Revenge ni Beki (Complete)

By AedrianBuison

205K 6K 290

Sinaktan nyo ako noon, sasaktan ko naman kayo ngayon. Si James Dean Lopez o mas kilala ngayon bilang Steph L... More

RECOMMENDATION
Revenge ni Beki
Prologue
Chapter One - New School
Chapter Two - Oh My Spencer!
Chapter Three - Tadhana
Chapter Four - Superhero
Chapter Five - Friends?
Chapter Six - Pretend
Chapter Seven - Bestfriend
Chapter Eight - ON
Author's Note
Chapter Nine - Confess
Chapter Ten - Picture
Chapter Eleven - Beginning
Chapter Twelve - Memories
Chapter Thirteen - Practice
Chapter Fourteen - The Drawing
Chapter Fifteen - Graduation Day
Chapter Sixteen - Party
Chapter Seventeen - Revenge
Chapter Eighteen - Plan
Chapter Nineteen - Woman in Black
Chapter TwentyOne - Project
Chapter TwentyTwo- Project
Chapter TwentyThree - Vigan
Chapter TwentyFour - Ligaw
Chapter TwentyFive - Friends
Chapter TwentySix - Selos
Chapter TwentySeven - Fall
Chapter TwentyEight - Confused
Chapter TwentyNine - Truth
Chapter Thirty - Unexpected Scene
Epilogue
Author's Note

Chapter Twenty - Bitchy

5.8K 178 6
By AedrianBuison

James POV

Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay galing school, tinanong agad ako ni ate kung anong nangyari sa school.

"Oh anong nangyari?" Tanong nya.

"Nagkasagutan kami ni Taylor at take note teh, magkaklase pa kaming tatlo! At katabi ko pa silang dalawa, napagitnaan pa nila ako." Sagot ko.

"Talaga? Grabe ha! Small world" hindi makapaniwalang sabi nya.

"Oh anong nangyari sa sagutan nyo?" Tanong nanaman nya.

"Muntik na akong manganga," sagot ko. Lumaki naman ang dalawang mata nya dahil sa pagkagulat.

"Muntik na o nanganga ka talaga? Nako wag mong sabihing natalo ka?"

"Teh wag kang OA, simula pa lang oh talo na agad! Syempre di ako magpapatalo. Muntik lang akong walang masabi." Pagpapaliwanag ko.

"Ah. Sana nga, pero bukas wag na wag ka ng manganga" nakahinga na sya ng maluwag.

"Oh yung kotse ko?" Tanong nya ulit.

"Nandon na sa labas ng bahay. Wag kang magalala, hindi nagasgasan. Oh" sagot ko sabay hagis sa kanya ng susi at nasalo nya naman ito.

"Pahiram ako ulit, bukas" sabi ko sabay ngiti at naglakad na papaakyat sa taas.

Pag-akyat ko, agad akong pumasok sa kwarto at nilock ang pinto. Grabe, nakakapagod pala kapag college. Ang daming pinasulat ng babae kong teacher, first day palang naman. Ang dami pang rules na kailangan sundin. Akala ko hindi ako mapapagod.

Agad akong naghubad ng saplot ko sa katawan at agad rin naman akong nagbihis ng pambahay. Inilagay ko sa ibabaw ng mini cabinet ko ang black pouch ko. Ang sakit na ng mata ko, gustong gusto ko ng matulog.

Humiga na ako sa kama at kumuha ako ng isang unan at yinakap ito. Ipinikit ko na ang dalawa kong mata at nagsimula na akong matulog.

***

Naalimpungatan ako kaya nagising ako bigla. Kinuha ko yung pouch ko sa ibabaw ng mini cabinet na katabi ng kama ko at binuksan iyon. Kinuha ko sa loob ang phone ko, hindi ko pa pala 'to nailalabas. Pagkakuha ko, ibinalik ko ulit ang pouch ko sa ibabaw ng mini cabinet.

Binuksan ko ang phone ko, 6:30pm palang pala. Papatayin ko na sana ang phone ko ng biglang tumunog ito at may nagtext pala.

'Hey bitch, get ready tomorrow. Kung sinabi mong mas bwiset ako, yes totoo yon. Bwi-bwisiten ko ang buhay mo! Get ready.." Hindi ko alam kung sino 'to. Unknown number kasi at walang name, hindi sya nakasave sa contacts ko.

Inisip ko kung sino 'to, sino ba ang sinabihang kong 'bwiset' bigla nalang akong napangiti nang maalala ko kung sino. Si Taylor, sya lang ang sinabihan ko kaya maaring sya nga ang nagtext. Paano nya kaya nakuha ang number ko?

Nagreply ako sa text nya.

"Hey slut, wow ha. Paano mo naman nakuha ang number ko? Hindi ka lang pala bwiset, stalker ka rin. Hay! Poor stalker' reply ko.

Nag-antay ako ng ilang minuto pero wala pa ring nagre-reply. Siguro naasar na yon. Ni-save ko yung number nya sa phone ko at nilagay ko sa name nya at 'Demonyita' hahahaha.

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na. Pagkababa ko, nakita ko si Mama nagluluto.

"Oh ma, mukhang masarap yan. Nasan nga pala si Ate?" Tanong ko.

"Ah oo nga eh,"

"Yung ate mo umalis di ko alam kung saan nagpunta"

Saan naman kaya pumunta si Ate? Umupo nalang ako sa sofa at nahiga.

"Sya nga pala nak, may iniwan yung ate mo bago sya umalis. Sabi nya bigay ko daw sayo pag nagising ka na." Sabi ni mama sa'kin.

Napaisip naman ako, ano kaya yon? Tinuro ni Mama kung nasaan yung binigay sa'kin ni ate. Kinuha ko ang isang blue paper bag at may damit sa loob. Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto para tignan kung anong klaseng damit yon.

Pagtingin ko sa damit, nagulat ako. Isa syang damit na halos kitang kita na siguro ang dede mo kapag sinuot mo ito. Grabe, anong gagawin ko dito?

May nahulog na papel, kinuha ko naman iyon dahil baka may sulat na nakalagay. Tama nga ang hula ko, may sulat na nakalagay sa papel na nahulog.

'Hoy, mawawala ako ng dalawalang araw. Itong damit na'to ang suotin mo bukas pagpasok mo sa school mo. Wag ka ng mag-alala dahil nalaman ko na pwede naman daw magsuot ng ganyang damit ang mga estudyante ng school nyo kaya pwede mong isuot yan. Wag ka ng magreklamo! Isuot mo yan dahil kung hindi, hindi ko na ipapahiram ang kotse ko sayo! Tandaan mo yan. Sige na!" sabi sa sulat.

Paksht! Ito ang susuotin ko? Baka naman magmukha akong malanding babae dito kapag sinuot ko 'to at baka ang magandang image ko sa school ay mapalitan ng bad image. Baka sabihin ng mga tao ang landi ko. Arhg! At baka hindi pa ako magustuhan ni Spencer kailangan ko pa naman syang pa-ibigin.

Bahala na. Di ko alam kung anong mangyayari bukas, bahala na si batman sa'kin.

***

Suot-suot ko na ang damit na bwiset. Grabe, sana hindi nalang ako nagdamit kasi kitang kita na rin naman ang itinatago ko. Hindi naman ito yung damit na sinusuot ng mga jejemon girls, actually mukhang mahal nga ito dahil maganda ang tela at may tatak.

Tinignan ko ulit sa salamin ang sarili ko. Nagulat nalang ako bigla. Waah! Bakit ganon? Bakit kanina hindi ko makita sa sarili ko na ang hot at sexy ko dahil sa suot ko pero ngayon, kitang kita ko na. Ang sexy at ang hot ko. I'm so damn hot.

Lumabas na ako ng bahay at pumasok sa loob ng kotse ni ate. Nagdrive na ako papuntang school.

Nandito na ako sa school at papasok na sa loob ng school. Pagpasok ko sa loob, lahat ng tao nakatingin sa'kin. As in pati yung guard, nakatingin sa'kin.

"Pare, ang hot nya."

"Omg! I like her body! She's so sexy and hot. Damn!"

"Grabe, ngayon lang ako nakakita ng Perfect body! At sa kanya ko lang nakita yon"

"Ngayon, masasabi ko sa sarili ko na hindi pa pala ako sexy"

Ilan lamang yan sa mga papuring narinig ko galing sa mga estudyante at dahil sa kanila nawala ang hiya ko. Naglakad ako ng parang isang model habang lakas loob akong nakapamewang at nakataas ang noo.

Nang makapasok na ako sa loob ng building ng first year college ay agad akong umakyat. Bawat makakasalubong ko sa hagdanan ay nagha-hi sa'kin at pinupuri ako.

Nandito na ako sa loob ng room at papasok na. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Pagpasok ko, tinginan ang lahat sa'kin habang nakanganga except kay Spencer at Taylor.

"Wow"

"Shet"

"Damn!"

Umupo na ako sa aking upuan. Pagupo ko, may sinabi agad sa'kin si Taylor.

"Wow ha, sana hindi ka nalang nagdamit. Iba talaga pagpokpok." Sabi nya. Tumingin ako sa kanya ng diretsyo at ngumiti.

"Iba talaga pagnagmana sayo."

"Wag mo kong itulad sayo dahil never akong magda-damit ng ganyan." Sabi nya with matching taas ng kilay.

"Bakit ka nga naman magsusuot ng ganitong damit kung wala kang magandang katawan." Sabi ko sabay tawa na hindi halata.

"Baka pagnakita mo ang katawan ko, mahiya ka."

Ngumiti lang ako sa kanya at tinalikuran ko na sya. Oras na para agawin sa kanya si Spencer.

"Hi Spencer" bati ko kay Spencer pero imbes na batiin nya rin ako, binigyan nya ako ng isang masamang tingin.

"Wag mong agawin ang boyfriend ko." Sabat ni Taylor.

"Hindi ko inaagaw ang boyfriend mo, binati ko lang." Sabi ko nang hindi tumingin sa kanya.

"Spencer, alam mo hindi naman ako masama eh. Masama lang ako sa mga taong masama sa'kin" sabi ko ulit kay Spencer. Hindi pa rin sya sumagot.

"Spencer, alam mo masamang hindi magsalita baka matuluyan ka at maging pipe ka. Sayang ka gwapo ka pa naman" sabi ko ulit sa kanya at tumingin naman sya ng diretsyo sa'kin.

"Ano bang gusto mo at kinakausap mo 'ko? Sorry lang pero hindi ako nakikipagusap sa mga taong hindi ko kilala." Sabi nya sa'kin.

"Kaya nga kinakausap kita eh para makilala mo ko." Sabi ko sabay tawa.

Nakita ko namang nagtsk lang sya. Bigla namang tumayo si Taylor at hinila si Spencer.

"Saan tayo pupunta?" Natatakang tanong ni Spencer kay Taylor.

"Magcutting tayo. Nakakatamad eh, ang tagal ng prof." Sagot ni Taylor. Aalis na sila dapat ng bigla kong hinawakan ang kamay ani Spencer kaya napatigil sila at napatingin sakin.

"Hindi sya aalis." Pigil ko.

"What? Sino ka para pigilan sya? Boyfriend ko sya at girlfriend nya ako." Sabi nya. Tumingin sya sa kamay ko na hawak hawak pa rin ang braso ni Spencer.

"Don't touch him!" sabi nya sabay taboy ng kamay ko. Naalis nya naman ito.

"Let's go" sabi ulit ni Taylor sabay akbay kay Spencer at naglakad na sila papalabas.

Nagtaka ako bigla, bakit hindi inalis ni Spencer ang kamay ko sa kamay nya?

Note: hello guys, mukha bang magulo? Oo nga eh. Hahaha sorey! Oh ayan na! Nagupdate na ako. Bye

Continue Reading

You'll Also Like

17.1K 1.2K 75
Night Lights Series Book I The story revolves around the two main characters namely Race Clemente and Zena Alonte. Race suffers from a sleep disorder...
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
85.7K 4.2K 37
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...