Mr. Know it All [EDITING]

Oleh lesanlaine

6.1K 268 181

(c) lesanlaine All rights reserved 2015 - This the story of Leslie, her unfading feelings for her high schoo... Lebih Banyak

Prologue
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21th
22nd
23rd
24th
25th
26th
28th
29th
29.2
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
49.1
50th
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5

27th

79 4 0
Oleh lesanlaine

27

LESLIE

February 9, 20**
06:31am

Diwata: Oy girly! 8am ang klase. Pumasok ka ng maaga.

Nagising ako sa maagang text ni Diwata, hindi ko kasi natanggal ang vibration ng phone ko, tinext nya ako ng mga limang beses iisa lang naman ang message.

Ang aga naman ng pasok namin, ang usapan kahapon alas nuebe raw ang exam namin sa taxation. Grabe 'di ba? Parang foundation week lang noong isang buwan tapos ngayon February na at may midterm examination pa kami na makalaglag utak sa hirap. May accounting pa sa susunod na araw.

Pinagpuyatan ako ang pag-aaral sa taxation, 12:35 ng madaling araw gising pa ako.

Nahiya kasi ako sa mga katabi ko kapag taxation.

Si Gio, naka perfect lang naman sa out of 30 items namin na quiz bago ang exam.

Si Angel nakakuha ng 26 out of 30.

Si Monica naman naka 28, mas mataas pa nga score ni Diwata sa'kin, 27 sya tapos naka 25 lang ako.

Proud pa ako sa sarili ko na ako ang unang natapos kesa kay Gio, iniisip ko na nahihirapan sya sa pagsasagot, e lechebels mabagal lang pala talaga syang magsulat. Kainis e!

Kaya babawi ako sa exam namin mamaya, kung 8 ang exam papasok ako ng 7am. Sa library lang talaga ako tatambay, papasok nalang ako sa room kapag malapit na mag 8am.

"Hi, ate. Good morning" bati ni Kitt sa'kin na...lintek oh! Suot nya 'yung sash ko.

"Hoy, anong kabaklaan 'yan? Si kuya?"

Hanap ko agad, baka ako na naman ang pagalitan nya kapag nakita nyang ganito si Kitt. Siguradong wala na sina Mama at Papa sa bahay, ang sabi nila kagabi sabay silang papasok.
Itong kulugong bakla na 'to bukas pa ang pasok, may PTA kasi sa school nila kaya wala silang klase.

"Nasa labas kasama ni Jewel. Magbabasketball"

"Ano? Wala silang pasok?"

"Siguro. Bagay ba sa'kin, ate?"

Inalis ko sakanya lahat ng sash na suot nya. Ang agang sakit sa ulo ng kapatid ko e.
Kung walang pasok sina kuya, nasa school na naman 'yon mamaya. Tapos si Jewel ang iiwan nya kay Kitt. Hays.

Usapang Jewel naman tayo, madalas pa rin naman syang umuwi sa bahay namin kahit na minsan hindi kami nagpapansinan. Kakausapin nya ako tapos hindi ko sya papansinin. Nailang nalang ako bigla sakanya, pero may mga oras naman na nakakalimutan ko lahat ng sinabi nya sa'kin tapos nabalik kami sa dating kami.

Sana nga gano'n kadali ang lahat e.

"Hindi ka babae kaya tumigil ka sa mga ganyan mo"

"Sasali ako sa ganito kapag High school na ako. Mr. Universe" my pagtawa pa.

Aba. Nagiging lalaki na yata ang kapatid ko.

HIndi ko nalang sya inintindi, kailangan ko nang mag-ayos ng mga dadalhin ko mamaya. Magpapalit muna ako ng bag, ang lakas sa paningin ni Gio ang bag kong violet. Shoulder bag na violet pa rin naman, tingnan nalang natin mamaya kung mahirap nya pa sa'kin 'to.

Si Gio naman, nag-uusap kami pero hindi madalas. Iniiwasan ko rin ang isang 'yon e. Nakakagulat kasi sya.

Kapag kausap ko sya hindi ako makatingin sakanya, naiwas talaga ako. Kapag oras naman ng klase namin lumilipat ako ng upuan kung minsan. Ginagawa ko nalang dahilan ang malamig na pwesto sa unahan. Nakikipagpalit ako kina Diwata at Angel kapag wala si Dyosa.

Madalas ko na rin makita si Charmaine, simula noong manalo sya parang palagi ko na syang nakakasalubong sa hallway na kasama sina Nadine at Gio. Kapag sila ang magkakasama wala si Monica. Ayaw nya daw samahan ang mga 'yon, inaagaaw si Gelo sakanya.

Kahit anong gawin ko naman na pag-iwas kay Gio hindi rin nagiging successful, pinagtatabi pa rin kami ng prof kasi wala daw ako sa tamang seat plan.

Kapag naman lunch o vacant sya na rin ang kasama namin, minsan nga ko nalang. Umaalis si Diwata dahil kay Jerome. Si Angel naman nasama kay Joshua, si Aica nasa labas ng school dahil kay kuya.

Si Dyosa nakikisama kay Diwata. Ako talaga pinagkakaisahan ng mga 'yon e, sinasabi lang nila na nagkataon na may mga sariling pupuntahan sila.

-~-~-

Maaga akong pumasok sa school gaya ng sinabi ko kanina, papunta ako sa library ngayon. Ang lamig na nga sa daan ang lamig pa rin sa loob ng library.

Mabait naman ang librarian na pinagtataka ko, sa lahat kasi ng library na pinasukan ko ito na ata ang may pinaka mabait na librarian sa lahat.

Bitbit ko ang libro ko sa taxation, tapos 'yung violet kong bag.

Wala pa akong nakikitang mga kaklase ko dito.

Sa pinaka dulo akong row naupo, walang kahit sinong katabi.

May mga estudyante na rin dito pero mga ibang course sila. Lahat may mga hawak na libro o di kaya naman tablet.

Masakit sa mata kapag sa tablet nag-aaral.

Nagbabasa na ako ng libro nang may napansin akong naupo sa tabi ko isang upuan lang ang pagitan namin.

Hala. Si Harvey! Sa dami ng taong pwede kong makatabi bakit sya pa? Hindi nya yata napansin na nandito ako. Nagbasa lang ako ulit, kunwari hindi ko sya pinapansin, may mga dala syang papel na siguro sa exam rin nila mamaya.

Grabe, bakit naman ngayon pa kami nagkatabi hindi ako makapag focus. Napapatingin ako sakanya kahit pinipilit kong mag-aral na ayos.

"Kainis naman e" bulong ko nalang.

Umayos na ako ng upo at nagbasa na ulit. Kailangan kong ipasa ang taxation. Woah! Kaasar e.

"Oy"

Tiningnan ko kung sino 'yung nagsalita. Leche, si Gio. Ano namang ginagawa nya dito? Wala sa isip ko na pumapasok pala sya ng library.

"Bakit?" tanong ko sakanya.

Wala syang sinabi pero naupo sya doon sa may tapat ko.

Parang napatingin si Harvey sa'ming dalawa. Hala. Alam na nyang nandito ako. Aalis na kaya sya?

Hindi naman e, nandito pa rin sya.

Itong si Gio walang dalang bag o kung ano, may binabasa lang syang libro na ang nakita kong title 'Fairytail'. Manga yata 'yung dala nya e. Yon lang ang binabasa nya ngayon, hindi na nga ako pinansin.

"Oy, nag-aral ka na?" tanong ko sakanya. Parang hindi nag-iintindi ng exam ang isang 'to.

"Tinamad nga ako, nagbasa lang. Bakit?"

"Wala. Bakit 'yan binabasa mo?"

"Maganda 'to, basahin mo" inaabot nya sa'kin 'yung libro. Tinanggihan ako naman, aba uunahin ko pa ba 'yon?

"Ayaw. Hindi ako makakapasa dyan e"

"Madali lang exam, makakapasa ka"

"Utut mo! Huwag mo 'kong kausapin"

Balik sa pag-aaral na ako.
Nandito nga pala si Harvey, kahit anong gawin kong pagtatago sakanya nakikita naman nya ako. Naririnig pa nito usapan namin.

"Sabi ni Monica 7am ang exam, bakit wala pa?"

Eh? Napatingin ako sakanya. 7? Ang sabi ni Diwata sa'kin 8.

"8 ah"

"8 ba? 7 daw. Pinapasok ako ng maaga"

"Eh? 8 sabi ni Diwata pero pumasok lang ako ng maaga"

May mali yata sa schedule namin, hindi kaya pinagkakaisahan na naman nila kami? Imposible, si Aica makikisabwat sakanila? Wala rin naman syang alam sa mga nangyari no'ng foundation.

"Okay"

Balik sya sa pagbabasa, ang sarap pa ng pagkakaupo ng isang 'to. Chill na chill sa binabasa nya.

Tinitingnan ko nga si Gio na pasimple. Baka hindi naman sya nagbabasa nun hawak nya lang, pero nagbabasa sya...nakikita kong tinitingnan nya si Harvey.

Nga pala, dapat ko rin syang tingnan..ay! Titingnan ko palang nang biglang tumayo. Umalis ang loko. Ano ba 'yon.

"Para makapag focus ka daw"

"Ano na naman?" tanong ko kay Gio, inaasar lang ako nito e.

"Hindi ka kasi titigil sa pagsilay. Pinaalis ko"

"Asa po. Asa!"

Gusto kong sabihin na sya 'tong sumisilay sa'kin e. Nag aassume na nga ako na baka may gusto si Gio sa'kin. Bakit naman nya 'yon gagawin 'di ba? Depende nalang kung ayaw nya lang talagang pinagtitripan ako no'ng mga lalaking marino.

Pwede naman nyang sabihin na kami nalang para mas madali. Ewan! Mahirap rin naman mag assume.

"Pasado ka na, huwag na mag-aral" kinuha nya basta 'yung libro na binabasa ko tapos tinago nya.
Grabe 'to. "Kapag ako bumagsak. Patay ka sa'kin"

"Patay naman talagaa 'ko sa'yo"

"Ewan sa'yo" iba ang nagiging dating sa'kin ng sinabi nya.

"Bakit nag-iba ka ng bag?" tiningnan nya 'yung bag ko na nasa lamesa.

"Madumi na 'yung isa"

Pagpapalusot ko. Ayaw ko lang na hiramin nya ulit sa'kin. "Malinis naman ah, 'yung sa'kin nga hindi ko pinapalitan"

"Ngayon?"

"Sungit"

Ano pa bang gagawin ko dito sa library? Wala na akong pag-aaralan. Tinago na nya.

"Kung 7 ang exam, nasaan si Aica?"

"Ewan ko"

"Text mo"

Wala pa akong number nya, nakakalimutan kong hingiin.

"Wala akong load"

"Ano ba 'yan, gumagana pa ba phone mo?"

"Oo naman"

Display lang yata ang phone nya, hindi naman niloloadan. Tamad nga pala syang magtext.

-~-~-~-

Nagyaya si Gio palabas ng library, hindi raw sya makapag ingay sa loob. Baka nga nag-iingay sya sa hina ng boses nya hindi kawalan ang katahimikan.

"Saan tayo pupunta?"

"Kahit saan"

Wala pa kasi kaming kaklase sa room, nagpunta kami doon pero wala talagang tao. Pababa kami ngayon sa kahit saan nga kami magpunta.

Bahala na naman ang peg namin, Batman na Batman na naman kami ngayon. At sya na naman ang kasama ko, jusko talaga. Buti hindi sya sikat sa school kasi maiissue na kaming dalawa.

Daig nya pa si Mara, na bestfriend ko, palagi ko syang kasama.

Nakita ko sina Joshua at 'yung mga kaklase nya na may pinost sa bulletin board ng school.

"Joshua" tawag ko.

Papunta palang kami sa lugar nila pero narinig naman nya ata ako. Napatingin kasi sya. "Les, bakit?"

"Si Angel?"

Sigurado akong alam nya ang schedule ni Angel. "Tulog pa. 9 ang exam nyo ah. Ang aga nyo naman"

Tiningnan nya si Gio "Congrats, pare. Next year ulit"

Ano raw? Congrats? Nanalo ba sya sa pageant? Hindi ah. Hindi nga kasali e.

"Congrats saan?" tanong ko. Wala akong ideya sa sinasabi nya.

"Sya 'yung nanalo sa Dota 2 competition" pagturo nya pa doon sa bulletin na inaayos ng mga kaklase nya,

Kaagad tuloy akong pumunta doon sa pinagkakabitan nila.
Si Gio talaga?

Basa. Basa. Basa. Ay oo nga! Sya nga. Angelo Gabriel Manansala III ng BSA tapos si Harvey 'yung 2nd place.

Ay grabe, baka kaya umalis si Harvey kanina kasi hindi nya makayanan na nasa harapan nya si Gio na nakatalo sakanya sa dota. Grabe silang dalawa.

Pagharap ako kina Gio, nawala nalang si Joshua bigla.

"Nagdodota ka pala"

"Minsan"

"Minsan?" naglolokohan kaming dalawa "Nanalo ka nga, minsan?"

"Minsan nga lang, magaling 'yung Harvey. Lakas mag trashtalk"

Usapang trashtalk na rin lang, malakas nga magmura ang lalaking 'yon. Magkakaibigan sila ni Mon kaya alam namin, kahit sa basketball kapag naglalaro silang lahat nagmumura din daw 'yon.

"Gumagaya ka naman?" binibiro ko lang naman sya.

"May sarili akong version. Yung mas mabait na pagmumura"

Ay sus. May mas mabait ba na pagmumura? Joke 'yon grabe "Ano naman?"

"Secret. Kapag nag dodota lang pwede"

"Sus. Parepareho lang naman kayong dota player"

Isama nila si Jewel. Hindi ko pa naman naririnig na magmura ang lalaking 'yon pero dota player din 'yon e, pareho lang rin silang magmura. Iisa lang rin ang pinagkakasunduan.

-~-~-~-

Nagpunta kami ng cafeteria ni Gio. Kasama namin si Jason ngayon, sa labas ng school kami nakatambay, pwede kasing tumambay lang talaga kami dito dahil na rin kay Jason.

"Kasali ka doon sa dati 'di ba? May picture ka doon sa labas"

Nagkukwento si Jason na napanuod nya ako no'ng nag pageant sa school. Nakita nya kasi ang picture ko sa labas ng school kaya nakinuod sya kasama daw 'yung ate nya.

"Kasali nga ako, pati si kuya Ralph. kilala mo?"

"Hindi, si Gio lang kilala ko"

Botong boto siguro ang batang 'to kay Gio. Type na type ng ate nya e.

"Gio? Close kayo?"

Kung maka-Gio kasi mas matanda yata sya kay Gio napagkaitan lang ng tangkad.

"Oo naman, 'di ba Gio?"

"Sobra. Sa'yo na 'to"

Binigay ni Gio kay Jason 'yung manga na binabasa nya, hanggang ngayon dala nya pa rin ang libro ko sa taxation.

"Ito 'yung may Natsu? Wow. Salamat"

"Basahin mong mabuti, maganda 'yan"

Binuklat ni Jason 'yung libro "English naman e, ang hirap intindihin, Gio"

"Kaya mo 'yan"

Ay jusko po. Bigyan ba naman ang bata ng english na manga? Sana lang maintindihan ni Jason ang mga nakasulat doon.

"Gusto mo 'yon ang basahin?" turo ko doon sa libro ko ng taxation.

"Anong kwento?" pagtatanong ng bata.

"Walang kwento, madaming numbers" sagot ko.

"Ayoko. Gusto ko kwento"

Ang kulit ng batang 'to, palalakad lakad sya sa canteen nila at sasayaw bigla ng NaeNae. Sinasabi nya pa kay Gio na marunong na syang magsayaw.

"Talo ka pala ni Jason e" pag-asar ko sakanya, tiningnan nya lang ako. Yung palagi nyang tingin kapag gusto ka nyang kainin ng buhay. 'yung kinatatakutan ko na tingin ni Gio "Joke. Bati tayo" pahabol ko. Baka sakaling mag-iba ang ihip ng hangin.

"Ako nagturo dyan"

"Weh? Sample nga"

"Hahanga ka lang, huwag na"

"Yabang!"

Hindi ko naiimagine na sumasayaw sya. Parang kalansay na sasayaw si Gio. Kawayan na natatangay ng hangin. Si Ralph pwede ko pang panuorin magsayaw, kakaiba ang isang 'yon e kapag nakakarinig ng kanta nasayaw agad. Kung anu-anong steps pa ang ginagawa, nag cacramping nga minsan.

Magtatagal sana kami sa canteen nina Jason kaso sinabihan kami ni Jason na parating na 'yung ate nya, dito kakain sa canteen nila.

"Alis na tayo" paghatak sa'kin ni Gio palabas ng canteen, hinila nya talaga ako palabas.

Hindi na nga ako nakapagpaalam kay Jason.

-~-~-~-

Grabeng umiwas si Gio sa mga admirers nya. Talagang nagmadali syang lumabas ng canteen.

Nakakaloka lang, nang makabalik kami ng campus. Bakit ang daming nakakakilala sa'kin ngayon? May grupo ng mga babae na lumagpas sa gilid namin ni Gio tapos bumalik sila, binati ako.

"Hi, ate Leslie. Congrats" 'yan 'yung sinabi nila kanina.

Nagpasalamat lang ako at ngumiti sakanila, hindi ko kasi kilala.

"BSA 'yon, mga first year"

"Weh? Bakit mo kilala? Chiks mo 'no?" kilala nya kasi 'yung mga babae, ako nga hindi e. BSA pa daw ang course ah, wala akong kaclose na first year namin.

"Chiks? Baka nga, nakikita ko 'yan sa kabilang room. Chiks daw"

"Kalma, kuya. Iiyak ka na e"

Todo tanggi sya sa chiks na 'yon. Nang aasar lang naman ako.

"Kuya ka dyan, 17 lang din ako"

"Sus. Naiinis!"

Bet na bet kong inaasar sya, ang bilis mainis e. Konting pag-asar ko lang sakanya ang dami na nyang sinasabi.

Naglalakad kami sa loob ng campus, pero wala pa kami sa building namin, mag 8 palang nga e. Ang aga pa talaga namin sa school, ang pag-aaral ko nauwi sa pag gala dito.

Naging kamag anak na ako ni Dora. "Ako na ang dalagang Dora" sabi ko kay Gio. Naka bag akong violet.

"Dalaga daw e"

"Oo kaya tapos ikaw si Boots, yieee. Bagay sa'yo, Gio"

Hindi sya nainis pero tumingin lang sa'kin, poker face si III.

"Hindi mo mahihiram ang bag ko, pambabae sya ngayon"

"Kung mahiram ko?"

"Sige, gawin mo. Magmumukha kang kafederasyon ni Dyosa"

Ang dalawa 'yon kasi naka shoulder bag talaga. Hindi gumagamit ng backpack.
Kung minsan mga naka blazer pa, malamig kasi sa room namin. Kapag naka-business attire lang kami hindi sila makapag bihis babae.

Niloloko ko silang dalawa na pwede na silang maging mga tunay na lalaki. Nasusuka lang sila sa mga sinasabi ko, may picture nila akong dalawa tapos pinost ko sa Facebook. Na-block ako ng isang araw.

"Ay leche, naambon" nasabi ko nalang, paulan pa nga oh.

"Tara sa loob"

"Saglit naman, atat kang maglakad?"

Naghahanap pa ako ng payong sa bag ko "Kukuha lang ako ng payong. Chill ka lang muna"

Hindi pa rin naman malakas 'yung ambon,pero nararamdaman ko na sya. Pumapatak na naman ang ulan sa ulo ko, tawa tayo.

"Bagal"

"Aba, sorry ah? Ikaw kasi walang payong. Sana dinala mo 'yung bag mo"

Wala pa yata akong dalang payong, naiwan ko pa sa isang bag ko. Wala na ngang payong na nagpakita sa'kin ngayon. Naloko na.

"Ano?" tanong ni Gio, nakatingin lang kasi ako sakanya.

"Nakaligo ka na sa ulan?"

"Tara" hinigit nya'yung kamay ko bigla, leche lumalakas na 'yung ambon.

"Ate Leslie"

Napatigil ako, sinong tumawag sa magandang pangalan ko?

"Oy, hi. Bakit?"

Biisan mo naman magsalita, maliligo na ako sa ulan. Sya 'yung lalaki sa may paradahan ng trike.

May kinuha sya sa bag at binigay sa'kin. Payong. "Mas kailangan nyo yata. Sa'yo nalang"

"Seryoso ka?"

"Opo, hindi ko naman kailanga. Sige, ate may klase pa ako. Late na nga e. Bye!"

Ay grabe, "Ang bait na bata, Oy, salamat" sana narinig nya.

Sino nga ulit 'yon? Wala akong maalala na pangalan. "Hoy! Magpapakamatay ka ba?"

Gusto yatang magkasakit ni Gio, hindi sya sumukob sa'kin. Naulan na kaya, malayo pa kami sa building namin. Loko rin ang isang 'yon e. "Hindi ko rin kailangan nyan"

Grabe sya, nagkamagandang loob ng nga 'yung bata sya pa ang may ayaw makipayong. Bahala sya. Nakonsensya naman ako kasi nababasa rin 'yung libro ko. HAHAHA.

Hinabol ko sya kahit mas nauna na syang maglakad, "Kapag ikaw nagkasakit konsensya ko pa. Kapag nasira ang libro ko, konsensya mo. Huwag na tayong magkonsensyahan, ah?" napaliwanag ako ng maayos sakanya, pero pilit talaga syang naalis sa payong.

Ayaw nyang magpapayong, bahala sya. "Hindi ako mamamatay sa ulan"

"Ang arte mo, Gio. Ako na nga 'tong concern, bahala ka"

Kinokonsensya ko lang naman sya, ang sama na nga ng tingin ko sakanya e. Aba, minsan na nga lang may nagmagandang loob sa'kin tatanggihan ko pa ba? Sya naman ang choosy.

Hinayaan ko na syang maglakad na mag-isa, bahala talaga sya. Gusto nyang magpakabasa, edi go. Hindi ko sya pipigilan. Kapag sya nagkasakit, edi wow. Bahala syang maging absent sa exam week.

"Ito na, susukob na. Iiyak ka na e"

"Huwag na. Hindi mo kailangan 'di ba?"

"Hindi mo naman sinabi sa'kin na close pala kayo nung Dylan"

Dylan? Sya ba 'yung may ari ng payong? Kilala nya pala e. "Kilala mo rin?"

"Nagpakilala sa'yo ah. No'ng isang araw"

Ay leche, naalala ko na naman 'yung ginawa ni Gio. "Bakit gano'n? Ang init pero naulan, ang lamig pa"

"Pati panahon nag aabnormal, ang gugulo kasi ng tao ngayon. Daming epal"

"Gaya mo?"

"Natawa ako"

Pasan ba nya ang daigdig at ganyan syang maghimutok?
Kahit papano naman gentleman sya ng bahagya, sya na ang naghawak doon sa payong, ang liit ko raw kasi. Nadadali na sa ulo nya 'yung payong.

"Buti hindi bag ko ang kinuha mo"

"Mamaya, antayin mo lang"

Grabe naman sya, pati 'tong bagong bag ko hindi nya palalagpasin? Hihiramin rin sa'kin.

-~-~-~-

At dahil nga sa maaga pa, hindi pa rin kami pumupunta sa room. Nandito kami sa first floor, nakaupo malapit sa bulletin board. Nakaupo talaga kami sa sahig, wala kasing bench dito.

May mga estudyante na nagkakabit ng mga decorations para sa Valentine's day, nakikita ko na 'yung mga puso na 'yan.

Nakita ko rin 'yung mga babaeng bumati sa'min kanina, nandito na rin sila? Bilis maglakad ng mga 'yon ah.

"Naniwala ka na?"

"Huh? Oo"

Hindi ko pa naintindihan 'yung sinabi nya, nakatingin kasi sya doon sa mga babae na nakasalubong namin kanina kaya ko naintindihan na sila ang tinutukoy nya.

"Tulungan mo, Gio"

Lahat ng nag-aayos e mga babae, umaakyat pa doon sa hagdan para isabit 'yung mga ginawa nilang hearts na 'yan, naawa naman ako kasi puro mga babae sila.

"Saglit"

Hindi ko inaasahan na tutulungan nya talaga 'yung mga yon. Abala pa sya sa pagpupunas sa braso nya na nabasa kanina. Pinanuod ko lang silang magkabit ng mga kung ano man 'yon.

Nakakatuwang tingnan, nagulat kasi 'yung mga babae na may lumapit bigla sakanila. Tinulungan talaga sila ni Gio.

Tutulong rin sana ako kaso mas pinili kong maupo nalang dito at basahin 'yung libro ko na iniwan na ni Gio.
Nakarinig nalang ako ng "Yieee" habang nagbabasa, tiningnan ko sila tapos nagtatawanan 'yung mga babae. Si Gio nakangiti lang.

Siguro mas nagkakagusto sakanya doon sa mga babaeng nandoon, may mga higher year rin akong namumukhaan sakanila e. Baka bet si Gio. Napaganda pa pala ang pagsasabi ko na tumulong siya.

~

Diwata: Girly, nagreply pala sayo?

Ako: Oo, nagtatanong kung sino ako.

Diwata: Ano say mo?

Ako: Wala. Anong sasabihin ko?

Diwata: Ikaw ang kasparks nya. HAHAHA replyan mo girl.

Ako: Loka, kapag nainlove sakin yon. HOY, ANONG ORAS EXAM SA TAX?

Natagalan sya bago makapag reply.

Diwata: 9 hahahahahahaha

Ako: Patola ka bakla. 7 nandito na ako

Diwata: Okay lang yan, sinong kasama mo?

Ako: Wala!

Diwata: Ha? wala? why?

Hindi na ako nagreply sakanya. Loko talaga 'yon e, lagot sya sa'kin mamaya.

-~-~-~-

Nasa room na kami, magkakatabi kami nila Diwata at Gio. Wala pa si Aica at Angel.

Tinanong ko kanina kung may pinakilig kanina si Gio, wala naman daw. Nang-aasar lang 'yung mga babae. Ayaw nya pa talagang umamin, may nagkakagusto lang sakanya na ayaw nyang sabihin.

"Buti hindi mo iniwasan 'no?"

"Wala nga kasi"

"Tanggi pa more, wala raw"

Inaasar ko pa rin sya, pinipiga ko baka mapaamin ko. Kaso wala akong mapiga.

"He was a boy, she was girl. Can I make it anymore obvious? He wanted her but he'd never tell but secretly she wanted him as well"

Kumakanta si Diwata, bigla kumanta. Hawak nya ang phone nya. "Ano na naman 'yan?"

"May bago kasi akong app sa phone,musixmatch. May lyrics, oh. Kinakanta ko lang"

Naka earphones din sya, nakita ko naman na may binabasa nga syang lyrics.

"Anong kanta?"

"Skaterboy, ang ganda kaya lalo na ng lyrics"

Kinikilig yata sya doon sa kanta, nakangiti habang kumakanta. "Inspired ka 'no?" tanong ko sakanya.

"Ay, hindi girl. Baka ikaw, napapansin araw-araw kang gumaganda"

"Che, huwag mo 'kong niloloko. Alam kong malaki eyebags ko ngayon"

Puyat nga kasi ako kagabi kaya ang laki ng eyebags ko, no'ng isang araw pa nga ako puyat.

"Patingin nga" makiki epal pa 'tong si Gio e.

"Huwag na. Mukha akong panda"

"Edi ayos, may panda kami"

Inaasar nya talaga ako "Anong kami? Hello, ikaw lang Giobels. Di kami talo ni Leslie"

"Edi ako lang, patingin. Harap ka dito"

Hindi pa rin ako humarap sakanya. Malaki nga kasi eyebags ko, hindi pa ba nya nakita kanina?

-

Natapos naman kami sa asaran ng eyebags na 'yan, nakita rin naman ni Gio. Lumipat kasi ng upuan kaya nakita na nya, mukha nga raw akong panda.
Puyat na panda daw.

Wala pa rin kaming professor.

Si Aica na ang katabi ko ngayon, nag-iba kami ng pwesto kasi ako na ang nasa pagitan ni Gio at Aica. Pareho silang busy sa mga cellphone nila.

Si Gio, napapakunot noo habang nag scroll up lang ng scroll up.

Si Aica naman napapangiti, alam ko na kung sinong kausap nya.

"Si kuya na naman?"

"Huh? Ah, oo. Wala pala syang pasok"

Tama ako, kahit hindi manghula tama naman ako. Wala na yata silang ibang katext, silang dalawa nalang palagi.

"Ikaw, anong ginagawa mo?"

"May nag add sa'kin, 'di ko kilala"

"Patingin nga"

Sinilip ko kung ano 'yung sinasabi nyang hindi nya kilala na nag add sakanya, buti nalang malapad ang cellphone nito. Madali kong nakita.

Sino si Jeanelle Cuazon at Annika Sullivan? Marami pang FR na nandoon, hindi nga yata sya nag aaccept.

Sino kaya sa'ming dalawa ang nag add, ako o sya? Naging friend ko sya nang hindi ko nalalaman. Kaloka.

"Daming chiks, accept mo"

"Ayoko"

"Ay grabe, maging mabait ka naman sakanila. Kung ako inadd ng mga 'yan, accept lang ng accept"

"Oh"

Binigay nya sa'kin 'yung phone nya "Anong gagawin ko dito?"

"Accept mo"

Ako talaga? Bahala sya, kinuha ko sakanya 'yung phone at inaccept ko lahat ng nag add, nangalay ako sa pag accept. Ang dami pala.

Hindi nya alam na nakapag facebook na ako dito sa phone nya, nilog out ko muna 'yung account nya. Hahaha.

"Facebook ko ba 'yan?"

Ay patola, nakikitingin rin sya sa ginagawa ko. "Sa'kin, ang dami kong inaccept e. Bayad sa pagod"

"May nag add sa'yo"

Nakikita ko nga e, nakikita ko. Naiilang ako, oo naiilang ako sakanya. Pwede naman na hindi sya ganyan kalapit sa'kin, leche oh.

"Layo layo"

"Bakit?"

"Wala"

Makikita nya kung paano ako mag ninja moves e. Buti nalang busy rin si Diwata sa pakikipaglandian doon sa likuran, walang mang-aasar.

Tiningnan ko kung sino 'yung mga nag add. Lima lang naman sya kaya hindi mahirap iaccept. Nakikitingin pa rin talaga si Gio.

Dylan San Miguel
Jeanelle Cuazon
Annika Sullivan

Yon din ang nag add kay Gio ah, maliban doon sa Dylan. Si batang marino yata 'yon.
Inadd din ako ni Charmaine at Ralph, loko 'yon hindi pala kami friends sa fb.

"Bakit inaccept mo 'yung Marino?"

"Bawal? Magpapasalamat ako doon sa payong"

"Nakapagpasalamat ka na nga e"

Ay ganon? Bawal ulit-ulitin?
Wala na akong ibang ginawa sa facebook ko, baka sabihin ng isang bata dito masyado na akong nag fifeeling na phone ko 'to.

-~-~-~-

Pinagpalit 'yung oras ng Filipino at Taxation namin ngayong araw, nagklase kami kanina sa Filipino sa Friday na daw ang exam namin.

Nagbigay rin si Ma'am ng finals project, gagawa kami ng music video na itatranslate sa tagalog ang isang english na kanta. Ang hassle. Pero masaya, kasama ko sina Aica.

Sa oras naman ng taxation namin nauna ang exam, nakapag exam na kami pero hindi ako sure sa mga sagot ko.

Nasa labas na nga ako ng room ngayon, naunang matapos si Gio pero wala sya dito sa labas.

Sina Diwata ang kasama ko. "Si Giobels?"

"Malay ko. Kinakabahan ako sa exam, may sagot kang 56?"

"Wala, 6 lang ang natandaan ko"

Hala. Paano na ang future ko? Wala silang sagot na 56. Walang sagot si Angel at Aica na 56. Ako lang yata at sarili kong formula ang may 56. Hays.

Nakaupo ako sa may sahig, nakasandal sa may poste dito. Katapat ko sina Diwata na pinapakialaman ang phone ko, makikitingin daw sila ng tweets.

Iniisip ko pa rin 'yung 56 na 'yon e.

Nakita ko si Gio na papalapit sa pwesto namin, naglalakad mag-isa may hawak na ballpen.

"Saan ka galing?" tanong ni Aica sakanya

"Sa kotse, naiwan ko palang bukas 'yung headlights"

"Ayan kasi!"

Headlights? Grabe, anong oras na tapos ngayon nya lang napatay? Saya!

Nakiupo rin sya sa tabi ko pa, ako talaga nakakahalata na. Sa tabi ko na naman? Ayaw nyang lumipat sa iba, sawa na ako sakanya.

"Musta exam?"

"May sagot kang 56?"

Nag-isip sya "Wala, 6 lang"

"6? Hahahaha, kainis! Ako lang yata may sagot na 56"

"Hindi 'yan, magtiwala ka sa sagot mo"

Tiwala sa sagot, leche kapag ako bumagsak sa exam. Sisisihin ko si Diwata sa pagpapasok ng maaga sa'kin. Saan ko ba kasi nakuha 'yung 56?

Nakalabas na rin lahat ng mga kaklase namin sa room...

"Nasa white board daw ang reporter sa accouting next week sabi ni Ms. Espinas" si seatmate ko dati na nerd ang nagsabi sa'min, pauwi na dapat ako nabitin pa dahil sa reporters na 'yan.

Si Angel na nga pinatingin namin kung sinong mga reporters.

-

"Isang row 'yon, kasama mo si Monica, Gio at 'yung si nerdy na sinasabi mo"

Isang row? E kami rin 'yung nasa unahan na row.

"Tayo unang reporter? Ang saya" sabi ni Aica.

Sobrang saya nga "Anong irereport?" tanong ni Gio kay Angel.

"Chapter 15 yata 'yon o 22, Lower of cost and value realizable: Measurement at lower of cost and NRV. Accounting for inventory write down and reversal of writedown--"

Hindi pa nya tapos ang sasabihin pinigilan na sya ni Aica "Alam ko 'yan, mahaba 'yan e 'yung ay inventory na 'yan"

"Isang chapter talaga? Kahaggard" sabi ko. Ang dami naman nun.

Kami na talaga ang magpapaliwanag. Lecheng reporting.

Si Gio walang reaksyon, parang masaya pa sa reporting.

Nagtatawanan sina Diwata habang hawak 'yung phone ko. "HOY, AKIN NA NGA PALA 'YAN" hindi na binalik sa'kin e.

"You're my kind of perfect, ay bongga!" kumanta pa bago ibalik sa'kin 'yung cellphone.

"Anong kaartehan 'yon?" tanong ko sakanila.

"Nag tweet kami. Ang saya"

Hindi ko na pinansin 'yung dalawa. Uuwi na ako para matulog.

-~-~-~-

Wherever I go, whatever I do stay by my side 'cause baby, it's always better with you
In the middle of the pouring rain,
in the crowded subway train,
when I'm just about to go insane you make it go away

When I'm alone you're where I belong
'cause baby, it's better with you. ♪

Pag-uwi ko naman sa bahay si Jewel ang nag coconcert, nakaupo sa sala at kumanta habang may binabasa. Hindi na sya natapos sa pagkanta na 'yan, araw-araw na yata syang kumakanta sa bahay.

Iibahin na nya ang gusto nyang career paglaki. Huwag na raw akong magulat kapag nakita ko sya sa TV balang araw.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi naman nag-iiba ang tono ng kanta nya. Paulit ulit naman, minsan kanta pa ni Carly na memorize ko na dahil sakanya.

"Exam week nyo rin?"

"Yes po"

"Si kuya?"

"Tulog"

Oh, buti naman wala syang pinuntahan ngayon. Ako rin matutulog na.

"Kumain ka na?" tanong nya sa'kin.

"Oo"

Isahang sagot lang at tanong kung minsan kapag mag-usap kami ni Jewel. Hindi na katulad ng dati na ang dami nyang sinasabi.

"Sayang, inantay pa naman kita"

"Edi kumain ka mag-isa, kaya mo naman"

"Kakain na nga"

Pumasok na ako sa kwarto, hinding hindi ako sasabay sakanyang kumain. Depende kung sa gabi at umaga, kasama kasi sina mama. Pero kung kaming dalawa lang, hindi nalang.

--~~--

Baby, I don't wanna spend my life on trials
With something I cannot do...Lalalalala

Maybe it's the chills that really gets me on..lalalaala

Burn another bridge, break another heart
try again it will only fall apart

Infatuation, not seeing the rest of you
is getting the best of me ♪

Anong lalala?

"Hoy! Paulan na naman" sita ko sakanya, hindi naman ako makatulog sa pagkanta nya e, rinig ko sa kwarto ang concert nya.

"Edi masaya para malamig"

"Lalala ka dyan, kasama 'yon sa lyrics?"

"Hindi" tumawa sya "Hindi ko kasi maintindihan"

"Gumamit ka ng musixmatch"

"App?"

"Oo, subukan mo"

'yon lang sinabi ko sakanya at bumalik na ako sa kwarto.

Wala naman kaming pag-uusapan ni Jewel, itutulog ko nalang 'to para mabawasan ang laki ng eyebags ko.

Magsisisihan kami ni Jewel mamaya kapag hindi ako nakatulog.

February na nga pala ngayon, ilang araw nalang Valentine's na, lecheng patola. Sasama pa nga pala ako kay Jewel.

---

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.4M 32.5K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
Lilac Mist Oleh ‎

Cerita Pendek

701K 23.3K 80
an epistolary
350K 8.4K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...
1.6M 49.2K 200
An epistolary