Wife For Hire

由 LadyCode

3M 69.9K 6K

Jaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his... 更多

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter
Book Cover

Chapter 10

65.4K 1.5K 41
由 LadyCode


Paglabas ko ng banyo hindi ko nakita si Jaxon sa loob ng kwarto namin kaya nagtaka ako. Akala ko kasi kanina ay matutulog na siya. Lumabas ako ng kwarto namin ni Jaxon at hinahanap siya sa sala pero hindi ko siya nakita doon.

Wala rin ito sa kusina o sa garden kaya bumalik na lang ako sa taas. Napansin kong hindi nakasarado ng mabuti ang kwarto ni Devon kaya tumigil ako. Akmang isasarado ko na ito nang marinig ko ang boses ni Jaxon sa loob.

Hindi ko magawang umalis dahil sa kyoryusidad kung anong pinag-uusapan nilang dalawa.

"Anak, don't be mean to your mommy Reina. She's your mom now." rinig kong sabi ni Jaxon

"But I have my mom." malumanay na sabi ni Devon

"Wag ng pasaway, Devon. You're a smart kid and I know you understand what's happening right now." seryoso ang boses na sabi ni Jaxon

Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha nila dahil nasa labas lang ako at ayoko rin naman na malaman nilang nakikinig ako sa usapan nila.

"Why did you marry her, dad? Okay lang naman po sakin na wala dito si mommy."

Napalunok ako nang marinig ko ang tanong ni Devon. Alam ko ang rason ng pagpapakasal sakin ni Jaxon pero gusto kong marinig ang sasabihin nito sa anak niya.

"I'm not getting any younger, son. I want to settle down and have a family." saad ni Jaxon

Somehow napahinga ako ng maluwag sa sinabi nito.

"I thought you love mom?" inosenteng tanong ni Devon

Nakagat ko ang labi ko dahil sa sunod na tanong ni Devon. Mahirap palang magkagusto sa isang lalaki na may mahal na iba pero mas mahirap ata na ang lalaking gusto mo ay asawa mo na pero may mahal siyag iba.

"It's getting late. Matulog ka na." pag-iwas ni Jaxon sa tanong ng anak

Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Devon dahil baka may marinig pa akong iba na makakasakit sakin. Mahirap na.

Hindi ako dumiretso sa kwarto namin dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin si Jaxon baka mapansin nito na nakikinig ako sa usapan nilang mag-ama. Bumaba ako sa sala at kumuha ng gatas sa kusina. Dala ko ang isang baso ng gatas habang naglalakad ako sa may sala.

Nahagip ng mata ko ang picture frame na nakita ko noong unang araw ko dito sa bahay ni Jaxon. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Parang may tumutusok na karayom sa dibdib ko habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Jaxon at Devon sa litrato kasama ang isang babaeng hindi ko kilala.

Maganda ang babae. Hindi. Napakaganda niya lalo na ang ngiti nito.

Ito yung litrato na pinagmamasdan ni Devon at ngayon ko lang natitigan ng husto ang litrato. Siya si Zea. Siya ang mommy ni Devon na mahal ni Jaxon. Ano nga bang laban ko sa isang babaeng tulad niya? Napakaganda niya habang ako mahirap at napakasimple pa.

Binalik ko ang litrato nang mamasa ang mata ko. Nasasaktan ako dahil umaasa ako sa sinabi ni Jaxon na aayusin namin ang pagsasama namin pero mukha atang malabo na mangyari ang gusto ko.

"Reina? Reina!"

Mabilis na pinunasan ko ang mata ko at nilingon si Jaxon na bakas sa mukha ang pag-aalala. Parang natataranta ito at may hinahanap.

"Bakit?" takang tanong ko rito

Napatingin siya sakin at mabilis na nilapitan ako. Hinawakan niya ang balikat ko at tinitigan sa mukha.

"I thought you left! Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap!" mabilis na sabi nito

"Umiinom lang ako ng gatas." malumanay na sabi ko at tinaas ang baso na hawak ko

Huminga lang ito ng malalim pero nagbago ang kalmadong ekspresyon nito nang mapatingin sa likuran ko kung nasaan ang mga litrato na nakadisplay. Tumingin siya sakin ng may pag-aalala kaya umiwas ako g tingin sa kanyas.

"Reina..." malumanay na tawag nito sakin

"Tinignan ko lang yung picture niyong tatlo. Lagi ko kasing nakikita si Devon na hawak yan." nakaiwas ang tingin na sabi ko sa kanya

Hinila ako nito at niyakap. Muntik pang mabuhos ang gatas na hawak ko buti nalang at nahawakan ko ito ng mabuti.

"Matulog na tayo." yakag nito sakin at humiwalay mula sa pagkakayakap niya sakin

Tumango ako sa kanya at mabilis na inubos ang gatas. Sinamahan ako nito sa kusina at nakatingin lang siya habang hinuhugasan ko ang baso na ginamit ko.

Umakyat na kami sa taas nang matapos ako at payapa kaming natulog habang nakayakap ito sakin.

----------

"Daddy! Tita!"

Nagising ako dahil sa yugyog at ingay na naririnig ko. Bumungad sakin si Devon na nakangiti at maaliwalas ang mukha. Nakayakap pa rin sakin si Jaxon at tulog pa rin kahit na niyuyugyog siya ng anak.

"Tita, good morning!" masayang sabi nito

Nagtaka ako sa ginawa nitong panggigising samin dahil hindi naman niya ito gawain at ang aga niyang nagising. Ala sais palang ng umaga. Maingat akong bumango para hindi ko maistorbo si Jaxon dahil mukhang pagod ito. Sabado ngayon kaya wala kaming trabaho.

"Good morning. Nagugutom ka na ba?" masuyong tanong ko rito at hinaplos ang ulo niya tulad ng ginagawa ko sa kapatid kong si Garry

"Tita, I want pancakes po and cupcake." naglalambing na sabi nito sakin

Nakakagulat talaga ang inaasta nito dahil hindi niya ugaling maglambing sakin at bihira lang din siyang maglambing sa ama niya. Ngumiti ako sa kanya bago ako tuluyang bumangon at bumaba sa kama.

"Tara na. Samahan mo akong magluto." nakangiting yakag ko sa kanya

Inayos ko muna ang kumot ni Jaxon bago kami lumabas ni Devon. Sabay kaming nagpunta sa kusina at naupo naman siya sa high stool. Kinuha ko ang mga ingredients na gagamitin ko at buti nalang kumpleto sila sa mga ingredients. Nakakapagtaka lang dahil wala namang nagbebake dito kundi ako lang.

Nagsimula na akong nagluto at inuna kong lutuin yung pancake para makakain na agad si Devon. Sinunod ko naman agad yung cupcake at nilagay sa oven para maluto na. Kumain muna kami ng pancake habang nasa oven yung cupcake at sakto naman na tumunog na ito nang matapos na yung timer.

"Tita! Kunin niyo na yung cupcake!" excited na sabi ni Devon

Natawa ako sa kanya at mukhang excited talaga siya kaya nilapag ko muna sa sink yung pinagkainan namin at binuksan ko na yung oven. Kinuha ko yung mga cupcake at nilagay sa tray para malagyan na ng icing.

"Tita, lagyan natin ng sprinkles!" tuwang tuwang sabi ni Devon

"Ako ang maglalagay ng icing tapos ikaw maglagay ng sprinkles." nakangiting sabi ko sa kanya

Tumango tango naman ito at tuwang tuwa habang binubudburan niya ng sprinkles yung cupcake.

"What's that?"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Bigla nalang kasing sumulpot si Jaxon at nagsalita sa likuran ko. Humagikgik naman si Devon na tuwang-tuwa na nagulat ako.

"Papatayin mo ba ako sa gulat?" sabi ko rito at hinampas siya sa braso

Tumawa naman ito at mabilis na humalik sa pisngi ko kaya pinamulahan ako ng pisngi.

"Good morning. Bakit di niyo ako ginising kanina?" tanong nito

Nilapitan din nito si Devon at hinalikan sa ulo.

"You were sleeping soundly and I was so hungry." sagot naman ni Devon sa tanong ng ama

"Ginising niya ako ng maaga para ipagluto siya ng pancake. Ginigising ka nga rin niya eh pero tulog na tulog ka." sabi ko rito at pinagpatuloy ang ginagawa ko

Kumuha rin siya ng sprinkles at sinamahan si Devon sa ginagawa nito. Tinapik ko ang kamay nito nang i-dip niya ang daliri niya sa icing at tinikman iyon.

Nasira tuloy yung nakalagay na icing sa cupcake.

"May pancake dyan. Yun ang papakin mo wag itong icing ng cupcake." saway ko rito

"Masarap eh." balewalang sabi nito at kumuha ulit ng icing

Malakas na tinapik ko ang kamay nito at napa-aray pa siya dahil napalakas ang pagtapik ko.

"Tigilan mo yan." sabi ko sa kanya at pinanlakihan siya ng mata

"Ang cute mo pala pag nagagalit." nakangiting sabi nito

Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko namumula nanaman ako. Tinuon ko nalang ang pansin ko sa cupcake at tinapos ang ginagawa ko.

"Tita, kailan po natin yan kakainin?" nakangiting tanong ni Devon sakin habang nilalagay ko sa ref ang cupcake

"Mamayang meryenda. Ito muna kainin mo."

Binigay ko sa kanya yung isang cupcake para matikman na niya dahil kanina pa siya excited na kumain. Bumaling naman sakin si Jaxon na kumakain ng pancake at nagkakape.

"Asan yung cupcake ko?" tanong nito

"Mamaya ka nalang kumain ng cupcake. Magluluto na ako ng lunch natin para makapagpahinga si Manang. Wala ka bang appointment ngayon sa ospital?"

Humarap ako sa kanya pagkasarado ko ng ref at nilapitan si Devon na makalat na kumain. Pinunasan ko ang bibig niya dahil nagkalat ang icing sa bibig niya.

"So far hindi pa naman tumawag yung secretary ko kaya wala akong appointment." sagot nito pagkatapos humigop sa kape niya

Wala kasi siyang trabaho tuwing weekends pero pag may naka-appointment sa kanya pumupunta siya sa hospital pero umuuwi rin naman agad. Pumunta ako sa may cupboard para makapagluto ng lunch namin dahil malapit ng mag-eleven.

Nagtaka nanaman ako ng makita ang mga baking products sa cupboard. Wala naman ito dati ah.

"Ikaw ba bumili ng mga baking products na nandito?" takang tanong ko dahil hanggang flavoring ay kumpleto

"Yes. Alam kong gusto mong nagbebake." sagot nito

Ngumiti nalang ako rito at nilabas ang ibang gagamitin ko sa pagluto. Pagkasalang ko ng lulutuin ko biglang pumasok si manang at mabilis na nilapitan ako.

"Naku! Ako na dyan!" sabi nito at pilit akong tinataboy

"Ako nalang po. Magpahinga nalang po muna kayo." presinta ko sa kanya

"Wag kang makulit, hija. Ako na riyan." pagpupumilit nito

"Hayaan mo na po siya, Manang. Mukhang gusto niyang ipagluto talaga kaning mag-ama eh." nakangiting sabi ni Jaxon

Wala ng nagawa si manang kundi bumalik sa sala at tulungan ang iba sa paglilinis ng bahay. Tinuloy ko na ang pagluluto ko at nagpaalam naman ang mag-ama na manonood daw muna sila ng TV sa sala. Hinayaan ko nalang sila dahil matagal pa naman maluto ang niluluto ko.

Halos isang oras din akong nagluto ng ulam namin. Tinawag ko na sila para makakain kami at mabilis na dumulog sila sa hapagkainan. Masaya kaming naglunch na tatlo at masasabi ko na ito ang unang araw na masaya kaming naglunch at nakakapagkwentuhan pa kaming tatlo.

Nang matapos kaming kumain, niligpit ko ang pinagkainan namin at sunod na nilantakan namin ang cupcake na ginawa ko. Busog na busog kaming tatlo kaya pareho kaming nakaupo sa sala at nagpapahinga.

"Daddy, basketball tayo!" biglang yaya ni Devon dahil hapon na rin at malamig na ang simoy ng hangin

"Sure!" nakangiting sabi ni Jaxon at tumayo silang dalawa ni Devon

"Wait! Sama ako!" biglang sabi ko at tumayo rin

Wala naman akong gagawin at isa pa, ayoko nakaupo lang dito habang sila naglalaro ng basketball. Syempre gusto ko ring sumali.

Sabay silang napatingin sakin habang nakakunot ang noo na parang may sinabi akong kakaiba kaya kinunutan ko din sila ng noo. Tumaas ang kilay sakin ni Jaxon.

"Maglalaro ka rin ng basketball?" nakataas nag kilay na tanong nito

"Maglalaro nga ako." tumatangong sagot ko

"Tita, marunong ka bang magbasketball?" tanong sakin ni Devon

"Oo naman! Nagbabasketball kami ni tatay dati tapos ako rin ang nagturo ng basketball sa kapatid ko." proud na sabi ko

Parang hindi naniniwala ang dalawa sa sinabi ko kaya inirapan ko sila. Marunong talaga ako dahil naglalaro kami noon ni tatay ng basketball. Ang astig nga eh kasi ang galing ni tatay.

"Ano? Tara na!" yakag ko sa kanila

"Reina, basketball ang lalaruin namin hindi bahay-bahayan." kunot noong sabi ni Jaxon

Tinaasan ko rin ito ng kilay dahil sa sinabi niya. Nagyayabang ata ang isang ito.

"Marunong nga akong magbasketball. Baka nga talunin ko pa kayo eh." hamon ko rito

"Talaga lang, ha. Rinig mo yun, 'nak? Tatalunin daw tayo kaya galingan natin." nakangising sabi nito sabay baling sa anak at nakipag-apir

Sabay sabay kaming lumabas ng bahay at nagpunta sa likod. May swimming pool sa likod pero hindi ko pa natry ang maligo doon. Tapos sa hindi kalayuan sa pool may basketball court pero hindi ganoon kalaki.

Nagdribble ng bola si Jaxon at nginisian ako. Nagtali ako ng buhok at pinusod ito. Nakashorts lang ako at t-shirt tapos tsinelas. Ganun din ang suot nilang mag-ama.

"Let's start." nakangiting sabi ni Jaxon at pinatalbog ang bola papunta sakin

Sinalo ko naman ito at nag-dribble. Nagpunta si Devon sa harapan ko at si Jaxon sa likuran ko kaya tumakbo ako sa gilid. Humabol naman ang dalawa at dahil malalaki ang binti ni Jaxon naunahan niya ako at inagaw ang bola sa akin.

Hinagis niya ang bola papunta sa ring at shoot kaya napasigaw si Devon. Maski ako ay pumalakpak dahil sa ginawa nito.

"1 point for us." nakangising sabi nito at nakipag-apir kay Devon

Sinimangutan ko ito at kinuha sa kamay niya ang bola. Malapit lang kami sa ring kaya nagdribble ako at hinagis ito agad kahit na hindi pa nagsisimula ulit ang laro namin. Napangiti ako ng malapad nang pumasok ang bola sa ring.

"Yes!" tuwang-tuwa na sigaw ko

"Pandaraya iyon. Hindi pa kami ready!" angal naman ni Jaxon sakin pero nagbelat lang ako sa kanya

Tumawa naman si Devon nang nagbelat din ang daddy niya. Para siyang bata na inaway ng kalaro niya.

Naglaro kami ulit at minsan binubuhat ni Jaxon si Devon para maihagis nito ang bola. Tuwang-tuwa naman si Devon pag nakakashoot siya ng bola. As expected, nanalo sila. Wala eh. Mas magaling sila sa basketball.

May lumapit samin na katulong at iniabot ang tatlong towel. Kinuha ko ang isa at sinabit sa balikat ko. Hinagis ko ang isa kay Jaxon na agad naman nitong sinalo. Nilapitan ko si Devon at pinunasan ang likod niya. Humihingal pa ito at pawis na pawis kaya siya ang inuna kong punasan.

Napatigil ako sa pagpupunas kay Devon nang maramdaman ko ang pagdampi ng towel sa leeg at noo ko. Tiningala ko si Jaxon na seryoso sa pagpupunas ng pawis ko habang nakasabit sa batok niya ang towel niya.

"A-Ako na." nahihiyang sabi ko at akmang aagawin ang towel ko na hawak niya nang iniwas niya ito sakin

"Ako na. Asikasuhin mo nalang ang anak natin." sabi nito

Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi pa rin ako sanay tuwing sinasabi nito ang mga salitang 'anak natin' lalo na at alam ko na hindi isang ina ang turing sakin ng anak niya dahil may sarili itong ina.

"Tara na sa loob para makapagpahinga na tayo." yakag ko sa kanila para makaiwas na rin sa sinabi ni Jaxon

Pumasok na kami sa loob at nagbihis ng kanya kanya naming damit. Tinuloy namin ang bonding naming tatlo sa sala habang nanonood kami ng isang movie.

Ito ang pinakamasayang araw ko kasama si Jaxon at Devon. Pakiramdam ko isa na talaga kaming pamilya. Ang kulang nalang ay tawagin ako ni Devon na mommy pero ayos lang naman sakin na hindi niya ako tawaging mommy dahil may mommy siya.

Pero totoo nga ang sabi nila. Pag sobrang saya mo sa araw na ito, kabaliktaran nito ang mangyayari sa susunod na mga araw. Hiniling ko na makita siya sa personal at makilala pero iba pala ang pakiramdam pag dumating na ang araw na iyon.

繼續閱讀

You'll Also Like

274K 15K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
353K 9.8K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
833K 21.1K 25
"Izrael Stavros and Amethyst Evans-Stavros. I now declare you, divorced!" anunsyo ng judge sa dalawang taong biktima ng arranged marriage. Sa paglipa...