Friendshipidity (Chase #3)

By Starine

130K 4.1K 403

Friendship. That was all I wanted to have with my best friend, Sien. Matindi ang pananaw ko na kaibigan lang... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
​Chapter 35
Epilogue
Mae: Jealousy Stinks

Chapter 5

3.6K 123 8
By Starine

Chapter 5
Still

"Mae, bakit naman iyong si Karly pa ang pinopormahan ni Sien?" Tila hindi makapaniwala si Elaine.

"Oo nga. Wala na ba siyang taste?" segunda ni Aria. Napatingin kaming lahat sa kanya. Nag kibit siya ng balikat habang nakataas ang isa niyang kilay at hinintay lamang ang sagot ko.

"I don't know. Hindi ko nga alam na pinopormahan niya 'yon."

Pinagpatuloy ko lang ang pagaayos ng storage box ko. Busy ang klase sa paglilinis ng room dahil magtatapos na ang school year. Marami ang nangyari, but they're all usual to me. Same old hell week because of exams and thesis madness, same old days with the same faces. Fun days come on Fridays and Saturdays. Ganoon lang ang set up ng buhay ko hanggang sa dumating na ang araw kung saan sisigaw na ang class president namin ng...

"General cleaning na guys!"

Sari sari ang sigaw ng mga kaklase ko. Anila hindi pa nga sila tapos sa pagpapapirma ng clearance, hindi pa tapos magayos ng mga iuuwi nilang mga libro, at pati ang pagme merienda ay idinahilan nila.

Matapos naming mag ayos ay kanya kanya na kaming gawain para maglinis ng room. Pinili kong linisin ang jalousie kaysa sa mag-agiw dahil hindi ko naman abot iyon. Ang mga boys ang naka-assign sa paglinis ng sahig. Nasa loob sila at nagkukulitan.

"Wow, bespren! Ang sipag mo talaga. Ang saya mo sigurong maging asawa, ano?" pang-inis na sigaw ni Sien mula sa loob. Sumama ang timpla ng aking mukha.

Umakma akong ibabato ang hawak kong pamunas sa kanya at mabilis pa sa alas kwatro siyang naghanda para umilag. Natawa ako nang magtago siya sa likuran ni Jayce. Sumisilip silip pa ang loko para mag make-face sa akin. Inirapan ko lang ang kumag.

"Ang sweet ng mag best friend! Kailan kaya magkakaaminan?" pang asar na tanong ni Ten nang lumapit siya sa akin para punasan ang kabilang bintana.

"Have a nice summer, too, Pristine!" sarkastiko kong sabi at tinawanan niya lang ako.

Pinagpatuloy ko ang paglilinis. Nang masulyapan ko si Sien sa loob ng room ay saktong napatingin siya sa akin at binigyan ako ng nakakairitang kindat.

What the f uck naman kasi! Alam kong iniinis niya lang ako sa mga ganoon niya, pero naiirita na ako. Naiirita na ako kapag sinusubukan niyang maging sweet sa akin, kapag nagiging gentleman siya, kapag kinukulit niya ako, kapag ginagawa niya ang mga bagay bagay para sa akin. I must be insane for being too cranky at those gestures, I know. But those were the fcking reasons I'm falling deeper everyday. And honestly, I don't know how to prevent this fall.

"Mae, sa inyo naman tayo mamaya, ah?" Sabi ni Elaine.

"Ha? 'Wag sa amin, magulo ang bahay. Kina Jesca na lang!"

"Ay, sorry bakla, nandoon sina Tita Lai with their other friends," mabilis na sagot ni Jesca.

Binigyan ako ng tingin nina Ten at Aria na huwag ko ng subukang ipasa sa kanila ang sasabihin ko kaya't napabuntong hininga na lang ako at pumayag. Now they're like wildcats rummaging the house.

"Mae! Nagtext si Sien, susunod daw sila ni Jayce. Silang dalawa lang daw kaya 'wag kang mag alala," sigaw ni Elaine mula sa sala.

Naghahanda kami ni Aria ng snacks sa kitchen nang sabihin iyon ni Elaine. Iba't ibang klase ng reaksyon na naman ang nangyari mula sa aking mga kaibigan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin inaamin ang nararamdaman ko para kay Sien, ngunit hindi ko na rin iyon itinatanggi tulad ng dati. Ngayon ay... slight na lang.

Habang itinatanggi ko kasi, mas sumasakit. So instead of trying to feed them lies, I just shut up about it instead.

"Dude, ipaglaban mo na! May laban ka naman eh," sabi ni Elaine. May kasama pang conviction iyan ha. Hindi ko alam sa babaeng ito.

"Oo nga. Sa panahon ngayon, normal na iyong pati babae ay nanliligaw na. Just look at me," natatawang sabi naman ni Jesca.

"Igaya mo pa ako sayo." Ngumuso ako. Ayoko. Ayoko talagang ipaglaban kung ako lang iyong lalaban. I won't fight a losing battle.

"Grabe ka! Drian just needs a little push, bibigay din 'yon sa akin. Wait! Nasa labas na ata sila!" Dumiretso na si Jesca sa labas nang marinig ang doorbell. Nang bumalik siya ay kasama na niya ang dalawang lalaki.

"Alright, snack time!" Pumasok si Jayce sa sala, masayang masaya pa siya dahil sa pagkain. Umupo siya sa sahig at nag simulang lantakan ang nakahaing snacks. Buti pa ito walang problema, hindi katulad ng kaibigan niyang matalim na nakatitig sa akin.

Sinuklian ko siya ng tamad na tingin. Itinaas ko ang aking dalawang kilay, as if to ask what's up. Hinigit niya ako dahilan kung bakit ako napatayo mula sa kumportable kong pagkakaupo. Iginilid niya ako at umakbay sa akin.

"Salamat sa invite, best friend! Salamat talaga," sarkastiko niyang hiyaw. Hindi ako umimik. Ang clingy ng taong 'to! "Akala ko pa naman makaka kain tayo ng dinner ngayon. Sinira mo na naman ang plano ko," bulong niya sa akin.

Naghiyawan ang mga kaibigan ko na halatang pinapanood ang bawat galaw namin ni Sien. Hindi ko napansin ang mga 'yon dahil sa mga ibinubulong ni Sien sa akin. Hindi ako makapag focus.

"Sa amin ka mag dinner mamaya, please? Miss ka na ni Mom," muli niyang bulong.

"Utut mo, Sien Pelarez. Ano na namang pakulo mo at niyayaya mo ako?"

"Magki kiss na 'yan, oh!" hiyaw ng kung sino, pero hindi namin pinansin.

Hinila ako ni Sien sa dining area para makapagusap kami nang maayos. Kung makakasagot nga ba ako ng maayos. Hindi ko kasi siya mabasa.

"It's true! Tanungin mo pa si Mom mamaya. She wants you there, and believe me when I say I want you there also right now." May sinseridad naman sa kanyang pananalita at hitsura kaya't sige, sasagot ako nang maayos ngayon.

"Okay. Pero kung pinagtri-tripan mo na naman ako sampung sapak ang abot mo!" Sinuntok ko ang kanyang tiyan bago ko siya inalisan. Hindi naman siya nasaktan ngunit umakto na akala mo ay kung sinong wrestler ang sumuntok sa kanya.

"Let's play who's hotter than who!" hiyaw ni Aria.

"Anong pakulo na naman 'yan?" asked Ten.

"It's simple! One person will give two names, both girls or both guys, and then the one who's it shall say who's hotter than the other," explained Aria.

"What the f!" Natatawang reaksyon ni Jayce. "Can you name celebs?"

Ngumuso si Aria, "Ang boring no'n! Come on where's the fun in that?"

"Alrighty, I'm in!" sabi ni Elaine. Napatingin si Jesca sa kanya ngunit kibit ng balikat lamang ang ibinigay nitong sagot sa kaibigan.

Okay, this should be fun. Maybe.

Isa isa na kaming kumuha ng pwesto at nag decide kung sino ang mauuna at kung anong rotation ang gagawin. Dahil si Aria ang nag imbento ng game ay siya ang nauna. Siya ang magbibigay ng dalawang pangalan para kay Jayce.

"Jayce, who's hotter than who, Vi or Angie?" tanong ni Aria, parang may kinang pa sa mata niya dahil sa anticipation. Pare-parehas kaming naghiyawan sa pangalang ibinato ni Aria. I know Jayce have had something with Angie, yata? But then now I know he's flirting with Vi? Not sure!

"Come on guys! Can I choose Lily Collins instead?"

"Be sport, dude!" kantyaw ni Sien sa kaibigan.

"Ariana Grande, babe," pa-cool na sagot ni Jayce kasabay ang pag-akbay kay Aria.

"Gay bear!" tukso ni Elaine. "Sumagot ka na lang, Jayce. Or I'll declare you easily lost your balls in a silly game."

"What the fck, man?" Nanlaki ang mata ni Jayce kay Elaine na siyang panay lang ang ngiti.

"Hall of Fame, or Balls of Nothingness. You pick."

"I therefore conclude that Aria's game is undeniably toxic, and f uckingly boring," inis na bulong ni Jayce. "It's Vi! Alright? Vi!"

"Sasagot ka rin pala eh," tumawa si Aria, "But my game isn't boring. It's dope, Jayce, by the way. Dope!"

"My turn!" Jayce was excessively excited, and I knew that it was because it's now his turn to say names for Sien to answer.

"Ayusin mo, Jayce," matalim na pagbabanta ni Sien sa kaibigan.

"Of course, I'll take it easy. Now, who's hotter than who, Mae or Ten?"

Lahat kami ay napatigil sa aming ginagawa. Nabalot ang pagtatawanan at pagbibiruan ng katahimikan. Napatingin si Aria sa akin ngunit ako naman ay kay Ten naka pokus. Binigyan niya ako ng matamlay na ngiti.

"Okay, joke time!" awkward na tumawa si Jayce. Nawala lang ang katahimikan nang sundan iyon ni Sien ng pag sapak sa kanya.

"G ago ka ba?!" Sien shot daggers at Jayce, who lost control of his laugh. D ouche!

"Joke lang kasi diba? Please let go of my collar now." Inayos ni Jayce ang ginulong damit ni Sien mula sa pagdakma rito.

"Mae or Karly," maayos na paguulit ng tanong ni Jayce.

"What the heck?" mouthed Sien. "Of course it's Mae."

"Of course! Of course!" Tuwang tuwang reaksyon ni Jesca. "Mabuhay ang skinny love."

"Now, Sien, ask Mae if you're hotter than Xander," pilyo na namang sabi ni Jayce.

"Jayce, umuwi ka na!"

Nagsagutan ang dalawa dahil sa petty game na ito. Pinapanuod lang namin ang dalawa at natatawa sa kababawan ng pinagtatalunan. Si Jayce ay tuwang tuwa pa sa pagkapikon ni Sien. Habang si Sien naman ay kaunti na lang ay mabibigwasan na ang kaibigan.

"Tatanungin lang naman natin, eh! Bakit ba ayaw mo? Just get out if you don't want to hear her answer."

Hindi nagdalawang isip si Sien sa pagtayo. Iritado siyang dumiretso sa kitchen. Humabol pa siya ng mura kay Jayce bago tuluyang nawala sa paningin namin.

"Ano, sino na, Mae? I really want to hear," pagpupumilit ni Jayce. Ngising-ngisi siya habang hinihintay ang sagot ko.

Napataas ang dalawa kong kilay at sumagot, "Sien."

It's a no-brainer.

Bago sumapit ang gabi ay nagpasya silang umuwi na. Ako naman ay sumama kay Sien pauwi sa bahay nila. Sinalubong kami ng nakakagutom na amoy nang pasukin namin ang dining area.

"Mae, you're here!" Agad na sumalubong si Tita Vivien sa akin. Now, I'm starting to believe she really wants me here.

"Opo naman, Tita. Palalagpasin ko ho ba ang luto niyo?" Biro ko.

"Kung ganoon, ang luto ko lang pala ang ipinunta mo? Nakakapag tampo."

Napahagikhik lang ako. Dumiretso na kami sa pagkain dahil saktong katatapos lang ni Tita sa paghahain. Aniya pa ay gabing uuwi ang kanyang asawa at wala ang Kuya ni Sien.

"Isa pa, sawa na rin ako sa mukha nitong si Sien. Mabuti na 'yong may iba akong taong makakasabay sa pag kain," ani Tita.

"Enough with the tough love, Mom. Let's just eat," reklamo nitong katabi ko.

Nang matapos kami sa hapunan ay tinulungan ko si Tita sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Habang naglilinis ay nagkukwentuhan din kami. Naging malapit na rin ako kay Tita simula ng maging magkaibigan kami ni Sien.

Naalala ko pa noon kung paano niya ako unang nakilala at napansin. Dahil iyon sa magugulo naming kaklase na palagi kaming tinutukso. Akala pa ni Tita ay girlfriend talaga ako ni Sien noon. She was shocked of course, because we were still young! Ngunit inamin din naman ni Tita na wala lang iyon sa kanya noon, and that if ever Sien and I ended up together it would totally be in her favor. Like in some unicorn's dreams!

"Samahan mo muna ako sa kwarto." Hinigit na ako ni Sien paakyat sa kanyang silid. Napairap na lamang ako. Alam ko na ang ipagagawa ng bwisit na 'to!

Diretso siya sa paghiga sa kama at nagsaksak kaagad ng earphones sa kanyang tenga. Nakatayo ako sa harap niya at nakapameywang.

Sinasabi ko na nga ba! The first time Sien lured me into thinking that Tita really asked me to have dinner with them was because he had motives. I remembered he asked me to go to his room to hang out. Little did I know, the hang out he was talking about was tidying up his crib!

Pinagtiklop niya ako ng damit niya noon dahil ang sabi niya ay grounded siya, at kasama sa punishment niya ang household chores. Muntik na raw siyang paglabahin ng sariling damit noon, but he said he charmed her Mom not to punish him to the core. Ang OA lang!

Hinablot ko ang earphones niya at kinuha na rin ang kanyang phone. Itinago ko iyon sa closet niya bago ako humarap muli.

"Hindi ko 'to titiklupin. I'm not your maid!"

"Grabe, ganyan ka ba sa magiging asawa mo kapag pagod galing sa trabaho? Ang damot mo naman," sabi niya sabay ang paghalukipkip. Ngumuso pa ang bwisit at umiling iling.

"Hindi ka naman galing sa trabaho."

"Pero iniisip mong asawa mo ako?" Ngumisi siya.

Nanlaki ang mata ko. Dahil sa inis ay kumuha ako ng damit mula sa mga titiklupin at tsaka iyon binato sa kanya.

"Of all things, talagang brief ko pa, Mae? Really?" Tawang tawa na naman siya.

Sht. I should've looked. Hiyang hiya ako at hindi ko alam kung saan ako titingin. Umupo ako sa kama niya pero nakatalikod ako.

"Ganito na lang. Rock paper scissors tayo. Kapag nanalo ka, ako na ang magtitiklop. Pero kapag nanalo ako, ipagliliis mo ako ng kwarto at dito ka na matutulog."

"Ayoko!"

Napabangon siya dahil sa sagot ko. Mabilis siyang tumalon para umupo sa tabi ko. "What? Takot ka bang matalo? Ang weak mo naman!"

I glared. "O, sige."

"Game!"

Alam kong paper ang una niyang alas kaya't maggu-gunting ako ngayon.

"Ang daya mo, Mae! Isa pa," kunot-noo niyang reklamo. Natawa ako. Para siyang bata. Akala mo naman kung ano talaga ang ipaglalaban. Even if I lose, hindi ko susundin ang sinasabi niya, ano!

"Last two. Okay?" sabi niya. Mukhang pursigidong manalo. I smirked. Nang tingnan ko ulit siya ay tsaka niya inilapit ang mukha niya sa akin. Mga isang dangkal na lang ang layo. "Game."

Nagsukatan kami ng tingin bago nagsimula. Akala naman niya madi distract ako sa kanya? Akala naman niya ang gwapo gwapo niya! Iyong tsinito niyang mata? Ang kanyang matangos na ilong? Ang tila perpekto niyang panga? Magandang pag guhit sa kanyang kilay? At mapula niyang labi?

"You lost, Mae. Hah!"

What the?

Bato ang kanya habang gunting naman ang akin. At iyan ang patunay na hindi ako distracted sa kanya. Dammit!

"One last," paghamon ko.

Tawa siya nang tawa. Lagi naman siyang ganiyan. Alam ba niya ang epekto niya sa akin? Kasi shet, hindi pwede iyon! I've been trying so hard to conceal my feelings, then... what? Halata pa rin pala?

I may have feelings for him but it doesn't mean I already lost my game. I put on my game face. At kung malapit ang mukha niya kanina ay mas inilapit ko ang mukha ko ngayon. Nakakunot ang noo niya when we chanted the game, there I knew he's distracted now.

"I won, Sien. You clean your own mess." Ngumisi ako.

Imbes na mainis siya ay ngumiti siya at napailing. Pumikit siya sandali at tumawa. Wala ni isa sa amin ang sumubok na lumayo sa isa't isa. Hindi ako ang mauuna, well, because of pride! And because I'm hiding something.

Nang magmulat siya ay bigla niya akong hinalikan sa pisnge. Bago pa man ako makapag react ay nakatalon na siya paalis sa kama.

"SIEN!"

Nanlabo ang mata ko. Hawak hawak ko ang pisnge na kanyang hinalikan. Malapad ang kanyang ngiti nang lingunin niya ako. Nagtago na siya sa likod ng closet door.

"You are overreacting, Mae. Akala mo naman ay sa labi ko hinalikan," ngising-ngisi pa siya nang sumilip siya.

"Cheeks, lips, forehead, nose! Frickin' wherever, it's still a kiss!"

"Still a kiss, still a kiss ka dyan? Ano bang pinaparating mo? Dapat sa labi na kita hinalikan para sulit kasi nga, it's still a kiss?" Ginaya niya ang tono ko nang sabihin ang linya ko.

"Bwisit! Nakakaasar!"

Itinulak ko iyong pinto kung saan siya nagtatago. Reklamo lang siya nang reklamo na naiipit siya ngunit hindi naman ako itinutulak pabalik. Nang magtagal ay umalis sya sa pwesto niya at hinarap ako.

"Mae naman. 'Wag ka ng mainis. Ang lapit mo kasi kanina eh."

Umiwas ako ng tingin. "BS."

"Bery Sweet?"

"It's bullsht by the way," umirap ako.

"Pakipot ka pa."

Hindi ko na napigilan. Naglakad ako palabas ng kwarto niya. He's doing it again. Ano na naman itong inaakto niya? Naiirita na naman ako! Pwede naman kasing normal na akto lang, diba? Why do these things that could make a girl fall?

Nahabol niya ako bago pa man ako makababa ng hagdan. Isinandal niya ako sa dingding ngunit dumistansya naman siya kaagad. Good!

"Sorry."

Napalunok ako. Ngayon ay awkward na. If we were on the past with the same situation right now, I could've brushed the tension away easily. Ngunit iba na ngayon. So is it now my fault we're like this? Kasi nahulog ako?

"'Wag mo na lang ulitin," mahina kong sagot. Nakatuon ang kalahati ng pokus ko sa hagdan, binibilang kung ilang hakbang ba ito, ngunit hindi ko matapos tapos.

"Just don't close the distance between us again, or you'll leave me no choice but to still kiss you."

Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 533K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
130K 4.1K 38
Friendship. That was all I wanted to have with my best friend, Sien. Matindi ang pananaw ko na kaibigan lang ang kaya naming maituri sa isa't isa dah...