As She Dance With The Devil (...

By lavenderjaiz

13.1K 526 41

HIGHEST RANKING: #92 IN GENERAL FICTION Book 2 of 11 WARNING: SPG | R-18 | Matured-Content Synopsis Brotherh... More

As She Dance with the Devil
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24

Kabanata 8

225 23 0
By lavenderjaiz

Kabanata 8

"PINAGSAKLUBAN KA NA naman ata ng langit at lupa?" Nakangising bati sa kanya ni Rajid na naabutan niyang umiinom mag-isa sa hamba ng counter ng bar niya.

He really hates the nerve of this man ever since, kahit na ito ang pinaka-close niya sa kanilang magkakaibigan. Animo'y para siya nitong hinahamon palagi o kung sinoman sa kanilang magkakaibigan kaya ayaw niya itong pinapakitaan ng emosyon na alam niyang dehado siya.

Tumabi siya rito.

Sinenyasan niya ang bartender na mabilis ding dumalo sa nais niya. Maka-ilang minuto lang ay nasa harapan na niya ang basong may lamang paborito niyang alak.

"I haven't seen you flirting with other women despite of having a hard time." anito, hindi nag-abalang balingan ito habang ang paraan ng pananalita nito'y tila siya pinaglalaruan.

Napangiwi siya nang sumimsim nang kaunti sa kanyang baso habang walang hiyang kinuha ni Rajid ang bote ng alak nito't nagsalin sa sariling baso.

Wala namang kaso sa kanya iyon sapagkat kalahati ng baso na may lamang alak lang ang kaya ng sistema niya.

Ewan ba niya kung bakit ang hina niya sa bagay na ito.

"Some still asked me what you've been up to these days. They are still curious with your lifestyle." Natatawa nitong sinabi.

He tsked.

Alam niyang minamanipula lang nito ang kanyang emosyon dahil sa babaeng iyon.

"Ignore them." Mariing sagot niya.

Rajid faced him with a mockery face.

"Upset for something?" anitong pinaglalaruan ang basong hawak habang nakatuon ang siko sa bar counter, sa kanya pa rin nakatingin.

Nangunot ang noo niya nang pasimple itong ngumisi, tila may kahulugan iyon.

Kahit kailan hindi niya maintindihan ang kaibigan. He's too complicated to understand, mapapaisip ka na lang sa kung anong tinutukoy nito.

"...or because of cinderella who's still unsearchable?" Humalakhak ito.

Padabog niyang ibinaba ang baso at sinamaan ng tingin ang kaibigan.

"Fuck your face, man." He snorted and frowned.

Patuloy sa paghalakhak ang katabi niya. Alam ng mga kaibigan niya kung gaano siya naiirita kapag naririnig ang bagay na iyon.

Nakawala ito sa kanya nang gano'ng kabilis! Hindi niya matanggap iyon.

"Your face is funny, Ashton. You are really serious with her, huh?" Nilaklak nito ang natitirang laman ng baso na kaagad ding sinalinan.

"Hmm, what if..." He trailed off wearing a smirk.

Sa halip na iwan ito roon dahil sa paglalaro nito sa kanya, nanatili pa rin siya. Pakiramdam niya may laman ang sinasabi ni Rajid.

Maybe he knew some things about her he didn't know.

"What?" Kapagkuwa'y aniya.

Rajid arched his right brow, still wearing that playful smirk he wanted to erase.

"Tangina ka talaga, Rajid! Anong pinagsasasabi mong gago ka?" Singhal niya.

Rajid laughed playfully and switched his position. Wala na ang emosyon, hindi kagaya kanina na pinaglalaruan siya nito.

Umiling-iling ito. "It's for you to find out, man." Mahinang usal pa nito.

"Rajid!" Agad niyang tugon sa isinagot nito.

May alam ang kaibigan niya, sigurado siya roon. Pero ano iyon? Mukhang hindi maganda ang gusto nitong ibalita dahil ayaw nitong sabihin sa kanya ang nalalaman.

This is fucking absurd!

Tumayo siya sa kinauupuan at marahas na hinarap ang kaibigan.

"What the fuck did you know!?" Galit niyang sinabi, hawak na ang kwelyo ng kaibigan.

"Fuck!" Reaksyon nito.

"Tell me, asshole." Aniya, walang pakialam sa nasaktang kaibigan sa padarag niyang pag-corner dito.

"I was just joking, don't take this seriously." Wala nang pakialam na anito.

He looked at him darkly.

Rajid sighed. "I'm just testing you, idiot."

Rajid removed his hand at him calmly. Naiwan siyang nasa tabihan nito, tulala, hindi pa rin naniniwala.

Pinanuod niya ang paglaklak ng kaibigan sa natitirang alak sa boteng inangkin na nito.

"Get yourself together, Ashton. You looked like an idiot. She's not good for you, brother. I'm telling you."

Hindi na niya ito pinansin at binalingan, bagkus ay nilaklak na lamang ang natitirang laman ng baso niyang hindi pa niya nauubos at iniwan ito roon.

He tsked.

Even his friend is a shit. Mas lalo yata siyang mamomroblema kung mananatili siya sa tabi ni Rajid.

He didn't know if he's going to believe what he said. Is his friend knew something? But how? Gayo'ng isa ito sa hindi namamakialam sa buhay ng bawat isa.

He shook his head.

Imposible. Maybe he was just kidding him.

Naghubad siya ng coat nang tuluyang makapasok sa sariling silid ng restaurant bar niya. He even checked his phone, assuming that maybe there was a miracle happened. Ngunit ni isang mensahe mula sa kapatid niya'y wala siyang natanggap.

Itinapon niya iyon sa ibabaw ng kama at nagpasyang maligo, mahimasmasan man lamang. Nga lang, bigla niyang naalala ang dalaga. He even fucking fantasized her doing that thing with him.

"Fuck!" he cursed and quickly finished his shower.





"ATE, I WANT THIS! LET'S GET THIS, PLEASE?" ang bunso sa kanilang magkakapatid, nagmamakaawa.

Nasa mall sila ngayon at isinama niya ito sa pamimili ng mga ilang gamit na kakailanganin niya sa silid nilang mag-asawa.

Kumpleto naman lahat ng kagamitan niya roon. Wala na siyang mahihiling pa dahil well provided na iyon ni Brix. Nga lang, Matagal na siyang hindi nakakapamili ng mga gamit na siya mismo ang gagawa kaya naisipan niyang lumabas.

Busy pa rin ang asawa niya hanggang ngayon. Base sa narinig niya sa usapan paglabas nito sa conference room kahapon, may nakita itong magandang lokasyon na pwedeng pagtayuan ng ospital. Hindi lang niya alam kung saan iyon, hindi na rin niya inusisa si Brix.

She was supposed to have a dinner date yesterday with his husband but it was postponed. Nakalimutan daw nitong may schedule ito ng operation at hindi alam kung anong oras matatapos kaya sa halip na magmukmok, binisita na lang niya ang pamilya niya't doon na rin nagpalipas ng gabi.

"Thank you, ate." Anito't mahigpit siyang niyakap kaya natawa na lamang siya.

Gustong gusto nito ang tumugtog at suportado naman nila ito. Nga lang, addiction na yata ng batang ito ang mangolekta ng musical instruments, na kapag lalabas sila, parati itong may bitbit pauwi.

Hindi rin naman niya matanggihan dahil bunso. Siya pa ang pinagagalitan ng kanilang mga magulang sa halip na kapatid niya dahil siya itong nang-iispoiled dito.

"Then I will be the one who gets the sermon by mom and dad."

Humalakhak ito. "I'm not sorry. I'm irresistible." Mapaglaro pang anito.

"What a little brat!" Sumimangot siya.

Pinagmasdan niya ang kapatid na ngingiti-ngiting kinakalikot ang violin na binili, inaayos-ayos na nito ang tono noon.

Marunong din naman siyang gumamit ng mga instrumento. Hilig niya rin iyon noong bata. Siguro dahil meron silang subject na gano'n pero noong nagtapos na siya ng pag-aaral, nawalan na siya ng panahon doon dahil sa sobrang busy at nakakapagod na trabaho.

"Let's try playing at home, ate." Excited pa nitong sinabi na tinanguhan na lang niya.

Matapos magshopping, nagpasya silang tumigil muna sa isang restaurant at kumain. Ang napili nilang kainan ay Italian-American Restaurant na malapit lang sa binilhan ni Keis na violin.

Paborito rin naman itong kainan ng kapatid kaya roon na lang din sila nagtungo. Medyo picky pa naman ang kapatid niya pagdating sa pagkain kaya hindi na siya nag-abalang maghanap ng ibang kainan.

Bitbit sa magkabilang kamay ang mga paperbags na may laman ng pinamili niya, pumasok sila sa entrada ng resto na agad din silang inassist.

"Hi. Did you have a reservation, madam?"

Umiling siya't tipid na ngumiti sa lalaki. "Just a table for two, please."

She let herself lean on the sofa. Masakit na ang likod niya, napagod yata siya nang husto sa pagsa-shopping. Halos bags, shoes at kaunting damit lang naman ang bitbit nilang magkapatid. Ang mga binili niyang pang-display, mga sofa at kung anu-anong pang-interior ay ipinadeliver na lang niya.

She ordered USDA Ribeye with one side dish only for main course at ang napili niyang antipasto or appetizer ay mussels bombardi na para na sa kanilang dalawa.

"Mine is chicken parmigiana." Anito sa kumukuha ng order nila.

Bumaling ito sa kanya. "Ate, I'll order dessert po, huh?" Pamamaalam nito na tinanguhan niya.

"2 pana cotta for the dessert and peach mango lemonade for me. What about your drinks, ate?"

Napangiti na lang siya. Nakalimutan niyang mag-order ng inumin at itong kapatid niya mukhang sabik na sabik umorder.

"Chateau Margaux, please." Aniyang nakangiti sa lalaki.

Inasar niya ang kapatid sa pagiging pormal nito habang kumakain sila at kung paano makipag-usap. Fine dining kasi ang pinuntahan nila at ang kilos nito'y parang nagdadalaga na.

"Stop it!" Reklamo nito.

"Why? I'm not saying anything." Sabi niya rito.

"You're mocking me." Keis pouted while brows furrowed.

"I'm not." Defensive niyang sinabi, natatawa na.

Bandang alas nueve ng gabi nang makauwi siya dahil may isang oras din ang layo ng pagitan ng bahay nila sa bahay ng kanyang ina't ama.

Nagbabasa siya ng libro habang hinihintay ang pagdating ni Brix. Ni hindi na rin niya namalayan na nakatulog na siya't hindi na nahintay ang asawa. Kaya nang magising, agad siyang napabalikwas dahil wala pa rin sa tabi niya si Brix.

Nagising siya nang tuluyan dahil doon. Ayaw man niyang mag-isip ng kung anong masama pero hindi niya maiwasan.

Agad kinuha niya ang roba at mabilis na bumaba. Hinanap niya si Brix ngunit ni wala itong bakas ng anino miski saan siya luminga.

Tinawagan niya ang cellphone nito ngunit walang sumasagot doon. Nag-aalala na siya! Ilang araw na silang walang matinong pag-uusap ng asawa. Ngayon naman ay hindi ito umuwi!

"Did he still have an ongoing operation?" Bulong niya sa sarili.

Nagpasya siyang bumisita ng ospital, sa halip na pumasok sa trabaho dahil nag-aalala pa rin siya rito. Tuwing hindi kasi makakauwi ang asawa niya, nagsasabi kaagad ito o hindi kaya naman ay madaratnan niya ito kinabukasan.

Alam niyang mahirap ang trabaho ng asawa niya. He's hands on with the management yet he also do operation. She knew how tiring is that and she accepted and understand it. Hindi lang din maiwasan na mag-alala siya para rito.

She texted him first about visiting to hospital so that he wouldn't get shocked when he sees her. Nagluto na rin siya ng breakfast para dalhin doon at nagpasya siyang doon na rin kumain. Mabilis lang niyang natapos iyon dahil usual breakfast lang naman 'yon.

Agad din siyang naligo at nag-ayos. Simpleng make up lang ang ginawa niya, powder and lipstick. She also wear black jumpsuit that she sees first in her closet and picked a comfortable heels na sapat lang ang taas.

Nakarating siya sa hospital. As usual, sobrang busy ng mga tao roon. May mga bumabati rin sa kanya roon dahil kilala naman siya na asawa ng anak ng may ari ng hospital na ito.

She even asked the girl in the lobby if Brix is here.

"Yes, ma'am." Sagot nito.

Nagpasalamat siya roon at agad dumiretso ng elevator. Okupado lahat ng nando'n kaya mataman siyang naghintay sa pagbaba noon sa palapag niya. Nang bumukas iyon ay pumasok kaagad siya. She greeted and smiled at the employees inside. Tumugon ang mga ito at tumahimik pagkatapos.

Pinindot niya ang number ng palapag kung saan ang opisina ni Brix. Ngumiti siya at nag-ready nang malapit na iyon sa tamang palapag.

Nang bumukas ang elevator, nagulat siya.

Tumambad sa harapan nila si Brix, bakas na bakas ang pagod na para bang hindi ito natulog magdamag.

"Luna... you're here." anito, gulat na gulat sabay iginala nang mabilis ang mga mata sa hallway doon.

Nangunot ang noo niya sandali dahil mukhang hindi dapat siya pumunta sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Bahagyang nagtaas ang isang kilay niya sa ikinilos nitong kakaiba.

"What brought you here?" Tanong nito at kinabig siya't hinalikan ang ulo niya.

Agad nawaksi sa isip niya ang pagtatakang iyon sa kilos ng asawa.

"I'm just worried. Hindi ka umuuwi." Tugon niya.

Narinig niya ang mahinang paghalakhak ni Brix. She let go of his hold and sighed, worriedly looking at him.

"I'm sorry I wasn't able to text you. Uh—we had emergency patient needed to operate as soon as possible." anito, hawak ang kanyang kamay habang pinipisil-pisil.

Tumango-tango siya para ipakitang ayos lang sa kanya.

"And I didn't expect you to be here. Don't you have work?" sabi ni Brix, mukhang hindi man lang na-check ang mensahe niya kanina.

"I took a leave." She smiled at him and he took her hand and intertwined it.

They walked towards his office and told her about the successful operation they did. Hawak nito ang cellphone sa isang kamay, may tinitipa at nang tumunog iyon ay may relief sa mukha nito.

Hindi na lang niya iyon muli pinansin, baka tungkol lang sa pasyente at pinakinggan ang pagpapatuloy nito sa marami nitong kwento tungkol sa mga cases ng mga pasyenteng dinadala sa hospital and she's still amazed by them saving lives.

Natututo rin siya sa mga kwento at sinasabi nito kahit na hindi naman siya graduate ng med school. Siguro dahil na rin sa tagal nilang magkarelasyon. At kahit na hindi naman siya palatanong sa mga cases about sa mga pasyente, he still initiated to let her know. He also tried to explain it to her in an understandable way kaya mabilis din niya itong naiintindihan. And that's the reason why she likes Brix at kaya rin siya tumagal dito.

She already put the breakfast she made earlier on his table.

Umupo naman ito agad sa working table nito at nag-umpisang magbasa nang kung anu-anong dokumentong naroon. Hula ko ay mga results ng test ng mga patients at mga papers na dapat nitong pirmahan for approval.

"You should eat and rest first." Suhestiyon niya habang inaayos ang pagkain sa lamesa.

Sinulyapan niya ito nang hindi ito tumugon sa sinabi niya. Busy pa rin ito at seryosong nakatingin sa monitor ng laptop.

Nang maihain niya nang maayos ang pagkain, pinuntahan niya ito't hinawakan ang kamay. Sa wakas ay nakuha niya ang atensyon nito at kapagkuwa'y isinara ang laptop na hawak.

"You're going to be sick if you're not going to rest, Brix." She told him.

