The Untouchable Beast

By greatfairy

22.5M 508K 75.9K

[A published book under PSICOM Publishing Inc. ] In a world where sunshine meets corporate storms, Nisyel Lov... More

Description
TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
ANNOUNCEMENT
New Series
EXTENDED CHAPTER

CHAPTER 22

377K 9.2K 1.2K
By greatfairy

Chapter 22: Unveiled

"I'm sorry, sorry. Sorry, Mee. Shh..." natatarantang wika ni Dee at niyakap ako nang mahigpit. Naramdaman kong parang nagtataas-baba ang kanyang dibdib.

"Ikaw kasi, Dee, eh. Ayaw mong makinig sa'kin, gusto ko lang naman na magkaayos kayo ni BFF, eh," untag ko habang nakasubsob sa kanyang dibdib.

"BFF?" Naguguluhang tanong nito.

"Ayaw mo bang maniwala? Siya ang BFF kong hindi nagpakita sa'kin  ng pitong taon."

"WHAT?!"

"G-galit ka?"

"No, no, no... Of course not! I'm not mad at you, Mee. I won't and I can't. I love you. Shh... stop crying please?"

Eh?

"Promise? Hindi ka na galit?" Pagkukumpirma ko at humiwalay sa yakap. Pinahid ko ang aking mga luha gamit ang likod ng dalawa kong kamay.

"Promise, I'm not. You just made me worried, Mee. You weren't in your apartment when I went there to fetch you. I called you for I don't know how many times but I found out that you left your phone there. I asked your landlady but she told me you left early. You can't blame me though, you made me so worried about you, Mee." Pagpapaliwanag nito habang sapo ang aking mukha. Tinititigan niya ako nang diretso sa mga mata.

Balak yatang maglaro ni Dee ng tomato dance.

"S-sorry na, Dee. Nakalimutan ko kasing magpaalam na dadalaw ako sa Orphanage, eh. 'Tsaka hindi ko namalayan ang oras nang magkausap kami ni BFF."

"Okay. It's okay. Now that you're here, I'm relieved. Just please don't do that again, Mee. You'll be the death of me," malambing na saad ni Dee at niyakap na naman ako.

"Hayaan mo sa Sabado isasama kita roon, Dee. Nami-miss ko na kasi sila ro'n. 'Tsaka sila lang kasi ang nakagisnan kong pamilya."

"Is that so?"

Tumango ako at lalong isiniksik ang aking ulo sa dibdib ni Dee. Naramdaman kong hinaplos nito ang aking likod.

Heaven!

Confirmed na confirmed ko na talaga na bipolar itong boyfriend kong dragon. Kanina-kanina lang parang kakainin niya ako nang buhay pero ngayon ang lambing-lambing niya.

Sana lang ay magkaayos na sila ni BFF. Sana kausapin niya na si Bingbing para happy ever after na kami. Speaking of BFF...

"Waaah! Dee! Si BFF pala!"

Mabilis akong kumalas sa pagkayakap at tinungo ang pinto ngunit nanlumo ako nang matagpuang wala na si BFF sa visitor's lounge.

"Tss. She already left," turan ni Dee na nakasunod pala sa'king likod. Pinamewangan ko siya at tiningnan nang masama.

"Kasalanan mo 'tong dragon ka! Bakit kasi pinaalis mo siya? Alam mo bang sinayang mo ang oras niya at energy? Ang arte mo kasi, eh. Magso-sorry na nga 'yong tao dinededma mo pa! 'Yong totoo, Dee? Nagpapakipot ka ba o nagpapabebe lang?" bulyaw ko sa kanya. Namumuro na kasi talaga siya. Ang dami niya pang kadramahan sa buhay. Kung kinausap niya lang sana at pinakinggan si BFF, e 'di sana happy ending na kami. Tsk!

"Do you think it's easy as you think it is? You don't know the whole story, Mee, so stop nagging at me," walang emosyong tugon nito at parang nagtitimpi.

Siya pa? Siya pa ngayon ang nagtitimpi?

"Alam ko kaya. Kinuwento na sa'kin ni BFF. Hindi niya naman sinasadyang makipagsabwatan kay Mrs- Perez ba 'yon?"

"Pelaez," Komento ni Dee at biglang nagdilim ang kanyang mukha.

"Iyon nga! Pelaez! Pa'no mo nalaman 'yon, Dee? Pinakulong mo na ba 'yong Pelaez na 'yon?"

Umiling-iling si Dee ngunit nagtatagis ang kanyang bagang.

"Pelaez-" Nang-uuyam na turan nito.

"I despise that family," galit na wika nito habang nakatingin sa kawalan.

Napakapa ako sa aking dibdib.

Bakit gano'n? Bakit parang nalulungkot ako?

Kinuha ko ang kanang kamay ni Dee at iginaya siya papasok ng opisina. Pinaupo ko siya sa couch at tumabi ako sa kanya. Tiningnan ko siya ng seryoso habang hawak-hawak ko ang kanyang kamay.

"Alam mo, Dee, ang turo sa'min ni Mother Hen, hindi raw magandang nagtatanim tayo ng galit sa ating kapwa. Ang sabi niya rin, mas malungkot daw ang buhay ng mga taong hindi marunong magpatawad, kasi kinakain ng galit ang puso nila. Hindi ko lang sure kung paano kinakain ng galit ang puso, kung nginunguya ba niya o diretsong nilulunok lahat. Hindi ko kasi ma figure out, eh."

"Pft!" Tiningnan ko nang masama si Dee dahil parang nagpipigil ito ng tawa.

"Anong nakakatawa? Seryoso ako!"

"Pft- nothing. Go ahead."

"Iyon nga. Ang sabi ni Mother Hen, kung ang Diyos nga nagpapatawad, tayo pa kaya? Isang kasalanan daw ang magtanim tayo ng galit sa kapwa. At ang pagkakaalam ko, Dee, ang taong maraming kasalanan ay napupunta sa impyerno. At 'yon ang ayaw kong mangyari. Kasi paano na lang pag tumanda na tayo tapos magkakasakit at mamatay, tapos sa langit ako mapupunta kasi mabait ako at ikaw naman sa impyerno. E 'di magkabilang mundo ang peg natin."

"WHAT?!"

"Kita mo na? Nag-i-explain lang ako, nagagalit ka na. Gusto mo ba talagang mapunta ka sa impyerno, Dee? Ayaw mo ba akong makasama sa heaven? Paano na lang ang forever natin? E 'di hindi 'yon mabibigyan ng hustisya!" Naghi-hysterical na saad ko at niyugyog si Dee sa magkabilang braso.

"Tss. You're really unpredictable. I'm always surprised with what comes out from this pretty head of yours, but I always end up loving you deeper and deeper and deeper. I love you, Mee..." Malambing na saad nito at hinalikan ako sa ulo.

"I love you too, Dee. Kakausapin mo na si BFF, ah?"

Halos mapatalon ako sa tuwa nang malambing itong ngumiti at tumango.

"Waaah! Promise 'yon, Dee? Magha-heart talk heart talk kayo ni BFF, ah? Basta heart talk lang, huwag mong ibigay ang heart mo kasi akin na yan eh." Napatawa siya nang mahina at kinabig ako.

"You already owned my heart the first time I laid my eyes on you." Malambing na sabi nito at namumungay ang kanyang mga mata.

"Weh? 'Di nga, Dee? Eh bakit sinisigaw-sigawan mo ako no'ng unang tapak ko sa office mo?" Nakataas kilay na tanong ko. Akala niya hindi ko naaalalang binulyawan niya ako nung interview ha.

"Tss. That was just for a show."

Eh?

Haay... Ang gulo talagang kausap ni Dee.

Hayaan na nga, ang mahalaga kakausapin niya na si BFF at nakikinita ko nang magbabati sila. Hihihi.

"Alam mo, Dee, kawawa naman ang BFF ko. Alam mo bang napilitan lang siyang gumawa ng kasalanan dahil nakulong ang tatay niya? Siguro mahal na mahal niya ang tatay niya, ano? Kaya napilitan siyang makipagsabwatan kay Mrs. Pelaez. Ano kayang pakiramdam ng may tatay ano?"

Isinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Dee habang nilalaro ang kanyang kamay.

"Do you want me find your parents?" Pagkuwa'y tanong nito.

Huh?

Parents?

"Gagawin mo 'yon, Dee?"

"I will do anything for you, Mee."

"Pero baka mahirapan ka lang, Dee. Ang laki kaya ng mundo. At saka masaya na ako ngayon, 'no. Kung pagtatagpuin ng tadhana ang landas namin, e di masaya, pero kung hindi, marami akong dahilan para manatili akong masaya."

"And I believe I'm the main reason why you're happy," nakangiting saad nito.

Main reason?

Siya?

"Hindi rin, Dee. Slight lang. Hehe." Nagsalubong ang kilay nito at parang na-disappoint.

"May tatlong malaking dahilan kasi ako kung bakit masaya ako kahit mag-isa akong lumaki."

"And?"

"Una, dyosa ako, kaya bawal malungkot."

"Pangalawa, maganda ako kaya bawal sumimangot."

"At pangatlo, masayahin akong dyosa kaya dapat palagi akong masaya."

"Seriously?" Mahinang bulong ni Dee.

"Naman, Dee! Kelan pa ako nagbiro sa'yo?"

"Tss."

...

"I'll see you tomorrow. Sleep tight, my love." Parang magic na napapikit ang aking mga mata nang dumampi ang labi ni Dee sa aking mga labi.

Habol-habol ko ang aking hininga nang maghiwalay ang aming mga labi. Ang hirap din palang humalik parang nauubos ang oxygen sa aking katawan.

"Good night, Dee."

"Good night, Mee. I love you so much!" Hinalikan niya ulit ako sa noo bago lumabas ng apartment.

Napangiti akong tumungo sa aking higaan. Nagulat ako nang pagdating namin kanina ay bagung-bago at malambot na ang aking kama. May aircon na rin sa loob ng kwarto ko at hindi na ako magtitiis sa electrican fan.

Hihihi.

Love na love talaga ako ng dragon na 'yon. Akalain mo 'yon, kanina pag-alis ko, sira-sira pa ang sofa ko sa sala, pero pag-uwi ko, bago na ang lahat. Mula sa refrigerator, washing machine, at mga kitchen tools, hanggang sa sofa, aircon, at kama.

Pinipilit akong patirahin ni Dee at ni Ma'am Amethyst sa kanilang bahay, pero siyempre tumanggi ako. Nakakahiya naman ata 'yon. Hindi ko pa naman asawa si Dee eh, at saka ayaw kong ma-miss si Lady M. Kahit palaging byernes santo ang mukha ng kulubot na 'yon, mahal ako no'n, 'no. Kaya pinaayos ni Dee ang aking apartment para komportable raw ako.

Napakislot ako nang higa ng tumunog ang aking cellphone.

1 message received

Sender: Mother Hen

Iha, kailangan mong pumunta rito bukas. Pumunta rito ang mag-asawang nagdala sa'yo noon dito. 'Yong mag-asawang Borora. Sana makapunta ka. Hiningi nila ang address mo pero wala akong naibigay kasi hindi ko alam. Sana makapunta ka, mukhang importante ang sadya nila sa'yo.

Sinalakay ng kaba ang aking dibdib.

Hinahanap ako ng mga magulang ko?

Pero bakit ngayon lang nila ako hinanap?

Pagkatapos ng dalawampu't tatlong taon, ngayon lang nila naisipang hanapin ako?

Hindi ko sila naiintindihan, bakit pa nila ako ibinigay sa ampunan kung hahanapin din naman pala nila ako?

Haaay...

Ang arte mo, Nisyel.

Baka naman wala silang pampamasahe sa jeep para hanapin ka? 'Di ba nga kaya ka pinaampon dahil mahirap lang sila?

Compose Message

To: Mother Hen

Sige po. Pupunta po ako.

Sent.

Hindi ako masyadong nakatulog sa sobrang pag-iisip sa aking mga magulang.

Kinabukasan maaga akong bumangon kahit antok na antok pa ako.

Compose Message

To: Dee

Good morning, Dee! Huwag mo na akong sunduin, mali-late na naman ako. Pinapapunta ako ni Mother Hen sa Orphanage.

Hindi ko pa man naibabalik ang cellphone ko ng tumunog ito.

Dee Calling...

"Dee?"

"Wait for me I'll go with you."

"Ay huwag na, Dee, keribels ko na 'to. At saka 'di ba may naka-schedule kang meeting sa Norweigian investor natin? Sandali lang naman ako, promise!"

"No, I can cancel the meeting for you, Mee."

"Ayan ka na naman, eh. Ayos nga lang ako, Dee. Malapit lang naman dito ang bahay-ampunan."

"But-"

"Huwag nang mag-but, but diyan kasi paalis na ako, Dee." Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.

"You sure?"

"Oo naman, Dee. Wala ka bang bilib sa'kin?"

"Alright. Just send me the address of that orphanage. I will send Kuya Nito to fetch you there, okay?"

"Okay, Dee."

"Please take care. I love you, Mee."

"Ano ba 'yan, Dee, kinilig ako. Sige na nga, I love you too na nga. Ingat ka rin, ah?"

"Of course, I will."

Dali-dali akong nag-ayos at umalis ng apartment para puntahan ang orphanage. Nagpadala ng text message si Mother Hen na nando'n na raw sila maagang-maaga pa.

"Mother Hen!"

"Nisyel! Mabuti at nakarating ka anak. Nandun sila sa loob kanina pa naghihintay."

Parang binundol ng kaba ang aking dibdib habang akay-akay ako ni Mother Hen papasok sa loob.

Kalma, Nisyel. Kalma.

Breath out.

Breath in.

Eh?

Baliktad yata.

Breath in.

Breath out.

Stomach in.

Chest out.

"Nandito na si Nisyel Mr. and Mrs. Borora."

"Magandang umaga sa'yo, iha." Bati ng babaeng nakaupo sa sofa.

Hala!

Susmeryosep!

Mahabaging santo ng mga dyosa!

Sila?

Sila ba talaga ang mga magulang ko?

Bakit?

Bakit ang layu-layo ng mga mukha nila sa aking mukha?
'Yong may katandaan na lalaki ay kulubot ang balat na parang binilad sa araw. Mata lang ang maputi sa kanya. Nakakasilaw rin ang noo nitong malapad. Ang babae naman ay maputi nga pero malaki naman ang ilong. Malaki pa sa ilong ni Bakekang.

"Eh hehe... good morning din po sa inyo."

"Maupo ka, iha. Ako si Tibo at ito naman ang asawa kong si Imelda."

Naupo ako sa kaharap na sofa at nagpaalam naman si Mother Hen na aasikasuhin niya muna ang mga bata.

"Hindi na kami magpaligoy-ligoy pa, iha. Malayo pa ang ibinyahe namin para makarating dito. Narito kami para sabihin sa'yo ang katotohanan... na hindi kami ang iyong mga magulang," walang ka abog-abog na wika ni Mang Tibo.

"Po?"

"Oo, iha. Hindi kami ang tunay mong mga magulang. Ibinilin ka lamang sa amin ng tunay mong ina," singit ni Aleng Imelda.

"Ah eh hehe... Obvious nga po."

"Ano?"

"Ah...eh.. Ang sabi ko po, sino po ba 'yong tunay kong mga magulang?"

"A-anak? Anak ko?" Bigla akong napalingun sa babaeng sumulpot mula sa aming likod.

Kahit may edad na ay maganda pa rin siya. Maputi rin siya katulad ko.

Hindi ako nakagalaw nang unti-unti siyang lumapit sa akin. Samu't saring emosyon ang aking nararamdaman.

Kaba. Pagkalito. Pagkabigla.

Ngunit lalo akong napatda at parang pinagsakluban ng planeta sa sumunod na sinabi ni Mang Tibo.

"Siya... Siya ang iyong tunay na ina, Nisyel..."

"...si Ma'am Andrea Pelaez."

©GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

13.3M 243K 65
AEGGIS Series# 1 (WATTY'S 2015 TALK OF THE TOWN WINNER) Stanley Montreal - AEGGIS' Drummer
6.7M 237K 72
In darkness, I found peace
4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
129K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...