My Genetically Modified Love

By GreenInked

1.1M 14.7K 1.6K

"Is this your idea of a sick joke ha Dave? Papaanong anak ko si Avie? Hindi pa ako nabubuntis at na-nganganak... More

1:*Not Your Ordinary Day
2: The Baby Named Avie
3: Who's Your Daddy?
4: Going Back A Few Years Ago
5: Si Dave, Si Avie at Ako
6: Ako?!! Weh?! Di nga?!!
7: Ang Sabi Ko Sasama Lang Ako
8: Wanted: Perfect Wife
9: You, me and Avie
10: I Smell Bitterness In The Air
11: The Massage
12: Round Two! ding! ding! ding!
13: Teacher Michael
14: Zoo-per 'date'
15: Michael Vs. Dave
16: Walang Tulugan
17: Meet The Parents
18: Mangga, Santol at Bayabas
19: Having Avie
20: Happy 4th Birthday Avielle Marie!
21: Dancing Away With My Heart
22: The Birthday Gift
23: Si Mommy Kasi Eh!
24: Last Night Was.....
25: The Company Outing
26: When the Truth Catches Up
27: She Can't Know
28: The Playgirl in Action
29: The Great Pretender
30: The Day I Said Goodnight
31: Si Deedee
32: Unresolved Issues
33: My Very Own Christian Grey
34: *My Very Own Christian Grey Part 2
35: Legalities
36: Angels Brought Me Here
37: Goodbye Dati naming Buhay
Goodbye Dati Naming Buhay
38: *The boy named 'Derek'
39: Surprise Surprise!
40: *Si Jayjay
41: Seducing My Husband
42: It's All About Trust
43: It's All About Trust Part 2
44: When The Road Runs Out
45: One Brown Envelope
46: Wag Kang Iiyak
47: *Project: Daddy's Back
48: Project: Daddy's Back 2
49: Back To Square One
50: Prince Charming
51: A Deal with Avie
52: Whether you like it or you like it
53: It Takes Two to Tango
54: Initiating Peace Talks
55: Bati na Tayo?
56: The Hot Wife Is Back Along w/ Everything Else
57: The Ghost of Ex-fling's Past
TheGhost of Ex-fling's Past Part 2
Triple Trouble
Mommy's Day
Daddy Wars
Define Crazy
Twists and Wrong turns
The Day The Love Died
The Day The Love Died 2
Kidnapped??
La Isla Dianna Part 2
Epilogue

La Isla Dianna

11.3K 162 33
By GreenInked

[DAVE'S POV]

%&#%&@%^$^&! @#$^#%*##$%@! #$%^$%^*#%^!

I couldn't help but smile kahit umuulan ng mura at wala akong payong. I missed her so much. Siguro nga may weird na pagkagusto ako tuwing galit na galit siya sakin.

"Hi baby ko I missed you too" I bent down and sat on the bed. Dianne stopped dahil hingal na hingal narin siya sa kaka-mura sakin. I kissed her forehead. Ang bango bango parin niya kahit two days na siyang bed ridden at walang ligo. Wala kasi sa calculations nilang hindi pa pala nakakapagpahinga si Dianne. Air conditioned naman yung room kaya mahimbing talaga ang tulog niya at comfortable naman yung pagpapahinga niya. In short hindi siya pinagpawisan. Papayag ba naman ako? Shempre hindi.

Sobra tuloy yung effect ng gamot at nagshut down talaga yung katawan niya na inabot ng dalawang araw.

Overworked naman kasi kaya tama lang na makapag-pahinga siya. Pagod na siya emotionally, at eto pa, yung katawan naman niya yung pinapagod niya ng todo.

"Pinakidnap mo ko? Nasisiraan ka na ba ng bait?" She asked kahit nang hihina pa siya dahil hindi pa siya nakakabawi sa kaaksigaw niya.

"Oo, sirang sira na. Baby how would we be able to talk kung alam kong tatakasan mo lang ako at hindi ka na makikipagusap na hindi dadaan sa lawyer mo?" That's how we've been communicating. Lawyers nalang namin yung nag-uusap. Nakakabaliw talaga dahil ang hirap niyang spelingin. "And besides, sobrang safe ka naman nung dinala ka dito".

"You drugged me! San banda ang safe na tinurukan ako in a moving van?!" Masama talaga ang loob niya dun. Eh gamot lang naman at doctor naman siya hehehe

"Technically, I didn't. Baby professionals took care of you, papayag ba naman akong mapahamak ka?" Dianne didn't respond to me. Parang nagiisip siya at saka may narealize.

"You hired my friends to abduct me, didn't you?!!" Pasigaw nanaman ang tono niya. "I know those hands! Kaya pala! Nako kapag nakawala talaga ako dito, pagbubuhulin ko kayong lahat!" Now she knows I hired her tribal council.

