Chapter Fifty Six

228K 7K 2K
                                    

Chapter Fifty Six

NICA.


"Giraffe ba ang favorite animal mo?" tanong ko kay Aiscelle.

Lumingon siya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Huh? What kind of question is that?" irita niyang sagot sa akin.

Nag kibit balikat ako, "kanina pa kasi nagkakanda-haba ang leeg mo, eh. Malay ko ba. Baka ini-imitate mo ang favorite animal mo."

Tinignan niya ako ng masama. Yung tingin na akala mo gusto niya akong balatan ng buhay. Di ko siya pinansin.

Nandito kami ngayon sa viewing area ng office nina Sir Stan. Mag p-preview kami ng first episode ng mini series namin together with the staffs and crew pati na rin ang mga artista. Naka-tayo kami ni Aiscelle sa may cocktail area habang umiinom ng coffee. Wala lang. Magkatabi lang kami pero hindi kami masyadong naguusap. Busy kasi siya na maya't-maya tumingin sa may pintuan habang ako naman ay busy ma-weirduhan sa kanya.

Nagpapaka-hirap pa siya diyan, eh. Sana tinatanong na lang niya ako kung bakit hindi pa dumarating si Sir Stan. Edi sana kanina pa niya nalaman na nandoon pa sa office at may pinipirmahan lang na mga papeles, pero papunta na. Feeling ko magkaka stiff neck ang babaeng 'to mamaya.

Maya maya lang, nakita ko nang pumasok si Sir Stan sa room.

"Oh si Sir Stan—"

Napalingon ako kay Aiscelle pero wala na siya sa tabi ko. Nakita kong mabilis na siyang naglalakad papalapit kay sir.

Wow. The Flash.

Inubos ko na yung kape na iniinom ko atsaka ako humanap ng seat.

Parang mini theater ang itsura ng viewing room namin. Pang movie house ang mga seats pero hanggang 30 lang ang capacity sa loob. Maliit lang. Pang mga private viewing or advance viewing lang ng mga ginagawa naming films.

Pinili kong maupo sa right side, pinaka dulo. Medyo madilim na sa part na 'to ng viewing room. Hindi ako pansinin.

Bakit ko ba siya pinagtataguan?! Wala naman akong ginawang masama?!

Napailing ako.

Wala akong pinagtataguan. Dito lang talaga ako pumwesto kasi...gusto ko ng privacy? Walang tatabi sa akin dahil sulok? Walang maingay? Walang kakausap sa akin?

Tama. Ayoko ng kausap. Hindi ako magaling sa mga small talks. Isa pa, gusto ko ng kapayapaan kapag nanunuod ako. Ayoko ng makulit kaya ayokong tatabi sa akin si Jasper Yu kasi makulit siya. Mapipikon lang ako at baka masapak ko pa siya.

"Hi Nica liit!"

Napapikit ako.

Puta talaga.

Naramdaman kong in-occupy ni Jasper Yu ang katabing seat ko. Kinalabit niya ako.

"Uy!"

Hindi ko siya nilingon. Kinalabit niya ulit ako.

"Uy!!"

Dedma pa rin.

"Nicaaaa! Grabe 'to. Nag seenzoned ka na nga doon sa chat ko kagabi, hanggang ngayon ba naman dinededma mo pa rin ako?"

Nilingon ko siya. Naka-ngisi siya.

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon