Revenge ni Beki (Complete)

By AedrianBuison

205K 6K 290

Sinaktan nyo ako noon, sasaktan ko naman kayo ngayon. Si James Dean Lopez o mas kilala ngayon bilang Steph L... More

RECOMMENDATION
Revenge ni Beki
Prologue
Chapter One - New School
Chapter Two - Oh My Spencer!
Chapter Three - Tadhana
Chapter Four - Superhero
Chapter Five - Friends?
Chapter Six - Pretend
Chapter Seven - Bestfriend
Chapter Eight - ON
Author's Note
Chapter Nine - Confess
Chapter Ten - Picture
Chapter Eleven - Beginning
Chapter Twelve - Memories
Chapter Thirteen - Practice
Chapter Fourteen - The Drawing
Chapter Fifteen - Graduation Day
Chapter Sixteen - Party
Chapter Seventeen - Revenge
Chapter Eighteen - Plan
Chapter Twenty - Bitchy
Chapter TwentyOne - Project
Chapter TwentyTwo- Project
Chapter TwentyThree - Vigan
Chapter TwentyFour - Ligaw
Chapter TwentyFive - Friends
Chapter TwentySix - Selos
Chapter TwentySeven - Fall
Chapter TwentyEight - Confused
Chapter TwentyNine - Truth
Chapter Thirty - Unexpected Scene
Epilogue
Author's Note

Chapter Nineteen - Woman in Black

6.2K 185 11
By AedrianBuison

Note: Hello guys, abangan nyo sa chapter na 'to kung sino ang bagong karakter. Mawawala muna si James, babye muna kayo sa kanya. HAHAHA!

James POV

Lumipas ang isang buwan at bumalik na kami ng pilipinas. Ngayon nga ay nandito ako sa kwarto at nakatingin sa salamin habang tinitignan ang sarili ko. Ibang iba na ako ngayon. Perfection, yan lang ang salitang nai-describe ko sa sarili ko.

Nakasuot ako ngayon ng all black. Yes, all black ako ngayon dahil favorite color ko ang black. Black dress, black heels, black hair, black lipstic..all black. Papunta ako ngayon sa school ko, sa Terybith University dahil doon ako nagpa-enroll.

Excited na akong pumasok, ano kaya ang mga reaksyon ng mga taong makakakita sa'kin mamaya. Humanda sila, lalong lalo na ang mga taong nanakit sa'kin noon. Humanda kayong dalawa Taylor at Spencer, paparating na ako. Matitikman nyo na ang aking paghihiganti, sisiguraduhin kong magugulo ang buhay nyo dahil sa'kin at luluhod kayo sa harapan ko na may kasamang pagmama-kaawa.

Kung noon, mabuti ako ngayon hindi na. Sawa na akong maging mabait, naisip ko kailangan ko munang maging masama kahit isang taon lang. Para naman maranasan kong manakit, ako nalang kasi lagi ang sinaksaktan. Gusto ko namang ako ang manakit at sila naman ang masaktan. Hindi na ako papayag na apihin nila ako muli, ngayon ako na ang mang-aapi sa kanila.

May kumatok sa pinto, binuksan ko naman agad ang pinto. Bumungad sa akin ang mukha ng ate ko.

"Ready ka na ba?" tanong nya sa'kin. Tumango nalang ako at lumabas sa kwarto. Sabay kaming bumaba at lumabas ng bahay.

"Gamitin mo muna yung bago kong biling kotse. Wag mong gagasgasan yan, pinaghirapan ko yang bilhin. Kapag ginasgasan mo yan, ipapabayad ko sa'yo yan." sabi nya sa'kin. Bakas sa mukha nya ang pag-aalala dahil sa kotse nya.

"Okay, wag kang mag-alala teh, di ko yan gagasgasan. Masasampal ko ng kaliwa't kanan ang gumasgas dyan." sabi ko sabay tawa. Hinagas nya yung susi ng kotse nya sa'kin at nasalo ko naman yon.

"Siguraduhin mo lang. Oh, umalis ka na." sabi nya sabay pasok na sa loob ng bahay.

Pumasok na ako sa loob ng kotse. Hay, ngayon lang ako magda-drive ng walang nagtuturo. Noong nasa thailand kasi kami tinuruan ako ni ate kung paano magdrive ng sasakyan para daw kakaiba. Tsk, kahit ayoko ginawa ko. Nung una, takot na takot pa ako dahil noong nagpa-pratice ako lagi akong nababanggga. Iniisip ko nga noon, paano kung wala ng nagtuturo sa'kin baka mamatay ako ng wala sa oras.

***

Nandito na ako sa school. Nai-park ko na ang kotse ni ate sa parking lot. Papunta na akong campus, i'm so excited. Naglalakad ako ngayon na parang isang model habang hawak hawak ko ang black pouch ko. Nakikita ko na mga estudyante, malapit na ako. Hinahanap ko rin kasi yung room ko eh, ang laki laki naman kasi ng school na'to.

Naramdaman kong ang lahat ng mata ng mga estudyante ay nasakin na. Nakakuha agad ako ng attention. Nasaan kaya si Taylor at Spencer, sigurado naman ako na sikat na sikat pa rin si Taylor at marami pa ring babae ang umaasang mapansin ni Spencer. Nabalitaan ko din na nacover daw silang dalawa sa isang magazine. Magazine na puro couple lang. Nabasa ko na rin yung magazine kung saan sila nacover. Nabasa ko ang mga messages nila sa mga couple. Wala akong naramdaman ng inis nang makita ko ang magazine, meron kasing isang picture doon na naghalikan sila. Lalo pa nga akong natuwa dahil mukhang maganda ang timing ko. Sisirain ko ang relasyon nila habang maganda pa, diba.

"OH! pare ang ganda ng babae oh"

"Sino kaya sya?"

"Popormahan ko nga yan mamaya"

"Who's that Girl?"

"Grabe, may patay ba?! Kung makapag-all black naman sya pero ang ganda ng style nya sa fashion. Magaya nga!"

Ilan lamang yan sa mga naririnig ko galing sa mga estudyanteng madaraanan ko. Sige lang mainggit kayo, hay ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Yung pinupuri ka ng lahat ng estudyante dahil sa ganda mo. Noon, kapag dadaan ako kung ano anong panglalait at pangaapi ang naririnig ko pero ngayon puro papuri na. Ang sarap pala ng buhay kapag ganito.

Lakad lang ako ng lakad habang tinitignan ako ng mga estudyante. Baka naman matunaw ako nito. Parang habang naglalakad ako may humahangin tapos humahangin yung buhok ko kaya mas lalo akong gumaganda at mas lalo akong hinahangaan ng tao.

At dahil, ang pinunta ko naman rito ay mag-aral at hindi maglakad ng maglakad, hahanapin ko na yung room ko. Susubukan kong magtanong sa mga estudyante dito. Huminto muna ako saglit sa paglalakad at tinignan ang buong paligid habang nakapamewang.

May nakita akong isang babae, mukhang kaedad ko lang din sya. Naglakad na ako ulit at lumapit sa babae.

"OMG! ang swerte naman ng girl"

"Oy pare, ang swerte nung babae oh"

"Baka kaibigan nya yon."

"Sana ako nalang ang kinausap nya"

Natatawa nalang ako sa mga naririnig ko galing sa mga estudyante. Nakangiti akong lumapit sa babae, halata naman sa mukha nya ang pagkagulat.

"Hi" masaya ko syang binati gamit ang maganda kong boses at magandang mukha.

"H-hello" nauutal nyang bati sa'kin.

"Alam mo ba kung saang room 'to?" tanong ko sa kanya sabay pakita ng papel kung saan nakalagay ang room ko. Kinuha ko ito sa loob ng pouch ko. Malait lang ang papel na yon kaya nagkasya sa pouch ko.

Nakaramdam naman ako ng tuwa dahil sa sinabi nyang,

"Dyan din ang room ko. Magkaklase pala tayo, halika na't baka mapagalitan pa tayo ng prof. natin" sagot nya pero nagtaka naman ako bigla.

"Teka lang, ibig sabihin alam mo na yung room na yan kanina pa?" Tanong ko. Eh ano kasing ginagawa nya dito, ang alam ko lahat lang ng estudyanteng nandito ay yung mga naghahanap ng room pero itong babaeng 'to, alan nya naman pala ang room nya pero nandito pa rin sya sa baba. Napagkamalan ko pa tuloy syang naghahanap rin ng room nya. Kakastress naman.

"Yes" sabi nya sabay ngiti.

"Eh anong ginagawa mo dito?" tanong ko ulit.

"Wala lang, naglalakad-lakad lang." sagot nya. Ah, kaya naman pala eh. Tsk, nagsinungaling pa sya ang totoo naman talaga kaya sya pumunta rito dahil para maghanap ng boys. Tsk

Naglakad na kami papuntang room. Nakatitig lahat ng mata sa'kin, may konting hiya ako pero nilakasan ko ang loob ko. Pumamewang ako bigla at naglakad na parang isang model, taas noo akong naglakad papunta sa building ng first year college.

Nandito na kami sa labas ng room. Pagpasok namin, nabigla ako sa nakita ko. Akalain mo nga naman oh, tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan. Kaklase ko kasi ang magaling na si Spencer. Mukhang magiging masaya 'to.

Pagpasok namin, nagtinginan ang mga estudyante sa'min. Wala pa pala yung prof. Naglakad lang ako katulad ng lakad ko kanina, lakas loob kong tinignan si Spencer at sakto naman dahil nakatingin rin sya sa'kin. Ngumiti ako sa kanya, isang ngiting nakaka-akit.

Tumigil ako sandali para maghanap ng upuan. Nakita kong may upuan sa tabi ni Spencer..isang bakanteng upuan. Nag-isip muna ako kung doon ba ako uupo. Tama, doon nalang ako uupo.

Lumapit na ako sa upuan na yon at umupo. Ngayon ko lang nakita na may katabi pa pala ang upuan na'to, isang bakanteng upuan. Kapag may umupo sa bakanteng upuan na katabi, magigitna ako.

Nakaupo lang ako na parang isang model ngayon habang tinitignan ang mga kaklase ko. Ang dadaldal nila, akala mo mga nakalunok ng mega phone. Kaasar! Teka parang ang tagal naman ata ng prof. namin, sabagay first day palang naman. Tinignan ko ng pasimple si Spencer, nagsusulat sya sa likod ng notebook nya. I dont know kung ano ang sinusulat nya, natatakpan kasi ng ulo nya yung notebook nya dahil nakayuko sya.

Tinignan ko nalang ulit ang mga kaklase ko, napunta ang tingin ko sa may pinto. Laking gulat ng biglang pumasok si Taylor. Anong ginagawa nya dito?! Hays, ano ka ba James ay Steph pala! Ano bang kinakaba mo dyan. Wag kang magpapadala sa takot mo. Aaminin ko, medyo may takot pa rin ako kay Taylor. Siguradong dito sya uupo sa bakanteng upuan na katabi ko. Gosh! Napagitnaan ako ng mga taong paghihigantihan ko. Goodluck nalang sa'kin.

Tumingin sya sa direksyon namin, tumingin sya sa'kin saglit pero nawala din ang tingin nya. Napunta ang tingin nya kay Spencer at agad naman syang ngumiti. Linapitan nya ito, tumayo naman agad si Spencer. Yinakap nya ito. Grabe! Yung totoo iniingit ba nila ako?! Pero wala naman akong dapat ikainggit. Dapat nga ikasaya ko pa dahil mukhang maganda ang timing ng pagpasok ko.

Nakita kong tumigil na sila sa pagyayakapan. Tumingin sa'king sandali si Taylor, nagulat ako ng bigla syang magsalita.

"Miss, pwede bang doon ka nalang *sabay turo sa bakanteng upuan na katabi ng inuupuan ko* gusto ko kasing katabi ko ang boyfriend ko." Paumanhin nya sa'kin. This is it! Kailangan kong ipakita sa kanya ang pagmamaldita ko. Isa yon sa mga pinakamahirap kong natutunan, ang pagmamaldita.

"Ako pa ngayon ang maga-adjust?" tanong ko. Bigla naman nagbago ang mukha nya, ang magandang mukha nya na kanina'y nakangiti ay napalitan ng sungit.

"Miss, pwede ba lumipat ka nalang. Narinig mo ba ang sinabi ko? Gusto kong makatabi ang boyfriend ko." Sigaw nya. Napunta ang atensyon ng mga kaklase ko sa'min.

"Miss, kung gusto mong makatabi Ang boyfriend mo, kumandong ka sa kanya tutal lagi mo rin namang ginagawa yon." Lahat sila nagulat sa sinabi at pati ako nagulat. Hindi ko alam kung bakit ayon ang sinabi ko. Basta ang alam ko lumabas nalang sya sa bibig ko.

"How dare you!" Galit na sigaw sa'kin ni Taylor. Naiintindihan ko naman sya, lahat ata ng taong sabihan mo ng ganon magagalit pwera nalang kapag idinaan mo sa biro.

Hahablutin sana ni Taylor ang buhok ko ng biglang tumayo si Spencer at pinigilan sya sa pagsugod na gagawin nya.

"Stop it!" Sigaw ni Spencer.

"Ikaw, sino ka para sabihin sa Girlfriend ko yon?! Hindi mo sya kilala kaya wag kang magsasalita ng ganyan sa kanya! Walang modo! Pasalamat ka babae ka kundi kanina ko pa pinadugo yang mukha mo!" Galit naman na sigaw sa'kin ni Spencer.

Nagkunwari lang ako na hindi ako natatakot sa kanya pero deep inside natatakot na ako sa kanya. Tumayo ako at humarap sa kanila.

Nanginginig na ako. Ano bang pwedeng sabihin sa kanila? Ano bang pwedeng ipangbara hahaha lol. Ano nga ba? Wala akong masabi. Hindi ako pwedeng manganga. Baka sa una palang, talo na ako.

"Ah..sorry." Malamig kong sabi. At dahil wala ba akong masabi, sorry nalang sinabi ko. Arrgh! Kakainis naman.

"Walang salitang sorry sa'kin. Kailangan mong pagbayaran ang sinabi mo sa'kin, wala kang modo! Kailangan tong malaman ng principal." Nagulat nanan ako dahil sa sinabi nya, baka pag nangyari yon makick-out ako.

"Hindi naman ata kailangan pang umabot dyan." Napatingin kami sa nagsalita, yung babaeng pinagtanungan ko kanina kung saan ang room ko at yung kasama ko umakyat. Sya yung sumagot.

"At ikaw?! Sino ka para sabihin yan?! Wala kang karapatan para sumbatan ako! Wala ng makakapigil sa'kin, gagawin ko ang gusto ko!" Galit na sigaw ni Taylor sa babae.

Natahimik naman ang babae. Shet! Paano na 'to?! Bakit ko pa kasi nasabi yon eh. Naglakad si Taylor papalabas pero bago sya makalabas sumigaw ako. Di ko alam kung makakatulong 'to para hindi matuloy ang binabalak nya.

"Sige subukan mo! Akala mo natatakot ako sa gagawin mo. Ganyan naman talaga ang mga walang laban, palaging nagsusumbong. Wala akong pake dahil wala pang nakakatalo sa'kin. Kung inaakala mo na matatalo mo ako, pwes hinding hindi mangyayari yon." Tumingin sya sa'kin at kumunot noo ng saglit pero agad rin naman itong nawala.

"At talagang sumasagot ka pa?! Talagang susubukan ko! Baka hindi mo ako kilala, wala pang nakakatalo sa'kin. Baka gusto mong maexperince ang mga nangyari sa mga sumubok na makalaban ako. Ano?! Gusto mo ba?!" Sigaw nya.

"Pwes nandito na ako. Kung wala mang nakatalo sayo noon, siguradong ako ang makakatalo sayo ngayon." Taas noo kong sabi.

Tumawa muna sya bago sunagot. "Siguraduhin mo lang dahil kapag hindi mo ko natalo. Isusunod kita." Sabi nya na may halong pananakot. Bigla naman akong kinilabutan. Paano nga kapag hindi ko sya natalo, anong gagawin nya sa'kin?

Naputol ang away, sagutan namin at chismisan ng mga kaklase namin ng biglang pumasok ang prof. namin. Agad naman silang nagupuan, sabay kaming naglakad papunta sa upuan namin habang nakangiti sa isa't isa, ngiting kakaiba. Hay, buti nalang at naisip kong gawin yon dahil kung hindi baka itinuloy nya ang pagsumbong nya.

Doon na sya umupo sa tabi ko. Nakaupo ako na parang isang model habang tinitignan at pinapakinggan ang prof namin, ang saya saya nya habang nagpapakilala. Mukhang walang alam sa nangyari. Mabuti naman at hindi nya alam dahil kapag nalaman nya baka sya pa ang magsumbong sa principal.

Inisa-isa nya na kami, isa-isa kaming nagpakilala. Pagdating kay Taylor, napatingin lahat ng kaklase namin sa kanya.

"Grabe, ang maldita nya."

"Balita ko, sikat sya noon sa school nila"

"Infairness, maganda sya."

At nang ako na ang magpakilala. Tumingin rin sa'kin ang lahat.

"Sya yung babaeng maldita rin"

"Grabe, ang hot nya pre"

"Sya kaya? Saan kaya sya galing school"

"Ang ganda nya at ang puti pa. Maldita nga lang"

"I like her because she's so matapang!"

Natigil lang ang usapan ng bigla na akong nagsalita. Pinatapos ko muna sila bago ako magsalita para maganda.

"Hi, my name is Steph Lopez. Don't make me angry or else i will break your face." At umupo naman ako. Halata naman sa mga mukha ng kaklase ko ang pagkagulat pati na rin sa mukha ng teacher ko na kumunot ang noo.

"Pwede ka namang magtapang-tapangan eh, wag lang yung sobra." Bulong ni Taylor sa'kin. Tsk.

Ganon pala ah. Maasar nga 'to. Tinakpan ko ang bibig at ilong ko ng kanay ko at nagkunwaring naka-amoy ng mabaho.

"Pwede ba bago ka bumulong sa'kin siguraduhin mong mabango yung hininga mo. Nakakamatay kasi yung hininga mo NGAYON." Pang-aasar ko.

"Anong sinabi mo?!" sigaw nya kaya napatingin samin lahat. Tumingin sa'min si sir at sinyasan kami na wag kaming maingay kaya tumahimik bigla si Taylor. Nagkagat labi pa sya na parang hiyang hiya.

"Bwiset ka talaga." Bulong pa nya.

"Wag kang magalala, mas bwiset ka." Bulong ko naman.

Nagpatuloy lang na magpakilala ang mga kaklase ko. Hindi ko namalayan na tapos na palang magsalita si Spencer, hindi ko man lang narinig ang sinabi nya. Si Taylor kasi eh!

Note: Oh ayan na ha! Ang dami nyan. 4hours kong inupdate yan. Pero sorry pa rin dahil sa mabagal na update muah!

Continue Reading

You'll Also Like

17.1K 1.2K 75
Night Lights Series Book I The story revolves around the two main characters namely Race Clemente and Zena Alonte. Race suffers from a sleep disorder...
69.6K 2.2K 29
"Sometimes, the person who drives you crazy, is the same person whom you cant live without." Drive me Crazy is a bishounen love story with pinoy appr...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...