with retrograde amnesia does not remember recent happenings before the accident. In her case, hindi niya kayo nakilala dahil marahil ay kasama kayo sa pangyayari sa buhay niya bago siya naaksidente."

"Is there any chance she would remember us?" I asked desperately. My poor wife.

"Oo naman. Bibigyan ko siya ng reseta para riyan. Kailangan ko lang ng participation niyo. Kailangan niyo lang siyang ilapit sa mga bagay, lugar o kung ano pa man na makakapagpa-alala sa kanya ng nakaraan. Wala naman akong nakitang injury pa sa kanya, so anytime puwede nang lumabas ang pasyente, but she still have to visit for a regular check up."

"Sige ho, Doc, salamat."

I left the doctor's office without any word. I don't know what to do anymore.

Bumalik ako sa kwarto ng mahal ko. I won't give up, I will do everything to make her remember me.

Naabutan ko siyang kausap ng kapatid ko. I missed the way she talks like that.

"Ibig sabihin ay jowa ko pala 'yong kuya mo? Pero bakit wala akong naaalala?" she whined like a child.

"Oo, ate, pero ngayon mag-asawa na kayo kasi pinakasalan ka ni kuya habang natutulog ka," Gold answered. I decided to look at them and remained silent. They didn't even noticed I entered the room.

"Talaga? Asawa ko na 'yung pogi mong kuya? Kaya ba may napakagandang singsing sa daliri ko? Gaano ba kalala ang aksidenteng 'yon at hindi ko kayo maalala?"

"Mahabang kuwento, ate, si kuya na lang ang magkukuwento sa'yo. Basta nabundol ka ng sasakyan at nabagok ang ulo mo kaya wala kang naaalala. Amnesia ang tawag doon, ate."

"Amnesia? May amnesia ako? Puwede ba 'yon? 'Di ba sa TV lang nangyayari 'yon? Lakas palang makateleserye ng buhay ko."

"Huwag kag mag-alala, ate, mahal ka namin at mahal na mahal ka ni kuya kaya nandito lang kami sa tabi mo." Gold held her hands and smiled.

"Talaga? Mahal ako ng kuya mo? Waaah! Kinikilig ako!" Tumawa ako kaya nakuha ko ang atensyon nila.

"Waah! Jowa andyan ka pala!"

I approached her and sat beside her. I held her face and made her look at me.

"I love you so much, my love."

"Eh! Ano ba yan? Kinikilig ako, jowa!" I chuckled.

"You used to call me Dee."

"Talaga? Tinatawag kitang ganun? Ano naman ang tawag mo sa'kin?"

"Mee."

"Ang cute pala natin. Hehe.. Pero 'di ba jowa naman kita, D-dee? Puwedeng magpabuhat? Gusto kong makakita ng puno. Pretty please?"

I gulped. My wife really looks adorable when she pouts.

Hindi ako susuko.

Nakaya ko ngang hintayin siya ng mahigit isang taon, ngayon pa ba? Dang that retrograde amnesia! I don't care if she doesn't remember me anymore. I will build new memories with her. Ang mahalaga gising na siya at mayayakap ko nang walang sagabal.

I will let my love for her remind her how much I love her...

Even if it breaks my heart.

I just wish she remember how much she loves me before.

I just wish...

©GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

7.8K 90 61
"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilala nila ang babaeng hindi nila akalaing n...
1M 29.3K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
357K 12.5K 37
When men cheat, they cheat for sex. But when a woman cheats, it's something more. Because unlike men, women cheat for love, and affection. (Published...
5.1M 100K 42
Magkasama lang ang Book 1 and 2. Daphne Araneta left Chance Samaniego not because she wants to, but because she has to. Kaya ngayong bumalik na siy...