Revenge ni Beki (Complete)

By AedrianBuison

205K 6K 290

Sinaktan nyo ako noon, sasaktan ko naman kayo ngayon. Si James Dean Lopez o mas kilala ngayon bilang Steph L... More

RECOMMENDATION
Revenge ni Beki
Prologue
Chapter One - New School
Chapter Two - Oh My Spencer!
Chapter Three - Tadhana
Chapter Four - Superhero
Chapter Five - Friends?
Chapter Six - Pretend
Chapter Seven - Bestfriend
Chapter Eight - ON
Author's Note
Chapter Nine - Confess
Chapter Ten - Picture
Chapter Eleven - Beginning
Chapter Twelve - Memories
Chapter Thirteen - Practice
Chapter Fourteen - The Drawing
Chapter Sixteen - Party
Chapter Seventeen - Revenge
Chapter Eighteen - Plan
Chapter Nineteen - Woman in Black
Chapter Twenty - Bitchy
Chapter TwentyOne - Project
Chapter TwentyTwo- Project
Chapter TwentyThree - Vigan
Chapter TwentyFour - Ligaw
Chapter TwentyFive - Friends
Chapter TwentySix - Selos
Chapter TwentySeven - Fall
Chapter TwentyEight - Confused
Chapter TwentyNine - Truth
Chapter Thirty - Unexpected Scene
Epilogue
Author's Note

Chapter Fifteen - Graduation Day

4.4K 135 8
By AedrianBuison

James's POV


Ito na ang araw na hinihintay ng lahat. Magaganap na ang Graduation Day, maya-maya magaganap na rin ang dramahan.


May mga estudyanteng umiiyak dahil hindi na nila makikita o makakasama ang mga kaibigan nila. May iilan rin na mga estudyanteng masayang masaya dahil hindi na nila makakasama at makikita ang mga kaaway nila.


Mukhang hindi ako magiging masaya dahil sa Terybith Universiry mag-aaral ang karamihan pagtungtong ng college. Meaning, makikita ko pa rin ang mga nangbully sa akin. Maaapi pa rin nila ako pero feeling ko hindi na nila magagawa yon dahil may superhero na ako na laging nandyan sa tabi ko..ang boyfriend ko si Spencer.


Tumayo na ang lahat at nagpunta na sa kani-kanilang kaibigan dahil tapos na ang graduation..lahat masaya dahil nakagraduate na sila at natapos na nila ang high school life. Ako? Tumayo ako pero wala akong pinuntahan na kaibigan, bakit? Dahil wala naman akong kaibigan.


Ngumingiti-ngiti nalang ako habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagyayakapan. Namiss ko tuloy si Johnny, bestfriend kong bakla noon. Kumusta na kaya sya ngayon? Graduate na din kaya sya? Pero for sure naman akong graduate na din yon eh!


Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin sa likod. Hinarap ko kung sino yon at nakita ko ang gwapong boyfriend ko..walang iba. Si Spencer.


"Congrats babe!! Graduate na tayo" masayang sabi nya sa akin.


Ngumiti muna ako sa kanya bago sumagot.


"Yes!! Congrats din. Masaya ako dahil natapos ko ang high school life na ito ng may karelasyong mabait at gwapo. Pinasaya mo ako! Akala ko puro pangaapi at pangbubully lang ng mga estudyante ang mararanasan ko pero akala ko lang pala. Simula ng dumating ka sa buhay ko, nagbago ang lahat. Naranasan kong magkaroon ng karelasyon at naramdaman ko rin na may nagmamahal sa aking lalake..kahit ganito ako. I love you babe" sigaw ko. Sinigaw ko yung mga sinabi ko dahil maingay dito. Maraming sumisigaw kasabay ng music na napakalakas.


"I love you too babe." Maikling sagot nya at yinakap nya ako ulit.


Naputol ang yakapan naming dalawa ng biglang may nagsalita.


"Ehem..Spencer and James, iniimbita ko nga pala kayong dalawa para mamaya..sa gaganaping party sa bahay, maraming estudyante ang pupunta. Buong batch pa nga ata eh! So ano? Punta kayo ha. Ito yung invitations." sabi nya sa amin sabay abot ng isang card at inabot naman namin yon.


Tinignan ko lang si Spencer. Tinignan ko sya ng pupunta-ba-tayo-look at tumango naman sya. Meaning, pumayag sya. Pupunta kami mamaya.


"Oh ano? Sige na. Pumunta kayo ha! Bawal ang KJ! Lalong lalo ka na James, kailangan nandon ka dahil may malalaman ka." Sabi nya sabay ngiti..ngiting kakaiba at umalis na sya.


Kinabahan ako sa sinabi sa akin ni Taylor. Anong malalaman ko? Naguguluhan ako. May alam kaya si Spencer dito!? tanungin ko kaya sya.


"Spencer, alam mo ba kung ano yung malalaman ko? Yung sinabi ni Taylor sa'tin!?" tanong ko.


Nakita ko sa mukha nya na namula sya at parang may gusto syang sabihin at ipagtapat sa akin pero bawal. Hays!


"Hoy! Spencer!! Tinatanong kita!?" tanong ko ulit.


"Ah..sorry ha! Wala akong alam. Sige kita nalang tayo mamaya sa party ni Taylor. Bye babe" sabi nya sabay takbo bigla.


Hindi ko na sya hinabol pa dahil nawala sya agad. Hahabulin ko sana kaso nawala agad eh. By the way, gulong gulo na talaga ako ngayon. Iniisip ko kasi yung sinabi sa akin ni Taylor eh!! curious pa rin ako hanggang ngayon.


Di bale, hindi ko nalang iisipin yon dahil malalaman ko naman mamaya kung ano yon. Lumabas na lang ako ng gym at uuwi nalang ako sa bahay. Hindi nga pala nakapunta si Mama dahil may importante syang pinuntahan. Okay lang naman sa'kin yon dahil sabi nya babawi raw sya sa akin pagdating nya.


Taylor's POV


Nakangiti ako ngayon. Nandito ako sa room nila James at kasama ko ngayon si Carmella, ang inuutusan kong apihin si James.


Pinaguusapan namin ngayon ang gagawin naming pasabog mamaya. Ngayon pa lang, masaya na ako dahil siguradong mapapahiya at matitikman ni james ang revenge ko.


Naghihiganti ako kay James dahil sa mga ginawa nya sa akin noon, ang pagpapahirap nya sa akin. Ako kasi ang kaibigan nyang inapi-api nya noon. Ako si Johnny, ang baklang kaibigan nya noon pero babae na ngayon.


Ako yung nerd na baklang kaibigan nya noon at inapi-api nya at pinahirapan. Porket alam nyang takot at wala akong laban sa kanya ay inaapi-api nya ako. Inaabuso nya ang pagiging mabait ko kaya naman ngayon naghihiganti ako dahil sawa na akong maging mabait. Gusto ko naman na ako ang mang-api at kay James ko yon ipapatikim. Well, natikman nya na ang revenge ko pero mamaya nya palang matitikman ang pinakamabagsik kong revenge. Ayoko ng maging mabait!! Pagmabait ka kasi, akala nila hindi ka marunong magalit kaya inaabuso nila yon.


"Handa ka na ba madam?" tanong sakin ni Carmella.


"I'm always ready." maikling sagot ko sabay ngiti.


Biglang naputol ang pag-uusap namin ng biglang may pumasok sa loob ng room.


"Taylor, sasabihin na ba natin ang lahat sa kanya mamaya!?" tanong nya sa akin. Mukhang kabang kaba sya sa gagawin namin. 


Sya nga pala, sya ang pangalawa kong inutusan. Well, hindi naman ako nahirapang mapapayag sya dahil mahal nya ako. Sinabi ko sa kanya na kapag nagawa nya 'to, sasagutin ko na sya at magiging kami na. Yun nga lang, sya lang ang nagmamahal sa aming relasyon.


"Spencer, wag kang kabahan. My decision is final, sasabihin na natin sa kanya mamaya dahil naiinip na ako. Gusto ko ng ipatikim sa kanya ang pinakamabagsik kong revenge." sagot ko.


"Taylor, ginagawa ko 'to dahil mahal kita pero parang hindi ko kayang gawin sa kanya." Nabigla ako sa sinabi nya, tinitigan ko syang mabuti.


"Bakit Spencer!? Mahal mo na ba sya? Nakakatawa ka naman! Well, kung hindi mo kayang gawin ako ang gagawa pero wag na wag mo akong pipiliting maging jowa. Ano spencer? Gagawin mo o hindi? Simpleng tanong, simpleng sagot..oo o hindi?" Mahaba-habang tanong ko.


Nakita ko sa mukha nya ang pag-iisip. Hinding hindi ako papayag na hindi matikman ni James ang mabagsik kong paghihiganti. Tanga talaga si Spencer kahit kailan.


"Alang-alang sa pangako mo, sige gagawin ko." sagot nya.


"Pero pagtapos ng gagawin ko, Taylor akin ka na." Dugtong pa nya.


"Oh yes Spencer, sayong sayo na ako. My life is yours" sabi ko.


Lalabas na sana sya pero natigilan sya ng bigla akong nagsalita.


"Ipadala mo na ang kanyang susuotin." Sabi ko at tuluyan na syang lumabas.


Humanda ka na James..HUMANDA KA!!


Note: Hello guys, ayan ha! Dalawang update in one day chos! Ayan may revelations na ha! Ngayon alam nyo na kung sino si 'her' at yung mga inuutusan nya! Si carmella and spencer. Nabigla ba kayo? Chos.


Sa susunod na chapter malalaman nyo na kung ano ang revenge ni taylor at ang kung ano yung inutos ni taylor kay spencer. Thankyou!! Muah. 



Keep reading and supporting!


Continue Reading

You'll Also Like

19.6K 290 39
An original work of Cris Morata posted in M2M Love Story facebook page. Published on wattpad by Shin Eun Ki. This is a work of fiction. Names, charac...
61.4K 2.1K 20
⚠New Transfery ⚠Small ?? ⚠Attractive ⚠Innocent ⚠Cute Beware:That's my classmate a cute little innocent classmate. Sya si Keoji Kim transfer student i...
69.6K 2.2K 29
"Sometimes, the person who drives you crazy, is the same person whom you cant live without." Drive me Crazy is a bishounen love story with pinoy appr...
69.3K 2.5K 24
Si Jiro, lumaking walang magulang at namumuhay kasama ang lolo at lola nya. Normal ang payak nyang buhay hanggang sa dumating ang nagpapakilala nyang...