Take me to your HEART (GxG) :...

By _AyEnNe_

624K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... More

Chapter 1 : JUBEL
Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 3 : " Hired "
Chapter 4 : "Ignored"
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 7 : " Green minded"
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 19 : A Dear Friend?
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 22 : She Cares For YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 26 : Uncontrolled Emotions
Chapter 27 : Emotion Revealed
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 35 : Unexpected Visitor
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 38 : i'm sorry, but I love her
Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 41 : Imagine me & you
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 44 : Drifting
Chapter 45 : Awaken
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 49 : longing
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 12 : Unfolding the PAST

12.7K 340 17
By _AyEnNe_

Gabby's (POV)

You used to talk to me like I was the only one around ¶♯¶
You used to lean on me, the only other choice was falling down ¶♯¶.........

I kinda heard my cellphone is ringing, pero dahil pakiramdam ko guni-guni lang, hindi ko yun binigyan ng pansin. Not until I heard the chorus of the song na nakapagpadilat sa akin.

...We used to have this figured out, we used to breathe without a doubt ¶♯¶
The nights were clearer for the first time that I'd see ¶♯¶....

Dahan dahan kong kinapa ang cellphone na nasa bulsa at tatamad-tamad na tinignan kung sino ang tumatawag. When I saw who is calling, I press the accept button habang nakadukdok pa din sa lamesa.

We used to have this under cont-------- ¶♯¶ ............

"Hello Sweetheart! " masiglang bungad ng nasa kabilang linya.

"Hi Dad." Sa mahinang tinig at medyo paos na boses.

"I heard the good news anak, and i'm so, so, so... proud of you Gabrielle." halata sa tinig nito ang hindi maitago na kasiyahan.

I bet he's talking about the deal that we were about to close. Ang bilis talaga ng balita, wala pang kalahating araw heto at kumalat na kaagad. Tsk! Sangkaterba talaga ang tsismosa sa Head Office oo.

"it's not yet official Dad, wag po muna kayong mag-expect lets just wait until both parties signed the respective contract" sawata ko sa kausap.

"Sus! Dun din ang punta nun. You closed 3 big deals nito lang 1st quarter of the year that's why i'm confident na sa atin na nila ibibigay ang Project dahil I trusted you anak" i sighed sharply when i heard his proud voice.

"your pressuring me Dad" reklamo ko.

Masyado kasing advance ang utak eh hindi pa nga naiko close ang deal.

"i'm sorry sweetheart, this old man here is just happy" hingi nya ng paumanhin.

"it's okay Dad" i said to him. After a while tumahimik sa kabilang linya. Heto na naman ang awkward silence na inaantay ko and as if on que, isinatinig na nya ang linyang memorize ko na eversince.

"anak..... " then he paused and sighed.

".. we miss you so badly. Kelan ka ba uuwi dito sa atin? Your Kuya's and Ate are keep on pestering me and asking you to come home. Everyone is looking for you including your cousins Nate, Sami and Dreek. They even planning to abduct you para maiuwi ka na dito, alam mo ba yun ?" i heard he laughed sa huling sinabi nya.

Hindi ko rin naiwasan ang matawa sa sinabi ni Daddy. Knowing my cousins, abnormal ang mga ito to the highest level and i'm not surprised na nagbanta sila ng ganun, even if it's a joke i know kaya nilang totohanin yun. Lalo na si Dreek na syang pinaka notorius sa kagaguhan. Palibhasa anak ng General kaya lumaking bad boy sa magpipinsan. I know they have miss me so much, eh bakit nga hindi, simula pa ng mga bata kami, silang tatlo na ang kasama ko sa kalokohan.

I smirked in the memories ng pukawin ako ni Daddy.

"hija, are you still there?"

The reality went back ng marinig ko ang tinig nya.

"yeah i'm still here.. .. " then i pause and sighed heavily. How i want to be with them again pero hindi pa sa ngayon.

"..namimiss ko din po kayo .... but i'm sorry Dad, hindi pa ako makakauwi sa ngayon but you know what? I promise to come home soon" bawi ko sa huling tinuran.

" it's okay anak, i understand....

atleast i heard you say "coming home soon" malaking improvement yan sa pag-uusap natin. Hindi kagaya before that you really don't want to go home. Anyway hija, i need to hang up, i have a meeting in 5 minutes." he said

"okay Dad. Thanks for the call"

"you take care sweetheart. I love you"

" i will Dad,  i love you too" and then i hang up.

It's so nice to hear his voice again. Matagal na panahon na ring hindi ko sya nakakausap and the rest of the family. Though i can call them anytime i want, hindi ko naman yun ginagawa dahil ako ang lumalayo sa kanila. Usually they are the one who always contacted me. At first puro reject ang calls nila sa akin, but last month na-realized ko na masyado na yata akong nagiging OA sa paglayo sa kanila, kaya the  time i received a call from them particular from my Dad, sinagot ko na yun .

Mula sa pagkakadukdok sa lamesa, dahan dahan akong naupo nang maramdaman ang nangangalay na leeg. I slowly leaned on my swivel chair at kapagkuwa'y inikot ng tingin ang opisina. Nadismaya ako ng konti when i find out na wala na si Louise sa table ni Fermin at nag-iisa na lang ako dun. But it took me by surprise when i saw a blue mug with sticky notes on top of my table. A smiled registered on my face ng basahin ko ang message na nakasulat dun. " coffee with SUGAR" then a smiley face at the bottom. It warms my heart to realized kung sino ang nagbigay nun. Kabisado ko ang penmanship nya and i know who owned that mug.

It was from Louise.

I grab it slowly, to check whats inside kahit alam ko ng coffee yun base from the smell of aroma na kanina ko pa naaamoy. Umuusok pa yun at tila bagong timpla. I taste it and na amuse ng malasahang masarap iyon.

Hmmm.. My kind of coffee..Kuhang kuha nya ang gusto kong timpla. Hindi mapait hindi rin naman matamis. I sip it again and again until i noticed na paubos na yun. It really taste good. 

Did she make it by herself? Tanong ng isip ko when i finished the last drop.

It's a good thing na nakapag kape ako. I needed that one badly dahil sa sobrang antok na nararamdaman. Hindi ko na nga napigilan ang matulog kanina kahit nasa paligid si Louise.

Nito kasing mga nakaraang araw nahihirapan akong kunin ang usual na tulog ko. Maybe because of those issues keep running in my head na naging dahilan din kung bakit pakiramdam ko ay may insomnia na ako.

Mahaba-haba rin ang iniidlip ko kanina siguro mga nasa 20 minutes yun.

Nakapag power nap ka na. May lakas ka na namang magalit sa mga tao mo. Tukso ng alter ego ko. Naiiling ako at isinantabi ang isiping yun tsaka nagsimulang magtrabaho muli.

********

Louise (POV)

Kinabukasan.

"This meeting is regarding the issues raised by MGS this morning" bungad ni Sir Fermin.

Kasalukuyan kaming nasa conference room ngayon dahil nagpatawag sila ng emergency meeting for safety issues. Kanina pa ako naku curious kung ano ba itong agenda namin dahil pagbungad ko pa lang kaninang umaga sa opisina chinismisan na ako ni Cess. Nanermon daw si MGS this morning sa toolbox meeting. Lahat daw sila nagulat kasi first time nitong mangialam pagdating sa mga safety issues and it seems na malaking problema ang nakita nito sa site para magsalita sa nasabing meeting dahil dati rati daw wapakels yan at hands-off sa mga ganyang issues.

Ang nakakatawa pa at tuluyang nakapukaw ng interes ko ay tungkol daw sa chalk ang pinagmulan ng galit nito.

Kinda weird though pero ano nga ba ang meron sa chalk? Nahihiwagaang tanong ng utak ko.

Panandaliang tumigil sa pagsasalita si Sir Fermin ng may ma-received syang important call from his cellphone. Pansamantala itong nag excuse sa amin at lumabas.

Natatamad naman akong sumandal at nilaro laro ang hawak na ballpen habang iniisip ang isang particular na tao.

Nasaan kaya si Gabby? Bakit si Sir Fermin ang nagpe-preside ng meeting imbes na sya? Magkasunod na tanong ng utak ko.

Kanina pag pasok ko hindi ko ito nakita sa office nila. Akala ko nga naka leave ito kaya nagulat ako ng sinabi nila na umattend daw ng toolbox meeting.Nang hindi makatiis. Binalingan ko si Cess na nasa kaliwa ko " girl, si MGS? " tanong ko na sinagot naman nya ng hindi daw nya alam.

"nagpunta yata ng head office" singit ng isang familiar na boses sa gawing kanan ko. Si Jamie. Narinig pala nya ang pagtatanong ko sa katabi. When i turn to her, i saw she's looking at me with a friendly smile on her face.

I smiled back at her kahit medyo naiilang ako. Kahapon pa nya kasi ako nahuhuling nakatutok ang atensyon kay Gabby. Aside from the fact that she caught me staring at Gabby while the latter one is sleeping nahuli din nya akong sinusundan ito ng tingin ng dire-diretso itong lumabas ng opisina pauwi.

Para kasing may sa pusa itong si Jamie, biglaan kung sumulpot kaya tuloy most of the time she caught me in a compromising situation. Kagaya ngayon, hindi ko naman namalayan na tumabi pala sya sa bakanteng upuan na nasa gilid ko. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung nahahalata na kaya nyang may gusto ako kay Gabby.

My mind is in the middle of something when Sir Fermin resumed the meeting.

" as i was saying..." bungad nito.

" nag-ikot si MGS sa site kaninang umaga and she find out some disturbing drawings sa ilang units natin. Some of our workers are practicing vandalism and hindi lang ito simpleng vandalism dahil ang ilan sa mga nakita nya ay malalaswang drawings, unfortunately hindi pa ma-trace kung sino ang mga gumawa nun dahil 4 of our subcons are admitting na gumagamit sila ng chalk for marker" pagkasabi nya nuon kanya-kanyang ingay na ang ilang Engineers. Yung iba nagtatanong kung anong klaseng drawings, ang ilan naman idinadaan na lang sa pagbibiro.

" we won't give you any details, but we are advising that all Architect and Engineers na babae ay kinakailangang may kasama kapag papanik sa site lalong lalo na sa floors na walang masyadong activities " dugtong nya na ipinagkagulo naman ng ilang kalalakihan. Kapag si Sir Fermin pala ang nagpapa-meeting ang iingay ng mga ito pero kapag si Gabby akala mo  mga maamong tupa, ni hindi mo maringgan ng kahit na anong ingay.

" i volunteer Sir! Ako na lang ang sidekick ni Ms.Louise " sabad ni Julius

" ako naman kay Ms. Jamie" singit ni Francis

Kasunod nun kanya-kanya na silang komosyon. Medyo natahimik lang sila ng biglang sumingit si Cess.

" pagdating talaga sa kalokohan nangunguna kayong dalawa noh? " tukoy nito kay Julius at Francis

" hu! Naiinggit ka lang kasi walang gustong sumama sayo eh! " kantiyaw ni Darwin na naging dahilan ng pagtawa ng karamihan.

" ewan ko sayo! Ikaw ba ang kinakausap ko?!" ang masungit na pambabara ni Cess.

Which cause me to smile. Para silang mga bata na nagbabangayan at ayaw paawat. Magsasalita pa sana si Darwin para sagutin si Cess ng binawalan na sila ni Sir Fermin at itinuloy ang sinasabi.

" guys! Don't take this as a joke okay? May mga ilang incidents report na from the other Site Project na ganito rin ang nangyari at ang ilan ay humantong pa sa pambabastos sa mga babaeng Architects or Engineers"

" of course we won't allow that to happen in here that's why i'm asking you to cooperate. Is that clear" tanong nya in a serious tone.

" yes sir" magkakapanabay naming sagot.

" okay. That would be all. Magsibalik na kayo sa mga activities nyo" yun lang at tinapos na nya ang meeting. Agad naman kaming nagpulasan at nagkanya kanyang tayo, but when i'm about to go. Tinawag ako ni Sir Fermin.

"ah.. Louise, okay na ba yung revision ng PEP for St.Regis?"

"yes Sir nai-print ko na din. Ibibigay ko na lang po kay Ms.Gabby mamaya"

"Gabby won't be here the whole day, dumaan lang sya kaninang umaga" he informed me. Parang bigla akong nalungkot sa sinabi nya pero dagli rin yung nabawi ng magsalita muli ito.

" She'll be staying at the head office today because they are preparing for the meeting with the developer of the St.Regis Project . Since hindi mo pa naibibigay yang PEP i want you to go there and pass that to Ms.Cha Romero – TA (Technical Asistant) ni Gabby. Their meeting is around 6 pm so be there 2 hours bago sila mag start because I need you to discuss the work sequence to Cha  dahil sya ang magiging slider during the meeting" mahabang instruction nya.

"okay Sir Noted" I said at tumalikod na para lumabas, pero muli na naman akong natigilan when he call me.

"and Louise... " pambibitin nya and look at me with pa-cute na eyes. Kunot-noo lang akong nag-intay sa sasabihin nya.

Anong drama nitong si Sir?

"you look beautiful today" dugtong nya then he beamed a smile showing his white perfect teeth at ang dimples sa magkabilang pisngi. Obviously nakikipag-flirt na naman itong si Fermin which is weird, kasi napag-usapan na namin before ang tungkol sa amin dalawa at tinapat ko na sya na friendship lang talaga amg kaya kong i-offer sa kanya.

Ang awkward ng situation, parang bigla akong nailang dahilan kung kaya't hindi ako sumagot sa compliment nya. I just smiled at him at tumalikod na.

Problema nun?

********

Hindi ko napigilan ang magpakawala ng ngiti habang nilalaro sa kamay ang hawak na pink sticky note. Kung pwede nga lang din magpakawala ng impit na tili baka ginawa ko na. Ang kaso baka mataranta si Kuya Edwin na katabi ko at maibangga ang minamanehong sasakyan.

Oh my! Parang gusto kong himatayin.

Ang OA ha! Sticky notes lang gumaganern ka na! kontra ng isang bahagi ng utak ko.

Paki mo ba! sagot ng kabila

The Sticky note was from Gabby. Napansin ko yun pagbalik ko sa area after ng safety emergeny meeting namin kanina. Nakita ko yung nakadikit sa mug na pinagtimplahan ko ng kape na ibinigay sa kanya kahapon. Simpleng "thank you " lang naman ang nakasulat pero para na akong mababaliw sa epekto nun. Sabihin na nating ang babaw ng dahilan ko para maging masaya pero my god! si Gabby kaya yun! At kahit na anong gestures ang gawin nya ke simple man o bongga ay big deal para sa akin. Ganun naman hindi ba? pag mahal mo ang isang tao lahat ng bagay na gawin nya para sa'yo will bring happiness to your heart.

"Ma'am Louise, Andito napo tayo" pukaw ni kuya Edwin sa akin.

"huh? Ang bilis natin ah. Wala bang traffic?" nagtatakang tanong ko while removing the seatbelt. Hindi ko namalayan na nakadating na kami sa destinasyon.

Kakamot-kamot ito ng batok at nakangiting bumaling sa akin " may traffic Ma'am, hindi nyo lang po napansin dahil mukhang malalim ang iniisip nyo. Panay pa nga po ang ngiti nyo eh" medyo sa nanunuksong boses.

"Hoy Kuya hindi naman" salag ko kahit alam kong namumula na ang mukha ko sa sobrang hiya. Para mapagtakpan, nauna na akong bumaba ng sasakyan.

Bago kami pumasok ni Kuya Edwin napansin pa namin ang itim na sportcar ni Gabby sa di kalayuan. Nang makapasok na, agad akong dumiretso sa receptionist at tinanong kung saan ang office ni Ms. Cha Romero. Ibinigay naman nito ang direction na kaagad kong natunton.

The lady is in mid 40's na at naka-reading glasses ng malaki. When I approached her, she give me a friendly smile at niyayang pumunta sa isang conference room para mai-discuss sa kanya ang PEP. On our way to the conference room, hindi ko maiwasang magpalinga-linga at hanapin si Gabby.

Saan kaya ang office nya dito? Piping tanong ko sa sarili.

Until we reached our destination hindi ko nakita ni anino man lang ni Gabby.

Ms. Cha opened the door at bumungad sa akin ang 8 seater na conference room. She quickly set-up the projector and the pc then insert my thumbdrive na naglalaman ng files. Maya-maya lamang idinis-cuss ko na sa kanya ang work sequence.

********

Isang oras at mahigit na rin ang lumipas buhat ng matapos kaming mag-usap ni Ms. Cha. At ngayon nga ay nandito ako sa lobby dahil inaantay si Kuya Edwin. May mga dokumento kasing iniutos si Joff sa kanya na for signature ng mga Boss. Kanina ko pa nga ito nakikitang pabalik-balik sa paglalakad at panay ang hingi ng pasensya sa akin dahil sa pag-hihintay ko sa kanya. Nilibang ko na lang ang sarili sa paglalaro ng cellphone, pero ng magsawa na. Napagdiskitahan kong i-scan ang mga pictures ni Gabby na kinuha ko while she were sleeping. Madami-dami rin pala yun at kuha sa iba't-ibang anggulo.

"ang ganda-ganda mo talaga, nakakaasar ka!" para akong tanga na kinakausap ang litrato ni Gabby.

"Ma'am!" tawag ni Kuya Edwin

"Ay kabayo ka!" pamali-maling sambit ko sa biglaan nyang pagsulpot. Muntik ko na ring mailaglag ang hawak-hawak na cellphone dahil sa pagkagulat.

"Hoy Kuya! Nu ba yan, kung makatawag ka naman wagas!" daing ko sa kanya habang tutop ang dibdib.

"hoy Ma'am ikaw nga ang grabe jan. Hindi naman po ako kabayo" pagpatol nya sa sinabi ko habang nakangiti.

Natawa na lang din ako ng ma-realized kung anong nasabi ko.

"Nasa meeting pa raw po si Sir Gary – ang head ng accounting dept. Kaya hindi ko pa mapa-pirmahan itong nag-iisang dokumeno. Eh ang sabi po nung assistant mga 7 pm pa raw po matatapos. Kung gusto nyo mauna na po kayong umuwi, iintayin ko pa po sya eh." Mahabang paliwanag nito. Sandali akong nag-isip sa sinabi nya.

"Hintayin na kita Kuya, Rush hour pa naman ngayon, siguradong mahaba ang traffic dun sa dadaanan ko" sagot ko sa kanya.

"Sure po kayo? baka gabihin kayo?"

"sus! ganun din kuya, maiipit din ako sa traffic kaya mas okay na dito muna ako. magpapatay na lang ng oras" nakangiti kong sabi sa kanya.

"eh sige po kayo ang bahala"

********

Makalipas ang isang oras naramdaman kong bumigat ang pantog ko. Nagpaalam ako kay Kuya Edwin na magpupunta lang sa Comfort Room pero pag dating ko dun nakasara ito at may nakapaskil na "cleaning in progress" . Bumalik ako sa lobby at nagtanong sa receptionist kung saan pa merong Toilet , itinuro nito sa 3rd floor kahilera ng mga board rooms. Agad ko naman itong natunton and quickly went inside. After na makapag-bawas ng likido sa katawan, panandalian pa akong nag-retouch bago lumabas.

I was on my way to the staircase when I heard loud voices na tila nagtatalo. Natitigilan akong lumingon sa pinanggagalingan ng boses. I got curious dahil somehow pamilyar sa akin ang isa sa mga tinig, suddenly my feet lead me near to the Elevator Lobby and then i saw this two people confronting each other. Nang makilala ko kung sino ang isa duon, dali-dali akong nagkubli sa gilid ng pader.

It was Gabby and the other one is a beautiful woman na hindi familiar sa akin. I secretly glance at them. It seems that they are in a deep argument which maybe the cause why the woman is in verge of crying.

"don't you dare call me with that stupid name!!! " nanggagalaiting sabi ni Gabby. Nakaharap ito sa babae and i'm betting she's really angry at the moment because of her impulsive hand gestures na kulang na lang ay duruin ang kaharap.

"I'm sorry, that's the only way I know para pansinin mo ako. " hinging paumanhin ng babae sabay tutop ng nanginginig na kamay sa noo nya.

"wala ka ng karapatan para tawagin pa ako sa ganyang pangalan!!!" si Gabby.

"makinig ka muna kasi sa akin!" woman shouted in frustration.

Ayoko na sanang pakinggan kung anumang usapin ang pinagtatalunan sila but somehow I felt this curiousity kung sino ba ang babaeng yun na nakakapagpagalit kay Gabby.

"bakit pa?! did you tried to listen to me nang mga panahon na nagmakaawa ako sayo?! Ang kapal naman ng mukha mo para hinging pakinggan ang mga sasabihin mo, pagkatapos ng mga ginawa mo sa akin!!! " marahas na bwelta ni Gabby sa kausap. At dahil nakatagilid ito kitang-kita ko ang Galit na galit na itsura nito dahilan kung bakit halos magputukan na ang mga ugat sa leeg.

I was so confused from what I have heard, kanina I was just -curious. Ngayon naman nalilito na ako sa mga nadidinig kong pag-uusap nila. Bigla ring sumikdo ang puso ko ng marinig ang huling tinuran ni Gabby. Halos hindi pa ako nakakabawi sa mga iyon ng magulantang ako sa mga sumunod na naging sagutan nilang dalawa.

"oh god! Gabby... it's not about us, it's about him" umiiyak na sagot ng babae sabay turo sa nakapinid na pinto.

"oh yeah! It's always been about him! Kaya nga iniwanan mo ko hindi ba?! Dahil sa Put*nginang Nick na yan! "

"Tang*na! Ang kapal din ng mukha mo para harap-harapang ipamukha sa akin ang panlolokong ginawa nyo?!! Pumunta ka pa talaga dito with that stupid Man" dugtong nito in her hysterical voice.

I saw the Woman was astounded for a while and just keep on crying habang paulit-ulit na humihingi ng sorry kay Gabby. And so am I, My heart hurts from what I've heard, for a seconds halos hindi ako makahinga sa mga revelation na nalaman ko. So this girl is her Ex-GF i assumed.  Base on what i've heard. Ito ang nanakit at nang-iwan sa kanya.

Poor Gabby. No wonder ganito na lang ang galit nya towards the lady.

"Why the hell are you doing this to me?!! Bakit Jenna? " pamaya-mayang sabi ni Gabby in a voice full of pain at tila nanghihina.

"i'm not doing anything to you Gabby" the woman replied when she regain her composure. malumanay lang ang pagkakasabi nun pero tila naging hudyat na naman, to ignite Gabby's anger. Tinapunan sya nito ng masamang tingin at pamaya-maya ay sinumbatan sya.

"yeah right!! Wala ka ngang ginawa. You didn't do anything to save our relationship, You didn't keep your promises, You didn't explain anything to me   ....and sh*t!......" tila hirap na hirap syang sabihin ang mga katagang yun habang marahas na nagtataas baba ang dibdib sa sobrang emosyon that brought tears streaming down to her face.

.... You just broke me and let my heart torn into pieces.." punong-puno ng hinanakit na sabi nya and then turn her face to the Elevators direction.

It breaks my heart seeing Gabby like this. The ever conceited, cold hearted and hot tempered woman na kilala ko completely wiped out, she seems a picture of failure and pain ng mga oras na yun.Damang-dama ko ang rant nya at ang sakit sa bawat salitang binibitawan nya for Jenna. Somehow, nararamdaman ko na kung saan sya humuhugot ng galit. Pakiramdam ko tuloy ako ang nasasaktan sa mga sinabi nya and the moment i saw her crying hindi ko napigilan ang maawa sa kanya. Kung pu-pwede nga lang na tumakbo sa kinatatayuan nya  at hatakin palayo sa taong nanakit sa kanya, ginawa ko na. 

" Gabby please!" hindi napigilan ng babaeng hawakan ang braso nito but Gabby  face her and removed her hand at akmang tatalikod na ulit nang magsalita ulit ang kausap.

"He badly needed his company" mga katagang sinambit ni Jenna kasunod ng impit na iyak. Somehow I can feel the pain she have right now. Kitang-kita yun sa mga mata nya habang nagmama-kaawang hinihintay ang tugon ni Gabby na nuon ay nakatalikod pa rin sa kanya.

On the other hand, I saw Gabby closed her eyes when she heard the woman whimpering. I saw the pain registered on her face habang patuloy ang agos ng luha sa nga mata nya pero saglit lang yun dahil the moment she opened her eyes, she regain the anger na sumakop sa kanya kani-kanina lang. dahan dahan nyang hinarap ang kausap at mataman nya itong tinitigan.

"Please!,,.. please let us be part of this Project. Ito na lang ang makakapagsalba sa kumpanya nila Nick. I'm begging you Gabby please!" the woman pleaded in between crying habang nakaluhod ito at nakikiusap.

"what make's you think na tutulungan ko kayo?! After all the pain that you cause me na halos ikabaliw ko,.. ni katiting Jenna! -- walang-wala yang nararamdaman mo sa ipinadanas mo sa akin! And I despise you for hurting me that makes me this cold hearted b*tch that I am right now!" she said furiously then stormed inside the elevator na kakabubukas lang at iniwanan ang kaharap.

Jenna just keep on crying down under her knees. pero Pamaya-maya lang she stood up and wipe her tears then lulugo-lugong naglakad papalayo. Awang awa ako sa itsura nya, but i felt mad at the same time dahil sa ginawa nya kay Gabby. Nang maalala ang babaeng minamahal i quickly went to the elevator lobby and frantically push all the buttons. Nang mainip sa paghihintay i go down the staircase. 

She needs me now. I know that because that was my instinct told me. 

Nang makarating sa Ground floor halos tumakbo ako palabas ng pintuan. Buti na lang at wala ng masyadong tao ng mga oras na yun. Dire-diretso akong pumunta sa parking lot at dahil wala na rin halos ang mga sasakyan na nakaparada duon kanina agad kong nakita ang kotse ni Gabby sa may gawing dulo. Lakad takbo ang ginawa ko. Malayo pa lang ako napansin ko na ang pabalagbag na bukas ng pintuan ng driver seat nito. When i check inside the car bigla akong kinabahan ng hindi ko sya matagpuan duon at lalo pa yung nadagdagan when i smelled alcohol inside it . Puro's gamit lang nya ang nakakalat duon pero ni anino nya wala.

Nag-aalala akong lumabas ng kotse at inikot ng tingin ang paligid. I shouted her name sa pag-aakalang makuha nun ang atensyon nya. May ilang minuto na rin akong naghahanap at halos mawalan na ng pag-asang makikita sya when suddenly i heard someone's weeping sa di kalayuan. Ilang dipa lang ang layo nun from Gabby' car pero dahil madilim ang area hindi ko napansin kanina na may tao duon. 

I know it's Gabby kaya dali-dali ko syang pinuntahan. Then what i saw shocked me. 

"oh my god Gabby!"  

********

Next ...... Chapter 13 : Shattered


Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
26.3K 1.5K 47
It's good to have a Bestfriend until you fell in love and BEST wasn't enough anymore. FAN FICTION. KATHANG ISIP.
128K 4.4K 52
Renebelle 'Rain' Dimakulangan: Pasikat na model,. Ang babaeng straight pero iniwan parin sa kawalan. Natasha 'Nati' Simeon: Famous Celebrity, she ha...
375K 6.6K 58
Anong gagawin mo kung nainlove ka sa isang babae na maganda, matalino, malinis, At higit sa lahat ay mayaman. At ikaw ay isang simpleng tao lamang. M...