Chapter Twenty Six

235K 7.5K 3.8K
                                    


Chapter Twenty Six

NICA.


"Nica Briones..." sabi ni Sir Stanley Ryan habang binabasa ang resume ko. "So, you're 22 years old right?" tanong niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.

"O-opo."

"Nag mass communication ka sa college but hanggang third year lang ang natapos mo?"

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Parang manliliit ako. Alam ko na kasing lumiliit ang pag-asa ko everytime na nakikita nila ang educational background ko.

"Opo," halos pabulong kong sagot.

"You stated here that you are currently working in La Vie French restaurant as a server."

Tumango ako.

"Hmm. La Vie French restaurant owned by Chef Timi Cruz?"

"Y-yes sir."

"She's my ex girl friend."

Napa-angat ang tingin ko sa kanya. Nakatingin na rin siya sa akin ng seryoso. Yung tingin na parang sinasabi niyang hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagtapon ko ng beer sa kanya.

Kung 'di lang siya ang pinaka high boss ng kompanyang 'to, tinusok ko na ang mata nito at pinaulanan ng mura.

Kaso wala. Wala akong laban. Kailangan kong magpakabait para sa kinabukasan ko.

Tumawa ako ng peke, "ah hehe small world sir!"

Hindi siya tumawa.

Napayuko ako ulit.

Langya bwiset na Stanley Ryan 'to ah? In another life makakaganti rin ako rito. Sisipain ko yan sa bayag. Bwiset eh.

"Ba't hindi mo nilagay sa resume ang bar na pinagtatrabahuhan mo?"

At ba't ko ilalagay? Makakatulong ba sa akin yun? Kailangan niyo ba malaman na nagtrabaho ako sa bar? Ayun ba ang magiging basehan niyo sa galing ko sa pagsulat?

Punyetang tanong 'yan.

"Nag resign na po kasi ako," sabi ko.

"Oh... oo nga pala. Isinigaw ng kasama mo na mag reresign ka na doon. Baka gawin mo rin 'yan dito?"

Hindi ako umimik.

Bwiset na 'to. Namemersonal ah! Akala ko ba professional tayo rito?

Inilapag ni Sir Stanley ang resume ko sa desk niya at nagpangalumbaba sa harap ko.

"Ms. Briones, we are interested sa isa sa mga concept story na ipinasa mo sa amin. We are planning to use it for our short film."

Napangiti ako, "t-talaga po?"

"Yep. Of course we will pay you for your concept. But..."

Napaayos ako ng upo. Dyan ako kinakabahan eh. Yung but but na 'yan.

"But... as for your job application, aaminin ko, kulang na kulang ka sa experience. Kahit nga yung concept paper na pinasa mo sa amin, mali ang format."

"I-I'm willing to learn po sir. Fast learner naman po ako."

Please, please, please...

Sana (EndMira: Jasper)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin