Sana (EndMira: Jasper)

By alyloony

18.6M 560K 237K

Jasper Yu, the drummer of the band Endless Miracle and the known playboy of the group got the taste of his ow... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Epilogue

Chapter Twenty Six

235K 7.5K 3.8K
By alyloony


Chapter Twenty Six

NICA.


"Nica Briones..." sabi ni Sir Stanley Ryan habang binabasa ang resume ko. "So, you're 22 years old right?" tanong niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.

"O-opo."

"Nag mass communication ka sa college but hanggang third year lang ang natapos mo?"

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Parang manliliit ako. Alam ko na kasing lumiliit ang pag-asa ko everytime na nakikita nila ang educational background ko.

"Opo," halos pabulong kong sagot.

"You stated here that you are currently working in La Vie French restaurant as a server."

Tumango ako.

"Hmm. La Vie French restaurant owned by Chef Timi Cruz?"

"Y-yes sir."

"She's my ex girl friend."

Napa-angat ang tingin ko sa kanya. Nakatingin na rin siya sa akin ng seryoso. Yung tingin na parang sinasabi niyang hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagtapon ko ng beer sa kanya.

Kung 'di lang siya ang pinaka high boss ng kompanyang 'to, tinusok ko na ang mata nito at pinaulanan ng mura.

Kaso wala. Wala akong laban. Kailangan kong magpakabait para sa kinabukasan ko.

Tumawa ako ng peke, "ah hehe small world sir!"

Hindi siya tumawa.

Napayuko ako ulit.

Langya bwiset na Stanley Ryan 'to ah? In another life makakaganti rin ako rito. Sisipain ko yan sa bayag. Bwiset eh.

"Ba't hindi mo nilagay sa resume ang bar na pinagtatrabahuhan mo?"

At ba't ko ilalagay? Makakatulong ba sa akin yun? Kailangan niyo ba malaman na nagtrabaho ako sa bar? Ayun ba ang magiging basehan niyo sa galing ko sa pagsulat?

Punyetang tanong 'yan.

"Nag resign na po kasi ako," sabi ko.

"Oh... oo nga pala. Isinigaw ng kasama mo na mag reresign ka na doon. Baka gawin mo rin 'yan dito?"

Hindi ako umimik.

Bwiset na 'to. Namemersonal ah! Akala ko ba professional tayo rito?

Inilapag ni Sir Stanley ang resume ko sa desk niya at nagpangalumbaba sa harap ko.

"Ms. Briones, we are interested sa isa sa mga concept story na ipinasa mo sa amin. We are planning to use it for our short film."

Napangiti ako, "t-talaga po?"

"Yep. Of course we will pay you for your concept. But..."

Napaayos ako ng upo. Dyan ako kinakabahan eh. Yung but but na 'yan.

"But... as for your job application, aaminin ko, kulang na kulang ka sa experience. Kahit nga yung concept paper na pinasa mo sa amin, mali ang format."

"I-I'm willing to learn po sir. Fast learner naman po ako."

Please, please, please...

Pinanliitan niya ako ng mata, "oh... really? Pero hindi ka marunong humawak ng tray ng maayos."

Napakuyom ang kamao ko. Naiinis na ako. Namemersonal talaga siya eh.

Sa dinami-rami naman kasi ng tatapunan ko, bakit siya pa?

Though hindi ko pa rin pinagsisisihan ang pananapon ko sa kanya ng beer. Manyak eh. Kainis.

Huminga ako nang malalim at nginitian ko siya.

"I understand, sir. If you are planning to use my concept for your short film, please let me read the contract first."

Ngumiti siya, "of course. I'll email it to you then we'll set a meeting again."

"Thank you, sir."

Tumayo ako at dire-diretso akong naglakad palabas. Nakakuyom ang kamao ko. Para akong sasabog sa inis.

Napakalaking self control ang ginawa ko para lang hindi ko maibalabag ang pinto ng opisina niya. Pakiramdam ko kasi natapakan ako eh.

Huminto ako sa paglalakad. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.

Shit ayokong umiyak.

At ayoko lalng palampasin 'to.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Muli kong binuksan ang pinto ng opisina niya at dire-diretso akong lumapit sa desk niya.

Ang sama ng tingin ko sa kanya habang siya ay nakangiti sa akin ng nakakaloko.

"Excuse me sir, pero marunong po akong humawak ng tray," sabi ko sa kanya. "Sinadya ko lang talaga na tapunan ka ng beer ng araw na yun."

Tinignan niya ako na parang amuse na amuse siya sa akin.

"Oh really? And why is that?"

"Kasi gumagapang ang kamay mo sa legs ni Chef Timi. She's too drunk to shoo you away. Mataas ang respeto ko kay Chef at naiinis ako pag may nambabastos sa kanya."

He blinked.

At bigla na lang siyang humagalpak ng tawa.

Kung bakit siya tumatawa, hindi ko alam. Tinignan ko lang siya hanggang sa huminahon na siya. Nagpipigil pa ako dahil gusto kong isaksak sa ngalangala niya itong ballpen sa harap ko.

Pero dahil ayokong mag commit ng murder, gagawan ko na lang siya ng kwento. Isang CEO sinaksak ng ballpen ng applicant. Tinali sa upuan. Binuhusan ng isang tiba na puno ng ipis.

Naiimagine ko na ang itsura niya.

"So you judged me kaya mo ako tinapunan ng beer?" tanong niya.

Nagkibit balikat ako, "I'm a writer. Mabilis ang imagination ko."

Tumayo siya at pumunta sa unahan. Sumandal siya sa desk niya at tinignan ako habang ngiting ngiti.

"Ms. Nica Briones, hindi gumagapang ang kamay ko sa legs ni Timi. Kung napansin mo, she's wearing a skirt. Kung napansin mo rin, there's a dirty old man in front of us who's enjoying himself sa pagtingin sa legs ni Timi dahil naka-lihis na ang skirt niya. Ibinaba ko ang skirt ni Timi and yes, dumikit ako kay Timi para matakot yung bastos na matanda sa harapan namin. Isa pa, mataas din ang respeto ko sa kanya."

Napatigil ako.

Come to think of it...

Shit na 'yan.

I smile. Yung pinaka sweet na smile habang pilit kong tinatawag ang nakatagong seduction powers sa pinaka-kaila-ilaliman ng pagkatao ko.

"Ah... ganoon po ba?" tumawa ako. Yung pinaka girlsh na laugh na kaya ko. Punyeta. "Sorry naman. Tao lang."

Ito ang mga panahong hinihiling ko na sana meron din akong invisibility cloak. O kaya kong mag disapparate para makaalis na ako agad dito.

Shit. Tanga tanga mo Nica!

"S-sige po. A-alis na ako. B-bye."

Tinalikuran ko na siya at nagmamadali akong naglakad papunta sa pintuan. Gustong gusto ko nang lumayas sa lugar na 'to.

"Aalis ka na naman nang hindi ko pa sinasabi."

Napahinto ako at napatingin sa kanya.

"S-sir?"

"Hindi magandang paguugali yan sa harap ng future boss mo."

Nanlaki ang mata ko.

"F-future b-boss?"

Tumango siya at nilapitan niya ako. Nakapasok ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa niya.

"Hindi ko naman sinabing hindi ko tinatanggap ang job application mo," he told me amusedly.

"I-ibig sabihin...."

Umiling siya, "no Ms. Briones, hindi ka pa hired."

Punyeta. Paasa. Dapat binibitin ang mga tulad niya ng patiwarik eh, leche. Magsama sila ni Jasper Yu.

He chuckled.

"Nakasimangot ka agad. Hindi ka pa hired, yes. But I want to train you. Hindi ka suswelduhan sa training pero libre rin kitang tuturuan. At pag pumasa ka, of course magiging scriptwriter ka na rito. But it's up to you. Gusto mo ba? Are you willing to take the risk?"

"YES!" sigaw ko. "YES! I accept! Opo! Sobra!"

Halos magtatalon ako sa tuwa doon. Kung kanina gusto kong saksakin ng ballpen ang isang 'to ng paulit ulit, ngayon naman gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.

Shit.

Totoo ba 'tong nangyayari?

"Okay. I'll send you the contract tonight and we'll meet again next week to discuss your concept and your training."

"Opo!"

"See you, Nica."

Napangiti ako.

"See you po, Sir Stanley Ryan."

Napatawa siya bigla.

"Stan na lang."

~*~

JASPER.


Mahal na kita. Alam kong masyadong mabilis pero sa maikling oras na magkasama tayo, nahulog ang loob ko sa'yo.

"Huy!"

Napa-angat ang tingin ko at biglang may tumamang maliit na tela sa mukha ko. Pag tingin ko kung ano ito, isang medyas na gamit.

"Shit! Ang baboy mo!"

Kinuha ko yung medyas at hinagis ko pabalik kay Ayen pero nakailag ang loko kaya hindi tinamaan.

"Kanina pa kasi kita tinatawag hindi ka namamansin," sabi ni Ayen.

"Busy ako magkabisa ng script!" sagot ko naman sabay turo nitong script na hawak hawak ko.

Lumapit si Ayen sa akin at hinablot yung script.

"Mahal na kita..." pagbabasa niya ng malakas. "Alam kong masyadong mabilis pero sa maikling oras na magkasama tayo, nahulog ang loob ko sa'yo."

Tumawa ng malakas ang gago kong kaibigan.

"Ang korny pre! Ito yung linya mo doon sa teleserye mo? Ka-shitan."

Hinablot ko ulit sa kanya yung script.

"Gago, korny man 'to, yung ka-love team ko naman dito panalo sa ganda!"

"Oo nga eh. Naka homerun ka na nga agad sa kanya. Tindi mo pre."

Napangisi ako at naalala ko na naman ang araw na minsang nai-uwi ko rito ang ka-love team kong si Leigh...at masyado kaming nag enjoy sa kwarto ko.

"Ako pa ba."

"Nga pala," may inabot si Ayen na envelope sa akin. "Tickets para doon sa concert natin. Tatlo yan. Yung dalawa para sa mama at kapatid mo. Yung isa—bahala ka na kung sinong babae ang isasama mo."

"Babae talaga? Siguradong sigurado ka na babae ang isasama ko?"

"Bakit? Lalaki na ba gusto mo ngayon?"

"Gago."

"Gago ka rin. Pero tatlo lang? Pwede bang makahingi pa ng isa?"

"Si Rochelle kausapin mo dyan wag ako. Bakit? Nahihirapan kang mamili sino sa mga babae mo isasama mo?"

Ngumisi ako at napakamot sa likod ng ulo ko.

"Pogi problems."

Napailing na lang si Ayen.

"Gago mo talaga."

"Eh ikaw? Sino naman isasama mo?"

"Si Timi malamang," sagot ni Ayen. "Kasama ibinigay ko na rin yung isa ko pang ticket kay Rika. Hindi naman ako tutugtog eh. Ayaw rin ng pamilya ko pumunta at ang dami dami raw palaging tao."

"Si Mia? Hindi mo isasama?"

"Huh? Mia? Ba't ko naman siya iimbitahin?"

I shrugged, "dahil nadatnan ko siyang lumabas sa kwarto mo nung panahong lasing ka?"

"Gago!" ibinato ulit ni Ayen yung medyas sa akin.

Tumawa ako ng malakas.

"Bakit ba inis na inis ka kada nababanggit si Mia ha? Anong meron?"

"Hindi ko na siya kailangan imbitahin dahil guest singer niyo siya."

Napangiti na lang ako.

Ang galing din mag change topic ng isang 'to eh.

Pero hindi ko na siya kinulit kung bakit parang ang init ng dugo niya kay Mia. Ayen is Ayen. Hindi yan nagsasabi madalas ng mga nangyayari sa kanya o ng mga nararamdaman niya. Mahilig yan mag solo eh. Naiinis din yan pag kinulit mo. Ewan ko ba. Abnormal yang kaibigan kong yan. Pero kahit ganyan yan, saludo ako sa maraming bagay sa kanya.

Maya maya lang din, dumating na yung iba pang members ng EndMira. Pag-uusapan ang mga tutugtugin sa concert at mag p-practice lang saglit.

"What the hell happened to you?!" gulat na gulat na tanong ni Rochelle sa vocalist namin na si Ice nang dumating ito sa HQ na putok ang labi. "Sino sumapak sa'yo?!"

Umiling si Ice, "yaan mo na. Nasapak ko rin naman siya," sabi niya.

Napahagalpak ako ng tawa.

"Ganyan ang tamang sagot pare!" sabi ko.

"Putok din ba labi?" tanong ni Ayen

"Hindi. Pero may pasa siya sa pisngi."

"Ayun oh! Ayos! Galing mo!" sabi naman ni William at nakipag high five kay Ice.

"Hoy si Rochelle masama na tingin sa inyo," saway naman ni Geo.

Napatingin kami pare-pareho sa manager namin at ayun nga, mukhang sasakitan ng batok sa tindi ng highblood sa amin.

"Ice! Ano ka ba naman! Mamaya ma-issue ka eh!"

He shrugged.

"Pagusapan na natin 'yung gagawin."

"Naku Ice--!"

"Yaan mo na Rochelle," sabi ni Geo at inabutan ng cake ang manager namin. "Chill ka lang. Alam ni Ice ang ginagawa niya."

Napailing na lang ito at kinuha yung cake kay Geo.

"Parang mga bata kasi kayo."

Tinignan ko si Ice.

"Yung ex ba ni Timi nakasapakan mo?"

Tumango si Ice, "oo. Epal eh."

"Epal talaga," pag sangayon ko.

"O siya umpisahan na 'to!" sabi ni Geo at mukhang excited na excited.

Paano manonood sa concert ang babaeng ang tagal na niyang nililigawan na si Rika. Malamang eh excited magpakitang gilas ang isang 'to.

Ibinigay sa amin ni Rochelle yung mga kanta na tutugtugin namin. May onti lang kaming binago at pinalitan pero karamihan ng nilagay niya, sumang-ayon naman lahat.

Meron din kaming mga special guests. Isa na doon si Mia. Kakantahin niya yung latest single niya na kasama kaming EndMira.

"Gutom na akooo!" sabi ni Ayen after thirty minutes ng pag b-brainstorming namin.

"Kelan ka ba hindi nagutom?" tanong naman ni William.

Tinignan ni Ayen si Rochelle.

"Rochelle save me! I'm starving!"

"Papunta si Aiscelle may dalang pagkain," sabi naman ni Ice.

Napaayos ako bigla ng upo.

"Oh? Dadaan siya?"

Tinignan ako saglit ni Ice.

"Oo. At ano naman sa'yo kung pupunta siya?"

Sinimangutan ko siya.

Oo nga. Ano naman kung pupunta siya?

"Excuse."

Tumayo ako at dumiretso sa kitchen. Binuksan ko ang fridge at uminom ng tubig.

After namin magusap at magkalinawan ni Aiscelle, ngayon lang ulit kami magkikita. Ewan. I have this strange feeling.

I don't want to see her but at the same time, I want to.

I'm still in pain for what she did. Yung kada maalala ko hindi ko maiwasang magtanong kung 'bakit?' Paano niya nagawa yun? Ano ang pagkukulang ko noon? Bakit siya naging ganon?

Bakit kahit na alam kong napatawad ko na si Aiscelle, ang hirap pa rin bitiwan ng past?

"Jasper?"

Napalingon ako bigla nang marinig ko ang boses ni Aiscelle. She's still wearing her corporate attire. Naka taas ang buhok niya at may dala-dala siyang paperbag.

"Aiscelle."

Nginitian niya ako.

"Naisipan kong mag dala ng food. Malapit lang kasi 'to sa bahay namin. So ayun," sabi niya habang inilalapag ang paperbag na dala niya.

Tumango ako.

"Malapit na ulit ang concert namin," sabi ko sa kanya.

"Oo nga eh. Kaya itong si Ice sobrang busy rin."

"Free ka ba that day?"

Biglang natigilan si Aiscelle at inangat niya ang tingin niya sa akin.

"H-ha?"

"Sa concert... uhmm.. gusto mong pumunta?"

Napahinga ng malalim si Aiscelle at inipit niya ang strand ng buhok niya sa tenga niya.

She look conflicted.

Tinapik ko siya sa braso at nginitian.

"It's okay. I'm just asking."

Inilapag ko ang baso ng tubig na ininuman ko sa sink at dire-diretso akong lumabas sa kitchen.

"Ah Jasper!"

Nilingon ko si Aiscelle.

"Hmm?"

"Susubukan ko talagang pumunta."

Isang ngiti lang ang naisagot ko sa kanya at bumalik na ako sa living room kung saan nandoon ang EndMira.

Alam kong napakagulo ng nararamdaman ko.

Pero hindi ko maitatago na gusto kong nandoon din siya sa concert.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

1M 28.7K 15
"How can I move on when I'm still in love with you?"
6.3M 308K 79
(FHS#2) You better watch out, you better not cry, and you better not fall cuz the f*ckboys just waged a war against Filimon Height's one and only so...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
45.9M 779K 50
(Seducing Drake Palma Book 2) "Hindi na ako magpapadala sa 'yo, Drake. You're just going to make me fall then smash me into pieces once again." It's...