Muntik pa nga nila akong I vote out ng island. Hahaha hindi ko talaga napigilang matawa noong kinikwento nila yung plano kung papano nila kikidnapin si Dianne. Natakot din ako when they mentioned something about the drug to be injected, pero may tiwala naman ako sa mga kakayahan nila dahil they're the best in their respective fields at alam kong hindi nila hahayaang may masamang mangyari kay Dianne.

"Baby kaya nga hindi ka pa pwedeng makawala jan. Para sa kaligtasan narin naming lahat" Ang totoo natatakot din ako dahil baka OPERAHAN niya ako ng wala sa oras.

I took my shoes off at saka ako umakyat sa kama para tumabi sa kanya.

Umiilag pa si Dianne pero wala rin naman siyang magawa dahil nakatali nga siya sa kama. "Baby don't pull too hard, baka masaktan yung mga kamay mo" Nagpupumilit parin kasi siyang makawala.

"Edi sana pinapakawalan mo ako kung ayaw mong nasasaktan ako ngayon" Ewan ko kung bakit pakiramdam ko dalawa yung gustong ipahiwatig ng sinabi niya. Pero wala akong pakialam eh hehehe nandito naman kami for one reason.

We'll save our marriage, kahit santong paspasan pa.Magka-kidnapan na kung kidnapan, basta dapat maayos namin.

"Baby gutom lang yan. mas prone daw sa pain ang tao kapag gutom. Saka two days ka naring tulog---" She cut me off. 

Her eyes widened. "That long?! May balak ka ba talagang patayin ako ha?! Papano kung hindi na ako nagising ha?! Alam niyo bang blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah  blah........." Mahaba pa yung pagalit niya hindi nalang ako nakinig dahil gising na nga siya ngayon at tinatalakan na ako. I crawled near to the side table habang wala pa siyang tigil sa pagtalak. I uncovered the tray habang naglilitanya pa si Dianne.

She stopped nung lumabas na yung amoy ng mushroom soup na dala ko. Hindi ko daw pwedeng biglain yung sikmura niya dahil nga mejo matagal din siyang tulog.

"See? I told you gutom lang yan beh" I took the bowl and spoon. She didn't respond to me. Iniintay na niya lang siguro kung papano ko siya papakainin.

"Kailangan bang nakatali parin ako?" She looked at her wrist na nakatali. Oo nga naman, grabe naman ako. Hindi naman siya tatakas. Inalis ko na yung tali sa mga kamay niya.

"Bawal tumakas ha?" I reminded her.

"Unless puputulin ko yung mga paa kong nakatali pa rin, wala naman sigurong paraan diba?" she replied sarcastically.

"Well you could use your hands to--" She cut me off again.

"Papakainin mo ba ako o hindi?" Inis na siya, malamang gutom eh

I took the whole tray and placed it on her lap. Gutom nga si Dianne kasi she immediately took the utensils at kumain. Inabot ko agad yung juice niya after ko maalis yung bowl sa tray, may sandwiches din kasi at yun naman yung inuupakan niya.

 Ilang months ko ring hindi nakita si Dianne. She lost it after what happened to Avie.

Sino ba naman kasing nanay ang hindi made-depress after magkaganun ang anak niya? Walang matinong magulang ang ok parin after that.

Dalawa lang tuloy kami ni Jayjay.

Kahit si Jayjay nalungkot din nung nawala si Dianne. Wala rin kasi ang ate niya.

At nandun din si Felicity.

Oh wag kung ano ano ang isipin. Ipapaliwanag ko muna kung sino si Felicity sa buhay ko.

 

FLASHBACK

SEVEN YEARS AGO. GENBIO LABORATORY, GERMANY

"Pilipino ka din?!" Hindi maubos ang gulat ko dahil nakakaintindi rin pala ng Tagalog yung anak ng boss namin. Wala kasi sa itchura niya dahil parang wala siyang nakuhang genes galing sa nanay niyang Filipina.

Kasama ko siya sa trabaho dahil specialist siya sa Biology. Kung anong klase? Malupit at sosyal dahil hindi uso ang uri niya at malamang illegal pa nga yung pag practice ng expertise niya sa Pilipinas bukod sa baka sunugin siya ng buhay ng mga alagad ng simbahang tutol sa pag-alter ng mga natural na ayos ng mga tao.

He's a genetic engineer.

"Oo bawal ba?" sagot sakin ng anak ng boss ko. Nagkatawanan nalang kami. Bago lang kasi ako sa kompanya at magandang malaman na meron pala akong kababayan sa pinagtatrabahuhan ko.

