35th

129 2 6
                                    

35

LESLIE

Napag-utusan pa ako ni mama na maglaba. Wala sila sa bahay ni Papa, kaming dalawa lang ni Kuya ang naiwan sa bahay kasama nila si Kitt sa paglabas.

"Yuck. Kuya mag tshirt ka nga, wala kang abs" pagrereklamo ko. Naka pantalon lang kasing naglalakad dito sa may labahan namin. "Nakita mo 'yung tshirt kong itim?"

Itim? Naku hindi, iyon yata ang naipahiram ko kay Gio na hindi niya pa naibabalik.

"Anong itim?" pagtatanong ko na kunwari wala akong alam sa tshirt niyang itim.

"Basta 'yung itim. May design na-huwag na nga"

"Ibang shirt nalang suotin mo marami ka naman ah"

"Yun ang gusto kong isuot" ang arte niya talaga kahit kailan sa pagsusuot ng damit. "Saan ka ba pupunta?"

"Kina Jewel"

"Kay Jewel lang pala bakit kailangan na iyon pa ang suot mo?"

"Hindi mo kasi alam"

Tumayo ako, "Kanino ba galing 'yung hinahanap mo?" hindi siya sumagot.

"Kay Monica 'no? Hinahanap mo kasi"

Sabi na, wala kasi siyag kibo. Kay Monica nga galing ang hinahanap niyang itim na tshirt. Simula noong umalis si Monica sa bahay nung nalasing sina Kuya hindi pa ulit siya nakakapunta sa'min.Hindi pa rin sila nag-uusap ni Kuya hanggang ngayon. "Pabebe ka kasi, may nanliligaw na doon sa babaeng sinayang mo"

"Wala akong pakialam"

"Walang pakialam! Utut mo, Kuya. Mahal mo pa 'yung tao tinatanggi mo lang"

Wala siyang nasabi. Nakatingin lang siya sa'kin. "Magbihis ka na, para kang frustrated model diyan sa itsura mo"

"Aalis muna ako. Maiwan ka dito"

"Okay. Puntahan mo si Monica mag sorry ka dun sa tao. Nag-alala din sa'yo"

Umalis siya sa harapan ko na walang sinabi. "HOY KUYA!"

"Nagtext na ako sakanya" sigaw niya mula sa sala.

"Seryoso ka?"

"Oo nga, hindi nagreply"

Buti nga sakanya. Pabebe lang talaga ang kapatid ko nagpapakipot pa gusto rin naman makipag-ayos kay Monica. Ako na ang pinakamasayang babae kapag naging sila ulit.

~

Pagkatapos kong maglaba nagtext ako kay Gio tinanong ko sakanya 'yung tshirt ni Kuya.

From: Giobels
Na kay Monica.

To: Giobels
Bakit sakanya mo binigay?

From: Giobels
Gusto ko siya ang magbalik.

To: Giobels
Bakit naman sya pa di sila nag-uusap.

From: Giobels
Magkikita sila ngayon. Huli ka na sa balita. Tanghali na kasi gumising. Tsk.

To: Giobels
Leche. Nakapaglaba na nga ako.

From: Giobels
Bakit hindi mo ko pinaglaba? May mga damit pa sa condo ko. Tara dito.

To: Giobels
Utut mo, Gio. May gagawin lang ako.

Wala naman akong importanteng gagawin. Mag bubukas lang ako ng Facebook at matagal ko na rin na hindi nakakausap si Mara.

I'm never gonna be good enough for you. I can't pretend that I'm alright.

Nabasa ko lang na post ni Monica. Post niya kaagad ang una kong nakita.
Anong mayroon na naman sakanya?

Nagpalit rin siya ng profile picture. OMG. Sino 'yung kasama niya?
May kasama siyang lalaki na ngayon ko lang nakita.
Nagbasa rin ako ng mga comments, may galing sa tita at tito niya na nagtatanong kung iyon ba ang boyfriend niya. Walang comment si Aica doon sa picture, hindi naman sila ganoon kaclose ng lalaki sa post pero magkatabi silang dalawa.

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now