Chapter Seventeen

261K 7.9K 4.7K
                                    


Dedicated to: mybriLIAMPAYNE. Salamat po sa magandang comment! <3


Chapter Seventeen

JASPER.

(More than two years ago)


Nagmamadali ako sa pagpunta sa coffee shop kung saan kami magkikita ni Aiscelle. Kinakabahan ako at the same time, buo na ang loob ko.

Kanina nung kausap ko si mama at kinukwento niya ang about sa kanila ni daddy, parang nabuhayan ako ng pagasa.

Oo nga naman. Tama si mama. Hindi ka naman kailangan mamili between your family and dreams or love. Ang tunay na choices ay kung magpapakatotoo ka o pipiliin mong magsinungaling.

At sa lagay ko, gusto ko nang magpakatotoo si Aiscelle.

Sana maintindihan niya ako.

Dahil one block away lang ang bahay nina Aiscelle sa coffee shop, nauna siya sa pagpunta rito. I saw her in our usual spot. Sa may veranda kung saan kita ang city lights. She's wearing a simple white dress. Nakalugay ang buhok niya ngayon na iniihipan ng hangin. Ang simple simple niyang tignan pero napakaganda niya. Wala na akong ibang babaeng nakilala na hihigit sa ganda niya. Mula noon pa, nung highschool kami, nung nakita ko siyang tumutugtog sa may school grounds ng gitara, hanggang ngayon, walang kupas.

Sabi nila walang taong perfect. Pero pag nagmahal ka pala, doon mo makikita ang perfection. Yung kahit ang mga imperfections niya ay maganda para sa'yo.

Napahinga ako nang malalim.

Pero si Aiscelle kaya, nakita niya ba ang salitang perfect sa katauhan ko? Tanggap niya rin ba ang mga imperfections ko?

Napailing ako.

Ano ba Jasper. Hindi ito ang panahon para mag duda ka sa kanya. Dapat ngayon pinagkakatiwalaan mo siya.

Lumapit ako sa kinalulugaran ni Aiscelle.

"Hi," nakangiti kong bati sa kanya then I took the seat in front of her.

"Jasper, saglit lang ako ah? Hahanapin ako sa amin," sabi niya na para bang natataranta siya.

Napahinga ako nang malalim. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Aiscelle ang kamay ko.

"Jasper, I'm sorry, okay? I'm sorry doon sa nasabi ko sa'yo nung isang araw. I'm sorry kung nagalit ako dahil pinagtanggol mo ang sarili mo kay Francis. Sorry kung sinabi kong hindi pa sapat ang mga ginagawa mo. I'm really sorry. Stress lang ako lately. Ang daming ginagawa sa school. Pre-occupied ang utak ko. I'm really, really—"

"—Aiscelle," pag putol ko sa sinasabi niya. I smiled at her, "It's okay. I'm not mad at you. Naiintindihan ko."

Nginitian niya rin ako at ayun na ata ang pinaka magandang bagay na nakita ko ngayong araw.

"Thank you, Jasper."

Napaiwas ako ng tingin. Ang ganda ng mood at ng aura namin ngayon. Nakakadalawang isip kung dapat ko bang sabihin kay Aiscelle ang plano ko o sa susunod na lang? Para wag lang masira ang moment na 'to. Lately wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-away. Minsan lang kami magkaroon ng tahimik na moment.

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon