8th

100 6 5
                                    


8

Konektado talaga ang dugo at laman namin nila Diwata, Dyosa at Angel. Tama lang naman ang hinala ko na may nangyayari na namang kababalaghan sa pagitan nilang tatlo.

Kilig na kilig si Dyosa sa nangyari raw kanina, naikwento na kasi ni Diwata sakanilang dalawa ni Angel na mina-match nya kaming dalawa ni Gelo. Nakatingin lang pala sila sa'min kanina, nakita nila na nag-uusap kaming dalawa kaya ayun, hindi na napigilan ni Diwata ang sarili dahil natutupad na raw ang mga plano nya.

Plano nya mukha nya, nag-usap lang kaming dalawa may forever na agad? Ano 'to rush hour? Hindi ba pwedeng magpabebe muna ako saglit, hindi pa nga kami close. Inisip ko na rin na kaya nya lang ako kinausap kasi wala si Aica, naiinip na rin siguro 'yon kaya hindi na napigilan na magsalita.

Ako rin naman, makakatulog ako kung hindi nya ako kinausap.

Inaya na ako nila Angel na lumabas ng room, wala na rin naman kasi kaming klase doon. Mamaya pa naman ang PE namin kaya pwede pa kaming kumain at maglagalag kung saan-saan.

"Bakit kasi hindi mo sinabihan na sumabay nalang sa'tin sa pagkain" naghihimutok si Diwata, gusto nya kasing makasabay namin si Gelo sa pagkain ngayon. Wala rin naman daw si Aica kaya baka pumayag sya, e kaso nga kanina ang bilis nyang lumabas ng room. Nawala nalang kaagad sa paningin ko. Wala man lang pasabi na aalis na sya.

"Kung hinahanap mo nalang, tapos sabay kayong dalawa" sagot ko sakanya.

Nakakainit ng ulo ang sikat ng araw ngayon, wala pa rin kasi kaming makakainan. Hanggang ngayon problema namin ang kakainan kahit na maraming food stand sa loob at labas ng campus.

"Si Diwata nga siguro ang may gusto kay Gelo" dugtong naman ni Angel sa sinabi ko. Hindi na 'yon nakakapagtaka, lahat naman ng lalaki nagugustuhan nya, ayaw lang nya doon sa guard ng school namin, matanda na kasi.

"Loka ka, ikaw yata talaga ang may gusto kay papa Gelo. Inaasar mo lang si Les, iba ka 'te!" isama nyo pa ang pang-aasar ni Dyosa sakanya, pinagtutulungan namin siya. Pero wala lang sakanya yung mga sinasabi namin.

"Oy, FYI mga bakla. Cute naman si Gelobels kaya pwede na sya sa standard ko, the problem is hindi ko nakikita ang sarili ko na kasama sya sa future. Mas bagay nga kasi sila ni Les"

Halos masuka ako sa sinabi nya, unang una hindi rin naman siguro nakikita ni Gelo ang future nya kasama si Diwata. At mas lalo namang hindi ko rin nakikita na bagay kami ni Gelo.

"Pwede ba, 'wag ako. Mas bagay sila ni Aica, bagay sila kahit saang anggulo. May boyfriend na nga lang si Aica, sayang"

Kung hindi lang talaga panira sa eksena yung double n na 'yon, ako na ang number one fan ng itatayo kong fans club ni Gelo at Monica. Genica. Hahahaa!

"Hindi kasi sila para sa isa't isa. Maniwala kayo sa'kin, may sparks talaga, kamag anak kasi ako ni Cupid blah blah blah" marami pa syang sinabi pero ubos na ang oras ko sa pakikinig sa mga kabaklaan nya sa buhay.

Hindi na namin sya pinansin, pinabayaan na namin sya sa likodan namin na nagsasalita. Wala talagang nakikinig sakanya, tuloy lang kami sa paglalakad.

"Ano nga palang balita kay bebe Harvs mo? Nakita mo na ulit sya dito?" tanong ni Dyosa sa'kin, hindi ko pa ulit sya nakikita. Hindi ko na rin naman sya hinahanap.

Pag-uwi ko nga sa bahay mamaya tatanggalin ko na ang mga pictures nya sa drawer ko. Kailangang idelete ang nakaraan, hindi na dapat pang binabalikan. Kahit na wala naman kaming nakaraan.

"Magpakasaya sya kasama si Cheska, doon naman sila magaling. Wala na akong pakialam sakanya, maging mabuting tatay sana sya. Iwasan na nya pagdodota, ipapakain ko sakanya yung system unit at monitor" nakakainis. Bahala na talaga sya sa buhay nya, nagpapakatanga lang naman ako sakanya, marami pang pwedeng kabaliwan, hindi lang si Harvey, at mukhang mababaliw na ako sa subjects ko ngayong semester.

Mr. Know it All [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon