Chapter Fifty Seven

200K 6.9K 2.3K
                                    


Chapter Fifty Seven

STAN.

"Open the door!" Leigh hissed then her lips are on mine again.

Medyo humiwalay ako, "wait."

"Hurry up!" sabi niya. Inumpisahan na niya ang pagtatanggal ng butones ng polo ko.

Napangiti ako.

"Relax, sweetheart. May CCTV. Gusto mong magka-scandal tayo?"

"Ang tagal mo kasi! I can't wait any longer."

"Hindi ko mahanap ang susi ko."

"Oh for pete's sake!"

Kinapa niya ang bulsa sa gilid ng pantalon ko at kinuha niya ang susi doon. With a teasing smile, she opened the door to my condo unit.

The moment na makapasok kami sa loob ng condo ko, we started kissing each other again. Itinuloy niya ang pagbubukas ng butones ng polo ko. I removed her cardigan pati na rin ang tali sa buhok niya. I ran my fingers through her hair as I kissed her neck.

Napahiga kami pareho sa couch ko. She's on top of me. Inalis niya na ng tuluyan ang polo ko.

Napatingin ako sa mata niya.

Damn.

"Stop," sabi ko.

"Huh? What?!"

Umayos ako ng upo.

Bakit mata ni Aiscelle ang nakikita ko?

"T-this is wrong. You're drunk and..."

"I'm not drunk!" sabi niya. "Isang bote lang ang ininom natin. Are you serious?"

"But still.."

"Don't worry, I'm not going to ask you to marry me after nating gawin 'to. We are just doing this for fun. If you want proof, you better ask Jasper."

Napatingin ako bigla sa kanya.

"May nangyari na sa inyo ni Jasper?!"

"Relax, dati pa yun. As in dating dati pa nung kauumpisa pa lang namin maging magka-love team. Isang beses lang nangyari at hindi na naulit. At tanungin mo pa siya, hindi ako naghabol, kung ayun ang ikinakatakot mo." Pinanliitan niya ako ng mata, "not unless may STD ka. Hahabulin kita ng palakol pag hinawahan mo ako."

Napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya.

"So do you want to..?" she ask then she bit her lower lip.

Napayuko ako.

"I-I'm sorry.."

Hindi agad umimik si Leigh. Naramdaman kong tumayo siya at pinulot niya ang cardigan niya na hinubad ko kanina.

Muli siyang sumalampak sa tabi ko.

"So who's the lucky girl?" tanong niya.

Napalingon ako sa kanya, "huh?"

"Yung babaeng pinagseselos mo kaya ka sumama sa akin."

Nagitla ako sa sinabi niya.

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon