Cherish You

By AyhenPey

45.9K 856 370

Serah Cristobal is not your typical girl. She devoted all her life in serving God. Until a turn of events, ha... More

Cherish You
Chapter 1: Transfer
Chapter 2: Third Building
Chapter 3: Zachary
Chapter 4: TMI
Chapter 5: Journalism Club
Chapter 6: Bethina
Chapter 7: Please
Chapter 8: Dare
Chapter 9: I do (Cherish You)
Chapter 10: Acquiantance
Chapter 11: Flirt
Chapter 12: Demon's child
Chapter 13: Travis
Chapter 14: Iba ka na ngayon
Chapter 15: Serah
Chapter 16: Panget ba ako?
Chapter 17: A, M, & Z
Chapter 18: Bato
Chapter 19: Baby
Chapter 20: Kiniss sa lips
Chapter 21: Stay with me
Chapter 22: Ferris Wheel
Chapter 23: Do something
Chapter 24: Inaabangan kita
Chapter 25: Selos
Chapter 26: Why you can't hug me?
Chapter 27: Kenn
Chapter 28: Hindi ko naman siya gusto
Chapter 29: Papel
Chapter 30: End-of-the-world
Chapter 31: Harana
Chapter 32: Small world
Chapter 33: Pustahan
Chapter 34: I'm sorry
Chapter 35: Snob, Jealous
Chapter 36: Hinahanap ko siya
Chapter 37: Partner
Chapter 39: Holding hands
Chapter 40: Pulis at Kriminal
Chapter 41: Zarah
Chapter 42: His face, hug & kiss
Chapter 43: Friend-zoned
Epilogue
S P E C I A L Chapter
Special Chapter

Chapter 38: Problem

717 17 6
By AyhenPey

Chapter 38

Zac's Standpoint

"Wala yun, mahal kita eh"

Shet lang! Bakit ko ba sinabi iyon? Wala, hindi ko mapigilan eh. Dahil nahihiya ako, tumakbo na lang ako. Baka masampal ako noon pag nagkataon. Pero nangingiti ako sa tuwing naalala ko yung nangyari kanina. Kasi sumandal siya sa ibabaw nung sofa at natulog. Napansin kong nakatakip sa mukha niya yung panyo at mukha siyang nahihirapan kaya ang ginawa ko pinatong ko yung ulo niya sa balikat ko. Magaan naman siya, pati matatapos na din naman ako sa pag t-type kaya okay lang din.

Nung natapos na ako, hinayaan ko lang siyang nakasandal sa balikat ko at hinawi ko yung buhok niyang humaharang sa mukha niya. Tinanggal ko na din yung panyo, baka hindi ito makahinga. Naglaro na lang ako sa cellphone ko ng Temple Run at Angry Gran Run. Tapos biglang nag text ang kumag na si Travis. Natawa na lang ako sa text niya. Hanggang sa nagising na si Serah.

"Sorry.." nakakatawa pinunasan pa niya ang mukha niya. Haha, Kahit may ganoon naman siya like panis laway or muta ayos lang sa akin. Maganda pa rin siya sa paningin ko.

So iyon nga ang nangyari, tumakbo na lang ako sa may sakayan ng tricycle at sinabi ko ang street ng bahay ni Alex. Nandoon daw ang tropa, kaya pumunta ako. Pagkarating ko doon, nakaupo silang tatlo sa sofa at derecho ang tingin sa akin.

Problema ng mga ito?

"Oh? Bakit ganyan kayo makatingin?"

"Umupo ka muna" sabi ni pareng Gian. Umupo naman ako. Tapos biglang sinalinan ni Alex yung baso ng Gin na nasa harap ko.

"Inomin mo muna" sabi ni Travis. Ginawa ko naman baka sabihin kill joy ako. Ayaw ko pa naman ng ganoon. Pagkalagok ko,

"Oh ano na?"

"ANONG PUMASOK SA KOKORTE MO AT PINAGSESELOS NYO SI SERAH?!" napalundag ako sa gulat ng bumaba sa hagdan si Bethina habang higit higit niya si Mara sa braso. Mukhang nasasaktan si Mara.

"Bitawan mo nga siya!" sigaw ko kay Bethina.

"Wag mo namang sigawan ang mahal ko" singit nitong si Travis.

"Eh bakit nyo ba kasi pinagseselos?!" singit naman ni Alex.

Napa sigh na lang ako. Eh ano kung pagselosin namin? Yun lang ang paraan para malaman ko kung may nararamdaman ba talaga siya sa akin eh. Para kasing si Kenn ang gusto niya di ba iyon ang tinulungan niya?

Umupo na sa kabilang upuan si Bethina at Mara. Hindi makatingin ng diretso sa akin itong best friend ko.

"Tignan mo! Titigan pa si Mara! Sino ba talaga? Si Serah oh siya?!" sigaw ni Travis. Tinignan ko lang siya sabay kamot sa buhok ko. Ano ba naman itong mga ito..

"Edi si Serah"

"Yun naman pala eh bakit ginagamit mo pa ito? Tapos may selosan epek pa!" -Gian

"Kung hindi pa namin makikita kanina na naglalandian kayo sa ibaba habang si Serah nandoon sa likod. Eh eh!" -Travis

"Nandoon kayo?"

"Wala, wala kami doon" pagpipilosopo ni Bethina.

"Hayss, mga dude. Wag nyo nga akong pagtulungan. Ang dami nyo laban sa akin. Hindi ko kayo kaya. Pati ano ba ang problema niyo? Ano naman kung pinagseselos namin? Doon ko nga malalaman kung may nararamdaman siya eh. Eh kung wala, edi kay Kenn na nga siya. At susuko na ako."

Wala pang ilang segundo nakatanggap na ako ng malakas na sapak kay Travis.

"Gago ka pare! Mas lalo mong pinapalayo si Serah sa'yo! Bobo!" sigaw sa akin ni Travis. Napahawak na lang ako sa ulo ko sabay tungo, ang sakit noon dre.

"Kaya nga dude, iisipin ni Serah na si Mara nga talaga ang gusto mo at hindi siya. Tapos nag I love you ka pa doon sa tao. Gunggong mo pre!" -Alex

"Hayss, oo na. Tama na nga kayo.."

"Itigil na nga natin ito" biglang nagsalita si Mara. Kaya napatingin kami sa kanya. Sino kausap nito? "-wag nyong isisi kay Zac ang lahat. Ako naman talaga ang may kagagawan nito. Ako ang nag suggest na pagselosin si Serah."

"Tsk, tsk" -Bethina

"Wow! May girl palang knight in shining armor!" sigaw ni Gian

"GIAN!" sigaw ko.

"Oh yan, ayos na. Uwian na. " nagtayuan na kami at nag simulang maglakad sa labas. Nilapitan ko agad si Mara.

"Best, okay ka lang?" tanong ko

"Oo naman. Na guilty lang ako sa ginawa natin kay Serah. Siguro kung ako yung pagseselosin, masakit iyon dito" tapos tinuro nya ang puso niya. Hmm, may pinanghuhugutan ito ah. Ginulo ko na lang ang buhok niya.

"Kaw talaga. Hatid na kita?"

"Wag na, may dadaanan pa ako."

"Baka mapaano ka?" tanong ko

"Oka--"

"Hayss, ang sweet naman! Mabuti pa siya nagyayayang ihatid yung girl, Hindi tulad nung isa dyan. Mabuti pa ang bestfriend maiigi compared sa boyfriend!" parinig ni Bethina. Napatawa na lang kami nandito sa labas.

"Ihahatid naman kita ah! Kailangan ko pa bang sabihin sayo yun?" tumakbo na si Travis palapit kay Bethina na naglalakad na palayo.

Hay, yung dalawang iyon talaga.

"Sige, alis na ako ingat sa pag-uwi" paalam sa akin ni Mara. Iba kasi yung way niya sa way ko. Sumakay na lang ulit ako sa tricycle pauwi sa amin.

Pagkarating ko sa bahay. Nakaupo si Mommy at Dria habang si Mishka naglalaro doon sa may rubber. Mukhang may ginagawa sila, ang dami kasing papel ang nakakalat sa lamesa. Ano ba yan?

"Nandito na ako" sabi ko, kasi nga busy sila. Hindi nila ako napansin na dumating. Lumapit ako sa tabi ni Mommy.

"Ano yan mi?" tanong ko. Tapos may inabot siya sa akin.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Dapat masaya ako pero hindi ko magawa. At naisip ko na lang bigla si Serah.

Serah's Standpoint

Hindi ko iyon iisipin! Tama, hindi! Ang iisipin ko yung report namin. Hanggang ngayon paulit ulit akong gumaganito sa isipan ko. Kung may nakakarinig man sa utak ko, alam ko si Lord yun. Pasensya na Lord, pero hindi pa ako napaparanoid. Hehehe.

Ito na, kinakabahan na ako. Tapos na kasi yung subject namin ang next na dito yung Economics. Kinakabahan ako, eh ang sabi nila kung alam mo naman ang gagawin ko. Dapat hindi ka kabahan pero hindi ko maiwasan eh. Nahihiya pa rin akong humarap sa maraming tao kahit sa church umaawit ako. Iba naman kasi iyon dito. Hayss.

"Reporters.." biglang sinabi ni Ma'am at dumerecho sa likuran. Tumayo na si Zac at sinenyasan ako na tumayo na din. Bigla kong naalala yung kagabi kaya iniwas ko ang tingin ko. Serah, report ang isipin mo! Bulong ng isip ko.

Inayos lang ni Zac yung laptop at projector niya. Nung okay na inabot niya sa akin yung remote.

Tapos nagpakilala siya, akala ko siya lang pero dinamay nya ako. Kaya ngumiti na lang ako sa mga classmate ko pati kay Ma'am. Sinenyasan niya ako na pindutin na yung next slide. Diniscuss niya yung nandoon sa slide at nagbigay siya ng example. Kapag okay na pipindutin ko na lang yung remote.

Hanggang sa iilang slide na lang. Wala akong nasabi ni isa man!

Gusto ko sana magsalita pero hindi ako makasingit. Waah, yung pinag-aralan ko, sayang! Tapos nung pinindot ko na yung next slide. Tumingin ako kay Zac at nag nod siya sa akin. Wait, ako na ba? Waaah!

Eh kasi naman doon sa may equation ako na tapat. Paano ko ba ito ididiscuss? Hindi ako prepared dito! Ilang minuto ko na ata binabasa yung nasa slide sa isipan ko pero pumapasok sa isipan ko ang nandoon.

At feeling ko buong klase nakatingin sa akin na magsalita ako. Mabuti na lang kasama ko si Lord! Bigla kong naalala kung paano gawin iyon. Kaya ang ginawa ko tinuro ko yung procedure. Thank God talaga nadiscuss ko at nung tinanong ko sila. Gets naman nila.

Nung pinindot ko yung next slide. End of Report na ang nakalagay. Phew, akala ko talaga hindi na ako makakapag report. Lagot ako nito kay Ma'am.

Umupo na ako sa silya, siniko ko si Kenn pero hindi ako pinapansin.

"Ok lang ba report namin?"

"Hindi, wala akong naintindihan.."

"Ang sama nito.." sabi ko sabay kuha nung libro ko. Mag rereview na lang ako ng Stat.

"Sa'yo kasi ako nak----"

Hindi ko narinig kasi ang ingay nung kaklase ko sa likuran.

"Ano ulit?"

"Hay nako!" dahil nga sumigaw si Kenn. Napatingin sa kanya si Ma'am.

"Oh Mr. de Vera, what's wrong? Oh, mag rereport ka nga din pala! Thank you at pinaalala mo, sino pala partner na gusto mo?" hindi ko alam kung nabingi ba ako o mali lang ang pagkakarinig ko. Kasi after nung tanong ni Ma'am sumigaw sila Jerome nang,

"Ma'am, nasa Dandelion yung gusto nyang partner! Si Ms. Maradee Kim po!"

"Tch" naman ang narinig ko sa katabi ko. Hindi ko na lang pinansin at pinag-aralan ko na lang itong Statistics.

- - -

Hindi ko alam sa sarili ko pero dito ako tumambay sa canteen. Ang laki nung lamesa, wala akong katabi. Tapos na akong kumain pero may free time pa kaming 30 minutes. Wala naman akong iba pang gagawin kaya naisipan kong tumungo muna sa lamesa.

"Pwedeng makiupo?" tinignan ko kung sino yung nagsalita at nagulat ako na si Zac ay nasa harap ko. Ngumiti lang siya sa akin pero ang bilis nawala noon. Hindi na niya inantay ang sagot ko at kinain na niya yung dala niyang lunch.

Bigla naman siyang tumingin sa akin.

"Gusto mo?"

"Hindi, salamat." tapos tumungo na lang ulit ako.

Bakit kaya parang iba ang mood niya? Hindi naman sa nag a-assume ako. Pero kasi kapag kasama ko siya parang lagi siyang lively. Pero kahapon pansin ko cold siya tapos hindi na siya talkative.

Pero nung gabi naman, bumanat pa! Hayss, si Lord na lang ang iisipin ko ngayon. Kinuha ko sa bag ko yung Bible at nagbasa ko ng mga verses. Pampalimot sa mga hindi mahahalagang bagay.

Matatapos ko na ata yung isang book. Nung kinausap ako ng katabi ko.

"Pwede ba akong sumama sa'yo sa lahat ng pupuntahan mo? Kahit hindi mo ako kausapin at pansinin, okay lang. Basta isama mo ako."

Seryoso niyang sinabi sa akin at feeling ko sa tono ng boses niya para siyang bata na nawawala at kailangan ng kasama.

Wala pang ilang segundo sumagot ako ng "Sige"

Dahil may free time pa akong 15 minutes. Naisipan kong pumunta muna sa Journalism Club. Naglalakad ako at may kasunod ako sa likuran. Medyo nahihiya ako kasi pinag titinginan kami. Kaya tinungo ko na lang ulo ko hanggang sa nakarating kami doon.

"Wala naman sila Carla, pasok ka muna"

Total alam na naman niya ang sikreto ko tungkol dito pwede ko na siyang dalhin dito. Umupo lang siya sa sulok habang ako ay nag sagot ng mga letters.

Tatlong letters lang ang sinagutan ko ng maisipan kong bumalik na sa room. Tinignan ko si Zac, nakaupo siya sa upuan, pinaglalaruan niya yung ballpen na hawak hawak niya habang seryoso ang tingin niya dito. Mukhang ang lalim ng iniisip niya.

Dahil alam ko naman sa sarili ko na may nararamdaman ako sa taong ito at nag-aalala ako. Lumapit ako sa kanya. Baka makatulong ako.. Marami naman siyang naitulong sa akin noon, tama lang na suklian ko din iyon kung gusto niya.

"May problema ka?"

Pero ngumiti lang siya sa akin at umiling.

"Balik na tayo sa room.." tumayo na siya at naunang lumabas kaysa sa akin.

Feeling ko talaga meron hindi tama dito. Na nag-uurge sa akin na tanungin sa kanya. May tinatago siya alam ko.

Lumabas ako ng room at hinabol siya pero bago ko hawakan yung balikat niya naisip ko na respetuhin na lang siya sa desisyon nya. Ayaw niya sigurong pag-usapan iyon kaya tahimik na lang siya.

Napansin niya ata ako kaya lumingon siya sa akin.

"Bakit?"

Naalala ko yung verse na nabasa ko. Kaya sasabihin ko na lang baka makatulong kahit hindi ko naman talaga alam kung ano ang dinadala niya.

"Life without God is like an unsharpened pencil - No point"

Ngumiti siya sa akin sabay gulo ng buhok ko.

"Thanks. Don't worry I'll tell it to you, but not now.."

Dumating ang uwian, sabay kaming umuwi. Pero hindi pa rin siya nagsasalita. Hinayaan ko na lang. Inisip ko na lang ang mga plans ko sa weekend habang nakasakay kami dito sa jeep. Mag rereview na ako sa entrance exam ngayong February sa University na papasukan ko.

"Serah," biglang nagsalita itong katabi ko.

"Bakit?" tanong ko pero hindi nakatingin sa kanya, nakadungaw ako sa bintana eh.

"Pwedeng hawakan kamay mo?"

Bigla na lang kumabog ang puso ko, di ko alam kung bakit. Napatingin na lang ako sa kanya, baka niloloko ako nito pero seryoso siya. Kinuha na lang niya yung kanang kamay ko at inentertwined ang kamay niya.

"Hindi ko alam ang gagawin ko." bigla siyang napatungo at pinunasan ng mabilis yung ilalim ng mata niya.

Nawala ang attention ko sa kanya kasi malapit na kami kaya sumigaw ako,

"Manong sa tabi po!" bumaba kami ni Zac sa jeep at hawak niya pa din ang kamay ko.

"Ano ba nangyari? Oops, di mo pa pala ngayon sasabihin. Sorry.."

Nakaramdam ako ng hiya kasi seryoso siya pero parang jinojoke ko siya. Naiiyak pa ata sya.

"Wag mo ng masyadong isipin yun.." tapos hingipitan niya yung hawak niya sa kamay ko.

Naglalakad na kami pauwi sa amin ng magsalita ulit sya,

"Pupunta ka ng Prom?"

"Hindi" mabilis kong sagot. "-ikaw?" di ko alam kung bakit tinanong ko pa siya. Alam ko naman na pupunta siya. Syempre The Switch kailangan doon.

"Oo sana, pero hindi ka pupunta kaya hindi na lang."

Na guilty na naman ako. Hindi kasi mahilig ang Christian sa mga party eh. Pero sabi nila once in a lifetime lang ang Prom. Wala na noon sa College at lalo na kapag may trabaho ka na. Sa Highschool mo lang mararanasan iyon. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko.

Nagulat na lang ako nung binitawan niya yung kamay ko tapos umupo siya ng nakatalikod sa akin. Hala,

"Sakay ka sa likod ko.."

"Uy, ano ka ba.. Tumayo ka dyan."

"Gusto kong i-piggy back ka."

"Mabigat ako, tumayo ka na."

"Hindi, hangga't di ka pumapayag. Please, kahit ngayon lang.."

Tumingin ako sa paligid, maraming tao ang dumadaan. Napapikit na lang ako hanggang sa sumampa na ako sa likod niya at pinatong ko yung braso ko sa balikat niya. Muntik na akong mapasigaw nung tumayo siya.

Akala ko mahuhulog ako, ang dulas kasi tapos nakapalda pa ako.

"Yakap ka sa akin ng mahigpit."

"Ano ba itong ginagawa mo?"

"I want to do this before---"

Hindi ko narinig ang sinabi niya kasi may motor na dumaan sa amin. Hinatid na niya ako sa amin, pagkarating namin sa amin dali dali akong bumaba. Baka makita ako nila Kuya or Mama.

Pagkababang baba ko may narinig ako na tumawag sa pangalan ko.

"Serah" may command ang voice. Pagkatalikod ko nakita ko si Papa masama ang tingin sa akin at kay Zac.

Continue Reading

You'll Also Like

28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
9.2K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
260K 17.7K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
26.9K 703 36
Chrisshane, Justine and their friends are already in college. They will now face a new set of challenges that will change their lives. MY ESCORT IS...