One Seat Apart (GirlxGirl)

By Icieyou

353K 14K 1.3K

Ang isang sulat na iniwan ko sa pagitan ng lumang upuan sa gitna ng parke ang magdudulot sa pagkakatagpo ko s... More

Chapter One
Chapter two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter TwentyOne
Chapter TwentyTwo
Chapter TwentyThree
Chapter TwentyFour
Chapter TwentyFive
Chapter TwentySix
Chapter TwentySeven
Chapter TwentyEight
Chapter TwentyNine
Chapter ThirtyOne
Chapter Thirty Two
Chapter ThirtyThree
Chapter Thirtyfour
Fin

Chapter Thirty

10.4K 365 39
By Icieyou

Rara

"Rara" isang malambing na boses ang tumawag sa pangalan ko ang narinig ko. Pinipilit kong imulat ang mga mata ko pero di ko magawa at antok na antok pa talaga ako dahil sa puyat at pagod

"Cielo antok pa ako" saka ko nilagay sa mukha ang unan na yakap yakap ko

"Hindi ka talaga tatayo sleepy head?" Umiling lang ako na para bang nakikita niya ang ulo ko sa ilalim ng unan

"Alright" naramdaman kong gumalaw ang kama na tila ba may sumampa sa ibabaw nito

"Ay shit! Cielo!" napaigtad ako at pilit na inaalis ang kamay niya sa bewang ko habang patuloy na sinusundot ang tagiliran ko "Nakikiliti ako Cielo!" hindi ko mapigilan ang pagtawa ko dahil sa ginagawa niya

"Tama na Cielo plea—se" habol na habol ang hininga ko nang tumigil siya sa pagkiliti saakin. Umupo ako at masama siyang tinignan sabay pinalo ko siya sa braso. Umagang umaga ay pinapagod ako!

Ngayon ko lang napansin ang suot niyang damit. Naka loose white t-shirt lang siya at maikling shorts. Napaka sexy niyang tingnan at ang masakit doon, umaga palang ay ang ganda ganda na niya agad. Wala ba siyang day off sa pagiging maganda?

"I guess you're fascinated with my looks?" nakangising sabi niya kaya hinampas ko ulit siya sa braso

"Sadist! Get up Miss Emprey at may pupuntahan tayo" umalis siya sa ibabaw ng kama at umupo sa gilid sa tapat ko

"Cielo naman? Ilang araw na akong walang pahinga sa clinic tapos office. Nakakapagod kaya ang ginagawa ko at ngayon lang ang off ko. Hindi mo ba ako pagpapahingahin?" sinigurado kong nakakaawa ang acting ko para lang payagan niya akong humilata buong araw pero nakatingin lang siya ng diretso saakin.

"No, kaya nga tayo aalis ngayon kasi magpapahinga kana"

"Papatayin mo ako?!" sabay hawak sa dibdib ko na kunwari ay nasaktan ako sa sinabi niya saakin

"Such a cutie Emprey but it won't work so, sige na get up already cause' they're waiting downstairs " sabay tumayo siya at nag lakad papuntang pinto

Nitong mga nakalipas na araw lalo kaming naging malapit ni Cielo. Kapag kasama ko siya sa office ay bigla nalang ako napapangiti dahil masasabi kong napakaswerte ko dahil nakikita ko ang bahagi ni Cielo na hindi niya pinakikita sa iba. Isa siyang mabangis na leon sa harap ng iba ngunit pagdating saakin ay tila siya maamong kuting. Minsan iniisip ko, parehas rin ba kami ng nararamdaman?

Simula nung gabi na nakausap ko sila Anne lalo kong napagtanto na talagang nahulog na nga ako sa kumag na ito. Minsan naiisip ko nang umamin pero... paano kung one sided lang pala ang lahat? Edi naging awkward kami dahil nasa iisang kwarto, bahay at opisina lang kami. Maliban sa sarili ko, si Isay, Ann at Cindy lang ang nakakaalam kung ano ba ang nararamdaman ko. Pinipilit nila akong umamin pero ako ang tumatanggi dahil hindi pa ako handa sa mangyayari sa pag amin ko—natatakot ako sa kalalabasan nito

Nabalik ako sa katotohanan ng makita ang kamay niyang kumakaway sa tapat ng mukha ko

"Rara you're awake but still dreaming?"

"Wala! Doon shoo! Alis!" Hinawi ko kamay niya at tumayo na. Dumiretso ako sa CR para maligo

Pagtapos ay binuksan ko ang connecting door sa loob ng CR papuntang walking closet namin. Yes, namin dalawa dahil simula nung tumira ako dito ay talagang ginawa na ni Cielo na dito ang pamamahay ko. Noong una ay tumatanggi ako dahil sapat naman saakin ang isang maliit na aparador pero ayaw niyang paawat kaya pumayag na lamang ako. Pumili lang ako ng simpleng damit na maisusuot. Maong shorts na tinernuhan ko ng blue t-shirt ng university namin at white keds. Hindi ko naman alam kung saan ang punta namin kaya ito nalang ang idadamit ko

Paglabas ko ng kwarto nag lakad ako sa hallway at binati ang mga nakakasalubong kong kasambahay nila. Pagbaba ko sa hagdan ay nandoon si Yris yung isang kasambahay

"Good morning Yris, kumain na ba kayo?" ngumiti siya saakin at tumango

"Yes Ma'am Emprey nasa kainan na po sila at naghihintay" tumango ako at nagpasalamat bago pumuntang dining room na punong puno ng pagkain. Agad akong lumapit kay Tita at Tito para bumati at magbigay galang. Napansin kong wala ang kambal dito. Nasaan kaya yun si Cielo?

"Good morning po" sabay halik sa pisngi ganon din kay Tito Mario na stepfather ni Cielo at Cindy

"Kamusta ang tulog mo Hija? Nitong mga nakaraan napaka busy mo, kaya mo pa ba?" si tito habang humihigop ng kape

"Yes Tito kayang kaya tsaka malapit narin naman akong matapos sa internship after that mag fu-fulltime na ako para sa company" sabay ngiti sakanya. Umupo ako sa tapat ni Tita, agad akong inasikaso ni Yris pero nagsabi ako na huwag na. Nahihiya kasi ako na pinagsisilbihan ng ibang tao, hindi ako sanay.

"That's good to hear sweetheart—you know, kung buhay pa si Rodrigo at Lisa I'm sure proud na proud sila sayo" parang natunaw ang puso ko sa sinabi ni Tita saakin. Alam ko I'll make them proud kahit na wala na sila sa tabi ko, para sa kanila itong ginagawa ko.

"Hey! Good morning Mom, Dad and to miss beautiful Rara" natawa naman ako sa bati ni Cindy buti pa siya alam na maganda ako

"Good morning Cindy where's your twin?" Tanong ni Tito nang makaupo siya sa left side ni Tita.

Sa bahay kasi na ito bawal kumain kapag kulang ng isa pwera nalang kung maagang aalis pero kapag walang lakad ay sabay sabay kaming kumain. Which is dapat lang dahil ito ang nagiging quality time ng isang pamilya

"She's coming down Dad, nagpalit lang ng clothes" palit ng damit? Okay naman suot niya kanina ah? Uhm ang sexy nga niya kanina...

Maya maya pa ay narinig ko na ang boses niya lumingon ako kung saan ito nanggaling, napatulala na lang ako sakanya at kulang nalang ay malaglag ang panga ko sa ganda niya nagpalit nga siya ng damit, damit na ang makakakita at tutulo ang laway dahil sa hotness niya! Naka suot lang siya ng black shorts na litaw na litaw ang makinis at maputi niyang hita at white spaghetti strap na hubog ang katawan niya, pinatungan niya ito ng black sleeves niyang naka buhol ang dulo at nakasuot lang siya ng shortcut chucks. Sa suot niya kitang kita ang kagandahan niyang taglay isabay mo pa ang buhok niyang wavy brownish red. Oh, gosh. Parang lalabas ang puso ko sa tibok nito!

"Whoa there sweetheart! You're so damn hot!" Napatingin nalang ako sa plato ko ayokong mag angat ng ulo. Ramdam ko pa ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang isusuka ko ito

"Wow good morning my gorgeous sweetie, you look great! Saan punta mo?" Si Tita. Gusto kong itanong kung saan niya pinaglihi ang mga anak niya, kay Aphrodite ba?

"I'll just want to drive my new car with Rara" new car? Kulang pa ba kotse nila dito? Teka, bakit ako? Kasama? Ano daw?

"Alright! Sige na maupo na nang makakain tayo" utos ni Tita. Siya rin ang nag lead ng prayer bago kumain

Habang kumakain hindi ako umiimik lalo na't katabi ko siya. Amoy palang niya eh para na akong nabubuhayan ng dugo pano pa pag tinignan ko siya? Baka di ko kayanin at bumulagta nalang ako sa ganda niyang taglay

Napansin kong sinisipa ako ni Cindy sa ilalim ng mahabang lamesa kaya tinignan ko siya, I mouthed "bakit" l

"Take it easy, you're too obvious" she mouthed sabay kindat sakin. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Halata ba na ninenerbyos ako sa presensya ng kakambal niya? Oh gosh.

"Mom I'm done, kukunin ko lang sa garahe yung kotse" si Cielo sabay tayo at naglakad pero bago pa siya makalabas sa dining room tinawag niya ako kaya naman sumikdo ang puso ko at dahan dahang napatingin ako sakaniya

"I'll be waiting for you outside" sabay ngisi saakin. Oh—my pakiramdam ko ay nahulog ang puso ko sa ngisi niyang iyon!

Pagtapos kumain ay nagpaalam na ako kila Tita at Tito na lalabas para sundan si Cielo. Habang papalapit ako sa malaking pinto palabas sa mansion, tumambad saakin ang isang napakagandang babae na nakasandal sandal sa hood ng isang pula at magarang sasakyan, literal na napa letter 'O' ang bibig ko sa ganda!

"You like it?" Napakurapkurap ako dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"Ha? O-o grabe ang ganda" napalunok ako nang ngumiti siya saakin

"Come on! Jump in" lumapit ako at pinag buksan niya ng pintuan pero namangha ako dahil pataas yung pintuan. Na amaze ako dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito. Napapanuod ko lang sa mga pelikula yung ganitong kotse eh! Pagpasok nilibot ko ang mata ko, napakaganda talaga at never sa buhay kong nakakita ng ganito. Pagpasok ni Cielo ay suot na niya ang Rayban shades niya

"C-Cielo anong klaseng sasakyan to? Napaka gara" nag smile lang siya sakin sabay pihit ng susi ng kotse para mag start. Mayroon siyang pinindot at biglang nawala yung bubong ng kotse! Napakapit ako sa braso niya baka sinasalakay na kami ng higante

"Easy honey, it's a top down Lamborghini" whoa! Mamahalin nga itong kotse! Dagdag mo pa ang driver na mahal ko. Shet! Ang corny ko!

Nagsimula na siyang mag drive papalabas ng mansion. Lahat ng makasalubong at makasabay sa daan ay halos mabali ang leeg dahil lang sa pagtitig at hindi ko alam kung dahil sa kotse o dahil sa napakagandang babaeng nag mamaneho nito. Kitang kita kami dahil wala nga itong bubong at sakto naman at di mainit dahil makulimlim ang panahon. Habang nag mamaneho siya di ko mapigilang mapangiti, ang hot niya eh!

"Saan mo gustong pumunta Rara?" Tanong niya bigla kaya naman napaayos ako ng upo bigla

"Ah—eh hindi ko alam. Teka, akala ko ba dadalhin mo ako sa makakapag relax ako?" Tignan mo to siya nakaisip umalis, pagtapos ako ang tatanungin

"How about Tagaytay?" Nanglaki mata ko sabay harap sakanya

"Tagaytay?!" na excite kong sabi. Napangiti lang siya "Bakit?" tanong ko

"Nothing para kang bata" nag pout nalang ako sa sinabi niya. Masaya lang ako dahil ngayon lang ulit ako makakagala ng ganito

"We have a rest house there doon tayo pupunta" tumango tango ako habang nakangiti

Habang nasa byahe, alam kong medyo mataas na ang lugar na tinatahak namin dahil ramdam ko na ang malamig na hangin. Dahil nga walang bubong ang kotse napakasarap sa pakiramdam, inaantok tuloy ako

"Don't you dare na matulog Rara kung ayaw mong mapagtripan ng iba kitang kita tayo oh" napatampal nalang ako sa noo naalala ko palang walang bubong. Kaya kinuha ko nalang yung earphone ko sa bulsa ng shorts ko at sinalpak ito sa cellphone ko naka ramdom naman ang playlist ko kaya bahala na.

Biglang tumugtog ang isa kong paboritong kanta napatingin naman ako kay Cielo habang nagmamaneho

She loves the sunlight, how it paints on her soft skin

Napalunok ako bigla ng tumama sakanya ang sinag ng araw, kitang kita ang kaputian niya at makinis na balat. Ang matangos niyang ilong at ang jaw line niyang perpekto, bakit parang para sakanya yung kanta?

Baby don't you know you are stardust and you're a long long way from home, away from home

She brushed her hair pataas, oh—my napaiba ako ng direksyon ng tingin. Bakit ganon? Simpleng bagay pero pag siya ang gumagawa napaka hot at ang ganda? Nakakainis! Pero hindi ako sinusunod ng mata ko dahil automatic na bumabalik ito ng tingin sa kanya

This is the last straw

Take it off

Habang nag da-drive, yung isang kamay niya ay binaba niya papuntang tiyan niya tinatanggal niya yung buhol ng sleeves niya sa dulo nito

Hindi ko alam kung anong pagwawala pa ng puso ko ang pwedeng mangyari dahil sa ginagawa niya. Napapalunok na lang ako dito habang tinititigan siya

This is the last straw

Why don't you take it all?

Napalunok nalang ako nang unti unti niyang hinuhubad ang sleeves niya habang unti unti ring lumilitaw ang makinis niyang balat samahan mo pa ng sinag ng araw na talagang mapapa 'wow' ako sa ganda niya.

Nararamdaman kong pamamawis ng noo ko at kamay hindi ko na maramdaman kung malamig ang simoy ng hangin dahil ang katawan ko'y sobrang init ng nararamdaman. Kitang kita ko kung paano nag iislide ang tela sa balat niya parang slow motion ang lahat ng ginagawa niya, nang matanggal niya ito ay para akong kakapusin ng hininga dahil hubog na hubog ang katawan niya—napaka manyak ko na.

Hindi. Never. Akong nag kaganito. sa kaniya lang. Tinapik tapik ko ang mukha ko para matauhan kung nasa mundong ibabaw pa ba ako

"Hey Rara!" narinig ko siyang sumigaw kaya naman inalis ko agad ang earphone sa tenga ko at napatingin sakanya

"Okay kalang ba? Bakit sinasampal mo mukha mo?" Nakabukas ang bibig ko pero walang boses ang lumalabas

"Hey? Are you okay?" Tinaas niya yung ray ban niya sa ulo niya, ang hot niya gusto kong ulitin niya ang pagtaas ng shades niya

"Hey!"

"Oh?" wala sa sarili kong sagot, namamangha parin ako

"Okay kalang ba? Parang wala ka sa sarili?" Oo! Dahil sayo!

"H-Ha? Hindi. I-Inaantok lang"

"Sige pag dating natin sa rest house matulog ka at malapit naman na tayo" tumango lang ako at lumingon sa iba ayoko siyang titigan baka kung ano magawa ko

"We're here" narinig kong bulong niya. Napakurapkurap ako hindi ko nalayang nakatulog na pala ako tinignan ko ang paligid ko nakasarado na yung bubong ng kotse. Siguro ay binalik niya ng makitang nakatulog ako. Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako

"Thank you" napaka gentle woman na niya ngayon hindi tulad noon na ang sungit at matapobre

"Come" hinawakan niya ako sa kamay kaya para akong kinuryente

"Wow! Cielo ang ganda at ang laki ng bahay niyo!" may fountain ulit sa gitna at isang glass ang unang haligi ng bahay talagang mapapa-wow ka sa ganda

Pagpasok namin sa bahay ay may tatlong kasambahay na nakahilera para bumati. Tumingala ako at nakitang may chandelier na kasabit at ang salas nila. Modern ang itsura at panalo ito dahil may ubod ng laking glass window na tanaw na tanaw dito ang Taal volcano!

"By the way this is Rara, she's also your boss"

"Yes Madam and welcome Ma'am Emprey" bati agad saakin ng mga kasambahay

"Ay nako Rara nalang po" nahihiyang sabi ko, ayoko ng pormal gusto ko ay walang bakod ang katayuan sa buhay

"Let's go Rara, saan mo gusto? Here sa living room or sa kwarto?" parang mas na intriga ako sa kwarto

"Sa kwarto" bigla siyang ngumiti ng nakakaloko

"Oh, really?" Nanglaki mata ko nung ma gets ko ang sinasabi niya

"Hoy! Kala mo ah? Ikaw ha! Anong iniisip mo?" tumawa lang siya habang nag lalakad kami papuntang kwarto. May kalakihan din ang bahay pero kumpara sa Mansion ay walang wala ito.

Huminto kami sa tapat ng isang white door pinagbuksan niya ako. Pagpasok, bumungad sakin ang salas ng kwarto at may malaking flat screen tv sa dingding. Binuksan pa niya ang isang pinto sa right side kung saan tumambad ang napakalaking bed na pabilog. May malaking TV rin dito sa loob. Kinuha niya yung remote na nakasabit malapit sa pinto, may pinindot siya at automatic na nag open ang isang makapal na curtain na natatakpan ang isang malaking glass window at sa labas ay balkonahe. Hindi ako makapaniwala napaka ganda!

"I hope you like it?"

"I love it" agad akong tumakbo at tumalon pahiga sa malaking bed. Napakalambot ang sarap naman dito! Ambiance palang nakakarelax na sobra

"Shasha inform Pauline na pakiready yung massage room, yes—that's great, bye" binaba niya ang parang intercom na nakapatong sa desk.

"Sino yun?"

"One of the maids, pinahahanda ko yung massage room para satin you want to relax right?" Napangiti ako sabay tango

Parehas kaming nakahiga sa bed at nanunuod ng tv, naisip ko sa edad niyang ito ay halos lahat mayroon na siya.

"Cielo?" tawag ko habang diretso ang tingin ko sa TV

"Hmm?" nakita kong tumingin siya saakin ng diretso "Bakit Rara?"

"Paano mo na abot ang lahat ng ito? Mula sa negosyo mo, sa mga achievements mo at sa katayuan mo sa buhay. Paano?" sa pagkakataong ito ay lumingon na ako sakaniya

"When my father died, I really did hit rock bottom. They said when you hit rock bottom there's no other way but up. I don't want to waste all of my fathers' sacrifices that is why I made my self better for him. Having your love ones to be your strength is one of the foundation of being a successful person. Conquering the struggles in life and make it your lesson. Rara, success is to be measured not so much by the position that one has reached in life thus, the obstacle which she has overcome, while trying to succeed"

Nakangiti lang akong nakikinig kay Cielo. Sa mga narinig kong sinabi niya ay mas lalo akong humanga sa babaeng ito. Mas lalo niya akong napa ibig sa pagkakataon na ito.

Isang katok ang nagpatigil ng pagtitig namin sa isa't isa

"Come in" sigaw ni Cielo

"Madam, the room is ready" isang magandang babae na nakasuot ng pang maid ang nasa tapat ng pinto.

"That's great! Tara na Rara"

Dali dali niya akong hinila patayo, habang naglalakad sa hallway naisip ko bigla kung may mga kasambahay bang nag kakagusto kay Cielo kasi napakaganda niya at kasama pa nila sa bahay. Siguro ay mayroon din dahil hindi maitatago ang nakakahumaling na itsura ng isang Cielo Lopez.

Pumasok kami sa isang room para mag palit ng bathrobe. Pagtapos ay pinag buksan kami ng isang connecting door pag pasok napa 'wow' ako sa ganda. Candle lights, rose petals tapos dalawang bed na para sa pang masahe. Nakaka antok ang ambiance!

"Sige na Rara higa kana" ginawa ko ang sinabi ni Cielo naka shorts naman ako pero naalala kong wala pala akong bra kaya naman ingat na ingat akong tanggalin ang robe ko sabay humiga. Maya maya pa ay sinimulan na akong masahiin, ay grabe napakasarap at worth it ang pagod ko araw araw kung ganito ang masahe sakin. Unting unting bumigat ang mga mata ko di ko na namalayang nakatulog na pala ako.

"Hey Sleepy head" isang tapik sa pisngi ang mag pamulat saakin

"Hmm—Cielo" bigla akong napa bangon ng maalalang nakadapa ako kanina at ngayon ay nakatihaya nako. Agad kong hinawakan yung dibdib ko "May damit pala ako. Teka bakit nasa kwarto na tayo?" bulong ko

"Binuhat kita papunta dito. Ang sarap ng tulog mo doon" napakamot nalang ako sa ulo ko

"Don't worry wala akong nakita diyan" sabay nguso sa katawan ko "Sinuotan agad kita ng bathrobe bago kita buhatin papunta dito" kinilig naman ako sa sinabi niya.

"Thank you" nag smile lang siya sakin

"Anong oras na ba Cielo?"

"It's already 11:30 mag lunch narin thats why—" lumabas siya ng kwarto at pag balik may bitbit na siyang tray. Hindi ko na napigil ang ngiti ko sakanya

"Ano yan?" Lumapit siya at nilagay sa harap ko ang tray

"That's why bitbit ko ito kasi kakain tayo ng lunch. Sabi mo gusto mo ma-relax diba? So, nag request ako ng lunch in bed para di kana tatayo" di ko napigilan sarili ko na yakapin siya dahil ang sweet sweet talaga ng leon na to!

"Oops! Enough na baka saan tayo mapunta" pinalo ko siya sa braso tumawa lang naman siya. Okay lang naman saakin kung saan man kami mapunta. Aysh! Manyak ka Rara!

Magkatabi kami sa bed habang may tray sa harap namin. Napapakagat ako sa labi para pigilan ngumiti dahil para kaming bagong kasal sa ginagawa namin

Sana mahal mo rin ako Cielo

Bulong ko sa sarli ko

"Are you done eating?" Napakurap kurap ako nakatitig pala ako sa kanya

"Ah—Oo tapos na" kinuha niya yung mga tray at binigay sa kasambahay na nasa pintuan. Pagbalik niya ay may bitbit siyang dalawang mug

"Hot chocolate?" Tumango at ngumiti. Kinuha ko ito sabay higop muntik ko ng mabuga dahil sa init! Napaso yung labi at dila ko ang sakit!

"Ay shems! Mainit!" bulalas ko

"Hey! Ano ba? hot chocolate nga eh. Let me take a look" lumapit siya saakin at hinawakan yung baba ko para naman akong kinuryente sa pagdampi palang ng daliri niya sa balat ko

"Yeah medyo red ang labi at dila mo. Next time mag iingat ka hipan mo muna" tumango lang ako dahil napako ang mata ko sa labi niya na tila nang aanyaya. Hindi ko namalayang konti nalang ang natitirang agwat saaming dalawa

Napalayo kami sa isa't isa nang tumunog ang phone ko na nasa side table

"Uhm—sorry" sabay kuha nito sa table tinignan ko kung sino ang istorbo—July?

"Hello?" isang malaking boses ang nagsalita

"Hello July napatawag ka?"

"Uh—sorry busy kaba ngayon?" Gusto ko sabihing istorbo ka dahil konti nalang ay mahahalikan ko na si Cielo pero di pwede.

"H-Hindi naman bakit?"

"Kasi ngayon yung birthday party ni Dad yung binigay ko sayong invitation?" Invitation? Ah, yung binigay niya nung nasa dorm pa ako na inamoy amoy ko pa.

"Oh—yes, ngayon ba yun?" hindi ko napansin ang paglipas ng mga araw dahil masyado akong masaya sa kasama ko araw araw

"Sorry pero kung busy ka Rara okay—" ramdam ko ang lungkot sa boses niya kaya nakaramdam ako ng kunsensya

"N-No, it's okay July. What time ba?" Time narin ito siguro para masabi ko kay July na tumigil na siya sa panliligaw sakin dahil may gusto na akong iba.

"Sure ka? Maybe I'll catch you at 6pm?" Tinignan ko oras 1pm na mukhang may oras pa naman

"Sure no problem"

"Alright! Thank you and see you"

Binaba ko na yung phone sa table pero pag harap ko sa kanan wala na si Cielo sa tabi ko

"Cielo?" Tumayo ako sa kama para hanapin siya. Nag lakad ako papunta sa sala ng kwarto niya pero wala siya

"Cielo?"

"I'm here" sinundan ko yung boses nandoon lang pala siya sa pinakagilid ng balkonahe

"Bakit umalis ka?" Tanong ko habang papalapit sakanya

"Cause it's an important conversation? Tsaka ayoko makinig" nag seselos ba siya? Yung tono niya kakaiba pero hindi. Baka guniguni ko lang at imposibleng magselos siya. Wala naman siyang gusto saakin

"Uhm, Cielo may lakad pala ako mamaya kasama si July susunduin niya daw ako ng 6pm so—"

"We need to go home para makaabot ka" napalunok ako sa boses niya dahil ang tapang ng dating nito. Kinabahan ako tuloy bigla.

"O-Okay"

Nandito kami sa loob ng kotse at walang imik parin si Cielo simula kanina. Hindi ko alam bakit bigla nalang nag kaganyan okay naman kami kanina. Ayokong isipin na ng seselos siya dahil baka hindi at umasa ako. Masasaktan lang ako.

"So you need a dress?" Sabi niya pagdating na pagdating namin sa room dumiretso agad siya sa walking closet

"Birthday daw kaya siguro kahit simple—"

"Here wear this" iniabot niya sakin ang red elegant dress may terno pang pouch na red din

"Maupo ka dyan tatawagin ko lang si Cindy"

Lumabas siya ng kwarto agad agad. Kakaiba siya kumilos parang ayaw niya pero parang gusto niya akong pumunta. Gusto ko talaga isiping nagseselos siya gusto ko ngang pigilan niya ako pero tinutulak niya ako. Baka nga one sided lang ito. Bumukas yung pinto niluwa nito si Cindy at Anne

"Cindy, Anne kayo na bahala kay Rara aalis muna ako. And Rara enjoy, I will catch you 12 midnight" sigaw ni Cielo sabay sara ng pinto. Lumapit naman si Anne sakin

"What happened Rara?" Nakunot noo ko, anong ibig sabihin niya?

"Nakakatakot si Cielo ngayon parang leon na naman siya" napabuntong hininga ako. Hindi ko siya maintindihan

"Baka pagod lang. Okay lang ba Anne? Kayo na mag ayos sakin ni Cindy?"

"Alright relax kalang diyan kami bahala sayo"

....

"Wow! you look wonderful Rara" bati sakin ni July habang pinag bubuksan ako ng pinto ng kotse. Sinundo niya ako dito sa Mansion. Simula nung lumabas ako ng kwarto ay hindi ko na nakita si Cielo. Hay! Ano bang problema niya? Okay naman kami kanina

"Thank you"

Sumakay siya agad sa kotse. Habang nasa biyahe puro tango lang ako sa mga kwento niya sinubukan din niyang hawakan ang kamay ko pero inaalis ko ito na kunwari ay may kinakalkal ako sa pouch ko.

Tumigil siya sa isang malaking puting bahay pero walang wala ito sa Mansion ng mga Lopez, puro ilaw at soft music ang maririnig pag pasok sa gate. Inalalayan niya ako papasok sa kanila

Naglakad pa kami kaunti papasok sa pinaka garden, maraming tao at halatang mayayaman sa pananamit ang mga ito

Lumapit si July sa isang lalaki na matangkad medyo may katabaan ito at mga tantsa ko nasa 50s na ito

"Dad!"

Agad akong hinatak ni July papalapit sa matandang lalaki

"Meet my friend Rara"

"Hello po! Happy Birthday po" bati ko

Pero tumaas ang kilay ng tatay niya. May nasabi ba akong mali?

"Rara?" Tanong nito habang titig na titig saakin "What's your last name?"

"Em—"

"Emperial, She's Rara Emperial, dad" agad na sagot ni July napakunot noo ako sakanya naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko kaya tumahimik nalang ako

"Nice to meet you Rara enjoy the night"

"T-Thank you po"

Agad akong hinila palayo ni July at umupo sa table kung saan wala gaanong bisita. Binaba niya yung juice sa table sabay umupo sa tapat ko

"Thank you"

"Welcome" parang medyo aligaga ng kaunti si July

"Uhm July? Bakit iba sinabi mong surname ko?"

"Rara, trust me okay?" lalong nagulo utak ko. Hindi ko alam dahilan bakit mag sisinungaling siya sa tatay niya pero bahala na I trust him naman.

Lumipas ang ilang oras na nagkukwentuhan kami at bo-bored nako dito tinignan ko ang oras 9 na ng gabi pero 12 pa daw ako susunduin ni Cielo. Pero pagkakataon narin siguro ito para masabi ko kay July pero paano kung magtanong siya kung sino? Ano sasabihin ko?

"July?" Agad siyang lumingon sakin

"May gusto sana akong sabihin sayo"

"Ano yun?" tanong niya habang humihigop ng juice

"K-Kaya lang medyo weird pero... ano kasi.." kinakabahan ako paano kung kulitin niya ako?

"Go on?"

"K-Kasi ano—gusto ko lang sana malaman mo na.. na may gusto akong i-iba" nakatitig lang ako sa mukha niya hinihintay ko ang pag babago ng ekspresyon niya pero nabigo ako.

"I know" bagkus ako ang nagulat sa aming dalawa

"A-Alam mo?" Tumango lang siya kaya lalo akong naguluhan

"Paano? I mean kailan?" Parang tambol ang puso ko di ko alam irereaksyon ko, kilala niya kung sino ang taong gusto ko

"Matagal na but don't worry hindi ako galit or what, manliligaw mo lang naman ako at ikaw ang sinusuyo ko. Well bad thing lang dahil hindi ako ang gusto mo" may pait ang ngiti niyang pinakita saakin

"I'm sorry late ko lang din nalaman na iba ang gusto ko. I'm sorry" napayuko ako, I feel bad about him

"Don't be. I want you to be happy Rara" nabuhayan naman ako sa sinabi niya. Talagang napakabait niyang tao sorry lang at hindi ko masasabi sakanya na si Cielo ang gusto ko. Ang mahal ko.

*********

Cielo

Hindi ako mapakali dito sa loob ng sasakyan sa totoo lang kanina pa ako dito nakaparada sa di kalayuan. Sinundan ko sila papunta dito at nag park sa hindi agad nakikita ni Rara. Gusto ko siyang bantayan dahil balwarte ito ni Reyes na siraulo baka kung anong gawin niya kay Rara at hindi ako makakapayag na may mangyari sa kanya. Mula sa pwesto ko tanaw ko ang gate ng bahay.

Maya maya pa ay nakatanggap na ako ng text kay Rara na nag papasundo na siya. Naghintay ako ng ilang minuto bago paandarin itong sasakyan. Tumigil ako sa malapit sa tapat nila at lumabas ng sasakyan pero di ko inaasahan ang masasaksihan ko

Kitang kita ng mata ko kung paano halikan sa labi ang pinakamamahal kong babae sa harapan ko. Tila nanigas ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ramdam ko ang pagiging manipis ng hanging hinihinga ko, nanginginig ang buong katawan ko't halo halong emosyon na hindi ko namaintindihan pero isa lang ang kayang sambitin ng bibig ko

"Rara—"

Humarap siya saakin pero hindi ko na napigil ang luhang tumulo sa pisngi ko

"Cielo—"

Na blangko ang isip ko, dali dali akong sumakay sa kotse at pinaandar ito na tila ba wala ako sa sarili ko...napakapit ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit. Para akong sinasaksak ng paulit ulit

"Aaaaaaaaaah!!!! Damn you! Damn! Damn!" pinag hahampas ko ang manibela sa galit at sa sakit. Hindi ko na alam huminto nalang ako sa lugar kung saan alam kong tahimik. Bumaba ako na tila ba may sariling mundo ang mga paa ko... napaupo nalang ako sa lumang bench kung saan ko siya unang nakilala.

Ayaw tumigil ng mga luhang tumutulo sa mga mata ko. Hawak hawak ko ang dibdib ko, hindi ko napigil hampasin ito ng sarili kong kamay. Gusto kong mawala yung sakit. Gusto kong tumigil ito—pakiramdam ko...nawalan ulit ako ng taong pinakamamahal ko

Sa lalim ng gabi, tanging iyak ko lang ang maririnig sa buong paligid "I'm so messed up" talo na ata ako sa gera na wala akong dalang sandata.

"Cielo—"

Napapikit ako sa boses na narinig ko. Ramdam kong gumuhit ang sakit sa dibdib ko

"Cielo b-bakit ka umiiyak?" Kinagat ko ang labi ko dahil gusto kong pigilan ang mga hikbi ko

"Cielo?" Tumayo ako at humarap sakanya. Hindi ko na kaya tumagal pa ito sa puso ko

"Huli na ba ako Rara?" hindi ko na maramdaman kung humihinga paba ako

"Cielo" pilit niyang inabot ang kamay ko pero inilayo ko ito.

"I never imagine in my entire life na iiyak ulit ako" pumikit ako habang nag sasalita dahil hindi ko kayang tignan siya habang nakikita niya akong nasasaktan

"Ganito pala kasakit" hawak hawak ko ang dibdib ko "Ganito pala ang mag mahal"

"Cielo" lalong tumulo ang luha ko ng marinig ang pagtawag niyang muli sa pangalan ko.

"Rara—" huminga akong malalim dahil di ko na kayang magtagal ito

"Nakakasawa na nsa isip ko lang nasasabing mahal kita"

Buong lakas kong hinakbang ang mga paa ko, gusto ko nang umalis. Ayokong marinig ang sasabihin niya pero hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan ako, nag matigas ako dahil alam ko lalo lang akong masasaktan

"Mahal din kita, Cielo" napangiti ako ng pag ka pait pait dahil sinasabi niya lang ito dahil ayaw niya akong masaktan

"Hindi mo na kailangang sabihin yan para lang mawala ang sakit na nararamdaman ko" naramdaman kong nilagay niya ang kamay ko sa tapat ng puso niya, napakabilis ng pintig nito

"Nararamdaman mo ba? Ikaw lang ang may kakayanang mag pabilis ng tibok nito. Hindi ko alam kung kailan, paano at saan pero pag gising ko. Mahal na kita"

Pumikit lang ako habang pinapakinggan siya. Hindi ko alam kung anong nangyayari

"Maniwala ka. Ang isang tulad mong leon ituring. Ang nag paibig sakin"

Parang isang malambing na huni ang pinakawalan niyang salita. Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Pinulupot niya ang braso niya sa leeg ko sabay hila saakin pababa upang muling maglapat ang aming mga labi. Ramdam na ramdam ko sa bawat halik niya na totoo ang lahat ng sinabi niya, na mahal niya rin ako. Ang labi niya mismo ang nag sasabi saaking maniwala ako. Humiwalay siya ngunit ang noo namin ay magkalapat. Tinititigan ko ang maganda niyang mukha, ang mga mata niya

"I love you, Cielo"

Isang halik muli ang binigay niya saakin

"I love you too, Rara"

Continue Reading

You'll Also Like

662K 18.6K 34
[GirlxGirl] Live, Love, Life Series | COMPLETE College professor si Ariella sa Colegio de San Luis. Kilala siya bilang isang terror teacher dahil nap...
85.8K 4.9K 32
"To serve and protect." More than just being an enforcer of the law, Police Major. Indigo Marudo- as part of the Philippines National Police is duty...
14.8K 725 22
STATUS: COMPLETED (BOOK 2 OF PUSHING THE LIMITS) She left her to fix things up, to come back when they are already mature and to be strong enough to...
144K 5.3K 37
[Medrano University Series #3] [ProfxProf] (Written in English/Tagalog) "You'll never know if you'll never try." - Reed Leighton Cruz A story of f...