The Untouchable Beast

By greatfairy

22.5M 508K 75.9K

[A published book under PSICOM Publishing Inc. ] In a world where sunshine meets corporate storms, Nisyel Lov... More

Description
TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
ANNOUNCEMENT
New Series
EXTENDED CHAPTER

CHAPTER 4

541K 13.2K 795
By greatfairy

Chapter 4: One Minute

"AKALA ko ba sabi mo gagawan mo ng paraan ngayon? Asan na?"

Halos magpanting ang tenga ko sa kangalngal ni Lady M pagbungad ko pa lamang sa pinto.

"Nagawan ko na nga ng paraan, Lady M. Nakahanap na ako ng trabaho."

"Pero ang sabi mo kahit kalahati magbabayad ka ngayon. Pinaasa mo na naman ako, Nisyel!"

"Ooops! Ang wrinkles, Lady M. Kalma. Kalma." Napatigil naman siya bigla at hinipo ang kanyang kulubot na mukha.

"Iyon na nga, Lady M, eh, hindi ako nakadilihensya kasi naghanap ako ng trabaho. Executive Assistant po ako sa SDM Empire. 'Pag nakasuweldo na po ako, kahit mag-advance payment pa ako sa inyo. Pinky promise." Ngumuso ako na parang tuta para maawa sa akin si Lady M. Alam ko hindi ako matitiis nito.

"Talaga lang, ha? Hindi ka pa nga nakakapagsimula, suweldo na agad. Baka maging bato na naman 'yan, Nisyel," aniya.

"Lady M naman, akala ko ba fan kita? Hindi kayo naniniwalang may trabaho na ako? At ito pa, Lady M ha, twenty-five thousand ang starting salary. Take note, Lady M, starting pa lang 'yan, starting!" Namilog naman ang malaking mata nito.

"Talaga? Aba'y mabuti kung gano'n. Akala ko forever ka nang hindi magbabayad ng renta mo." Oh my! Did I hear it right?!

"Lady M! Wapak! Naniniwala na kayo sa FOREVER?" Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at niyugyog dahil hindi ako makapaniwalang naniniwala na siya sa forever.

"Ano ka bang bata ka! Hoy! Huwag mo akong niyuyugyog nahihilo ako sa 'yo!"

"Naku sorry po, sorry po! Hindi lang talaga ako makapaniwalang naniniwala na kayo forever."

"Eeeh!" Pumalakpak ako at nagtatalon-talon sa sobrang tuwa.

"Heh! Tigilan mo akong bata ka! Puro ka kalokohan."

"Ang KJ n'yo talaga kahit kailan, Lady M. Totoo naman, ah. Teka matanong ko lang po, ilang kilo ba ng kamatis ang nabili n'yo at nagbago ang PANANAW n'yo?" Natigilan naman si Lady M sa tanong ko.

"Dalawang kilo lang. At tama ka, masarap nga ang ginisang kamatis na may itlog."

"Talaga po? Ay! You made the right decision, Lady M."

"Teka, sigurado ka bang kikinis ako 'pag kumain ako ng maraming kamatis?" Tiningnan niya ako na parang tinatantiya kung nagsasabi ako ng totoo. Kaya binigyan ko siya ng maladyosang sincere smile ko. Sigurado akong nagmumukha na naman akong santa. "Oo naman po. Huwag po kayong mawalan ng pag-asa. Kikinis po kayo tulad ko," seryosong sabi ko at bahagyang ngumiti.

"Sabagay tama ka. Habang may buhay may pag-asa," sagot niya. Pero... Ano'ng sabi niya? Habang may buhay may pag-asa? Hindi kaya.

"Aba'y doon ako hindi naniniwala, Lady M." Kumunot naman ang noo nito at nagsalubong ang kanyang bagong kiskis na kilay.

"Ano?"

"Opo. Hindi po ako naniniwalang habang may buhay may pag-asa."

"Ano? Niloloko mo ba akong bata ka?"

"Totoo po--aray! Lady M, ang precious ears ko! Huwag n'yo potakong pingutin!" Halos mapaiktad ako sa pagpingot ni Lady M sa aking tenga. Huhu. My gorgeous ears! Deym!

"Niloloko mo kasi akong bata ka!"

"Teka lang po! Teka lang! Magpapaliwanag po ako. Patapusin n'yo po muna akong magsalita. Hindi pa po ako tapos," sabi ko habang nakahilig nang bahagya at hinahawakan ang kamay niyang nakapingot sa tenga ko. Napatigil naman siya at binitawan ang tenga ko. Deym! My ears!

"Lady M naman. Totoo naman pong hindi ako naniniwala ro'n, eh!"

"Niloloko mo yata akong bata ka, eh! Ang mahal mahal ng kamatis tapos wala naman pala akong pag-asang kuminis!" hysterical na saad niya na halos lumabas ang kulangot sa kanyang ilong.

"Teka lang po! Hindi ko po kayo niloloko, Lady M. Patapusin n'yo po muna kasi ako!" Pinamaywangan niya ako at tinaasan ng kilay. Nagmumukha tuloy sampayan ang kilay niya sa sobrang nipis.

"Hindi ako naniniwalang ang mga nabubuhay lang ang may pag-asa. Lahat po meron. 'Yung mga mababait na tao, malaki talaga ang pag-asa nila. Yung mga kriminal, magnanakaw, panget, bakulaw, daga, ipis, uod, bacteria, may pag-asa po silang lahat, tayong lahat. Pero siyempre pati po ang mga patay na, may pag-asa pa rin."

Kumunot na naman ang noo nito na nagmukhang kasintaas ng Mt. Apo. "Paano naman nagkaroon ng pag-asa ang mga taong patay na, aber?" tanong niya.

"Siyempre po may pag-asa na silang multuhin at takutin ang mga may kasalanan sa kanila. Hihi."

"NISYEEEEEEEEEEL!"

Dinig na dinig ko pa ang pagsigaw ni Lady M ng magandang pangalan ko nang tumakbo ako at sinarado ang pinto pagkatapos kong sabihin iyon.

Phew! Nakalusot ka na naman do'n, Nisyel! Hay... Nakaka-overwhelm talaga ang kagandahan ko. Nang makita ko ang aking repleksyon sa malaking salamin ay agad akong ngumiti. Isang malapad na malapad na ngiti. May trabaho na ako! May trabaho na ako! Shet!

Hindi pa rin ako makapaniwalang natanggap ako. Akala ko kanina hindi uobra ang kagandahan ko sa masungit na CEO na 'yon. Ay teka, teka, parang mali ata ako eh.

FAIRY CHECKLIST NO. 4

Believe in yourself you can.

Tama. Hindi ko susukuan at uurungan ang masungit na CEO na 'yon. Para sa lahi ng mga dyosa! Aja! Fighting!

...

NAKANGITI akong nakaharap sa salamin na nasa ibabaw ng tukador. Maaga talaga akong nagising para paghandaan ang pagpasok ko mamaya.

Hmm...A little lip gloss, a little powder, a little lotion...a little make-up. Make up? Ang isang dyosa ay hindi nagme-make up. Ibinalik ko sa ibabaw ng tukador ang binigay sa aking make-up ng kaibigan kong jokla. Na-realize kong hindi ko na pala kailangang mag-make up dahil literal nang namumula ang makinis kong kutis. Malaki talaga ang naitulong sa akin ng kamatis. Sinuklay ko ang aking V-shaped na buhok na umaalon sa dulo. Perfect! Wala man lang itong split ends at shiny black pa. Salamat sa mumurahin kong shampoo na Palmolive. Isa na akong ganap na dyosa.

Nagsuot ako ng corporate fitted black skirt at tinirnuhan ng pink na blouse. Pinatungan ko rin ito ng itim na blazer. At siyempre hindi mawawala ang itim na high-heeled na sapatos. Sana hindi ako mangawit nito mamaya. Hindi pa naman ako sanay sa matataas na takong, puro flat shoes lang kasi ang ginagamit ko. Baka maulit na naman ang nangyari kahapon na natumba ako.

FAIRY CHECKLIST NO. 5
Never ever give up.

Alright! Walang urungan. Laban kung laban! Lumabas na ako sa kwarto ko matapos kong pasadahan ng tingin ang kabuuan ko sa napaka-honest kong salamin. Honest kasi palagi niyang pinapamukha sa aking dyosa ako.

Pagkababa ko ng first floor ng apartment ay naamoy ko kaagad ang ginisang kamatis. Kina-career na talaga ni Lady M ang pagpapakinis ng kanyang mala-ampalayang mukha. Pagkalabas ng gate ay pumara agad ako ng jeep patungong Stanley Drew Mijares' (SDM) Empire.

"GOOD MORNING, mga kuya!" Ngumiti ako kina kuya guard pagkatapos ko silang batiin.

"Good morning, Ma'am Angel. Kayo na ba 'yan?" Mangha-manghang tanong ni kuya guard na pinukpok ko kahapon ng folder.

"Opo, kuya, ako nga. Natanggap ako. Pero hindi po Angel ang pangalan ko, kuya. Nisyel po. Nisyel Love."

"Gano'n ba, akala ko Angel, kasi mukha talaga kayong anghel, Ma'am. Pero maganda rin pala ang pangalan n'yo, bagay sa inyo, Ma'am."

Pambihira naman 'tong si kuya, bininyagan pa ako ng bagong pangalan.' At saka hindi ako anghel 'no. Dyosa ako. Dyosa.

"Salamat po, kuya. Una na po ako."

Tumango naman si kuya kaya tumalikod na ako papasok ng SDM. Pinagtitinginan naman ako ng mga empleyado. Siguro ngayon lang sila nakakita ng dyosa na pumapasok sa public elevator.

Pagkarating ko ng twenty-first floor ay agad akong nagtungo executive's office para ayusin ito bago pa man dumating si sungit. Pero pagbukas ko ng magarang pinto ay dumagundong sa pandinig ko ang sigaw ni sungit.

"This is bullshit! Get out!" Nagbabaga ang tingin nito sa empleyadong lalaki na halos maiyak na. Grabe! Ang aga-aga nagiging dragon na agad.

"GET THE HELL OUT. NOW!" Tinuro pa nito ang pinto kaya napansin niya ang presensya ko. Dali-dali namang lumabas ang kawawang empleyado. Hindi naman ako kaagad nakagalaw sa aking kinatatayuan.

"And you!" turo niya sa'kin.

"Ako, Sir? Good morning, Sir! Hehe." Ngumiti ako nang pagkalapad-lapad pero biglang nabura nang dumagundong sa maladyosang tenga ko ang sigaw niya.

"YOU'RE LATE!"

Pagtingin ko sa orasan ay nanlaki ang mga mata ko. 8:31 na!

Holy mighty clock!

I'm one minute late!

©GREATFAIRY

Twitter: greatfairyWP
FB Group: GF Readers Lounge

Continue Reading

You'll Also Like

29.3M 513K 67
Cassidy Hurdiss intentionally broke the heart of the one man who has always loved her. She had to set him free so he could fulfill his lifelong dream...
5.2K 211 11
"Pagdating sa pag-ibig, walang kuwenta ang standards na 'yan. Kung mahal mo, mahal mo." Dear Diary, Boring ang buhay ko until I met two guys: Sina...
24.5M 713K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...