Well like other cliches, palagi kong kasama si Felicito. He was named after his Fiipino grandfather at ok na ok naman ang German father niya at gustong gusto pa nga ang culture ng Pinoy. Nakakagulat din ngang marunong magtagalog yung tatay ni Fel. He became a good friend kung kelan ko kailangan. Baguhan ako sa Germany samantalang siya matagal na siyang nakatira dito kaya may guide ako kung papano ba mabuhay dito.

Alam ni Felicito ang history namin ni Dianne. At kung gaano akong nasaktan sa pag-iwan niya sakin sa altar. Lalong alam din niya kung gaano ko ka-mahal si Dianne.

"Alam mo may gusto akong itanong sayo kaya lang hindi ko alam kung papano ko sisimulan" Shit! Nadedevelop na ba siya sakin? Palagi kaming magkasama pero wala namang akong napapansin na bakla siya at ang alam ko mahilg siyang mambabae.

"Ano yun?" Kabado ako sa tanong ko. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin at dapat isagot sa kanya kapag umamin na siyang may gusto siya sakin.

"David, mahal mo pa ba si Dianne?" Fuck what a question naman.

"Yung totoo ba?" Ganting tanong ko sa kanya. Ang hirap mag move on kung yung fans ng love team niyo ayaw parin tumigil at mag- give up ng hope na magkakabalikan kayo.

"Maglolokohan pa ba tayo?" He's being sarcastic.

"Alam mo na naman sagot jan nagtatanong ka pa" mga tanong eh

"David, papano kung pwede kang magkaroon ng isa pang pagkakataon with Dianne? Papano kung pwedeng magawan ng paraan para---"

"Teka, wag mo nga akong pinaglololoko" sobrang imposible naman kasing magkabalikan pa kami.

"David hindi ko tinutukoy ang Dianne mo sa Pilipinas. Gagawa ako ng bagong Dianne" seryosong sabi ni Felicito sakin.

"Weh sige nga papano?" I teased him. Adik lang kasi, mga gamot ang minamanufacture ng company nila at eto siya nagvovolunteer na magformulate ng bagong Dianne.

"David, alam mo ang tungkol sa laboratory ko, fully functional naman yung systems ko. Pwede akong gumawa ng bagong Dianne. Kailangan ko lang ng DNA niya, diba nasayo pa yung pouch niya ng toiletries" Palagay ko yun ang pumukaw ng attention niya at nagtrigger ng idea. May nakita kasi akong gamit ni Dianne sa gamit ko.

"Unang una, mali yan at illegal, ikalawa, wala akong perang pangtustos jan, ikatlo, ano namang mapapala ko kung gagawa ako ng isa pang Dianne?" Sunod sunod ang tanong ko baka sakaling magbago ang isip niya.

“You’ll get to see her die if I fail” Tinapik ko siya sa balikat. Baliw talaga at kalahati ‘tong kaibigan ko. Kahit naman galit ako kay Dianne hindi naman ako killer.

“Alam mo, bahala ka, ibibigay ko sayo bukas yung DNA samples ni Dianne. Good luck nalang sayo”I gave him samples the following day.

Who would’ve thought he succeeded?

Malaki ang utang na loob ko kay Felicito dahil dahan dahan naibalik niya sakin si Dianne.

Apparently, his father died. Doon nagsimula ang kalbaryo sa buhay niya. Sanay kasi siya sa maluhong buhay kaya parang laro lang ang lahat sa kanya. Hindi lang niya inexpect na mawawala agad ang daddy niya at kinailangan niyang patakbuhin ang kompanya. Wala siyang alam sa negosyo kaya as expected, lugi ang company nila.

Naibenta niya sakin ang kompanya pero hindi na niya nagawan ng paraan ang mga personal pa niyang mga utang.

 That’s when he became Felicity. Nagundergo siya ng plastic surgery. Marami na kasi siyang threats at sobrang magulo na ang buhay niya matapos ang mga pangyayari. Sa pagkaka-alala ko siya rin ang nagdesign ng gagawing modifications kaya sobrang successful at babaeng babae na siya inside and out.

Umamin narin siyang bakla pala siya. Hindi lang siya makapag-ladlad dahil nga sa tatay niya. Well when his father passed saka na naglabasan lahat nga mga tinatago niya.

Naputol na ang pag-reminisce ko dahil humingi ng tubig si Dianne, hindi ko kasi sinama sa tray dahil baka matapon sa kama. Hindi parin ako kinausap ni Dianne tinuloy lang niya ang pag-kain.

Kung tutuusin, malaki ang utang na loob ko kay Felicity dahil hindi namin ini-expect ang pagdating ni Avie. Unlike humans, wala kasing kasiguruhan kung kaya ng katawan ng clone na makapagdala ng isa pang buhay.

Nagawa lang naman namin dahil kasama ko sa Felicity in every step of the way kaya heathy si baby Avie nung lumabas. Karamay ko rin siya sa lungkot nung namatay yung clone ni Dianne.

She came noong araw na nalaman niyang may tauhang nagleak ng information tungkol sa buong proseso ng pag-clone kay Dianne.

Kahit kasi maitago ko ang paper works at iba pang detalye ni Avie at Dianne, hindi ko maii-alis ang records na dalawang Dianne ang buhay noong mga panahong yon.

At that same day saka naman inatake ng katangahan si Gabriel at saka pa niya naisip na itakas si Avie samin. Naaksidente tuloy sila ni Avie.

Inaamin kong halos gumuho ang mundo ko noong nakita ko si Avie sa stretcher at naliligo ng dugo habang ginugupit ang uniform niyang basang basa ng dugo.

Dianne fainted at dinala ko siya sa isang hospital suite para makapagpahinga. Habang tulog si Dianne I stayed with Avie. Alam kong baka hindi kayanin ni Dianne na makita sa malubhang lagay si Avie.

Avie wasn’t wearing her seatbelt kaya tumalsik siya palabas ng windshield. Diba ang talino talaga ni Gabriel na magpaka daddy? Tsk

Sinabi na sakin ni Felicity na wala nang pag-asa. Sa lagay ni Avie imposibleng mai-ligtas pa siya ng mga doctor kahit gaano pa sila kagagaling sa Saint Andrews.

Unless we take Avie to Davao.

Nandoon kasi ang bagong laboratory ni Felicity. I’ve been funding Felicity’s research sa mga cosmetic products.

Nagulat lang ako na meron ulit laboratory sa ilalim.

Magagalit pa sana ako dahil bawal yon at kaya pala maraming unexplained expenses na binabanggit sakin ang accountant ko, pero hindi ko na dapat ikagalit yon dahil yung lab sa Davao ang pwedeng makapagligtas sa baby namin.

Felicity immediately made calls to send her team na kukuha kay Avie sa Saint Andrews. Doon na dumating si Dianne at inaway ako. Gustuhin ko man hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya kung ano ang gagawin ko. Hindi pa din guaranteed ang procedure kahit pa si Felicity ang mag-hahandle ng reconstruction procedure sa mga buto ni Avie.

Dinala si Avie sa morgue dahil dun ipe-preserve yung katawan niya using advance cryonic preservation. Avie was declared legally dead sa records ng hospital. As far as everyone in the hospital on that day knows, Avie died in the ICU and she was took by a special team for a special preservation process.

Si Felicity yung nag-authorize ng special preservation process. Dinramahan ko pa sila na I want my baby to live forever kaya siya ipe-preserve. For sure hindi papayag si Dianne sa ganun kaya mas magandang hindi nalang niya alam.

Kami nalang ng team ni Felicity ang nakaka-alam na preserved ang katawan ni Avie para sa laboratory ayusin ang lahat ng nasira sa katawan niya.

“For sure hindi mo naman ako kikidnapin kung hindi ka prepared, may mga dala ka bang damit ko?” Napalingon ako kay Dianne.

“Yup, nasa drawers” Inalis ko na yung mga tali ni Dianne sa mga paa niya. She immediately stood up and checked the drawers. “Kompleto na yung mga kakailanganin mo sa bathroom kung gusto mong maligo” I continued.

I watched her take her stuff and went into the bathroom. Matagal pa siguro si Dianne kaya lalabas muna ako. Dalawa kasi silang binabantayan ko ngayon.

I walked towards the beach. Nasa nipa cottage sa may dulo ng beach kasi si Jayjay kasama yung yaya niya. Before akong umalis to check up on his mom alam ko tulog siya.

“Sir Dave! Sir Dave!” I heard a familiar voice. Kaka-kilala ko lang kasi sa kanya kanina. Nurse siya for a special assignment at kakapalit lang niya dun sa naunang shift. I saw her running towards me. Galing siya sa kabilang dulo ng mansion.

“Sir Dave may problema po” sabi niya between deep breaths. Malayo rin kasi yung tinakbo niya.

“Ano yon?” First time rin kasi niya on a special assignment kaya baka kahit isang katiting na mali na makita niya nirereport agad niya sakin.

“Sir Dave yung pasyente po nawawala” kabadong sabi niya.

Ay nako patay tayo jan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 218 17
|C O M P L E T E D| How can people be so ironic? They say it's meaningless, that it's just a waste of effort and yet, they find themselves silently w...
9.3K 204 20
Isang babaeng nainlove sa kanyang bestfriend. Eto ang revelation guess what bakla yung bestfriend kaya naman itinago niya ang kanyang nararamdam. Isa...
576K 15.6K 85
The MENDOZAs: 1. BRILE YU-RHI Gomez Mendoza- the delinquent 2. BREII YU-RHI Gomez Mendoza- the womanizer 3. RAIN AIDEN Rivera Mendoza- the sweetest...