Unexpected

By ohpurplerain

75.4K 1.1K 334

Walang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero... More

Prologue
Chapter 1*
Chapter 2*
Chapter 3*
Chapter 4*
Chapter 5*
Chapter 6*
Chapter 7*
Chapter 8*
Chapter 9*
Chapter 10*
Chapter 11*
Chapter 12*
Chapter 13*
Chapter 14*
Chapter 16*
Chapter 17.1*
Chapter 17.2*
Chapter 18*
Chapter 19.1*
Chapter 19.2*
Chapter 20*
Chapter 21.1*
Chapter 21.2*
Chapter 22*
Chapter 23*
Chapter 24*
Chapter 25*
Part 2*
Chapter 26*
Chapter 27*
Chapter 28*
Chapter 29*
Chapter 30*
Chapter 31*
Chapter 32*
Chapter 33*
Chapter 34*
Chapter 35*
Chapter 36*
Chapter 37 ~ The Unexpected Ending

Chapter 15*

1.5K 23 16
By ohpurplerain

Chapter 15 ~ 

"Pwede bang huminga muna?"   tumigil si Renzo sa pagtakbo, at sumunod ako.

Infairness, hiningal rin ako sa halos 2000km naming pagtakbo. Hahaha. Charot. Siguro mga 200m. Aba, malayo parin yon!

Nandito na kami sa school at saka pa namin naisipang tumigil kung kailan ilang pulgada na lang ang layo namin mula sa aming mga classroms.

Patuloy lang ang paghinga namin ng malalim at paglanghap ng hangin dahil parang nakalimutan naming huminga kanina, napansin kong hawak ko pa rin ang kamay ni Renzo. Nagulat ako at di mapakapaniwalang nakatakbo ako na hawak ang kamay niya.

Binitawan ko naman ito agad na para bang inihagis ko yung kamay nya. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Ican't believe na lumabas ako nang school na kasama ka. Alam mo bang si Ma'am Lachica ang teacher ko ngayon?"

"Yung terror?"  tanong niya sa akin.

"Mismo! At mukhang aabsent na lang ako sa kanya ngayon kesa mapahiya sa klase niya!"  naiinis na sabi ko.

Malaking bagay pa naman sa babaeng iyon ang attendance kaya naman hindi ako umaabsent sa klase niya. Pero mukhang hindi ko na mape-perfect ang isa kong quiz dahil may absent na ako. -___- May minus kasi sa quiz ang absent.

"Pumasok ka na. Ako nang bahalang mag-explain kung bakit ka na-late." 

Tinaasan ko siya ng kilay. Alam ba niya ang sinasabi niya?

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Hindi mo ba kilala si Ma'am Lachica!"

"Sinabi nang kilala ko eh."  naiinis na sabi niya. "Halika na. Mas lalo kang male-late niyan."  Hinila na naman niya ako. Kahit anong piglas ko ay ayaw niya akong bitawan. Nakakainis!

Nasa may harap na kami ng room ko nang bigla akong mpasigaw. "Renzo naman eh!"  at nakuha namin ang atensyon ni Ma'am Lachica at ng buong klase.

"Miss Ortega, do you have any plan to attend my class?"

"Y-yes Ma'am. "  nag-aalinlangang sagot ko.

“If you really want to attend my class then go in and stop flirting with your boyfriend!" nakita ko namang nagbubulungan ang iba kong kaklase.

Nakakainis!

"He's not my boyfriend Ma'am."

"Do I look like I care?" nang-iinis na sabi nito sa akin. "Go in or else I'll mark you absent. You know the consequence of being an absentee, right?"

Tumango naman ako.

Papasok na ako sa loob nang biglang nagsalita si Renzo. Tiningnan ko sya ng masama at  sinenyasan na wag na syang magsalita. Okay na naman eh, pinapapasok na ako ni Ma'am. Baka kapag sumagot pa sya, lalo lang akong mapahamak at madadamay pa sya!

"Wait Ma'am!" sigaw ni Renzo

"Yes Mister?"  tumaas ang Kilay ni Ma'am.

"I wil explain wha-- "

"No explaination will be entertained. You can go now!"

"But --"

"Do I need to call our guidance councilor just to make you leave?"

"Sige na, umalis ka na!"  naiinis na sabi ko kay Renzo. Pag nagtagal pa siya, mas lalo kaming mapapahiya!

Umalis rin naman siya.

Sa wakas ay natapos na rin ang klase namin kay Ma'am Lachica. Mabuti naman at natapos din ang isa't kalahating oras na session namin sa kanya. Feeling ko ang baga-bagal ng oras kapag sya na ang nagtuturo. Haaay.

 "Bakit ka ba na-late?" pang-uusisa sa akin ng isa kong classmate, si Harriet. "Nag-date kayo ni Renzo?"

"Ang swerte mo naman!"  sabat ng isa ko pang kaklase.

"Anong swerte dun, pinahiya nga ni Ma'am Lachica!"

"Tigilan nyo na nga si Jelynne!"  sigaw ni Kaysha.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Wag ka nang sumimangot dyan. Hayaan mo na si Ma'am Lachica, ganun talaga pag nagmemenopause na." Ngumiti siya sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaiyak. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Sobrang na-miss ko ang mga ngiting niyang 'yun!

“Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba natawa sa joke ko?”  natatawa niyang sabi.

"Sorry!"  ang sabi ko sa kanya.

“Wag ka nang magsorry. Wala ka namang kasalanan e. Pasensya ka na kung pinatagal ko pa ang tampuhan natin."  nakita ko namang naluluha na rin siya. "Namiss kita!"

"Mas miss kita!" at hinigpitan ko ulit ang yakap sa kanya.

Okay lang pala na napahiya ako sa buong klase kanina kung ito naman ang magiging kapalit, ang pagbabati namin ng bestfriend ko.

Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. "Pasensya ka na talaga. Nainis lang talaga ako nang isumbat mo sa akin ang tungkol sa amin ni Reign. Feeling ko tuloy ayaw mo akong maging masaya .. "  

Magsasalita na sana ako nang nagsalita ulit siya  ".. pero nagkamali ako. Hindi ko agad nagets yung point mo. Sorry for being slow. Sorry for being insensitive. Inisip ko lang ang sarili ko. Hindi ko inisip na masasaktan ka sa ginawa ko. "

Niyakap niya ulit ako at tuluyan nang pumatak ang luha niya. Grabe, ang drama namin! "Sorry Je, sorry bestfriend!"

Nang kumalas kami sa pagkakayap sa isa't isa ay bigla na lang kaming natawang dalawa .Baliw lang? Pagkatapos umiyak, tatawa naman? 

Hindi lang siguro namin nakayanan ang kadramahan namin. This is very unusual for us. Hindi naman kami ganitong kadrama pag kaharap namin ang isa't isa. Haha!

"You should thank Renzo for this. Kinausap niya ako about dito. Noong una ay hindi ako nakinig sa kanya. Nang ma-clinic ka ay inusap niya ako na dalhan ka ng pagkain pero nagmatigas ako. Sinabi ko na lang na caldereta ang ibili niya sa'yo dahil yun ang favorite mo."

Kaya pala alam niyang favorite ko yun!

"Inuna ko ang pride ko. Gusto ko ikaw ang unang mag-sorry sa akin kahit ako naman talaga ang may kasalanan. Just last night, he called me at sinabing miss na miss mo na raw ako at gustung gusto mo nang magkabati tayo. I never admit to him that  I feel the same, that I also miss my bestfriend. Gusto ko sanang magpakatigas pa, pero hindi ko na kaya. Hindi na kita kayang tiisin!"

ngumiti ito sa akin at napangiti na rin ako.

"Thank you kasi ibinaba mo ang pride mo. Pero kung hindi ka naman nakipagbati sa akin ngayon, ako naman ang gagawa ng moves. Buo na rin ang loob ko kagabi na kausapin ka na eh."

"Because of Renzo?"  tanong niya.

"Well, partly yes."  nakatulong kasi talaga ang mga sinabi sa akin ni Renzo.

"Paano ba yan, best friends forever?"

"Forever!"

.. at para kaming mga bata na nagpinky swear. Hahaha!

"Hindi ko malilimutan ang major LQ nating ito. I now learn my lessons! Hindi na ito mauulit, ang hirap mong dedmahin!"  natatawang sabi ni Kaysha.

"Talagang hindi na muulit!"

Tapos sabay kaming nagtawanan. Namiss ko ang tawanang 'yon. Napatigil na lang kami nang magpalakpakan ang mga kaklase ko.

"Congrats guys!"  bati ng ilan sa amin.

 

Hala? May ganung eksena? So kanina pa silang nanonood? Pangteleserye ba ang dramahan namin ni Kaysha? Amp. 

Pauwi na kami ni Kaysha nang makita si Renzo sa labas ng gate. Malamang ay pauwi na rin siya at nag-aabang ng masasakyan.

"Lapitan mo na si Renzo."  pagtulak sa akin ni Kaysha.

"Bakit naman?"

"Hello, mag-thank you ka kaya!"

"Bakit ako lang?"  napairap naman ako.

"Okay. Edi tayong dalawa!"

Hindi pa kami tuluyang nakakalapit sa kanya nang may lumapit na babae sa kanya. Niyakap niya si Renzo at hindi pa nakuntento, hinalikan pa niya ito sa pisngi!

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Parang umakyat sa ulo ko lahat ng aking dugo. Hinila ko kaagad si Kaysha. "Sakay na tayo."

Naging tahimik lang kami sa loob ng jeep. Alam kong nabigla rin si Kaysha sa nakita at hanggang ngayon ay hindi kami nag-iimikan.

"Baka naman pinsan yun ni Renzo."  bigla na lang sabi ni Kaysha.

"B-baka. Tsaka kung sino man yun, wala naman akong pakialam."  sagot ko sa kanya. "Sige, dito na ako Kaysha. Thanks!"

Bakit nag-iba na lang bigla ang mood ko nang makita 'yon? Kainis!

Nasa bahay na ako pero yung nagyari kanina ang paulit-ulit na lumalabas sa isip ko. Kung pinsan niya 'yon, bakit ganun na lamang siya makayap at halik? The same question if it's his friend. Wala namang ganun ka-sweet na magkaibigan!

Nakakinis!

Teka nga Jelynne, ano bang pake mo sa kanila?

Isinalpak ko na lang ang aking earphone at binuksan ko ang music playlist and I clicked the reshuffle button.

 Ipininikit ko ang aking mga mata.

May gusto ka saking mahal

May balak kang agawin sya

Itsura pa lang sakin lamang ka na

Ligawan mo sya siguradong magwawagi ka

Nakikiusap ako sayo, nagmamakaawa

Kunin mo nang lahat sa akin

Wag lang sya

Kunin mo na ang lahat sa akin

Wag lang ang aking mahal

Alam kong kaya mong paibigin sya

Sakin maagaw mo sya

Pakiusap ko sayo magmahal ka na lang ng iba

Kunin mo na ang lahat sa akin

Wag lang ang aking mahal

Ikamamatay ng puso ko

Pag sa aki’y inagaw mo sya

 

 Hindi ko alam na parang napaka-soothing ng kantang iyon. Damang dama ko. Hindi ko alam pero parang sobrang tinamaan ako sa kanta, hindi ko alam kung dahil ba lyrics o dahil maganda lang yung melody at rhythm. 

T-teka, bakit naman ako tatamaan sa lyrics? Aber? 

Masakit sa puso yung kanta pero parang nakakamanhid na rin kapag pinaulit-ulit mo. Pinindot ko  ang 'repeat current song' button. Nakailang beses kong pinakinggan 'yon hanggang sa nakatulog ako. 

Nagising na lang ako nang magvibrate ang phone. Nadismaya ako na isang gm lang pala yun mula sa kaklase ko.

*SIGNS THAT YOU'RE IN LOVE*

Signs? hmm. Hindi ko alam, pero biglang nagkusa yung kamay ko na iscroll down yung screen ng phone ko. Usually naman, kapag ganitong gm hindi ko na binabasa. Ewan ko ba.

1. You find yourself staring at him/her constantly

 Aba? Hindi ko naman sya tinititigan. Sya nga 'tong nahuhuli kong nakatitig sa akin minsan e. Tsaka napapatingin lang naman ako sa kanya, napapasulyap! Hindi naman yun titig di ba? Magkaiba ang glance at stare!

2. All you think about is him/her.

Oy grabe, sya lang ba ang iniisip ko? Uy, hindi naman. Ang daming dapat isipin sa mundo. Pero .. Hmm. Madalas ginugulo nya ang isip ko. Yun! Hindi ko sya iniisip, kusa syang pumapasok sa isip ko!

 

3. You start listening to slow meaningful songs

Slow meaningful songs? Kagaya nung paulit-ulit kong pinatugtog kanina? Yung kunin mo na ang lahat sa akin? Kanina lang 'yon! Kahit basahin nyo pa ang mga previous chapters ngayon lang ako nakinig sa ganung klaseng kanta. 

 

4. When you walk into a room full of people he’s/she’s the first person you look for.

Nung pumunta ako sa room nya, nung pumunta ako sa covered court sya nga yung una kong hinanap. Pero dahil isasauli ko ang panyo nya. Yun lang yun no!

5. When you seem him/her with other girls/boys, it kills you.

Yung kanina? Nung nakita ko syang niyakap nung babae? It kills me ba? Hindi naman e. Buhay pa nga ako hanggang ngayon. Hahaha.

 

6. When he/she looks at you or touch you, your heart skips a beat.

Ito, hindi ko na'to idedeny. Most of time talaga ito ang nararamdaman ko. Weird nga e. 

7. When he/she smiles at you, it makes you smile too.

Yah, recently ganun na ang epekto ng mga ngiti nya sa akin. Yung ngiti nyang totoo hindi yung ngiti nyang nang-aasar, yun talaga yung nagpapangiti sa akin ngayon. 

8. All the time you were reading this there was one person on your mind. 

Napalunok naman ako dun sa huli kong nabasa. Anong ibig sabihin nito? Simula sa simula, isang lalake lang naman ang pumasok sa isip ko - si Renzo.

Si Renzo?  Imposible.

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
254K 17.2K 82
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...