"You'll take care of me then." Nakangising sabi nito.

Inirapan niya ito't umiling-iling. "You should not get sick, you know." Sagot niya, implying what she meant.

Hinigit siya ni Brix kaya napaupo siya sa kandungan nito. He hugged her at her back and she let him do that. Hinawakan niya ng mahigpit ang mga brasong nakapulupot sa kanya.

Ramdam na ramdam niya ang pagod nito kaya nalulungkot din siya para sa asawa. Hindi naman niya masisi ang work nito at lalo ang pagiging anak ng mga Madrigal.

"I wanted to apologize for everything." He whispered on her ear. "Please always remember that I love you."

She stunned and didn't know how to respond. Kinagat na lang niya ang labi niya't nag-iwas ng tingon, hindi na ito tinapunan ng tingin sa kung anong naging reaksyon nito.

Ashton...

Bakit ba hindi siya lubayan nito? And why the heck is she feeling this way towards that man? Nakita niya lang ito muli, bumalik na sa kanya ang nakaraan nila.

Ni hindi niya mapangalanan ang eksaktong nararamdaman sa lalaking iyon. Ang alam niya lamang ay palagi itong tumatakbo sa isip niya, hindi siya magawang lubayan.

Ayaw niyang aminin, pero hindi dapat. Noon pa man ay ibinabaon na niya iyon sa kailaliman dahil imposible at kalokohan iyon. Ilang beses na niyang ipinamukha sa sarili at sinabing kalokohan iyon, pero matigas ang puso niya't hindi marunong makinig. It's beating faster for him. At wala siyang makuhang sagot kung bakit nahuhulog siya sa simpleng pag-iisip lang sa lalaking iyon!

And how come she felt this feeling when the truth is they never shared something sentimental except for fuck?

Ano ba talagang klase ng alcohol ang nainom niya nang gabing iyon? Was it poison? Para siyang ginayuma sa nangyaring ito sa kanya!

Guilt crepts inside her. Galit na galit siya sa sarili niya. Kahit saang banda niya tingnan, she's at fault. She chose it. She's the one who did it to herself.

Dapat ba niyang isisi ang desisyon niyang iyon kay Ashton? Hindi! Sa totoo lang ay naging biktima niya lang din naman ito.

Hirap na hirap na siya sa sitwasyon niya. Alam niyang napaka-selfish niya. Aminado siya sa bagay na iyon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maamin o masabi kay Brix ang totoo. Nagawa pa niyang magpakasal dahil hindi niya kayang baliin o bawiin ang naunang desisyon niya. Everyone is preparing for their wedding, even her family was excited that time na matagal na rin siyang gustong maikasal kay Brix.

He stared at him while eating. Napatingin naman ito sa kanya, malapad ang ngiti sa kanya.

Parang pinipiga ang puso niya sa isip na masaktan ito. Brix is important to her. She loved him, pero... umiling siya.

Hindi naman ito kailanman naging malupit sa kanya, maliban sa patalikod nitong pagtataksil sa kanya. Pero kahit gano'n ay ayaw niya itong masaktan.

Kung siguro hindi nagbago ang asawa niya, madali para sa kanya ang itaboy ito at sabihin dito ang totoo ngunit hindi niya kaya.

Brix, at the same time never confess to her how he wronged her. How he cheated on her. Pareho silang may mali. And because she's a coward, tinakbuhan niya ang problemang iyon instead of confronting him. Nagawa pa niyang bawian ang nobyo sa ginawa nito kaya wala na rin siyang pinagkaiba rito.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
911K 29.7K 69
Embry Elithea Suarez & Caspian Riley De Ayala -- Started: April 9, 2022 Ended: October 7, 2022 Completed on Warranj VIP Group
1.6M 45.9K 13
Umuwi sa Pilipinas dahil si Heelan dahil sa kasal ng pinsan niya at dahil na rin sa fashion line na balak niyang e-lauch dito sa bansa. Okay na sana...
13.7K 482 39
Maria Claudette Lopez was a self-centered lady who will do everything to experience being loved by her Father. She was alone and pressured thinking t...