Chapter Twenty Four

249K 7.5K 3K
                                    



Chapter Twenty-Four

NICA.

"So, ano ang nangyari sa paguusap niyo ni Aiscelle?" pangunguna ko kay Jasper.

Nung sinabi niya sa akin na maguusap kami, alam kong about kay Aiscelle na ang paguusapan namin. Anong use na patagalin pa. Kung sasaktan ko lang ang sarili ko, aba aagahan ko na. Why prolong the agony?

Hindi agad sumagot si Jasper Yu. Napatingin ako sa pool nila.

Oo nasa pool side kaming dalawa. Nag latag siya ng mat at pareho kaming naka-indian seat habang pinaghahatian yung cake.

Tinignan ko si Jasper Yu.

"Okay lang kahit hindi ka mag kwento," sabi ko sa kanya.

At nananalangin ako na wag na nga talaga siya sanang mag-kwento dahil ayoko nang marinig.

Kahit medyo curious ako.

Ibinalik sa akin ni Jasper ang tingin niya at ngumiti siya.

"Me and Aiscelle are okay. Nalinaw na lahat ang dapat na malinaw. Siguro napatawad ko na siya."

Tumango ako.

"Eh ba't parang ang bitter mo kanina sa bar nung sinabi mong hindi ka talaga kilala ng ex mo?"

Napatawa ng mahina si Jasper.

"Ah..yun," napakamot siya sa ulo. "Honestly, I don't know why I said that. Siguro dahil kahit na naintindihan ko na ang nangyari, hindi ko maiwasan na masaktan kada naalala ko ang dahilan niya. Yung alam kong ginawa ko ang lahat nun, siya ang naging focus ko, grabe kong ibinigay ang oras ko maipakita lang na mahal ko siya. But then malalaman kong akala niya sa una eh naglalaro lang ako? Na hindi totohanan yun? Dahil loko loko ako kaya ganun? Masakit pala Nica kapag hindi nakita ng isang tao ang tindi ng efforts mo."

Tumango ako. Kasi naiintindihan ko. Alam ko yung pakiramdam na nababalewala. Yung naiichepwera.

Alam na alam ko yun.

Minsan sa buhay ko, hiniling ko rin n asana ituring akong tunay na anak ng tataytayan ko kahit pa demonyo siya. Para lang alam kong may pamilya pa rin ako at may matatawag pa rin akong tatay. Minsan pinilit kong mag effort matanggap lang niya ako, pero walang nangyari eh.

At ngayon, kahit nagmimistulan akong panyo sa lalaking mamahal ko, kahit na laging nakahanda ang tenga ko sa pakikinig sa lahat ng hinaing niya, o kahit na palagi akong nandyan para sa kanya..

..hanggang kaibigan lang ako.

Oo Jasper Yu, alam kong masakit kasi nararamdaman ko ngayon. Damang dama ko.

Huminga ako ng malalim.

"Sinabi lahat ni Aiscelle yun?"

Tumango si Jasper.

"Then....ang tapang niya para masabi niya sa'yo yun. Ang lakas ng loob niya kasi hindi madaling umamin sa kasalanang nagawa mo. At buti dahil napatawad mo siya kahit masakit. Kasi mukha naman siyang sincere at deserve naman niya patawarin."

At ako deserve kong mabaril sa luneta kasi isa akong dakilang tanga. Parteh parteh.

Ang daling i-uplift ng karibal mo samantalang ang hirap i-uplift ng sarili ko.

Sana (EndMira: Jasper)Where stories live. Discover now