The Untouchable Beast

By greatfairy

22.5M 508K 75.9K

[A published book under PSICOM Publishing Inc. ] In a world where sunshine meets corporate storms, Nisyel Lov... More

Description
TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
ANNOUNCEMENT
New Series
EXTENDED CHAPTER

CHAPTER 15

433K 11.5K 3.4K
By greatfairy

Chapter 15: Trash Bin

Malaki.

Matigas.

Matikas.

Ang ahas.

Parang tumitibok din ito.

Diniin ko ang aking kamay para malaman ko kung mahaba ba ito pero...

"WHAT ARE YOU DOING?"

"Aray!"

Napasapo ako sa aking noo nang biglang bumangon si Dee mula sa pagkahiga. Ang sama talaga ng ugali nito kahit kailan. Hindi man lang ako in-inform na babangon siya. Nagkauntugan tuloy kami.

"Dee naman, eh! Kitang hindi pa ako prepared tumayo ka na!  Ang tigas pa naman ng bungo mo. 'Pag ako magkabukol, kakalbuhin talaga kita mula ulo hanggang kuko!"

"Tss. Sorry."

Napapikit ako nang inilapit nito ang kanyang mukha sa aking noo at hinipan ito.

Hala!

Magic!

"Waah! Paano mo 'yon nagawa, Dee? Bakit biglang nawala ang sakit? Part time magician ka ba?"

Niyugyog ko siya sa magkabilang braso si Dee pero hindi man lang ito natinag. Namamawis din siya at ilang beses na napalunok.

"W-where's your bathroom?" nahihirapang tanong nito.

Eh?

Hala!

"Ando'n, oh." Turo ko sa tabi ng silid higaan ko.

Dali-dali naman itong pumasok doon nang walang lingun-lingon.

Kawawa naman si Dee. Dito pa naabutan ng LBM. Kung anu-ano kasing kinakain, eh. Tsk!

"Dee, walang flush diyan, ah? May tabo naman diyan at balde. May iniwan din akong alcohol diyan. Gamitin mo para mawala ang mikrobyo sa kamay mo. Sabong panlaba ang gamitin mo sa paghugas ng kamay mo ah? Para mas matanggal ang amoy," malakas na sigaw ko ng masarado niya na ang pinto ng banyo.

Hindi na ito sumagot.

Tsk! Eng-eng ka rin talaga, Nisyel. Kitang nahihirapan na nga 'yong tao, eh!

Naupo na lang ako sa luma kong sofa para hintayin si Dee. Awang-awa talaga ako sa kanya. Ang hirap kayang ma-LBM. Alam ko kasi naranasan ko na rin 'yon minsan. Hay

Tinapik-tapik ko ang aking paa sa sahig habang naghihintay kay Dee.

1 minute.

2 minutes.

10 minutes.

12 minutes.

15 minutes.

Eh? 15 minutes na pala si Dee banyo pero hindi pa rin siya lumalabas.

"Dee?" tawag ko pero walang sumagot.

Mayamaya ay may narinig akong ungol.

"Ooooh!"

Eh? Kawawang Dee. Ang sakit talaga siguro ng tiyan niya kaya nahihirapan siyang umire.

Hay. Ano kaya kung sabihin ko na lang sa kanya na huwag nalang ituloy itong date? Baka hanap-hanapin niya ang inodoro kahit saan kami magpunta. Eh, 'di hindi kami mag-ienjoy 'non.

"Dee! Ilabas mo lang lahat, ah? Ire mo lang! Kayang-kaya mo 'yan! Fighting!" Pagpapalakas ko ng kanyang loob. Sumuntok pa ako sa hangin at ipinadyak ang isa kong paa na parang nagchi-cheer. Baka kasi nagka-traffic ang mga pagkain sa kanyang tiyan kaya ganun.

Hindi pa rin sumagot si Dee. Patuloy lang ito sa pag-ungol. Hay, pesteng LBM kasi 'yan eh! Panira talaga ng date.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na siya sa banyo.

"Ayos ka na ba, Dee? Masakit pa ba ang tiyan mo? Nailabas mo ba lahat?" Sunod-sunod na tanong ko na ikinakunot ng kanyang noo ngunit namumula siya.

"Y-yeah. I... I'm fine," anito.

"Sigurado ka ba, Dee? Huwag na lang kaya natin ituloy ang date. Sa tingin mo?" Nagsalubong ang kilay nito at tila napamaang sa aking sinabi.

"Why the hell do we have to cancel our date?" Naguguluhang tanong nito.

Hay. Napatampal ako ng noo.

"'Di ba nga masakit yang tiyan mo, Dee? At saka... nga pala, Dee, mukhang kinakabahan yata yang hidden treasure mo. Kasi kanina parang ang bilis ng pagtibok-tibok niyan ng mahawakan ko."

"Hidden treasure?" Napapantastikuhang tanong nito.

"Hay naku! 'Yang hidden treasure mo, Dee. Yang birdie mo ba. Alam mo ang slow mo talaga!"

"WHAT?!"

"Ayan ka na naman sa ka what-what mo eh. Bakit? Mali ba ako? Lumipat na ba ang puso mo mula sa dibdib papuntang birdie mo kaya tumitibok tibok ito? Puwede ba 'yon? Hindi ko naman naaalalang itinuro 'yon nung high school, ah."

"DANG IT!"

Eh?

Bigla na lang ito napahilamos ng kanyang mukha at lalong namula ang kanyang mga pisngi. Umabot na nga hanggang sa tenga niya.

"Haay naku! Ang hirap mo talagang kausapin, Dee. Nasobrahan ka ata ng genius kasi hindi mo nagi-gets ang mga sinasabi ko. Ang mabuti pa magpahinga ka na lang muna at ikukuha lang kita ng gamot."

Mabilis akong tumalikod at pumunta ng silid ko para kumuha ng gamot ngunit ng maalala kong hindi pala ako nakapag-stock ng gamot para sa LBM ay bumalik nalang ako sa sala.

"Sandali lang, Dee, ah? Baba lang ako kay Lady M, wala nga pala akong stock dito," sabi ko habang tinutungo ang main door.

"What the hell are you talking about?"

"Ayan ka na naman sa ka hell-hell mo, Dee! Gustong-gusto mo talagang pumunta ro'n,  ano? Alam mo, Dee, kung gusto mo talagang pumunta ng hell, huwag mo akong idadamay. Ayaw kong matusta ng apoy ang kagandahan ko. Sa heaven ako pupunta. Always remember that! Isa pang hell diyan at iba-barbe-que na talaga kita! Maliwanag?"

Napaurong naman ito nang pinagtaasan ko siya ng boses. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagtawa. Minsan talaga kailangang daanin sa paspasan itong si Dee eh.

"Hintayin mo ako rito, nagkakaintindihan ba tayo?" Nakataas kilay at seryosong saad ko habang nakapamewang.

"O-okay." Nauutal na sagot nito.

Hihihi.

Lumabas na ako ng pinto at dahan-dahang bumaba ng hagdan dahil sa taas ng takong ng suot kong sandals.

Nang nasa ikalimang baitang na ako mula sa ibaba ng hagdan ay tinawag ko agad ang pangalan ni Lady M.

"Lady M?"

Walang sumasagot.

"Lady M?"

Wala pa rin?

"Yuhoo! Lady M?" Tawag ko ulit habang humahakbang pababa.

Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko si Lady M na....

Nakikipagtukaan kay Kuya Marianito!

Hawak-hawak ni Kuya Nito ang pisngi ni Lady M, at nakakapit naman si Lady M sa batok ni Kuya Nito habang kinakain nila ang labi ng isa't isa.

Sa sobrang gulat ko ay hindi ko napigilang mapasigaw ng pagkalakas-lakas...

"AAAHHH! SPG!"

Gulat na gulat ang dalawa at napabitaw sa isa't isa saka sabay silang tumingin sa kinaruruonan ko. Nanlalaki ang kanilang mga mata saka nagkatinginan silang pareho bago sabay sigaw ng pagkalakas lakas rin.

"Aaaaahhhh/Aaaaahhhh!"

Sa sobrang gulat ko ulit ay na-out-of-balance ako kaya nalaglag ako at nagpagulong-gulong sa hagdan.

Masakit!

Sobra-sobrang sakit!

Huhuhu.

Nakaka-depress!

Nakakai-stress!

Nakakainis!

Bakit kasi sa dinami dami ng puwedeng bagsakan ko ay 'yong BASURAHAN pa!

Huhuhu.

Buti sana kung paa ko lang, mapapatawad ko ang basurahan na 'to.

Pero hindi, eh!

Dahil naunang pumasok ang ulo ko!

Walang hiya!

Huhuhu.

Para akong dinribol ng hagdan at ini-shoot sa basurahan!

Ang galing niya, ah!

Pasok na pasok ang ulo ko eh!

Huhuhu.

Naramdaman ko ang pananakit ng katawan ko. Kasunod ng pagdagundong ng sigaw ni Dee.

"MEE!"

...

"So far wala naman kaming nakitang internal fractures sa kanyang katawan. Negative din ang resulta ng CT scan niya. Kailangan lang niyang ipahinga ang sarili niya. Impact lang yan ng pagkahulog niya kamo sa hagdan. Mabuti na lang pala at nasalo ng trash bin ang ulo niya, kung hindi siguro ay may posibilidad na nabagok siya. But in general, safe ho ang pasyente, Mr. Mijares. Reresetahan ko nalang siya ng gamot para madaling humilom ang mga bruises niya."

Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi ng doktor kay Dee. Puro tango lang naman ang itinutugon nito sa doktor. Diretso lang ang tingin nito sa aking mga kamay na hawak-hawak niya.

"Kung may katanungan pa kayo, puntahan mo lang ako sa office ko anytime. Anyways, puwede nang lumabas ang pasyente mamaya," ani ng doktor na tango lang ulit ang itinugon niya.

Pipi na ba si Dee?

"I'll go ahead then."

"Thank you po, Doc!" untag ko dahil napipi na yata si Dee. Ngumiti naman si Doc bago tuluyang lumabas ng private room ko.

Ang arte talaga nitong si Dee. Ikinuha talaga niya ako ng private room. Eh, maayos lang naman pala ako. Wala pa naman akong pambayad dahil in-advanced payment ko kay Lady M sa apartment.

Bahala na nga.

Bubulungan ko na lang ang cashier mamaya na utang nalang muna.

"You scared the hell out of me."

Natigilan ako nang biglang nagsalita si Dee na seryoso ang mukha at hawak pa rin ang kamay ko.

Akala ko napipi na 'to.

"Kasalanan ko pa? Sisihin mo kaya yung hagdan," nakangusong sagot ko.

"You're too careless. Tss. I don't know what to do if something happened to you, Mee," nag-aalalang saad nito at hinalikan ang likod ng kamay ko.

Eh?

Bakit parang kinikiliti na nanaman ang dibdib ko?

"Huwag kang mag-alala, Dee, sa susunod lulunok muna ako ng bato at sisigaw ng Darna bago ako mahulog." Tiningnan niya naman ako nang masama.

Hihihi.

Ang sarap talagang asarin ni Dee. Nagta-transform agad sa dragon. Na-miss ko kaya 'to.

"Oh my! What happened to Nisyel, son?"

Pareho kaming napatingin ni Dee sa pinto nang bumukas ito at iniluwa nito sa Ma'am Amethyst kasunod ang lalaking parang old version ni Dee.

May bitbit silang mga unan at malaking bag na sa tingin ko ay may lamang mga damit.

"Mom,Dad..." untag ni Dee.

Muling bumukas ang pinto at pumasok ang isang napakagandang babae at isang lalaki na kamukhang-kamukha nito.

"Oh my gosh, kuya! Ano'ng nangyari sa girlfriend mo?" anito matapos mailapag ang sandamakmak na prutas na dala niya. Gano'n din ang lalaking kasama nito na may dala ring sandamakmak na bulaklak.

Seriously?

©GREATFAIRY

Twitter: greatfairyWP
FB Group: GF Readers Lounge

Continue Reading

You'll Also Like

7.8K 90 61
"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilala nila ang babaeng hindi nila akalaing n...
5.1M 100K 42
Magkasama lang ang Book 1 and 2. Daphne Araneta left Chance Samaniego not because she wants to, but because she has to. Kaya ngayong bumalik na siy...
5.3M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy