Monstrous Academy 1: Gangster...

By dauntlehs

10M 310K 54.6K

(1 of 3) First installment of Monstrous Academy. Highest rank achieved: #1 in Action. More

PUBLISHED
Book One
Prologue
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty three
Chapter Twenty four
Chapter Twenty five
Chapter Twenty six
Chapter Twenty seven
Chapter Twenty eight
Chapter Twenty nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty two
Chapter Thirty three
Chapter Thirty four
Chapter Thirty five
Chapter Thirty six
Chapter Thirty seven
Chapter Thirty eight
Chapter Thirty nine
Chapter Forty
Chapter Forty one
Chapter Forty two
Chapter Forty three
Chapter Forty four
Chapter Forty five
Chapter Forty six
Chapter Forty seven
Chapter Forty eight
Chapter Forty nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty one
Chapter Fifty two
Chapter Fifty three
Chapter Fifty four
Chapter Fifty five
Chapter Fifty six
Chapter Fifty seven
Chapter Fifty eight
Chapter Fifty nine
Chapter Sixty
Special chapter
Epilogue
List of songs
SOON TO BE PUBLISHED
MA 2ND ANNIVERSARY

Chapter One

427K 10.1K 2.1K
By dauntlehs


1: Exchange student
-

“Miss, pwede bang magtanong? Mukhang naliligaw na kasi akoㅡ”

“Sampong piso kada tanong.” Malamig na sagot nito. Kusang kumunot ang noo ko dahil doon, ganito ba talaga sa lugar na ito? May bayad pag magtatanong? Umalis na lamang ako sa harapan niya at lumapit sa matandang nagbabasa ng diyaryo malapit sa tindahan.

“Pwede po ba akong mag tanong?”

“Ay nako hija, wala kaming talong.” Eh? Nahampas ko na lang ang noo ko gamit ang palad. Ano ba naman itong nangyayari? Kanina pa ako pa-ikot ikot sa West district na ‘to pero hindi ko pa rin mahanap ang school na lilipatan ko. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago pumikit ng mariin.

“Uhm, hi miss, kanina pa kita nakikitang pa-ikot ikot. Nawawala ka ba?” Agad kong naimulat ang mata nang tanungin ako ng isang lalaking lumapit sa akin, nakasuot ito ng itim na jacket, maputi, medyo may pag kapula ang kanyang buhok at hindi ko maitatanggi na gwapo siya.

“H-ha? Ah eh oo, hindi ko kasi makita yung Monstrous Academy. Alam mo ba kung saan iyon?” tanong ko habang pinapakita iyong papel kung saan nakalagay ang address ng school na paglilipatan ko.

“Papunta ako roon ngayon, isasabay na kita, malapit na lang ‘yon dito,” sabi niya at nag-alangan ako bigla. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito at hindi rin ako pamilyar sa mga tao na nasa paligid koㅡ

“Don’t worry, you can trust me.” Wait. Nababasa niya ba ang nasa isip ko? What kind of sorcery is this?

“Hindi, halata lang kasi sa mukha mo. So ano?” dahan-dahan na lamang akong napatango. Alas tres na at baka gabihin ako kakahanap, wala rin naman akong mapagtanungan ng maayos rito kaya sumama na lang ako sa kanya. Bahala na.

Habang palayo kami ng palayo ay pakonti rin ng pakonti ang mga tao sa paligid at mas lalong tumatahimik. Kinakabahan tuloy ako, tama bang sumama ako sa kanya?

“Relax ka lang, medyo tago kasi yung school eh,” sabi ng lalake habang naglalakad kami sa diretsong daanan na may mga sunod-sunod na puno sa gilid. Maya-maya lang ay may natatanaw na akong malaking gate. Hindi ko alam kung palasyo ba iyon o mansyon. Sobrang laki kasi noon.

“Ano nga palang gagawin mo dito?” Tanong niya nang huminto kami sa tapat ng gate.

“Hmm exchange student ako.” tipid kong sagot at nginitian niya lang ako. Pumasok kami sa loob at ramdam na ramdam ko agad ang kakaibang aura na bumabalot rito. Kinilabutan ako bigla, ibang iba ito kumpara sa dati kong school sa probinsya. Nag patuloy kami sa paglakad at pumasok sa mataas na building. School ba talaga ‘to?!

“Ito yung faculty, pumasok ka na lang sa loob. Kailangan ko na kasing bumalik sa dorm, eh.” Sabi niya nang huminto kami sa isang pintuan. Gusto ko sanang tanungin kung ano ang pangalan niya kaso nakakahiya.

“Sige, salamat ah. Ingat ka.” Sabi ko at tumango lamang siya. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ko bago tuluyang kumatok sa pintuan.

“Yes? What can we do for you? Transferee? Your face is not familiar,” dire-diretsong sabi ng babae nang buksan nito ang pintuan. Napatingin ako sa I.D niya, Janna De Vera? Mukha pa siyang dalaga kaya Ms. De Vera na lang ang itatawag ko sa kanya. 

“Uhm exchange studentㅡ”

“Rain Celvero?” tawag nito sa pangalan ko at tumango lamang ako pero laking gulat ko nang may itapat siya sa mukha ko. Nag flash iyon na parang camera kaya naman napaatras ako ng bahagya.

“Wow! So you are 100% Keen. Ang swerte mo naman, come! Sasamahan kita sa dorm mo.” sabi nito at sinundan ko lang siya hanggang sa pumasok kami sa isang building, halos walang katao tao rito. Sobrang laki rin nito at mukhang hotel ang disenyo, ang lobby ay mayroong couch at isang flastscreen T.V. kaaya-aya rin sa mata ang kulay ng malaking kurtina.

Hindi ko na masiyadong nasuri pa ang paligid dahil umakyat na kami sa second floor at huminto sa tapat ng kwartong may nakalagay na 218. Kinatok iyon ni Ms. De vera at agad na bumungad sa amin isang magandang babae. Mukha siyang may sakit dahil ang putla niya pero kahit ganun ay ang ganda pa rin niyang tignan.

“Ms. Chua, this is Ms. Celvero. She will be your roommate from now on and please, tell her everything she needs to know. Okay?” Sabi ni Ms. De Vera at saka nagmadaling umalis, hindi man lang ako nakapag pasalamat sa pag hatid niya sa akin. Mukhang marami siyang ginagawa kaya ganun na lang kung mag madali siya, mukhang nakaistorbo pa ata ako.

“Hi. Ikaw ba yung exchange student? Ako nga pala si Ayesha.” Pakilala ng magandang babae nang pumasok ako sa loob. Agad akong naupo sa maayos na kama dahil sure naman akong ito ang magiging kama ko.

Bilib na bilib ako sa laki nitong kwarto, dalawang tao lang ang pwede rito kahit sa totoo lang ay pang apat naman talaga ito, malaki ang dalawang kama na nandito at malawak pa ang space. Bukod doon ay meron ding balkonahe, I guessed I’m really lucky to be here. Sino naman ang tatanggi sa ganitong kagara na eskwelahan?

“Nice to meet you Ayesha. Rain na lang ang itawag mo sa’kin.” Sabi ko bago ko pa makalimutan ipakilala ang sarili ko.

“Pwede bang magtanong? Ano iyong keen?” Ngumiti siya at naupo sa tabi ko. May sakit nga siya, ang init kasi ng katawanan niya. Kahit hindi dumikit ang balat niya ay nararamdaman ko pa rin ang init mula sa kanya.

“Keen ka? Wow! Amiable naman ako,” nakangiting sabi nito na parang wala siyang sakit. So, ano naman kaya iyong amiable na ‘yon? Ang weird naman yata ng school na ito.

“This school has 5 kind of students. Ang Keen, Robust, Amiable, Probity at Insolent...”

“...Ang keen, ayun yung mga matatalinong estudyante. Robust, sila naman yung malalakas. Amiable, sila iyong mga friendly gaya ko. Probity, mga honest na estudyante at yung insolent? Oh god! Stay away from them kasi masasama silang tao, some of them are gangsters. A really bad gangster.” pagpapaliwanag niya kaya napangiwi ako. Ang weird, tumango na lamang ako dahil hindi ako makapaniwala na may ganitong klase pala ng eskwelahan na nag-eexist. Kakaiba.

“Ugh. Nahihilo na naman ako. Ayaw bumaba ng lagnat ko, wait lang ha? Pupunta akong infirmary. Hihingi ako ng gamot.” tatayo na sana si Ayesha pero mabilis ko siyang pinigilan, ang energetic niya para sa isang tao na may sakit.

“Ako na lang, magpahinga ka na lang dito. Baka mas lalong tumaas yung lagnat mo eh. Ituro mo na lang kung saan ko makikita yung infirmary.” nginitian niya ko at saka may ibinigay na mapa. Seryoso? Ang laki pala talaga ng school na ‘to para magkaroon pa ng mapa.

“Sige, aalis na ako. Mahiga ka na lang diyan.” sabi ko at bigla na lang niya akong niyakap. She’s too friendly.

“Salamat,” ngumiti lamang ako at lumabas na rin ng kwarto. Nakalimutan kong linggo nga pala ngayon kaya siguro walang katao-tao dahil nagpapahinga ang mga estudyante, but still ang strange pa rin sa pakiramdam dahil simula ngayon ay dito na ako mananatili.

Hindi ko akalain na dito na ako mag aaral, ang bilis ng pangyayari. Hindi naman kasi ako ganun kayaman, ako lang din mag-isa rito sa Pilipinas dahil nasa ibang bansa si papa, wala rin akong kapatid at patay na ang mama ko. Sana makasurvive akong mag-isa rito, sana lang talaga.

Sinundan ko ang direksyon na nakalagay sa mapa, masiyado malawak itong campus pero kahit ganun ay naging madali lang ang pag hahanap ko. Pumasok ako sa building kung saan kami pumasok nung mabait na lalaki kanina. Nasa first floor lang ang infirmary kaya hindi ako nahirapang hanapin ‘yon. Kumatok ako ng isang beses, pero walang nagbukas. Sinubukan ko ulit pero wala pa rin kaya pinihit ko na yung doorknob at binuksan ng bahagya ang pinto.

“Tao po?” Nilibot ko ang paningin sa loob hanggang sa may nakita akong gumalaw doon sa kurtina na nakapalibot sa kama. Nagpunta ako doon at nakakita ng isang lalaki.

“Who the fuck are you?!” Galit na tanong niya. Okay, medyo oa siya sa part na ‘yon.

“Ikaw ba ‘yong nurse? Kailangan ko kasi ng gamot.” tinignan niya ako ng masama kaya naman napalunok ako. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa tumama na ang likod ko sa pader.

“Sino ka sa tingin mo para utusan ako?” Tanong nito.

“Estudyante ako rito. Nurse ka, kayaㅡ"

“At sinong nagsabi na nurse ako?” Madiing tanong niya nang isandal niya ang kamay niya sa pader para makorner ako. Damn! Ano ba ‘to? Masiyado siyang malapit. Insolent siguro ang isang ito. Hindi ko na naisip pa ang kalagayan ko nang mapansin ang pag durugo ng braso niya.

“Nagdurugo yung braso mo.”

“Wala kang pake,” Lumayo siya sa akin at bumalik doon sa kama.

“Wala ba yung nurse dito? Akin na gagamutinㅡ” Tinignan niya ulit ako ng masama, nakakatakot naman ‘tong lalaki na ito. Buti nga at concern ako sa kanya kahit hindi ko siya kilala.

“Sabi ko nga hindi na, eh. Ituro mo na lang sa akin kung nasaan yung paracetamol para makalabas na ako.” sabi ko pero hindi pa rin niya inaalis ang masamang tingin sa akin. Ano bang problema niya? Ganiyan ba talaga ang mata niya? Para siyang may sanib.

“Incision, your wound bleeds alot. Nasugatan ka ba ng sharp objects? Shard of glass?” tanong ko dahil walang tigil ang pagdugo ng sugat sa braso niya, halos kumalat na nga iyon hanggang sa kamay niya. Hindi ko mapigilang hindi pansinin dahil baka maimpeksyon iyon, ang lalim pa naman.

“Kailangan natin hugasan at idisinfect yung sugat mo para matanggal yung dumi at debris, tara na.” hinawakan ko ang kabilang kamay niya pero tinabig niya iyon na naging dahilan para ma-out of balance ako at tumama ang likod ko sa kanto ng kama.

Nakagat ko ang lower lip ko dahil sa sakit ng impact, inis akong tumayo at hinarap ang bwisit na lalaking ‘to. Siya na nga tinutulungan, siya pa itong maarte.

“Ano ba?! Maiinfect nga ‘yang sugat mo pag hindi nalinisan agad!” Sigaw ko dahil sa pagkabwisit. Hinatak ko ulit siya at this time ay hindi na niya ako tinabig. Mukhang nabigla siya sa pagsigaw ko.

Hindi ko na iyon pinansin pa at inumpisahan na ang pag lilinis ng sugat niya. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang nangyari dito pero wag na lang. Mukhang delikado ang isang ito eh, mahirap na.

“Yan, okay na. Iwasan mo na lang mabasa. Maybe one week or two, matutuyo na ‘yang sugat mo,” Tumayo ako at hinanap ang paracetamol. Wala naman akong mapapala kung magtatanong ako sa kagaya niya, wala siyang alam kung hindi ang tumitig ng masama. Parang galit siya sa tao, kakaiba.

“Oh!” Napahinto ako sa paghahanap at napalingon sa kanya, agad ko namang nasalo ang binato niya sa akin. Napangisi na lamang ako nang makita ang paracetamol sa palad ko. Marunong naman pala siyang tumanaw ng utang na loob.

“Salamat. pagaling ka,” lumabas na ako ng infirmary at agad bumalik sa kwarto pero pagbalik ko ay nakatulog na si Ayesha. Inayos ko na lang ang gamit ko at nagpahinga na rin. 

“Rain, gising. Dinner time na, hanggang 9:00 p.m lang bukas yung cafeteria.” inalog alog ni Ayesha ang likod ko kaya mabilis akong nagising. Doon niya kasi ako hinawakan sa parte kung saan tumama ang likod ko kanina.

“Magpapalit lang ako ng damit,” sabi ko habang nagkukusot pa ng mata. Tumango lang siya kaya nagpalit na rin ako ng oversized t-shirt at shorts, itinali ko rin ang mahaba kong buhok bago kami tuluyang lumabas ng kwarto.

“Salamat sa gamot ah? Teka, naligaw ka ba? Ang tagal mo kasi kanina eh.” Sabi niya habang nag lalakad na kami palabas. Mukhang okay na siya, nahiya tuloy ako dahil pinaghintay ko siya ng matagal.

“Ah, may lalaki kasing sugatan sa infirmary kanina, eh wala yung nurse kaya ginamot ko na. Tingin ko nga insolent ang isang ‘yon eh. Ang sama kasi ng ugali.” Kibit balikat kong sabi at bigla na lang niyang niyakap ang braso ko na para bang isa siyang bata.

“Wow! Talaga? Ginamot mo ang isang Insolent? Ang tapang mo naman. Alam mo bang walang nagtatangkang lumapit sa mga insolent? Para kasi silang may sumpa eh. Once na madikit ka sa kanila, it’s either mamalasin ka o masasaktan ka.” napangiwi lang ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam ang i-rereact.

Hindi naman kasi ako matapang, ginawa ko lang yung alam kong tama at kung sakaling mauulit iyon, I will still do the same. Danger is real but fear is a choice ika nga nila.

𝕸𝖔𝖓𝖘𝖙𝖗𝖔𝖚𝖘 𝖆𝖈𝖆𝖉𝖊𝖒𝖞 1
ㅡ𝖉𝖆𝖚𝖓𝖙𝖑𝖊𝖍𝖘ㅡ

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
848K 19.6K 33
Twenty one year old, Patricia is desprate to be pregnant. Kaya kinunchaba nito ang Kaibigan na may ari ng Clinic na iyon. Nag buntis siya at ipinanga...
84.4K 3.5K 33
An accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Ra...
253K 5.3K 70
(This story is half love story and half thriller) Solve the mystery of Class M-13........ A section that is known as the BEST SECTION, Respectful, He...