The Untouchable Beast

By greatfairy

22.5M 508K 75.9K

[A published book under PSICOM Publishing Inc. ] In a world where sunshine meets corporate storms, Nisyel Lov... More

Description
TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
ANNOUNCEMENT
New Series
EXTENDED CHAPTER

CHAPTER 13

448K 13.7K 3.5K
By greatfairy

Chapter 13: Stupid 2.0

"A-are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Sir D matapos niya akong ibangun mula sa sahig.

"Walanjo ka naman, Sir! Ikaw kaya ang bumagsak at nasapol sa puwet! Mukha ba akong alright ha? Mukha ba?" Malakas na bulyaw ko kay Sir D habang tinitingnan siya ng masama. Napalunok naman ito at mukha siyang...

...takot?

Eh?

Si Sir D takot sa'kin?

Hihihi.

Minsan lang 'to ha. Kaya dapat samantalahin mo na, Nisyel. Siguro kabilugan ng buwan mamayang gabi kaya nagkakaganito ang mabangis na dragon.

"S-sorry. I was too late to catch you," nauutal na untag nito.

Hihihi. Ang sarap panoorin ni Sir.

Pero ano daw?

Sorry?

Ngumisi ako sa isip ko. First time 'to! Nagso-sorry ang masungit kong boss!

"Sorry? Pagkatapos mo akong pinabayaang bumagsak at dinaganan yun lang ang sasabihin mo?! Sorry?!"

Halos mautot ako sa kakapigil ng tawa nang makita ko siyang napalunok at napayuko. Hihihi.

Hahakbang na sana ako para sa grand exit ko nang bigla akong napangiwi sa sakit ng aking balakang. Kaya...

"Psst! Buhatin mo ako!" Utos ko sa kanya.

"O-okay. I'll take to you to the hospital," an'ya.

"Iyon ang huwag na huwag mong gagawin! Hala buhatin mo ako at i-upo sa swivel chair dahil hindi ko magalaw ang katawan ko!"

Mabilis naman itong humakbang sa tabi ko at binuhat ako patungo sa...

"Sinabi ko bang sa swivel chair ko? Gusto ko roon!" Masungit na saad ko at tinuro ang kanyang swivel chair.

Natigilan siya sandali pero halos magdiwang ako nang sumunod ito sa utos ko. Matatakutin din pala itong si Sir D eh. Walang panama sa kadyosahan ko.

Napangiti ako nang mai-upo na niya ako sa executive chair. Medyo masakit pa ang balakang ko pero keribels lang.

Pinikit pikit ko ang aking mga mata na parang nananaginip. This is the moment of truth! Sino ang mag-aakalang makakaupo ako sa upuan ng CEO at siya pa nagbuhat sa'kin?

Pakiramdam ko ako ang boss dito eh. Natigilan ako nang maramdaman ko ang presensya ni Sir D sa tabi ko kaya tiningnan ko siya.

"Oh? Anong tinatayo tayo mo riyan? Ipagtimpla mo ako ng kape!"

"Seriously?" Mahinang bulong nito.

"GIVE ME A CUP OF COFFEE NOW!"

Hindi ko na nakita ang reaksyon niya dahil mabilis itong tumalikod at tinungo ang pinto. Pagkalapat na pagkalapat ng pinto ay hindi ko napagilan ang sarili ko.

.

.

"Hahahahahahaha!"

"Hahahahahahaha!"

Halos gumulong ako sa kakatawa. Shet! Napahampas tuloy ang isang kamay ko sa mesa.

"Hahahahahahaha!"

"Hahahaha-"

"What's happening here? Nisyel, are you okay? Bakit ka tumatawang mag-isa? At bakit diyan ka nakaupo sa upuan ng boss mo?"

Nabigla ako sa susunod na tanong ni Ma'am Amethyst. At lalo akong nawindang nang makita siyang nakatayo malapit sa glassdoor.

Deeemn!

"Ah.. eh. K-kwan. Ah-"

"Here's your coffee." Hindi ko na nagawang sumagot nang dire-diretsong pumasok si Sir D mula sa connecting door ng opisina ng secretary at inilapag sa mesa ang kape. Hindi nito napansin ang presensya ng kanyang mommy sa sobrang laki ng opisina.

Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Ma'am Amethyst at napawaang ang kanyang mga bibig.

"Anything else?" Untag ni Sir D.

"Ah eh. Hehe. Kwan. Salamat po, Sir."

I'm dead!

"Ang cute niyong tingnan!" Nakangiting saad ni Ma'am Amethyst na ikinatigalgal ni Sir D. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang kanyang mommy malapit sa pinto.

"M-mom?" Namumulang saad nito.

"Sorry. Naistorbo ko yata kayo. Pumunta lang ako dito para kamustahin sana kayo pero mukhang okay na okay naman pala kayo," makahulugang wika ni Ma'am Amethyst at ngumiti. Kitang kita ko ang kasiyahan sa mga ngiti niya.

"It's not what you think Mom-"

"You don't have to explain, son.I clearly understand."

Lumapit ito sa amin at humalik sa pisngi ng anak niya. Nagbeso din ito sa akin at tinapik pa ako sa likod.

"I gotta go. May date pa kami ng daddy mo," an'ya.

Eh?

Si Ma'am Amethyst nagdi-date pa? Puwede ba 'yon?

"Mom, I told you it's not wha-"

"Nah. I understand, son. Napagdaanan ko rin yan. Sige na, aalis na ako."

"By the way, thank you, Nisyel," anito bago tuluyang lumabas.

"Welcome po!" Sagot ko naman kahit hindi ko alam kung bakit siya nagta-thank you. Siguro may saltik nga talaga ang pamilya nila.

"Tsk!" Narinig kong untag ni Sir D at parang hindi mapakali. Namumula pa rin ito pati ang kanyang tenga.

"Are you alright?" Panggagaya ko sa tanong niya kanina. Kumunot ang noo niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"You're unbelievable!" Untag nito kaya napatingin din ako sa sarili ko mula ulo hanggang paa. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kong nakatayo na pala ako.

"Hehe. Salamat sa kape, Sir, ah? Sige sibat na ako." Mabilis kong kinuha ang kape at tinungo ang sarili kong swivel chair bago pa ako mabugahan ng apoy ng dragon dahil inuto ko siyang hindi ko makagalaw ang katawan ko.

"Dang it!" Narinig kong mura niya nang makalayo na ako sa kanya.

Haaay. Muntik na 'yon, ah.

Dahan-dahan kong ininom ang kape pagkatapos kong umupo sa upuan ko. Infairness, ang sarap palang magtimpla ni Sir.

Tiningnan ko naman ang kinaruruonan niya. Nakaupo na ito at hinihilot hilot ang kanyang sentido. Kawawa naman ang dragon na 'to, palagi na lang stressed.

Tiningnan ko ang listahan ko habang umiinom pa rin ng kape.

HOW TO COURT A GUY

Step 4: Show him you care for him but avoid being clingy.

Walang hiyang Google 'to, gagawin pa akong care giver. Malapit na talaga akong sumuko sa panliligaw kay Sir eh. Ang hirap hirap naman ng pinapagawa sa'kin.

Paano ba kasing ipakita na nagki-care ako?

Napatingin ulit ako kay Sir na ganun pa rin ang ginagawa kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Naku, Sir, masakit ba talaga ang ulo niyo? Sandali lang, ha?"

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Sir at mabilis na akong lumabas at tinungo ang pantry. Kumuha ako ng paracetamol sa medicine kit at kumuha na rin ako ng isang basong tubig.

"Sir, inumin n'yo ho ito para mawala ang sakit ng ulo niyo." Napanganga siya at hindi makapaniwalang tiningnan ako pagkatapos kong ilapag ang isang tabletang paracetamol at tubig sa kanyang harapan.

"Tss." Tiningnan niya muna ulit ako bago kinuha ang gamot at ininom ito.

Hindi manlang nag-thank you?

Pero di bale na nga. Ang importante ay...

Step 4 accomplished!

Kinuha ko na lang ulit ang baso at ibinalik sa pantry.

Bumalik na ulit ako sa puwesto ko at itinuloy ang pag-inom ng kape at ang ginagawa ko.

HOW TO COURT A GUY

Step 5: If you have done all Steps from 1-4 but still no sign of affection from him, do the move. CONFRONT HIM!

Eh?

For real?

Sabagay tama nga naman. Mabuti pa nga sigurong sabihin ko na kay Sir na nililigawan ko siya.

"Sir?"

"Tss. Drop the formality. From now on stop calling me Sir." Untag ni Sir D.

"Ah okay po. Simula ngayon tatawagin ko na kayong D." Pormal na saad ko na ikinakunot ng kanyang noo.

"Para po mas sosyal pakinggan. Alangan namang tawagin ko kayong dragon, 'di ba?"

"WHAT?" 'di-makapaniwalang bulalas niya.

"Sabi ko nga po boss na lang. Sige po, boss D. Hehe."

Tiningnan niya naman ako ng matalim at parang naiinis sa'kin.

"Tss. Are you too dumb to notice it? Stupid." Anito.

Ouch!

Maka-stupid naman 'tong si Sir.

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko.

Sumusobra na talaga siya!

Ilang beses niya na akong sinabihang stupid.

Tumayo ako at pumunta sa harap ng kanyang mesa.

"Ako? Stupid?!" Mangiyak ngiyak na saad ko at dinuro duro siya kaya napatayo na rin siya.

"Alam ko na hindi ako kasing talino n'yo pero dyosa naman ako kaya hindi ako stupid! Naintindihan niyo ba?" Pinikit ko ang mga mata ko para tumulo ang mga luha ko. Pandagdag effects sa linya ko.

"Alam niyo Sir, iyon ang hirap sa inyo, eh! Ang baba ng tingin n'yo sa aming mga mahihirap! Porke't mahirap lang kami, konting pagkakamali stupid agad! Eh, ikaw nga itong stupid, eh! Lahat ginawa ko na! Pinangiti, pinatawa at inalagaan na kita pero hindi mo pa rin alam na nililigawan kita! Hindi mo alam na gusto kita! STUPID!"

Napatigalgal si Sir D at mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Ngunit halos tumambling ako at magpagulong-gulong sa sinagot niya sa'kin.

"Dang it! I like you too, stupid!" nakangiting saad nito at mabilis akong niyakap.

Laglag panga.

©GREATFAIRY

Twitter: greatfairyWP
FB Group: GF Readers Lounge

Continue Reading

You'll Also Like

29.3M 513K 67
Cassidy Hurdiss intentionally broke the heart of the one man who has always loved her. She had to set him free so he could fulfill his lifelong dream...
24.5M 713K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
507K 12.1K 33
Almost Perfect Series III Sana hindi nalang ako nainlove sa bestfriend ko. Sana sa kambal niya nalang. Sana sakanya nalang.
357K 12.5K 37
When men cheat, they cheat for sex. But when a woman cheats, it's something more. Because unlike men, women cheat for love, and affection. (Published...