Friendshipidity (Chase #3)

Da Starine

130K 4.1K 403

Friendship. That was all I wanted to have with my best friend, Sien. Matindi ang pananaw ko na kaibigan lang... Altro

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
​Chapter 35
Epilogue
Mae: Jealousy Stinks

Chapter 1

7.7K 193 26
Da Starine

Chapter 1
Where It All Started

High School

"Grabe, Mae! Ang galing ni Sien!" hiyaw ni Jesca kasabay ang ingay ng mga taong nanunuod ng laro. Halos puno ang covered court dahil huling laban na ngayon.

Tumango lang ako at itinuon ang pansin kay Sien na nasa Jersey 19. Maganda ang laban, palaging naglalapit ang mga scores ng dalawang team kaya't hindi na ako nagtaka sa madugong pawis ni Sien habang naglalaro. He's the foundation of the team, sumunod doon ay ang kaibigan niya at kaklase naming si Jayce. Their teamwork scores most for them, kaya't hindi ko sinayang ang boses ko at talagang tinodo ko ang pag-cheer sa kanila.

"Go Sien! Ililibre mo ako pag nanalo kayo kaya galingan mo! Do it for the bacon!" pursigido kong sigaw.

Nakita ko ang pag bagal ng takbo ni Sien habang luminga sa parte namin. Nang makita niya ako ay malapad na ngiti ang ipinasilay niya. Matapos noon ay isang mayabang na takbo para kunin ang bola sa koponan ang kanyang ginawa. Show off!

Sa huling quarter ay sunud-sunod na puntos ang ginawa ni Sien at Jayce sa kanilang grupo kaya't natambakan ang kabilang koponan.

Malakas na sigawan mula sa aming batch ang nangyari nang tumunog ang buzzer na nagpa siguro sa kanilang pagkapanalo. Nagkakagulo ang mga kaklase namin sa paghiyaw at pagch-cheer na naging dahilan ng kaunting pagkakatulakan.

Dahil hindi naman ako ganoong ka-physically fit ay madali akong natumba sa gitna ng harutan nila. Hindi ako makatayo dahil walang nakapansin sa akin at halos hindi ko na makita kung ano ang nangyayari.

Itinulak ko kung sino man ang gumigitgit sa akin para magkaroon ako ng daan sa bleacher. Umupo ako at nagpaypay gamit ang kamay ko.

"Uy, Mae, ayos ka lang ba?" tanong ni Ash na nakaupo rin sa bleacher kasama ang mga kaibigan niya.

Tumango ako at ngumiti. Kinuha ko ang baon kong tubig. Nakatuon ako sa bag ko noong may biglaang humablot sa bote ko.

"What the!" Nakita kong iniinom na ni Sien ang tubig ko. What a guy!

He's still covered in his sweat fresh from the game. Katulad ng kadalasan niyang ginagawa ay nagbubuhos siya ng tubig sa kanyang mukha matapos ang laro. Habang umiinom siya ay ginagalaw niya ang kanyang jersey para magkaroon ng hangin sa loob ng dibdib niya. The water bottle must be so lucky because he drank straight up.

"Ano, bakit ka natumba? Ang weak mo naman, Mae!" Tumawa siya nang malakas at tsaka ibinalik sa akin ang water bottle. Wala ng laman!

"Wow! Salamat dito, ha?" sarkastiko kong sabi.

Nakangisi pa rin siya sa akin habang pinagpagpagan ang espasyo sa tabi ko. Nang umupo siya ay napailing naman siya at tsaka tumawa tawa. Kung wala lang kami sa mataong lugar ay kanina ko pa ito nabatukan. He's making fun of me like he always do!

"Ass! Tawag na kayo ng coach niyo," bulyaw ko.

Sumilip siya sa court at sumenyas kay Jayce, dahilan para tigilan siya ng mga itong tawagin. Nagsisialisan na ang mga tao sa court, pati na rin ang batch namin. Hinahanap ko ang paningin nina Jesca sa kumpol ng tao sa kabilang dulo.

"Pinauna ko na sila. Sabi ko ay iwan ka na sa akin," sabi niya. Tuwang tuwa pa talaga! Napangiwi ako. Wala na akong kasabay paguwi.

"Alam mo, alam ko na kung bakit inayawan ka ng kaibigan ko eh. Ang liit kasi ng utak mo!"

"Alam mo kung bakit wala ka pang boyfriend hanggang ngayon? Ang liit kasi ng daan patungo sa puso mo." Humalakhak na naman siya, halatang walang balak tumigil sa pang aasar kahit anong sabihin ko.

"Now I regret attending your game."  

Tumayo ako at pumadyak paalis sa harap niya.

Hinugot ko ang phone ko para itext ang mga kaibigan ko habang nakikisiksik ako palabas ng covered court. Ngunit sa bigat ng agos ng mga tao ay sa labas na ako nakapag text. Tumigil ako sa isang tabi at nag tipa na ng mensahe.

Pagkatapos ay tsaka pa ako nag isip kung mag hihintay ako rito o uuwi na lang. Damn this Sien! Nasira ang plano ko ngayong araw. Dapat ay magta tanghalian kami sa bundok nina Ten ngayon, imbes ay naiwan pa ako rito!

Habang naghihintay ako ng reply nila ay lumilinga linga ako at nagbabaka sakaling hindi pa umaalis ang mga kaibigan ko. Sakto naman ang paglabas ni Sien nang lumingon ako sa entrance ng court.

"Good, you're still here. Let's go?"

"You go."

"Come on, Mae! You shouted at the game. Ano, ayaw mo na ngayon?" naiinis niyang tanong.

"What? Marami akong naisigaw kanina. Alin ba roon? Iyong ang tanga mo kasi di mo kinuha kay Jersey 8 iyong bola, gayong kaya mo naman? Or iyong ang tanga mo rin kasi muntik ka pang masuntok kanina?" Now it's my turn to have a good laugh.

It was true. Noong third quarter ay muntik na siyang masuntok ng isang player sa kabilang koponan dahil sa pagta-trash talk niya. I didn't understand basketball rules completely, but from what I've heard Sien was the one who made a foul, but he kept on insisting he did not.

"Iyong kalaban ang walang modo." Umasik siya. "But come on, we won already. I'll treat you. Saan mo ba gusto?"

Kumunot ang noo ko at pinanliitan siya ng mata. He did almost the same, but then erupted in laughter when he realized what my face actually meant. He held both of his hands up and wore serious face.

"I promise, I'll treat my best bacon friend."

"Sige, lait pa!" sigaw ko at muling nag walk out. Tumatawa siyang sumunod sa akin. Nang pumara ako ng jeep ay sumakay din siya.

Hindi ko alam kung bakit iritang irita ako sa kanya ngayon gayong kanina naman ay todo suporta ako sa kanya. Wait, that's right. Panira siya ng plano. Sira na ang araw ko.

Kumuha ako ng baryang pambayad para sa isa lang. Nang iiabot ko na ito ay hinablot ni Sien ang braso ko at tsaka bumulong.

"Ako na nga, diba? At sabay tayong kakain," malamig niyang bulong sa tenga ko. Bigla akong kinilabutan dahil nang tingnan ko siya ay nakita kong seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha, and it was almost sincere. Mabilis ko siyang itinulak.

"Ay pucha, sige ikaw na! At lumayo ka nga, please!" Umiwas ako ng tingin dahil hindi ako makahinga. At alam kong dahil ito sa init ng panahon. Lintik na lang talaga 'pag nahulog ako sa isang 'to!

Dalian siyang nagabot ng bayad para sa dalawa at saka bumaling sa akin.

"Bakit ka ba mura nang mura ngayon? Ikaw na nga ang sasamahan para mag lunch, ako pa magbabayad. Sayang din ang libre ni coach!" pagmamaktol niya, halatang halata sa boses ang pagtatampo.

"Edi pumunta ka sa kanila. So easy, Sien! Logic, please, logic."

"Dammit, I was only kidding! I'd rather have lunch with you than with those guys."

Natawa ako dahil nanahimik na siya matapos noon. Hindi kami nagusap buong byahe at tinapik niya lang ako nang mag-para siya, nauna siyang bumaba para alalayan ako. Nasanay na rin ako sa ganito niyang gesture simula noong naging mag kaibigan kami. So there's really nothing to give meaning to.

Hindi na ako nahiya nang tanungin niya ako kung anong gusto ko. Nagpa order ako nang marami at wala siyang nagawa kundi ang magbigay na lang ng side comments tungkol doon. And with just that, pinapansin na niya ulit ako. Siya na naman itong nang-aasar.

Hindi kami nagtagal sa fast food dahil mamayang gabi raw ay maliit na pagtitipon ang team sa bahay ng teammate nila.

"Ihahatid kita sa inyo. Babati na rin ako kay Tita."

"Wow, ang kapal neto ha. Sa tingin mo gusto kang makita ni Mama?"

"Oo naman! Walang nanay ang hindi gustong makita si Sien Pelarez," mayabang niyang sabi.

"Sa mga sinasabi mo, gusto ko na lang mapamura nang hagot eh. Sige, magpakita ka sa nanay ni Pristine, tingnan natin ang angas mo."

Bumuka ang bibig niya para gumanti ngunit sumara lang muli iyon. Ngumisi ako nang tumigil na siya sa pagmamalaki sa sarili. Ngunit hindi naman ako nanalo noong sinabi kong huwag na siyang magpakita kay Mama dahil masisira lang ang araw noon. With Mama, makapal ang mukha niya. Galak na galak naman ang pamilya ko sa kanya dahil nga raw sa kakisigan at pagiging bibo ng aking best friend.

Shet, gusto kong masuka. Now na!

"Matagal na rin pala simula nung huli kong punta sa inyo. Siguro ay miss na ako ni Tita!" Ngiting-aso ang nasa bibig niya habang nasa byahe kami.

"Sige lang. Kung saan ka masaya," motonong kong sagot.

"Oo naman. Paniguradong sasaya rin sila kapag nakita ako, syempre itong best friend ko rin masaya na kasama ako, diba nga best friend?" pang asar niyang sabi gamit ang mala-teatrong tono, pagkatapos ay umakbay pa sa akin.

Dahil sa pag kain namin kanina sa malamig na food chain ay natuyuan na siya ng pawis. One thing I am jealous of him was that his sweat didn't really smell. Ngayon ay hindi ko siya mapagkakamalang galing sa madugong laro dahil sa kanyang amoy, tanging ang madungis niyang jersey shorts na ang makapagsasabi noon.

Sinuntok ko ang kanyang braso para lumayo siya sa akin. I am not liking how he is affecting me right now. I'm not sure why. Or maybe I'm just terrified to verify it.

Kung ano man ang mabubuo ng isip ko ay hindi ko iyon magugustuhan. That's the last in the list of the things I wanted to feel before I die. As fucking cliché as it may sound but I don't want to fall for my best friend. Marami rami na rin akong naririnig na kwento na hindi natatapos sa maganda ang ganitong sitwasyon kung magkaroon man ng anomalya.

Ngunit naisip ko na wala pa mang anomalyang nangyayari ngayon ay alam kong hindi na ito mapupunta sa magandang daan. So I think it's safe just to stay calm, and stabilize my feelings.

"Hay naku, Sien! Mabuti at napadaan ka."

Yumakap si Mama kay Sien at ibineso ang magkabila nitong pisnge. Habang inuusisa siya ni Mama ay mayabang na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Napairap ako.

"Balita ko ay may laro kayo kaninang umaga? Where's Jayce? Gusto mo ba ay ipagluto kita ng merienda?" sunod sunod na tanong ni Mama.

Hindi ko sila pinakielamanan at humilata na lang ako sa sofa. I started browsing my social media accounts when I heard Sien declined.

"Kumain na po kami ni Mae, Tita. Magpapahinga na lang po muna ako rito sandali, if it's alright," matamis niyang pagpapaalam.

"Yes, of course! You may do so! Stay for as long as you want. I'll be upstairs. Mae! Tawagin mo ako kung may kailangan kayo."

Tumango lamang ako. Humalik muli si Mama kay Sien bago umakyat. Ako naman ay bumalik sa pagp-phone. Hindi ko pinansin ang pag upo ni Sien sa tabi ko dahil isa lang naman siyang malaking epal.

"Ay shet!" gulat kong sigaw nang umulo siya sa hita ko. Hinablot niya ang aking phone.

"Ang OA mo," malambing niyang sabi. "Mag-picture tayo."

Bago pa man ako makaangal ay naka-on na ang front camera ng phone ko at nagsimula na siyang kumuha ng pictures. Tumingin ako sa camera pero hindi ako ngumiti, hoping he would get that I am not as amused as he is.

"Nagsisisi na akong naging kaibigan kita, alam mo ba 'yon?"

"Grabe ka namang magsinungaling, Mae. Ang hard e, parang totoo. Wait, I'll post this on your Facebook."

I exerted effort to snatch my phone but the menace quickly got away. Tumakbo siya patungong kusina, or garden... I didn't know! Napaupo na lang ako sa frustration. Nagbukas ako ng TV at itinuon doon ang pansin. Walang mangyayari kung maiinis ako buong araw sa taong iyon.

"Here's your phone," sabi niya nang makabalik matapos ang ilang minuto. Muli siyang bumalik sa pwesto niya kanina. "Iidlip muna ako, so you keep quiet."

Hinayaan ko siya dahil nakita ko na rin ang pagod sa kanyang mata. Nakatitig lang ako sa palabas hanggang sa naramdaman ko na ang pagpikit ng mata ko dahil na rin sa antok.

Pagmulat ko ay tulog pa rin si Sien. I had to stand up dahil namamanhid na ang binti ko. He's heavy! Nag stretch ako habang naglalakad papuntang kusina para kumuha ng tubig. And then suddenly I heard a ring tone. I figured it was Sien's since mine was silently tucked in my pocket.

And true enough that it was his. Kinuha ko ang phone sa bag niya at naka flash sa screen ang pangalan ni Jayce. Sinagot ko muna ang tawag bago ginising si Sien.

Nang maalimpungatan siya ay inilagay ko na lang ang phone sa may tenga niya. Ilang segundo ang itinagal bago siya tuluyang nagising.

"Oh, shit! Alright. Papunta na ako," nakapikit na sagot ni Sien nang mapabalikwas siya ng tayo.

"Okay ka lang? Late ka na, ano?" pang asar kong sabi.

Tumayo siya at lumapit sa akin para ubusin na naman ang tubig ko. "Seriously? What is it with you and my water?"

"The water tastes so much better after your lips touched the rest of it."

What the f...

Inayos niya ang kanyang buhok habang nakangisi sa akin. Ang singkit niyang mata ay mas maliit ngayon mula sa pagtulog. Ang moreno niyang kutis ay hindi ko maikakailang nagpadagdag sa kanya ng dating. If others dig the sun, maybe I dig the shade.

Inihatid ko siya sa front door dahil syempre nakakatamad kung ihahatid ko pa siya sa sakayan diba? Isa pa ay malaki na siya.

"Bye, bacon." Kumaway siya patalikod, tanging ang bag niyang nakasakbit sa kanyang balikat ang tinitigan ko. Laking gulat ko na lang ng umikot siya at nag-jog pabalik dito.

Humalik siya sa pisnge ko nang mabilisan at tsaka naman kinurot ang kabila. Right here, right now. Nanghina ang kamay kong may hawak sa baso.

"Bakit ka ba nanghahalik? Feeling mo close tayo!" alibi ko. Shit. I really need to get a good grip on reality.

"Ang cute kasi ng best friend ko. Thank you for coming to my game. I really appreciate it," sabi niya sa malamig na boses. It was sincere, it was true. "At dahil dyan, may kiss ka ulit."

He did kiss me on my cheek once again and managed to successfully escape. That guy!

When I got back inside, I knew a smile crept up on my heart. I guess I lost. I guess I'm freaking weak. I guess I am stupid.

Continua a leggere

Ti piacerà anche

395K 9K 53
Jethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He...
378K 6.7K 136
TOP DEFINITION out·of·my·league | \awt-op-may-lig\ someone you can never be with. someone you have no chance with. someone... unreachable. Epistolary...
276K 7K 52
Nagsimula ang pagkahumaling sa musika ni Amybelle Buencamino, nang minsan siyang magbakasyon sa Ashralka at masaksihan ang taunang battle of the band...
6.6K 321 68
|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother...