Monstrous Academy 1: Gangster...

By dauntlehs

10M 309K 54.6K

(1 of 3) First installment of Monstrous Academy. Highest rank achieved: #1 in Action. More

PUBLISHED
Book One
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty three
Chapter Twenty four
Chapter Twenty five
Chapter Twenty six
Chapter Twenty seven
Chapter Twenty eight
Chapter Twenty nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Special chapter
Epilogue
List of songs
SOON TO BE PUBLISHED
MA 2ND ANNIVERSARY

Chapter Nine

202K 6.9K 2.1K
By dauntlehs


9: Keen’s lab
-

“Rain, sure ka bang okay ka lang?” Tanong ni Ayesha pag balik namin ng dorm. Tumango lang ako bilang sagot, mabuti na lang at may dumating na gwardya kanina bago pa man lumala yung gulo.

Hindi na tuloy pinatagal yung party and now, some of the girls are cursing me. Ako raw kasi ang dahilan kung bakit nasira yung party. Tch.

“Wait, ikwento mo naman kung paano naging kayo ni Jiro. I’m so kinikilig kaya kanina. I can’t believe na kayo na pala.” Nakangiting sabi ni Ayesha habang nagpapalit ng pang tulog.

“Ha? We’re not dating, wala pang isang linggo kaming magkakilala.” Dipensa ko. Sana nga totoo yung sinabi niya eh, kinikilig pa rin ako at namumula ang mga pisngi ko pag naaalala ko, pero mas naaalala ko yung ginawa ni Thunder kanina. Humiga ako sa kama at isinubsob yung mukha ko sa unan.

“Uy, anong nangyari sa’yo? Okay ka lang?” Lumapit sa akin si Ayesha kaya naman naupo ako. Pakiramdam ko ay nag b-blush ako ngayon.

“Nahalikan ka na ba?” Tanong ko at bigla na lang siyang ngumiti ng wagas.

“Oh my god! Don’t tell me may humalik sa’yo sa lights off kanina?” Tanong niya habang nakahawak siya sa mga kamay ko. Paano naman niya nalaman iyon? Sasabihin ko ba na oo?

“Ah....anoㅡ”

“Alam mo ba na kung sino daw yung hahalik sayo sa light’s off, siya yung makakatuluyan mo?” Bigla na lang akong napatayo dahil sa sinabi niya.

“Ha? Sino naman ang nag sabi noon? Hindi ‘yon totoo.” alam kong napakadefensive nung sinabi ko. Proven na ba iyon? Imposible namang totoo yung mga ganung kasabihan. Dali-dali akong pumasok sa banyo at nagpalit ng damit. Napatingin naman ako sa salamin at hindi ko maiwasan hindi hawakan ang labi ko.

Yung first kiss ko. Maganda sana kung mas romantic iyon, eh. Shit ano bang iniisip ko?

Kinabukasan. Tinignan ko ang schedule ko pagkagising na pag kagising.

“Ayesha saan ‘tong Keen’s laboratory?” Tanong ko. Wala kasing nakalagay na subject. Oras at kung saang building lang ang nakalagay dito.

“Oo nga pala. Tuwing friday kasi, nag gagather lahat ng estudyante dipende sa kind nila. Bali puro keen lang yung mga makakasalamuha mo tuwing friday.” sabi niya at tumango lang ako. Maigi na ‘yon, ayoko kasing makita yung muka ni Thunder. Naiinis ako. Nakakailang, parang pag nakasalubong ko siya sa daan ay kusa na lang ako magpapakain sa lupa.

Lumipas ang ilang minuto at tinatahak ko na ang daan papunta sa sinabing direksyon ni Ayesha papunta sa keen’s lab. Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon dahil kulay asul yung building. Obvious na obvious na ito nga yung hinahanap ko.

Di ba sya yung babae sa party kagabi?

Oo, yung new girl na pabida.

Aray, sana hindi na sila bumulong ‘di ba? Sana kinausap na lang nila ako kasi ang lakas ng boses nila, not to mention na nasa harapan nila ako.

“Hi. Apelyido?” Tanong ng babaeng lumapit na may dalang tablet.

“Celvero.” Tipid na sagot ko at may kung ano siyang pinindot doon sa tablet na hawak niya. Maya-maya lang ay nginitian niya ako.

“Follow me,” utos niya at sumunod naman ako hanggang sa huminto kami sa kulay puting pintuan. Inabutan niya rin ako ng lab gown na kulay asul.

Pumasok kami sa loob at doon ko nakita ang apat na Keen na kaklase ko at iba pang estudyante. Lalapitan ko sana sila kaso parang ayaw nila akong kasama kaya lumayo na lang ako. Nakakaiyak naman ‘to.

Napalingon na lang ako sa pinto dahil bumukas ulit iyon at laking gulat ko na lang nang makitang pumasok si Axel na nakasuot rin ng lab gown na katulad sa akin.

“A-anong ginagawa mo rito? Insolent ka ah.” sabi ko at nakuha ko lahat ng atensyon.

“Shh.. hindi ako pure insolent. Naboboring ako dun, kaya dito muna ako,” sabi niya at medyo naguluhan ako.

“70% Insolent, 30% Keen.” bulong niya at tumango lang ako. Kaya pala hindi siya ganun kasama dahil hindi siya pure Insolent. Eh si Thunder kaya? Sure akong 200% insolent ang isang iyon.

“May alam ka na ba sa gagawin dito?” Tanong niya habang sinusuot niya yung gloves sa’kin. Nabigla ako sa ginawa niya, pinagtitinginan tuloy kami.

“Ah eh wala. Bago lang ako rito, remember?” naiilang na sagot ko.

“Tara,” aya niya matapos niyang maisuot yung gloves. Sinundan ko siya at pumasok kami sa isang kwarto na mayroong isang upuan at monitor. “Dito sa Keen’s lab, malaya kang gawin ang kahit anong gusto mong gawin as long as magagamit mo yung pagiging Keen mo.”

“Sa Insolent kasi, ang mga activities dun ay kung ano-ano lang pero rito sa Keen, pwede ka mag-experiment ng kung ano,” paliwanag ni Axel. Ngayon ko lang nakita yung side niya na ganito, ngayon ko lang din naappreciate ang kagwapuhan niya.

“Did you know that you can sense when someone’s staring at you even when you’re not looking directly at them?” Biglang sabi ni Axel nang hindi tumitingin sa akin kaya naman umiwas na ako ng pagtitig sa kanya.

“A-alam ko,” sabi ko at bigla na lang niya akong tinignan ng matagal. Ugh.

“Did you know that if a man spots a woman he finds attractive, he holds his stare for an average of 8.2 seconds?” Tanong ko at bigla siyang ngumisi.

“Yeah, I really find you attractive that’s why I stared at you for a moment.” sabi niya at saka nagpatuloy sa ginagawa niya. Pakiramdam ko tuloy ay namumula ang mga pisngi ko. Napakastraight forward naman yata niya.

Ilang oras ang lumipas at natapos na ang pag-stay ko sa Keen’s lab. Marami rin akong natutunan dahil kay Axel, sobrang dami na pala niyang experience sa mga gawain sa Keen’s lab.

“Maiwan muna kita. Babalik ako sa kuta ng mga Insolent,” paalam niya habang naglalakad kami sa field.

“Sige. Thank you, ah.” naglakad na siya palayo at medyo natanaw ko yung sinasabi niya na kuta ng Insolent. May kulay itim kasi na building sa tinatahak niyang daan.

Wala na akong kasama, kaya pumunta na lang ako ng cafeteria, baka kasi nandoon na sila Ayesha, pero wrong move. Ang dami kong pwede makasalubong bakit siya pa? Nanandya ba ang tadhana o trip niya lang kaming pagtagpuin?

“Aaaah, ang sakit ng tiyan ko!” nagpanggap ako na masakit ang tiyan ko at saka dali-daling tumaliwas ng direksyon.

“Hoy Rain!” Sigaw ni Thunder.

“Ulan!” Sigaw niya ulit kaya napahinto ako. Ano bang problema niya? Nilingon ko siya at nakitang tumatakbo siya palapit sa akin.

“Hoy kulog! Wag mo ngang tinatagalog ang pangalan ko!” reklamo ko nang makalapit na siya sa akin. He stared at me for a moment, Shit! Naalala ko na naman iyong kagabi.

“Ah. Ah, ang sakit ng tiyan ko. Kailangan ko na bumalik sa dorm.” humawak ako sa tiyan ko at patalikod na sana pero laking gulat ko na lang nang buhatin niya ko in bridal style. I repeat, in bridal style!

“Yah! Ibaba mo nga ako, ano bang ginagawa mo? Saan mo ako dadalhin?!”

“Masakit tiyan mo ‘di ba? Dadalhin kita sa infirmary,”

“Ano? Umaacting lang ako! Ibaba mo na ako!” pagsabi ko noon ay bigla na lang niya akong ibinaba kaya naman napaupo ako sa sahig. Tinignan ko siya ng masama at dali-daling tumayo.

“Are you avoiding me?” Tanong niya.

“Oo. Nalalapit kasi ako sa gulo pag nakadikit ako sa inyo kaya.. kaya.. ano,” nauutal na ako dahil palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko.

“Rain?” tawag ni Liam. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon at nagmadaling lumapit sa kanya.

“Uy! Kanina pa kita hinahanap. Buti dumating ka, tara kain na tayo,” hinawakan ko siya sa balikat at marahang itinulak papasok ng cafeteria.

Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ko pag bitaw ko sa balikat ni Liam, damn! Ano bang problema ng Thunder na iyon? Aatakihin ako sa ginagawa niya, eh.

“Okay ka lang ba?” Tanong ni Liam nang humarap siya sa akin.

“I’m okay. Si Ayesha nasaan?”

“Wala pa, eh. Hmm ang ganda mo ngayon,” sabi niya pag-upo namin sa usual place. Namula naman ang mga pisngi ko. Ganun ba talaga siya ka-honest at saka bakit bigla-bigla siyang namumuri?

“Talaga? Bakit? Pangit ba ako kahapon?” Pabiro kong tanong at umiling siya.

“Hindi ko nga nasabi sa’yo na nakakainlove ka kagabi, ang cool lang ng dating mo. You’re wearing a red dress sa gitna ng gulo. Isn’t it amazing?” Nakangiting tanong niya. Teka, nakakainlove ako? Tama ba ko ng rinig? Tumawa na lang ako ng pilit at saka binago ang usapan.

“Oo nga pala, ang ganda ng boses mo,”

“Nagustuhan mo ba? Sayang nga at hindi kita naisayaw.” napahawak na lang ako sa noo ko. Ang awkward.

“Maistorbo ko muna kayo,” sabi ng pamilyar na boses. Laking gulat ko naman ng makita si Jiro. “Rain, can I talk to you?”

“Uhm Liam, alis muna ako, ah?” Paalam ko at mukhang nag-alala siya bigla. Kahit sa maigsing panahon ay alam ko na agad ang ekspresyon nila ni Ayesha pag nag-aalala. “Don’t worry, I’m okay.”

Paglabas namin ng cafeteria ay sumandal agad siya sa pader dito sa hallway. Nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa at nakasandal ang isang paa niya sa pader, kinakabahan ako. Ano kaya yung sasabihin niya?

“Can you be my girl?”

𝕸𝖔𝖓𝖘𝖙𝖗𝖔𝖚𝖘 𝖆𝖈𝖆𝖉𝖊𝖒𝖞 1
ㅡ𝖉𝖆𝖚𝖓𝖙𝖑𝖊𝖍𝖘ㅡ

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 58.8K 55
Happy Four Million. Book 2: Black Heiress I am thankful for the people who have read this story from it's beginning as a rookie's story. But this sto...
44.2K 5.1K 81
Chelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or...
14.6M 324K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
180K 4.6K 157
DC notebook Personal Property of : Arielle Marie Gueverra Note: - kapag nawala at napulot mo...UTANG NA LOOB! paki-balik. -BAWAL BASAHIN! nakita mo n...