48th

96 4 4
                                    

48

Leslie

Lily Collins.

Well, hindi pa naman ako nagpapalit ng pangalan. Leslie Benitez pa rin. Kung sino si Lily Collins iyan ang inaalam ko ngayon. Isang araw, magkatext kami ni Charmaine. Pinag-uusapan namin 'yung bagong elect na officers ng JPIA kasi malapit na rin magtapos ang school year kaya papalitan na 'yung mga magtatapos na officers. Ilang buwan naman fourth year college na kami. Jusko, hindi pa ako handa. Kailangan ko pa ng mas maraming libro na mababasa. Pakiramdam ko kasi hindi ko pa kayang mag trabaho kahit sa totoo lang malapit na kaming makatapos sa kolehiyo.

"Iyan nga yata 'yon, maganda naman ah" sabi ni Angel. Pareho kaming nakatingin doon sa picture ng babae na may pulang buhok. Hindi lang pala basta-basta si Lily Collins, akala ko nakatira siya sa Alabang o kaya naman kapitbahay nila Gio. Artista pala ang lola niyo.

"Sus. Siya na sikat. Okay lang, malayo naman siya sa Pinas" kinakausap ko na naman ang aking sarili. "Si Leslie hindi maganda magselos, ano ngayon kung gusto ni Giobels mo si Lily Collins? Hindi ka rin naman papansinin ni Jeff Chan kahit pareho kayong nasa Pinas"

Nakatingin ako sa mga mata ni Angel, ganoon din siya sa'kin. "Grabe ka sa'kin, Pastrana!" no'ng isang araw ko lang siya nasimulan na tawagin sa apelyido niya. Simula nang tawagin siya ni Ralph na Pastrana. Nahawa na ako kay Ramos, siya rin naman ang palagi kong kasama ngayon tsaka si Vincent na hanggang ngayon tahimik pa rin.

"Totoo naman, ah" giit pa nito. "Oo na, ako na 'yung hindi papansinin ni Jeff Chan"

"Pero intresado ka pa rin kay Lily. Binanggit lang siya ni Gio, isang beses siguro, nagandahan siguro siya sakanya. Don't worry, ikaw naman ang girlfriend. Keri 'yan"

Napapatingin lang ako sakanya kapag nagsasalita, "Kailan ka pa naging si Diwata the second, Angel?"

"Ewan. Na-adapt ko lang 'yung way niyang magsalita"

Nagsimula na siyang magbuklat ng libro. Nasa library kami para mag-aral. Kaming dalawa nga lang ang tao dito, lumabas 'yung librarian. Wala siyang pasok ngayon pero nandito siya sa school. Nagpapasama siya sa'kin papunta sa school nila Jeff. "Bakit ka nga pala pupunta sa school nina Jeff?"

Binalewala ko na si Lily Collins. Langya si Gio, isang araw nang hindi nagpaparamdam sa'kin.
Bawal na niyang idahilan ang Dota 2, tumigil na siya sa paglalaro nito.
Kung sina Ralph naman ang idadahilan niya, magkaklase kami, nandito si Ralph sa school. Pwedeng nasa condo niya sina Paul at nagkukulitan sila ngayon.

"Pinatawag lang ako. Hindi ko rin alam kung bakit"

"Hala ka, bakit ka naman ipapatawag sa school nila. May atraso ka ba doon?"

Nakakapagtaka naman iyon. "Joke" sabi niya pero seryoso pa rin ang mukha. "Hindi talaga ako pupunta kina Jeff. Si Joshua kasi" tumigil siya sa pagkukuwento.

"Si Joshua ay?" pagtutuloy ko. "Pupunta siya ngayon dito. Bibisita lang daw, gusto niya akong makita"

Kawawang Angel.
Ang sabi niya sa'kin wala nang pag-asa na bumalik sa school na 'to si Joshua. Talagang doon na siya magtatapos ng pag-aaral sa nilipatan niyang school. At tungkol naman sa panunuyo sakanya ni Joshua, wala na. Wala ng pag-asa na maibalik pa iyon. Hanggang kaibigan nalang silang dalawa.

"Kasama niya ba 'yung babae niya?"

"Siguro. Hindi niya 'yon babae. Kaibigan niya din iyon, Leslie" pinagtanggol niya pa 'yung lalaki. "Angel, kahit ano'ng gawin kong isip gano'n pa rin 'yung lumalabas. Pinagtripan ka lang yata, eh"

Kung ano man ang dating ng sinabi ko sakanya iyon na 'yon. Wala na akong magagawa kung masakit man ang mga sinabi ko sakanya ngayon. "Siguro" tipid niyang sagot.

Mr. Know it All [EDITING]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