Tainted

Od PollyNomial

67.9K 1.8K 47

Zandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been sur... Více

Tainted
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 42

856 24 0
Od PollyNomial

KABANATA 42 - Gate


Wasak na wasak ang puso ko sa sarili kong kagagawan. I could just stop the pain that's ripping my heart by hugging Andrew and telling him that I want him to stay with me but this is important to me. It's important for the both of us.

"It's okay. Nothing bad will happen to me. Nothing bad will happen to us," paliwanag ko. Halos kumbinsihin ko siya sa tono ko. Halos kumbinsihin ko na rin ang sarili ko. "Gusto ko lang talagang mapag-isa sa ngayon. I will call you. I will talk to you as soon as I fixed myself," sabi ko habang inilalapit naman sa akin ang kamay niya.

I was the one to kiss him this time. I want to let him feel how much I love him even though I'm asking him this. I want to assure him. I want him to calm down and don't think of bad things about our relationship. I'm in love with him and it would never ever change.

"Are you ending us, Zandra?" may hinagpis sa boses niya. Tumulo ang luha niya at ngayon ay namumula na ang kanyang mukha.

Tiningnan kong muli si kuya. He's not reacting to what I'm saying. Nanatiling blangko ang mukha niya habang nakamasid sa amin.

"No...," nabasag ang boses ko. "I love you so much, Andrew. Gagawin ko 'to para sa sarili ko at para sa ating dalawa," giit ko. "I promise you, it'll be better once we see each other again," nanghina ang aking katawan.

Humikbi si Andrew. I was speechless with his reaction. Hindi ko inasahan na ganito siya at iiyak sa harap ko. But I was already expecting that this will hurt him. This is my Andrew and my Andrew love's me so much. My Andrew will be in pain when I'm in pain. At dahil gusto ko nang matapos ang sakit na nararamdaman niya, kailangan ko na ring tapusin ang akin.

"Ibig sabihin, matatagalan bago tayo magkita uli?" para siyang batang pinagkakaitan ng isang bagay na nais na nais niya. It's like I am taking something away from him. Something that is very important to him.

Nanginig ang labi ko. I pouted my lips so it would stop trembling. Ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Ayokong masaktan na naman siya dahil lang nasasaktan ako.

"I don't know yet," sambit ko. Iniwasan ko ang mga mata niyang naghihinagpis. If I stare at him longer, I will just take back everything I said.

"Ito ba talaga ang kailangan mo?" tanong niya. Naramdaman kong nagpalit ng pwesto ang aming mga kamay. He's holding my hand very tightly it's like he doesn't want to let me go.

"Kailangan..." Ikaw ang kailangan ko, Andrew. But I need this too as much as I need you. "Oo, ito ang kailangan ko," sagot ko.

Banayad ang pagtango niya. Tila hirap na hirap siyang gawin iyon. Pumikit siya ng mariin kaya tumulo ang mga luha niya. Nang buksan niya ang mga mata ay napupuno na iyon ng pag-intindi.

"Promise me one thing, Zandra," untag niya.

Tumango ako at naghintay.

"You are not going away this time. Don't run away from me anymore. I want to be sure that we're still breathing the same air and walking on the same ground. 'Wag kang aalis ng Pilipinas, promise me," usal niya.

Ngumiti ako. It didn't reach my eyes but at least I can still smile after all this. "I promise," usal ko para sa kanya at para sa sarili ko.

Dahan dahan niyang binitiwan ang aking kamay. Nanlamig ako nang makalaya ang kamay ko sa kapit niya. He stood up straight. Muntikan na siyang mawalan ng balanse sa pagtayo kaya lumipad ang kamay ko para sana tulungan siya. Inangat niya ang dalawang kamay upang pigilan ako sa gagawin.

Parang piniga ang puso ko dahil ayaw niyang hawakan ko siya.

"Once I walk outside this room, I promise that you won't see my face again. But I will just be around you, Zandra. Nasa paligid lang ako nang hindi mo nakikita," lumingon siya kay Kuya Zac. "Take care of her. I'm really sorry for what happened," aniya.

Bumuhos ang mga luha ko. Tahimik akong umiyak. Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay mabilis kong pinunasan ang mga luha para makita ko siya ng maigi.

"Please remember and do your promise, Zandra. Malalaman ko kung hindi mo gagawin iyon," aniya. "And call me once your ready. I'll be running to you..." sambit niya napupuno pa rin ng pag-asa kahit pa lalayo na siya.

Tumalikod siya. Tahimik uli ang pagbuhos ng aking mga luha. The pain I am feeling right now is worst than what I felt when I left him five years ago. Dahil ngayon, nagpaalam talaga kami sa isa't isa. Pero sigurado akong matatapos din ito. Mawawala rin ang sakit sa dulo. Magsasama uli kaming dalawa.

Marahang sumara ang pinto. Nakalabas na si Andrew. Gusto ko na ring umalis dito sa ospital pero sa tingin ko ay mas makakapahinga ako rito.

Lumapit sa akin si kuya at marahang hinaplos niya ang pisngi ko. "I'm sorry, Zandra," aniya. "But you made the right choice, princess."

Tumango ako. "Para sa amin naman 'to, kuya," usal ko.

Umupo siya sa tabi ko at hinila ako upang mayakap niya. "What do you want to do now?" tanong niya.

"Please call Auntie Barbara. I want to talk to her," pakiusap ko. "I want to clear things up to myself. Matutulungan niya ako," sabi ko.

Ginawa agad ni kuya ang hiling ko. Ilang saglit lang ay kausap ko na si Auntie Barbara. I told her everything. Simula nung umuwi ako ng Pilipinas, ang pagkikita at mga nangyari sa amin ni Andrew, at itong huli nang dalhin niya ako sa Bulacan.

"You were too eager to forget what happened that's why you forgot about your past, Zandra. Nasa sa'yo naman 'yan, e. If you stayed hidden in your past, you would not be able to forget about it. You'll be haunted by your past for as long as you allow it to," sabi niya.

Gamit ko ang phone ni kuya at tumawag pa talaga siya pa-New York para lang makausap ko si Auntie Barbara.

"I've been telling this to you from the start, Zandra. Ikaw ang gumagawa ng mga multo sa buhay mo. That's why I was so happy when you met this boy Andrew. I couldn't remember how many times I convinced your father that he's good for you. He didn't believe me. Akala niya ay mapapahamak ka lang kay Andrew kaya tiningnan ko rin ang side na tinutukoy niya. I was really happy when you were able to cope up even when he's not by your side."

Pinagdikit ko ang aking bibig. Nakayanan ko dahil naniniwala ako na sa huli ay makikita ko uli si Andrew. I did everything for him. Kaya ako nakarating sa puntong ito ay dahil sa kanya.

"What am I going to do, Auntie? Bumalik talaga, e. I felt it when Andrew brought me to that place. Sobrang takot na takot ako na parang ang gusto ko na lang ay mamatay. I..." naalala ko ang mga nangyari noong nasa kotse ako ni Andrew. "I almost saw him in Andrew's face," sabi ko.

Narinig ko ang malungkot na paghinga ni Auntie Barbara. "Do you still remember your goals when you were trying to mend yourself?" tanong niya.

Rinig ko ang lungkot sa boses niya. Napaisip ako sa kanyang sinabi.

Bumalik sa isip ko ang nakalipas na limang taon. My only goal back then was to have a better life. To be whole and complete. I want to learn to love myself so I could also learn to love the people around me. I want to be learn how to trust people. I want to cope up with everything. I want to be the girl Andrew could be proud of.

"Can you still remember what you said to me, Zandra?" tanong niya. "You said to me that you want to be worthy of Andrew's love."

Tumulo ang luha ko. Ngayon ko lang napagtanto na umiiyak pa rin ako. Hindi ako tumigil umiyak mula nang umalis si Andrew kanina.

"I want you to think of the future, Zandra. Do not dwell on the past. What do you want to be in the future? Who do you want to be with? What kind of life do you want for yourself. Do you want to be happy? Work it, Zandra. Right now. The future will be your inspiration to do the right things, right now. I know that you are already thinking about this. You just need someone to guide you, and I am here for you, Zandra."

Nakinig ako sa lahat ng sinabi ni Auntie Barbara. She promised to visit me as soon as she fixed her schedule. Ganoon din ang mga magulang ko. Hindi nila alam ang nangyari sa akin at ipinangako ni Auntie Barbara na hindi niya ito babanggitin sa kanila.

Nakalabas din ako ng ospital sa araw ring iyon. Dumiretso ako sa condo ni kuya. He's worried. Gusto niyang palagi akong nakikita kaya ipinilit talaga niyang sa condo muna niya ako titra. Hindi na ako nakipagtalo dahil alam kong kailangan ko rin ng kasama.

I planned on postponing the opening of my boutique that should be happening next week. Ilalaan ko muna ang panahon ko sa pag-aayos ng mga issue na matagal ko na dapat inayos. Right now, I want to believe in what Auntie Barbara said to me. I should think of the future. At gagawin ko ang mga nararapat gawin ngayon mismo sa kasalukuyan.

"Zandra, let's eat," tawag sa akin ni kuya.

Mula nang dumating kami rito sa condo ay nagkulong na ako sa kwarto. Bukod sa naaalala ko ang muling pananakit ko kay Andrew, ay iniisip ko rin kung ano nga bang kilos ang gagawin ko para makaahon.

Tumayo ako mula sa kama at sinunod si kuya. Simpleng dinner lang ang niluto niya. Fried chicken is enough for me. Kahit pa nami-miss ko ang mga luto noon sa akin ni Andrew. I just remembered that since we met each other again, he hasn't cooked anything for me yet. Bukod sa salad na agahan ko kanina. Nawalan na ng tsansang matikman ko uli ang mga luto niya lalo na ngayong pinalayo ko siya. Parang kanina lang ay kasama ko siya...

"If you want something else, I can buy it for you," kuya said, worried.

Ngumiti ako kahit na pilit lang iyon. Minsan naisip ko kung napapagod na kaya si kuya sa sobrang pag-aalala sa akin. It's beel like this since day one.

"This is fine for me, kuya," sagot ko.

"May gusto ka bang gawin pagkatapos natin kumain?" tanong niya.

Napangisi ako niyon. "What else do you think I want to do after dinner?"

Bumuntong hininga siya at tila wala nang masabi. Pero nagsalita pa rin siya matapos ng ilang saglit. "I just thought that maybe you want to wind up after what happened," aniya.

Bumuhos lahat uli sa akin ang mga nangyari. Kahit na laman naman talaga iyon ng utak ko, para bang nanariwa lalo sa sinabi ni kuya.

"I'm fine, kuya. If you are suggesting that I should get out of this building and wind up, then thank you but that's not what I need," untag ko.

"I know. Inisip ko rin na baka maguluhan ka na naman at may mangyari na namang masama sa'yo sa labas. Pero ayoko ring magkulong ka lang dito, Zandra. You were like this before. If you're not in school, you're at home caging yourself in your room. Wala kang ibang ginagawa kundi magkulong sa bahay noon," sabi niya pagkatapos ay kinuha ang kamay ko. "Nagsisisi tuloy ako na sinumbatan ko si Andrew. You only changed after you met him," usal niya.

Tumungo ako. Niramdam ko ang hawak sa akin ni kuya. It was warm and comforting. It was also the way Andrew touched me. Puno ng pag-aalala at takot na mapasama ako. At pagmamahal rin.

"I already know what's good for me, kuya. And it's not good if I just stay in my room and punish myself which I don't deserve, crumpling like a little helpless little child. Hindi ko nakalimutan ang natutunan kong iyon."

Isa pang buntong hininga ang narinig ko kay kuya. "You sure you don't wanna tell this to mom and dad?" tanong niya.

Nagmakaawa ang aking mga mata nang tingnan ko siya. "No, kuya. Please don't tell this to them. The least thing I want to happen is for them to get worried. At ayoko rin na basta na lang akong pauwiin ni daddy sa New York. They thought I was okay," sabi kong nakikiusap.

Pumayag si kuya. Sobrang pasasalamat ko dahil ililihim nila ito ni Auntie Barbara. My parents would know about this one day but not today. Gusto ko kapag nalaman nila ay maayos na ako ng buong buo.

Kinabukasan ay hinanda ko ang sarili sa mga sisimulan kong gawin. I want this to be over as soon as possible. At mangyayari lang 'yon sisimulan ko kaagad.

Nagpasya akong tawagan si Owen upang humingi ng tulong.

"Where are we going, Zandra? Hindi ko kabisado ang Manila," aniya.

Ipinakita ko sa kanya ang mapa na na-download ko sa aking phone. "I have directions here. We can just follow it," usal ko.

Tumango siya. Imbes na kay kuya magpatulong ay kay Owen na lang. Owen doesn't know anything about my past. It was one of my goals. To tell Owen about everything. Isa sa mga kailangan kong gawin ay tanggapin ng buo ang nakaraan ko hanggang sa kaya ko na itong ikwento sa ibang tao. Of course, I will only tell this to those who are special to me.

"Why do I feel bad about this?" tanong ni Owen habang sinusulyapan ako.

I smiled but I am certain that he can sense that I am nervous. "Keep quiet, Owen. Just follow the directions," sabi kong nakatitig lang din sa aming dinaraanan at sa mga direksyon.

Owen did as I tell him. Mula sa hotel na aming pinanggalingan ay ilang kilometro lang para makapunta sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.

"When we got there, I want you to just stay here and wait for me," sabi ko nang mapansing kaunti na lang ay malapit na kami.

"Can you please just tell what this is all about? Kahit clue lang?" aniyang halata na ang frustration sa boses.

"Let's just say that I am going to face the demons that's been haunting me for a long time," sambit ko. "Lalabanan ko na sila," napangiti ako.

Nanliit ang mga mata niya sa akin. "Demons," tila ineeksamin ng kanyang dila ang pagbanggit sa salita. "I don't get it, Zandra. But, fine. I'll do what you want," aniya.

Ito ang isa sa mga gusto ko kay Owen. Hindi siya namimilit. He knows when to intrude with someone else's business. At ngayon, alam niyang nais kong pabayaan niya ako rito.

Nakarating kami sa lugar. I was familiar with the street but still, a lot has changed. Ang mga nakatayong bahay ay hindi ko na makilala. Siguro ay ibang mga tao na rin ang mga nakatira rito.

Kinapa ko ang dibdib ko at huminga ng malalim. This is it. I need to relax and calm myself. Ang huling maaaring mangyari sa akin ay ang sumabog ako. Hindi pwedeng makita ni Owen iyon. I want to tell it to him myself. Ayokong siya na lang mismo ang makadiskubre sa totoong nakaraan ko.

Ako lang ang lumabas ng kotse. Owen stayed inside. I can see him from the outside and he still has that familiar frustration on his face. Nag-aala rin siya. Ngumiti ako bilang assurance sa kanya bago tumalikod.

Hinarap ko ang gate ng bahay kung saan ako nakatira noon.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

15.3K 647 21
Trisha is totally attracted to Dominic since Day 1. But Dom is smitten with a much prettier, livelier and a younger girl. At maraming mga bagay na na...
3.4K 353 34
Elya Kristen Llanos is a type of girl that is serious when it comes to studying. She's always in the library and making sure no one will acknowledge...
635K 10K 53
Eligible Heiress Series Book 2 [Completed] In a relationship, with love, time will tell... it always does. But how elusive heart can be? The story i...
79.3K 2.4K 55
How can you love when it's forbidden?