[Discontinued] Karma's a Bitc...

By lettersfromdee

24.4K 606 106

Miguel Patrick Robles, pangalan pa lang nito ay kinikilig na ang karamihan sa mga kababaihan but not with Sno... More

The Beginning of Revenge
Revenge #1
Revenge #3
Revenge #4
Revenge #5
Revenge #6
Revenge #7
Revenge #8
Revenge #9
Revenge #10
Revenge #11
Revenge #12
Revenge #13
Revenge #14
Revenge #15
Revenge #16
Revenge #17
Revenge #18
Revenge #19
Revenge #20
Revenge #21
Revenge #22
Revenge #23
Revenge #24
Revenge #25
Revenge #26
Revenge #27
Revenge #28
Revenge #29
Revenge #30
Revenge #31
Revenge #32
Revenge #33
Revenge #34
Revenge #35
Revenge #36
Revenge #37
Revenge #38
Revenge #39
Revenge #40
Revenge #41
Revenge #42
Revenge #43

Revenge #2

983 16 0
By lettersfromdee

Revenge #2: The Coin.

Hindi ako pinatulog ng nakita ko noong gabing yun. I can’t believe that Jana is cheating on Miguel. Hindi nga sila pero panloloko pa rin ang dating nun sa akin. Yes, nililigawan pa lang naman ni Migs si Jana pero hindi ba mas tama kung sabihin na niya agad kay Migs na may iba na siyang gusto o mahal? Hindi iyong niloloko niya si Migs? On the second thought, maybe that is Miguel’s karma. Masakit malaman na all this time, iyong nililigawan mo pala ay ginagawa ka lang tanga. Pero gusto ko pa ring malaman kung bakit iyon ginagawa ni Jana.

Tradisyon na sa pamilya namin na tuwing sabado ay may munting salo-salo kami sa mansyon ni Lola Claire. Kaya pagkarating ko kaagad sa bahay ni Lola ay mabilis kong hinanap sina Rain. Umakyat ako at tama nga ang hinala ko dahil nakita ko silang nasa loob ng entertainment room ng mansyon. Dito kasi kami palagi tumatambay kapag gusto naming umiwas sa mga mas nakatatanda na parte ng pamilya namin. Kung sa baba kami mananatili, mabobore lang kami sa takbo ng usapan nila Mama. It was all about the business, the ranch, the hacienda or the things we, the young ones don’t care.

Kasalukuyan silang nanunuod ng isang romantic movie. Nakita ko kung paano kiligin sina Rain samantalang panay naman ang simangot ng kapatid kong si Gabby at halos lahat ng pinsan kong lalaki.

"I want to watch Transformers!" Inis na saad ng kapatid ko. Poor him.

Sigurado ako na nang magjack en poy sila sa kung sino ang pipili ng papanuorin ay si Den ang nanalo.

“Hey guys! Nagdala ako ng popcorn!” Sigaw ko sa kanila habang inilalapag ang popcorn sa lamesa. Tumabi naman ako kay Rain na naka-upo sa sofa.

Inilabas ko ang cellphone ko at humarap sa kaniya. “You won’t believe what I just saw.” Sabi ko at ipinakita ang larawan sa cellphone. Gumuhit ang sakit sa mga mata niya.

“Oy ano yan?!” Sigaw ni Faye bago agawin sa akin ang hawak kong cellphone. Nanlaki ang mata niya. “Where did you get this? You stalk him?” Hindi makapaniwalang tanong pa niya.

“Hindi ba halata, Faye?”

“OMG! Yung babae yung Jana? In all fairness, she’s pretty. Kaya nga lang ang putla ng mukha niya. May sakit ba yan?”

Tinitigan ko siya. “Aba malay ko!” Ang babaeng ‘to talaga. Pati ba naman health status ni Jana Constantino aalamin ko pa?

“Pero girls, hindi lang yan ang nalaman ko.” I motioned them to come near me. Lumapit naman ang dalawa at pabulong kong ikwenento ang lahat. Magmula sa kung paano ko nalamang ka-block ko pala si Jana. Sa pakikipagkaibigan ko sa nakaka-iritang si Jewel. Na-ikwento ko pati na rin ang buong barkada ni Jewel. Si Miguel sa tapat ng building namin para sunduin si Jana at ang nakakawindang na kiss nila ni Josh.

“Akala ko talaga magmimake-out na sila sa kalye eh. Thank God they didn’t.”

“Ayun siguro ang dahilan kung bakit hindi niya pa rin sinasagot si Migs.” Sabi pa ni Rain. Yun din ang naisip ko. She loves someone else.

“Pero what’s the reason kung bakit itinatago niya yun? Kung ako siya, sasabihin ko agad kay Miguel na may iba akong gusto no! Hindi yung papaasahin ko pa yung tao.” Naiiritang sabat naman ni Faye.

“Baka may secret agenda.” Napalingon kaming tatlo sa nagsalita. It was Denisse. Kumakain siya ng popcorn habang nakatingin sa telebisyong nasa harap niya. “Kawawa naman yung Miguel.” Dagdag pa niya.

Akala ko ba hindi siya makiki-alam pero pasikreto naman siyang nakikinig sa amin. My gosh Denisse, I don’t know what’s going on in your mind.

Biglang bumukas ang pinto ng entertainment room kaya agad kaming napalingon sa gawing yun.

“Dinner time na kids. Baba na kayo.” Umikot ang mata ko sa sinabi ni Lola Claire. Rain and Faye’s eyes rolled too. Hanggang ngayon bata pa rin ang turing sa amin ni Lola.

Sa baba, nakahanda na ang hapag. Nakapalibot na ang mga pinsan ko sa mesa. Isa ito sa mga paborito ko sa side ni Mama. They always find time to be together. Kahit na sobrang busy nilang magkakapatid sa trabaho, they still manage to see each other once in a while. Kaya nga mas naging close ako sa mga pinsan kong nasa side nila Mama.

“So how’s school mga apo?” Tanong ni Lola Claire. Tumingin siya kay Faye. “Winter?”

“Fun Lola. It was fun. You know how much I love singing right?” Sagot ni Faye. She was taking Bachelor of Music in Voice.

Tumango-tango si Lola saka binalingan ang nananahimik na si Denisse. “You Autumn? Did you enjoy college?”

Nag-angat ng tingin si Den. Dahan-dahan niyang inilapag ang hawak na kutsara’t tinidor bago sagutin ang tanong ni Lola. She was always like that, prim and proper. “Okay lang naman po. But I still prefer being alone.”

“Alam mo naman Ma na nag-aadjust pa si Den right?” Wika ni Tita Samantha, ang ina ni Denisse.

Simula bata pa lang kasi ay home-schooled na si Den. She’s stuck inside the four corners of their house the day she was born. Sakitin kasi si Den kaya palaging nasa loob lang siya ng bahay. Her parents are both afraid that somehow, the environment outside can trigger Den’s condition. But Lola was right. Hindi habang buhay magiging bata si Den. She needs to get a life. Kaya ayun, pinayagan siyang mag-aral ng college sa isang university. The problem? It was an all-girls school which is kinda boring for me. No. I'm not fond of boys and the likes pero imagine, you'll be meeting the same kind of specie everyday. Nakakairita. Well-known pa naman ang school na pinapasukan ni Den na maaarte at conyo yung mga babae. Ang sarap lang pagsasakalin.

“How about you, Snow?” Napatingin ang lahat ng nasa hapag sa akin.

Ngumisi ako kay Lola. “Of course it was fun, Lola. It’s nice to meet new acquaintances.” But not.. really.

Tumango-tango si Lola sa sagot ko. Halos lahat ata kami ay itinanong niya. We were around I don’t know, 20 I guess na apo ni Lola. Lagpas kalahati ang nasa hapag. Walo kasi ang anak niya. Limang babae at tatlong lalaki. Nakakatawa pa nga dahil ang mga pangalan ng unang babaeng apo ni Lola sa lima niyang anak na babae ay may kaugnayan sa season. Ako bilang Snow Agatha, si Faye na ang tunay na pangalan ay Winter Faith, si Den naman ay Autumn Denisse, Celyn Rain ang kay Rain at ang isa pa naming pinsan na si Jat na kasalukuyang nasa  Singapore ay Summer Jane ang tunay na pangalan. Hindi nga namin alam kung ano bang trip ni Lola, pero tanggap naman namin kung ano ang ipinalangan sa amin. Sa katunayan nga, it was cute.

“How’s your business, Dianna?” Tanong naman ni Lola kay Tita Dianna, ang mommy ni Faye.

“It’s still on the top, Ma. And I heard na tutogtog ulit itong mga apo mo sa The Mist.” Ang tinutukoy ni Tita ay ang bar and restaurant niya sa may Makati.

Napabaling ang tingin ni Lola sa amin nina Rain, Faye at Den.

“Of course, Tita! But we have to wait for Jat to go home.” Ani Rain.

May banda kaming magpipinsan. Simula bata pa lang kami, tinuruan na kami ng iba’t ibang musical instruments. Noong tumuntong kami ng high school, naisipan naming bumuo ng banda. We don’t perform in school since magkakaiba kami ng pinapasukan kaya noong magtayo si Tita Dianna ng resto bar, doon namin napiling tumugtog.

At simula noon, marami ng resto bars ang nag-imbita sa amin. Tumutogtog na rin kami sa mga debuts and parties. But we weren’t famous. Not our names but our band itself.

**

“Psst Snow!” Napalingon ako sa kanan ko. Naiirita ako sa kung sino man ang kumalabit sa akin.

“What?!” Mahinang baling ko kay Jewel.

“Kanina ka pa tinatawag ni Sir.” Inikot ko kaagad ang paningin ko pagkasabi niya nun. Halos lahat sa klase ay nakatitig na sa akin. Napatingin ako bigla sa nasa harap ko.

“Again Miss Vasquez. Can you please solve the problem?” Inilahad niya ang kamay niyang may hawak na whiteboard marker. Napabuntong-hininga ako. Ito na nga ba ang naidudulot ng hindi pakikinig sa professor.

Tatayo na sana ako ng biglang nagbukas ang pintuan ng classroom. Iniluwa nito ang isang lalaki na naka-jersey pa. He was holding a basket ball. Nakahawak siya sa dibdib niya habang hingal na hingal na nakatayo sa pintuan.

“What are you doing here Mr. Ford?!” Galit na utas ng professor namin.

Tinignan lang siya ng lalaki. He has this bored look. “I belong in your class, sir.” Sabi pa niya at tuluyan nang pumasok sa classroom. Nagpalinga-linga siya. Maybe looking for a vacant seat.

“If you belong in my class Mr. Ford, why didn’t you attend any of my class before?”

Nagkibit-balikat lang siya. “Mom scolded me. She told me that I wouldn’t get my allowance for next month if I keep on ditching my classes.” Aniya saka umupo sa upuang nasa likuran ko.

“Good thing your mom scolded you!” Iyon lang ang sinabi ng professor namin bago ipinagpatuloy ang lesson niya. Nakalimutan niya atang ako dapat ang sasagot sa problem na nasa unahan.

Ang ipinagtataka ko nga lang ay kung bakit hindi nagalit ang professor namin kahit na late na pumasok itong ‘Mr. Ford’ na prenteng naka-upo sa likuran ko. Isa pa, tatlong linggo na ang nakakalipas simula nang unang araw ng klase at ngayon lang siya pumasok, bakit parang wala lang? Ni wala pa siyang dalang bag, notebook o ballpen man lang. Pag-aaral ba ang pinunta niyan dito?

“Psst Miss.” May sumisit-sit sa likuran ko.

“Uy miss!”

“Hello? Bingi ka ba?” Nilingon ko ang kumalabit sa akin.

Nagtaas ako ng kilay at galit ko siyang binalingan. “Ano ba?! Bakit ang kulit mo?” Mahinang bulong ko.

“Kanina pa kasi kita tinatawag, ayaw mo namang lumingon.” Mariing wika niya. Medyo malakas din ang boses niya kaya napalingon sa amin ang ilan. Even Jewel.

“Eh kasi naman po, hindi ‘miss’ ang pangalan ko. In case you’re not informed, I have a name.” I rolled my eyes. Tinalikuran ko ulit siya.

“Hello Miss I-have-a-name!” Tawag niya ulit. Banas ko na naman siyang tinignan.

“What?!” Pa-inosenteng tanong niya nang samaan ko siya ng tingin.

“Alam mo ang pilosopo mo. Ano bang kailangan mo?”

“Pwedeng pahiram ng ballpen?” Jeez. Muntik na akong mapa-face palm. Iyon lang pala ang kailangan niya, ang dami pang sinabi.

“Wala na ‘kong extra. Kung ibibigay ko sayo yung akin, eh di mawawalan din ako.”

Napangisi siya. “Ikaw ang pilosopo. Anyway, I’m Hans Ford and you are?”

“I don’t give my name to strangers.” Nalukot ang mukha niya sa sinabi ko. Inabutan ko siya ng piso at tinatanggap naman niya ito.

“Para saan ‘to?”

“Maghanap ka ng kausap mo. Yung loko-loko para match kayo. Ako pa inaabala eh.” Umirap na naman ako saka siya tinalikuran ulit.

Pinokus ko ang atensiyon ko sa propesor na nasa harap ko. Maya-maya pa’y narinig ko ang matunog na halakhak ng nasa likuran ko.

“Why are you laughing Mr. Ford?” Nagtatakang tanong sa kanya ni Mr. Hilario.

Tumawa pa ulit siya kaya nakakunot-noo ko siyang binalingan. Namumula na siya sa kakatawa. Bahagya pa siyang nagpunas ng luha dahil sa sobrang kakatawa.

“Nothing sir.” Sabi ni Hans kaya ipinagpatuloy ng gurong nasa harapan ko ang pagtuturo niya.

“Baliw.” Mahinang bulong ko.

“I’m not crazy, you’re just funny.” Nagtindigan ang mga balahibo ko sa batok pagkabulong niya malapit sa tenga ko.

“Tss. Hindi ako clown.” I rolled my eyes. Sana lang nahimigan niya ang sarkasmo sa boses ko.

“Wala naman akong sinabing clown ka ah.” Bulong niya ulit.

Gusto ko ng sapakin itong si Hans. Wala atang magawa o mapagtripan ‘to sa buhay kaya ako ang napagdiskitahan. Inirapan ko na lang siya. Sinikap ko talagang ‘wag siyang pansinin dahil kung bibigyan ko siya nang atensiyon ay paniguradong mabubuwisit lang ako.

Panay ang parinig niya sa akin buong klase.

“So your name’s Snow Agatha Vasquez. Sounds pretty huh?” Aniya. Pag-nalaman ko lang talaga kung sino ang nagbigay sa kaniya ng pangalan ko, malalagot sa akin.

“Ah, isnabera ka pala talaga. Masungit ka pa daw at mataray? Ayan ang mga tipo kong babae, ‘yung hindi easy to get. Yung bibigyan ka ng challenge.” Napaismid ako sa sinabi niya. Kulang na nga lang mapunit ang yellow pad na hawak ko. At kulang na nga lang din, tusukin ko siya ng ballpen sa mata.

“Hindi ka rin daw friendly? So I get it kung bakit ayaw mo sa akin. But you know what Snow? I can offer you friendship anytime or if you want, I can give you more than that.”

Marahas ko siyang nilingon. Ramdam ko ang pagtaas ng presyon ko. Pinapakulo ng gagong ‘to ang dugo ko.

“You know what Mr. Hans Ford? Mas ma-aappreciate ko pa kung titigilan mo ako. Kung ano man ang trip mo sa buhay, can’t you just keep it in yourself?!” Malakas na bulyaw ko. Napalingon ang lahat sa amin, including our prof.

“What’s the problem, Miss Vasquez?”

Badtrip na tinignan ko ang professor namin. “Pakiramdam ko sir, magkakahigh blood ako. May I go out? Pupunta lang po ako ng clinic. Magpapakuha ng blood pressure.”

“Samahan na kita!” Hans volunteered. Mas lalong nalukot ang mukha ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Thank you for your concern Mr. Ford but I can handle it alone. So if you’ll excuse me, sir?” Ngumiti ako kay Hans, sana lang ay hindi hatalang pilit iyon, bago ko binalingan ang prof namin.

Tumango lang si Mr. Hilario kaya lumabas na ako ng klase.

Padabog akong nagmartsa palabas ng classroom namin. Sino ba ‘yung Hans Ford na ‘yun? Ang lakas ng trip ha. Dahil sa pagkainis ko ay hindi ako dumiretso sa clinic. Hindi ko naman talaga balak magpakuha ng blood pressure, excuse ko lang ‘yun dahil sobrang naiinis na ako sa mga pasaring sa akin ni Hans.

Nagpasya na lang akong magtungo sa library. Kapag naiisipan kong magcut ng classes ay madalas doon ako nagpapalipas ng oras. Hindi naman ako studious pero library na talaga ang nagsilbing comfort zone ko sa loob ng campus kahit noong high school pa lamang ako. Sa library kasi, tahimik at iyon ang gusto ko. Ayoko sa mga lugar na maiingay. Ayoko sa mga taong maiingay.

Habang naglalakad, ako natanaw ko ang football field. Kakaunti lang ang tao roon kaya doon ko na lang naisipang magpunta.

Minsan na rin akong napadpad sa gawing iyon ng campus kaya mas ideal sa akin na roon na magpalipas ng oras dahil nakakarelax ang atmosphere dun. Tahimik, malakas ang ihip ng hangin at nakakatuwang panoorin ang mga athletes.

Naisipan kong maupo sa may bleachers. Pinili kong pumwesto sa bandang gitna, malapit sa hagdan.

Nakakatuwang panoorin iyong mga naglalaro ng Frisbee sa malayo. Masarap din ang simoy ng hangin rito, napaka-calming. Kaya gusto ko ang lugar na katulad nito ay dahil sa nakakapag-isip ako ng maayos. I tend to over think things at ang ganitong atmosphere ang nakakapagpakalma sa buhol-buhol kong utak.

Tahimik lang akong nagmamasid ng paligid ng biglang may tumabi sa akin sa bleachers.

“Need a penny for your thoughts?” Binalingan ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Nanlaki ang mga mata ko.

“Oh?! Nagulat ka na naman. Bakit ba tuwing nagkikita tayo lagi na lang nanlalaki ‘yang malaki mong mata?”

Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. “Hindi ka lang pala manloloko, laitero ka din pala.” Mahinang bulong ko.

Kumunot ang noo niya. “Ha? Anong sabi mo?”

“Sabi ko, ang gwapo mo na sana bingi nga lang.”

Napangisi siya bigla. “I know I’m handsome. I wouldn’t be Miguel Patrick Robles if I’m not right?”

Napataas ang kilay sa tinuran niya. “Yabang ha.”

“Dapat lang na ipagmayabang ko ang kagwapuhang mayron ako.”

Napaismid ako sa sinabi niya. Ang kapal naman pala talaga ng mukha nitong Miguel na ‘to e. Tama nga ako sa tingin ko sa kaniya, mayabang at conceited. Idagdag mo pang manloloko siya.

Pinili ko na lang na huwag sagutin ang sinabi niya. Bakit ba ang feeling close nito? Sabagay, mas pabor sa akin ‘yun. Kailangan ko siyang maging kaibigan para malaman ko ang butas ng pagkatao niya. At  kapag naging magkalapit kami, saka ko siya sisirain. Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niya kay Rain.

Mataman kong tinitigan ang kulay asul na Frisbee na malayang lumilipad sa ere.

“Ganyan ka ba talaga katahimik?”

Ipinagkibit-balikat ko lang ang tanong niya. Ni-hindi ko siya nilingon. Abala kasi ako sa pag-iisip kung paano ko siya gagantihan.

“I have this feeling na kaya hindi mo ako kinakausap ay dahil may kasalanan ako sa’yo.” Aniya. Napalingon naman ako sa sinabi niya. Kasalanan? Wala naman akong natatandaang kasalanan niya sa akin. Ang alam ko lang, hindi siya sa akin may kasalanan kundi sa pinsan kong si Rain.

Nagtataka ko siyang binalingan.

“You know the day when we first met? I spilled coffee in your shirt. Iyon ang kasalanan ko.”

Napatango ako sa sinabi niya. “So?”

“Kaya di mo ko kinakausap. Tara!” Bigla siyang tumayo at hinablot ang braso ko.

Hinila-hila niya pa ako kaya napatayo na ako ng tuluyan. “Teka san tayo pupunta?”

Isang minuto akong naghintay sa sagot niya pero wala akong narinig. Nakahawak pa rin siya sa braso ko at patuloy akong dinadarag pababa ng hagdan. “Hoy Migs! Umayos ka, this is kidnapping!”

Napatawa siya bigla kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Bakit kidnapping, bata ka ba? Di ba dapat teennapping kasi teenager ka?”

Nagkunwari akong tumatawa. “Ang corny mo rin no? Saan ba kasi tayo pupunta?!” Reklamo ko nang mapansin kong palabas na ng campus ang tinatahak naming daan.

“Diyan lang sa may coffee shop sa labas. Babawi lang ako sa kasalanang nagawa ko.” He suddenly winked at me.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 53.3K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
19.5M 535K 62
A good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️
654K 14.5K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...