Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)

By runesaito

31.9K 694 66

Ano ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang... More

Pagpapakilala
Unang pagkilala
Sinehan
Bahay ni Jestoni Alcala
Tunay kong pamilya
First day with Nathan Jonnes
Ang CD ni Jes? It's a TRAP
Ang Sandwitch
Sing for Him
Confessions
Si Nathan
Di na mababawi
Chapter 11 & 12
Love or Lust
Ang nararmdaman ng magkapatid
Pag-amin sa kaganapan
White Deer
Future Holds (Blue Tear Gem)
Bakit ako pa? (Nephrite)
paghaharap
Chapter 21 & 22
You're Trying too Hard
Pagka-awa
One place three cases
Ang muling pagkikita
Maghihintay Ako
Another Hatid-Sundo 01
Another Hatid-Sund 02
Kakaibang Pakiramdam
Pagbabalik ng Ala-ala
Si Jerwin at ang kanyang nakaraan
Kami lamang ngayon(till it happened to you)
Elo
Walang Kwentang Palabas (Paalam Mafia)
Bahay ng Pusa
Ang Alamat at si Mico
Bakit pa?
Nathan Sees
3 Years Ago
General Fiction
Ang taong iyong Sandigan
This Ending

Pampublikong Tren

129 5 0
By runesaito

Hatid-Sundo

Pampublikong Tren

Alien's PoV

Nitong nakaraan, noong naglaro kami ng american football at isinakay ako sa sasakyang panghimpapawid na pagmamay-ari ng nakilala ko si Gabriello Merca. Isang binatang nakabangga ko sa parke noong dapat ay sapilitang hahalikan ako ni Jestoni matapos kong umoo sa kaniyang pag-aanunsyong mahal niya ako.

Si Gabriello o Elo ay binigyan ako ng pagkakataong sumapi sa kanilang grupo, sinabi rin niya sa akin na kasapi na sa grupo niya si Nathan dahil kay sir Matt at handa siyang tumulong sa kahit na anong paraang gusto ko basta't maging ligtas lamang ako.

Malaki ang pagtataka ko sa lahat ng sinasabi ni Elo hanggang sa malaman kong isa pala si papa at asawa nito sa Scothland sa mga dating tauhan ng Mafia ni Gabriello na kung tawagin ay Varua Sinco. Ito daw ay isang pamilya ng mga mafia na nagsimula sa pagsunod sa yapak ng Vonggolla at Veco, masyadong pamilyar sa akin ang Veco noong sandaling iyon dahil sila pala ang mga kalaro namin kanina lamang at nalaman kong maging si mama Anna ay isa sa mga guardian ng naunang Varua, ang Varua Quatro.

Ipinaliwanag pa ni Elo ang lahat sa akin hanggang sa mapagdesisyunan kong matulog noon at sabi ko'y pag-iisipan ko ang lahat. Kaya naman kinabukasan, pakiramdam ko'y panaginip lamang ang laro namin at ang katotohanan ay ang tungkol sa isang samahan na magagawa akong protektahan at tulungan laban sa Yakuza nina James at Jerwin. Isang samahang kahit alam kong mali na sumama dahil maiiba ang buhay ko, nagawa ko pa ring pumayag dahil sa ipinangako nilang proteksyon para sa aking pamilya at para maalis ang takot sa mga pangakong binitawan namin ni Jerwin sa isa't-isa.

At dumating na nga ang pagkakataong sumapi ako sa kanila at iyon ay ang sandaling naalala ko ang pagiging kasapi ng Yakuza ni Jerwin na labis kong ikinatakot para sa aki at sa aking pamilya.

Oh boy, ano ba itong pinasok ko?

Alam ko namang desidido ako sa pagsali sa samahang iyon pero mayroon pa rin akong pag-aalangan dahil naigng pabigla-bigla ako sa aking desisyon at hindi ko naikonsidera ang posibilidad na pumapatay sila't nakikipagbugbugan sa sino mang naisin nila.

Ganito ba talaga ako ka-desperado para sumali sa isang samahan na katulad din ng samahang aking iniiwasan?

Oh boy, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Wala na ba talaga akong karapatang sumaya dahil sa pinasukan kong ito? Masyado naman palang seryoso ang tinatawag nilang Varua Sinco at kasalanan ko ang mga aksyong ginawa ko, ngayon... bahala na ito.

"Ayos ka lang?" napatingin ako kay James. Narito kami ngayon sa daan, naglalakad kami sa tabi ng daan dahil kami ang nautusang kumuha ng mga litrato para sa mangyayaring pagpapakita ng ganda ng bayang ito laban sa ibang mga bayan.

Tumingin ako kay James ng itanong niya iyon sa akin. Naalala ko sa pagbalik ng aking nakaraan na isinali rin ni Jerwin si James sa kaniyang Yakuza sa hindi ko malamang dahilan. Ang tamang pagkakasabi pa nila noon ay, "Kasapi na rin namin siya sa aming samahan, Noel. Kung gusto mo pupwede ka ring sumapi sa amin. Poprotektahan kita sa lahat ng pagkakataon tulad ng gagawin ko kay James." Labis ang ngiti noon ni Jerwin. Umaasa siyang sasapi ako sa kanila pero dahil may takot pa rin ako kay James, hindi ako sumapi sa kanila na labis ikinalungkot ni Jerwin.

"Hindi. Sa totoo lang, hindi talaga." Sagot ko mula sa tanong ni James kanina na hindi man lang nagtapon ng tingin sa kaniya.

Gusto kong maging malapit muli kay James, maipakita sa kaniyang gusto kong maging kaibigan siya pero naroon pa rin ang takot kong gawin niya muli ang nangyari sa aming nakaraan at gamitin iyon para paaminin ako kung saang mafia ako nabibilang. Hindi ko alam kung alam niya ang tungkol sa Varua Sinco pero kailangan kong mag-igat dahil mariing ipinagbawal ni Elo na ipagsabi ko kung sino ako. Tanging ang pulseras na asul lamang ang nagsisilbing tanda na ako ang kaniyang Rain Guardian kapalit ng aking ama na reterado na. Si Nathan naman ang Sun Guardian na pumalit din sa asawa ng aming papa. Ako ang nagsisilbing ikalawang kanang kamay ni Elo bilang Rain Guardian.

Si sir Matt at si Nathan pa lamang ang alam kong kasapi ng Varua.

"Dahil ba ako ang kasama mo dito?" tanong niya na ikinabalik ko sa estado ng aming pag-uusap. Kumukuha siya ng mga litrato sa mga establisyemento sa aming bayan ng tingnan ko na siya.

"Hindi din." Sagot ko naman at kumuha ako ng video.

Hindi lang naman siya ang natatangi kong problema ngayon kaya ko nasabi iyon.

Nahinto si James sa pagkuha ng mga litrato at tumingin sa akin ng mga sandaling nakatingin din ako sa kaniya kaya sa unang pagkakataon nakita kong muli ang mga iniiwasan kong mga mata.

"Anong ibig mong sabihin?" Isa iyong tanong na kahit saang kaganapan ay ayaw kong sagutin.

Nahinto lang ako sa ginagawa ko ng itanong niya iyon, nag-iisip ng pupwedeng sabihin. Maraming mga naglalakad at marami rin namang sasakyan ang patuloy na dumadaan, bumubusina at humihinto dahil akala sasakay kami pero kahit ganoon ang kapaligiran hindi naman naalis ang tingin namin sa isa't-isa.

"'Yon na iyon James. Hindi ako maayos hindi dahil ikaw ang kasama ko dito, may iba akong dahilan. Gayon pa man, hindi mo pa rin maiaalis sa akin ang pag-iwas ko sa iyo dahil sa nakaraan natin. Hindi ko alam kung magagawa kitang patawarin kaagad pero alam kong balang araw mapapatawad din kita. Alam kong may dahilan ka kaya mo ginawa iyon kaya alam kong balang araw magkaka-ayos rin tayo.

Isa pa, hindi ako isang taong plastic para maging sobrang lapit sa iyo o sobrang iwas dahil sa nakaraan natin."

Akala ko maiintindihan niya ang nais kong sabihin pero tumawa lang siya na para bang kinakabahan.

"Ano ba yang sinasabi mo? Dahilan? Syempre meron at iyon ay ang angkinin ka. Pupwede na nga kitang dalahin ngayon sa isang malapit na hotel at gawin iyon ng paulit-ulit." Banta ni James na ikinatakot ko sandali hanggang sa kumuha na muli siya ng mga litrato. Hindi ako mapakali. Natatakot ako sa posible niyang gawin kaya nakatingin lamang ako sa kaniyang likod at hindi gumagalaw sa aking kinatatayuan.

Ang lakas ng epekto ng mga salita niya sa akin. Natatakot ako dahil ganito ang kalakas ang epekto sa akin ng mga salita niya. Maari akong lumaban, maari ko siyang sagutin tulad ng ginawa ko noong nasa bahay kami't nagawa ko siyang pagtaasan ng boses at nagawa ko siyang saktan pero iba ngayon; nawala na ang ganoong klase ng lakas ng loob ko't natatakot na akong muli sa taong kinuha ang lahat ng sa akin.

Natatakot ako kay James, ang taong kumuha ng kainosentehan ko.

Nararamdaman ko ng napupupusan ako ng hangin ng marinig ko siyang magsalita at sa mga salitang iyon, nagtaka ako't nawala ako sa iniisip kong mapupupusan na ako ng hininga.

"Kung sakaling saktan ka niya, hindi ako magdadalwang isip na kunin ka." Iyon ang mga sinabi ni James sa seryoso niyang tinig. Pero kahit napakalma ako noon, natakot pa rin ako sa mga salitang lumalabas sa bibig niya kanina. Hindi ko kasi maintindihan ang lahat ng mga ipinupunto niya.

Kumakalabog pa ang tibok ng puso ko ng magsalita muli si James.

"Sakay tayo ng tren."

Napakurap ako.

"Bakit naman?"

"Dahil masikip sa tren." Hindi seryosong sagot niya na nagawa kong sangayunan. Gusto ko rin kasing sumakay ng tren para makunan namin ang buong lugar habang bumabyahe ito.

Dahil sa napag-usapang pagsakay ng tren, sumakay na kami ng jeep saka nagpunta sa tren, nagawa rin naming tanungin ang mga pasahero kung anong nararamdaman nila sa mala sardinas na siksikan sa sasakyang ito para naman may magawa kami habang nakasakay dito.

Kung iisipin kamanyakan lamang ang naiisip kong dahilan kaya nagpahayag si James na gusto niyang sumakay sa masikip na tren dahil wala naman kaming balak puntahan. Inisip ko rin 'nung una na kailangan lang namin ng documentation kaya kami sumakay dito pero ngayong naalala kong siksikan, pupwede ring gusto lang niyang mang manyak ng pasahero.

Tiningnan ko si James at hindi naman ganoon ang ginawa niya kaya naman napanatag na rin ako.

"Anong masasabi niyo sa tren?" tanong ko habang nagbi-video.

"Masaya, mainit, masikip at maamoy." Pabirong sabi ng isang estudyante ng mataas na paaralan.

"Sang-ayon ako." Sagot naman ng isang mas nakaktandang lalaki na siguradong nag-aaral sa koleheyo.

"Nabaliitan niyo na ba yung bukas na pinto noong nakaraan? Nakakatakot kaya noon." Sabi ng isang bakla na medyo malapit kay James.

Napansin kong parang pinagpapawisan ng husto si James at hindi mapakali dahil nasa tabi niya ang baklang sumagot kanina.

"Oo, nabalitaan namin. Narito ka ba noong mga sandaling iyon?" tanong ni James kahit pa parang may kung ano siyang nararamdaman.

"Waley pero baka isa ako sa sumigaw kung sakaling isa ako sa mga narito ng mga sadaling iyon." Tumango na lamang kami at bumalik na sila sa mga kani-kanilang gawain.

Lalapit na sana ako kay James para siguraduhing hindi siya takot sa masisikip na lugar ng may humawak sa tyan ko para ilapit ako sa kaniya.

Tiningnan ko ang lalaki na may kataasa naman.

"Teka saan ka pupunta, dumito ka muna para makapagkwentuhan tayo." Sabi nito pero ngumiti lang ako sandali.

"Pupuntahan ko lang 'yung kasama ko, babalik din ako." Sagot ko naman at tumingin muli kay James na ngayon ay nakatungo na at hawak ang kaniyang bibig. Kumonot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya at nais ko na siyang lapitan pero hindi ako pinakawalan ng lalaki.

"Mukha namang ayos lang siya," bulong nito sa aking tenga na ikinakilabot ko. "bakit 'di mo na lang siya pabayaan at dumito ka na lang. Papaligayahin kita sa buong byahe." Bulong pa nito na lalong kina-alarma ko.

Laking pasasalamat ko na lang at bumukas na ang pintuan ng huminto kami sa isang estasyon agad kong siniko ang lalaki at nagpumilit akong lumapit kay James saka ko siya hinikit palabas.

Itinabi ko muna ang aming mga sarili ng mapansin kong masusuka na si James. Ilang sandali pa'y nasuka na nga ito ng makarating kami sa dulo ng estasyon. Hinimas ko ang likuran niya at doon ko lang napansin na hindi na naka-tuck in ang puting kameseta niya gayong sumakay kami ng tren ay mukha siyang isang may-ari ng malaking kumpanya.

Napatingin ako sa kaaalis lang na tren at naaninag ko pang nakangisi ang pumigil sa aking lalaki kanina.

"James." Bigkas ko para makuha ang atensyon niya.

"Tumigil ka. Hindi ko kailangan ang awa mo." Galit siya at nanginginig pero mas narinig ko ng sandaling iyon ay ang maliliit niyang hikbi.

"Sasabihin ko ito sa pulis." Buong tapang kong inanunsyo at aalis na sana ako ng humarap sa akin si James, namumula at umiiyak.

Noon ko lamang siya nakitang ganoon kahina at nakakaawa. Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka.

"Para saan pa? Minolestya akong hindi mo man lang napapansin, Noel. Hindi ko rin kilala ang lalaking nasa kaliwa ko. Hindi mo rin sila kilala at isang katangahan ang magreklamo sa pulisyang wala namang magagawa sa pagkakataong ito. Pagtatawanan lang tayo Noel. Iyon ang mangyayari. Ganoon kakumplekado ang mundong ito."

Bumigat ang aking mga paghinga dahil sa katotohanang sinabi niya.

Naiintindihan ko naman, nararamdaman ko naman ang punto niya pero hindi ko kayang magsawalang kibo na lang sa pagkakataong ito. Gusto ko siyang tulungan sa kahit na anong paraan pero wala akong nagawa kundi ang punsan ang mga nangingilid niyang luha.

"Patawad." Sensero ako noon. "Patawad at hindi ako malapit sa iyo, hindi sana nangyari iyon kung malapit lang ako sa iyo." Nakatingin ako sa kaniyang mga mata ng sandaling iyon.

"Tanga. Mas mabuti nga na wala ka sa tabi ko dahil kong naroon ka baka iyong nasa harapan kong lalaki naman ang nangmolestya sa'yo." Napakurap ako sa sinabi niyang iyon. "Iyong lalaki sa likuran mo, kilala ko siya. Minsan ko na siyang nakitang kasama nina Jestoni at Jerwin. Maloko ang taong iyon at mapagbiro sa sekswalidad pero magaling siyang makaramdam ng kamalian sa isang lugar. Mabuti't pinigilan niya." Kung ganoon alam at kilala niya ang nangyari kanina at kung sino ang lalaking iyon. Kaya niya hinayaang gawin iyon ng kung sino mang nangmolestya sa kaniya.

Oh boy, bakit hanggang ngayon prinoprotektahan pa rin niya ako?

"Sinasabi mo bang pinadala ni Jerwin ang lalaking iyon para proteksyonan ako?" tanong ko na sandali niyang ikinatahimik at ngayo'y nakatingin siya sa kaniyang paanan.

"Ganoon na nga. Hindi mo siguro natatandaan pero may mga body guards ang mga Alcala dahil namumulitika sila. At dahil kaibigan kang matalik ni Jerwin, isa ka sa poprotektahan nila. Higit pa si Jerwin sa inaakala mo, Noel. Hindi ka lang niya gusto, mahal ka niya at handa siyang sumugal ng malaki para sa iyo."

Hindi ko magawang makampante sa sinabing iyon ni James dahil sa halip na ako ang kanilang prinotektahan ay si James dapat iyon dahil siya ang namolestya.

Subalit muli kong naalala, ginawan ako ni James ng masama at dahil sa kamalian ng nakaraan nagbubunga ang kasalukuyan. At isa na nga sa bunggang iyon ay ang hayaan ng mga tauhan ni Jerwin na molestyahin si James dahil sa kasalanan nito sa akin.

Mata sa mata, ngipin sa ngipin.

Iyon ang natatandaan kong dahilan ng Yakuza ni Jerwin.

"Umalis na tayo." Saad ni James na nagawa ko na lang sundin.

Sumakay na lang kami papunta sa sari-sarili naming tirahan at hindi na nawala sa isip kong namolestya si James sa loob ng pampublikong tren.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...