Chapter Fourteen

265K 8.3K 5.6K
                                    


Chapter Fourteen

JASPER.

(Three years ago.)

"Nasaan na ba si Aiscelle? Nakita mo ba siya?" tanong ko kay Geo habang nagkakanda-haba ang leeg ko sa kakahanap sa kanya dito sa crowd.

"Ewan. Sabi ni Ice nakarating na raw eh," sabi naman ni Geo. "I-text mo kaya."

"Tinext ko na kaya lang hindi nagrereply eh."

"Try mo tawagan."

"Hindi pwede eh, magagalit sa akin yun. Mamaya kasama niya ang mga kaibigan niya."

Napabuntong hininga si Geo.

"Ang hirap ng sitwasyon mo pre."

"Sinabi mo pa."

"Buti nakakapag-tiis ka sa ganyang lagay."

"Wala eh. Mahal ko eh."

Napangiti si Geo at tinapik ako sa braso.

"Hay naku. Sige na pumasok ka na sa backstage. Malapit na tayong mag perform!"

Iniwan ako ni Geo doon at pumasok na sa backstage.

Napa-buntong hininga na lang ako.

Foundation day ng university namin. Ngayong gabi, tutugtog ang EndMira at syempre inimbitahan ko si Aiscelle na manuod. Madalang lang kasi siyang nakakapunta sa mga gig namin eh. Syempre naman gusto kong mapanuod niya kami.

Pero hindi ko alam kung nasaan siya.

Nangangati na talaga akong tawagan siya kaya lang alam kong pag ginawa ko yun, mag-aaway na naman kami. Nakakatawag lang ako sa kanya pag nag t-text siya na pwede akong tumawag. At yun yung mga panahong nasa bahay na siya at mag-isa. Yung walang makakarinig sa aming dalawa.

Ang hirap talaga ng sitwasyon ko. Gabi-gabi na lang pinagdarasal ko na sana dumating ang araw na hindi na naming kailangan itago ang relasyon namin.

Pero sa ngayon, pinipilit ko na lang makuntento. Lagi ko na lang isinasaksak sa isip ko na sobrang swerte ko na dahil ako ang minahal ni Aiscelle.

Si Aiscelle, siya yung tipo ng babaeng minamahal ng husto. She's an amazing girl. Kaya hindi ko rin maintindihan kung ba't sinasabi ni Jaden na ang malas malas ko. Yung batang 'yon palibhasa hindi pa naiintindihan ang mga bagay-bagay.

"Jasper! Sa loob na! Stand by na!" sigaw ni William. Napilitan na rin akong pumasok sa loob.

Nag text na lang ako kay Aiscelle.

"Malapit na kami mag start. Where ka na? Nuod ka ha? I love you."

Laking tuwa ko naman nang mag reply siya sa akin.

"Nandito na ako. I'm with my friends. I love you too. Goodluck!"

"YES!" sigaw ko sabay fist pump pa kaya naman napatingin sa akin ang mga ka-banda ko.

"Ah...hehe.. y-yung nilalaro ko kasi, napunta na ako sa next level," pagdadahilan ko.

Kasi nga, bukod kay Geo at Ice, hindi rin alam ng EndMira ang relasyon namin ni Aiscelle.

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon