24th

64 4 0
                                    


-~-~
24

Someone's POV

-- Dear Someone,

You make my heart skips a beat. Then, beat a hundred times when you're around.
How could I ever be brave - and confess my feelings - when you keep on making me weak? -

-~-~-~

LESLIE

Grabe lang, hapit sa practice ngayon.

"Les, may tubig ka? Painom naman" lumapit sa'kin 'yung representative ng ECE.

Si Charmaine ang alam kong pangalan nya, maganda sya sobra! Mas maganda sya kesa doon sa candidate ng Pscyh. Tapos ang sabi ni Dyosa sa'kin transferee lang sya galing ADMU. Mas malapit na kasi ang bahay nila dito.

Kalilipat nya lang ng school tapos naging representative na sya kaaagd.

"Ralph, bag ko?"

"Teka"

Si Ralph kasi nagtabi ng bag ko. Inabot nya sa'kin 'yung bag at binigay ko naman kay Charmaine 'yung bottled water ko. Kaabot ko palang sakanya nang may bigla syang tawagin.

"Gigi!" kinawayan nya 'yung mga papalapit sa gym.

Si Diwata, Gio at Aica. Himala, wala si kuya ngayon.

"Uy! Charm, kumusta? Ngayon lang kita nakita" bumaba kaagad si Charmaine ng stage at lumapit kina Gio.

Nagulat ako sa ginawa nya, niyakap nya si Gio. Yakap talaga, tapos niyakap rin sya ni Gio. Tuwang tuwa si Charmaine nang makita si Gio, ganoon rin naman 'yung lalaki. Ngiting ngiti nga na halos walang makitang mata.

Ang mga kasama naman nya parang nagulat doon sa ginawa ni Charmaine, hindi yata sya kilala ni Monica.

May naramdaman nalang ako na sumiko sa'kin "Uy, selos!"

Psh. Si Ralph. "Ako? Luh, be 'wag ako. Iba nalang"

"E bakit ka ganyan makatingin sakanila?"

Binibigyan nya kaagad ng malisya e. "Kasi di ko akalain na magkakilala sila"

"Edi selos ka nga?"

"Ramos, huwag ako please"

"Sus. Si Manansala lang natawag sa'kin ng Ramos. Ikaw ah"

Hay nako. Ngitian ba naman ako ng mapang-asar. Oo nalang, hindi ko nalang pinansin ang mga pang-aasar ni Ralph. Bumaba nalang rin ako para kunin 'yung bote ng tubig ko. Uhaw rin naman ako e. buti nalang tapos na kami sa practice, bukas na ang most awaited day.

"Les, sorry nadala ko dito" inabot ni Charmaine 'yung bote sa'kin.

"Okay lang"

"Si Gigi pala, school mate ko dati" pinakilala nya si Gio sa'kin. Seatmate ko sya.

"Kilala ko sya" sabi ni Gio

"OMG, si Leslie?" gulat na tanong ni Charmaine, tinuro nya pa nga ako e. tumango lang si Gio.

Gigi? Nice.

"Grabeee, hindi ko alam. Sya pala 'yon. Btw, nag lunch ka na? Gutom na 'ko" tanong ni Charmaine kay Gio, hindi pa nakakasagot si Gio nang lumagpas 'yung mga kasamahan namin sa pageant.

"Yieeee. Charm, si Mr. Right na ba 'yan?" pang-aasar nila kasi magkatabi si Gio at Charmaine tapos nakahawak pa sya sa braso ni Gio na hindi naman nya pinansin.

Parang sila, sumenyas lang si Charm ng "Shhhhh"

Umalis na rin 'yung mga kasama namin na nagtatawanan. "Gigi, sakanila nalang pala ako sasabay, sa pag-uwi nalang ako sasabay sa'yo. Okay lang?"

Mr. Know it All [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon