Unexpected

By ohpurplerain

75.4K 1.1K 334

Walang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero... More

Prologue
Chapter 1*
Chapter 2*
Chapter 3*
Chapter 4*
Chapter 5*
Chapter 6*
Chapter 7*
Chapter 8*
Chapter 9*
Chapter 10*
Chapter 11*
Chapter 13*
Chapter 14*
Chapter 15*
Chapter 16*
Chapter 17.1*
Chapter 17.2*
Chapter 18*
Chapter 19.1*
Chapter 19.2*
Chapter 20*
Chapter 21.1*
Chapter 21.2*
Chapter 22*
Chapter 23*
Chapter 24*
Chapter 25*
Part 2*
Chapter 26*
Chapter 27*
Chapter 28*
Chapter 29*
Chapter 30*
Chapter 31*
Chapter 32*
Chapter 33*
Chapter 34*
Chapter 35*
Chapter 36*
Chapter 37 ~ The Unexpected Ending

Chapter 12*

1.6K 24 11
By ohpurplerain

Chapter 12 ~ 

 

Unti-unti akong pumasok. Pagkabukas ko, alam kong nagluluto na si Lola, amoy na amoy ko ang luto nyang adobo. Adobo for breakfast? HAHA. Pwede naman. Basta adobo ni Lola. 

Balak ko sanang hindi magpakita kay Lola peero naisip ko, bakit pa? Alam naman nya na wala ako sa bahay magdamag, actually, sya nga may kagagawan non e. -___- Tsaka, hindi ko na rin mapigilan, natatakam ako sa luto ni Lola. 

Pumunta agad ako sa kusina at niyakap si Lola.  

"La. "  muntik nang maihampas sa akin ni Lola ang sandok na hawak nya sa sobrang gulat. Hehe. Nagulat ko pala sya. Pero buti na lang hindi natuloy kasi nalaman nya agad na ako 'to. "Sorry La kung nagulat ko kayo, Hehe. " 

Binitawan nya ang sandok at hinubad and apron na suot nya. Arte ni Lola, may pa-apron apron pa. Hahaha. Hinarap nya ako at parang naeexcite syang kausapin ako. Anong meron?

"Kumusta?" nangingiting tanong niya sa akin.

"Nakakainis kayo! Bakit kayo pumayag na doon ako matulog?" pagmamaktol ko pero pabulong lang kasi baka magising si mama.

"Anong gusto mong gawin ko? Hinimatay ka at hindi ko naman alam kung anong oras ka magigising kaya hinayaan na lang kita doon. Bakit, hindi ba masarap ang tulog mo doon?"

"Hmm." napaisip ako. Sa totoo lang, nahihirapan ako kapag natutulog sa ibang bahay pero kagabi mukhang naging okay naman. Dahil ba yun ka --

"Bakit ka nakangiti? May nangyari bang maganda?"

Agad naman akong napatingin kay Lola nang masama. "Wala no!" tsaka, ngumiti ba ako? Hindi ko alam! "Ang ganda lang ho kasi ng bahay nila at napakalaki ng kama kaya masarap naman ho ang tulog ko."

"Ahh." sagot ni Lola na parang hindi naniniwala. "Sino nga ulit yung kaibigan mo?"

"Kaibigan?"

"Oo, yun ang sabi niya sa akin kagabi nang tumawag ako sa cellphone mo. Kaibigan ka raw niya, bakit hindi ba?"

Napairap ako nang wala sa oras. Magkaibigan na ba kami? Hindi ko yata alam yun!

"Hindi po talaga!" sagot ko agad. Natawa naman si Lola sa inakto ko.

"Bakit, nobyo mo na ba?"

"Lola!!"  sigaw ko sa kanya.

Natawa lang si Lola.

"Alam nyo namang bawal pa ho akong magboyfriend! Mapapatay ako ni mama pag nagkataon!"

"Pero kung papayagan ka ng mama mo, may pag-asa ba?"

"Wala no!" sagot ko agad. "Wala pa ho sa isip ko ang mga ganyang bagay!"

"Naku, ganyang ganyan ang mama mo noon. Ayaw daw pero hindi rin napigilan!" Talaga? Si Mama? Pero natuto na ako sa naging experience ni mama. Hindi dapat puro puso! Kailangang pigilan!

"Masarap umibig apo, pero tama nga naman ang mama mo. Hindi naman yan minamadali. Pero kung maramdaman mo yun, wala rin namang masama."

 Ngumiti lang ako dahil hindi ko na alam kung anong dapat pang isagot kay Lola.

Nalaman kong dumaretso na pala si Mama kagabi pagkarating na pagkarating niya. Hindi naman daw ako hinanap kaya safe ako!

Bago pa tuluyang sumikat ang araw ay kaagad akong nag-ayos ng sarili para sa pagpasok ko ngayon. Sabay na kaming umalis ng bahay ni mama dahil papasok na rin naman siya sa opisina. Commute lang kami dahil wala naman kaming sariling sasakyan.

"Oo nga pala anak, magkakaroon kami ng seminar next week sa Palawan. For 3 days yun kaya habang wala ako, magbe-behave ka ha!"

"Ma, behave naman ako palagi eh." sagot ko naman.

Ngumiti siya sa akin, "Next week pa naman yun, sinabi ko lang in-advance dahil baka maging busy na ako, hindi na kita makausap tungkol dito."

"Okay po. Ako bahala kay Lola!"

"Siguraduhin mo lang ha. Wag mo iaasa sa Lola mo lahat ng gawaing bahay!"

"Aye, aye, Captain!"  ginulo lang ni mama ang buhok ko at ngumiti.

"Ma naman eh, ginulo mo na naman ang buhok ko. Alam mo namang papasok na ako sa school."

"At bakit parang ngayon ka lang nagreklamo nyan? Ayaw mo na bang nagugulo ang buhok mo dahil may pinapagandahan ka na sa school?"

"Ano ba ma,"  bulong ko kay mama. Nakakahiya kasi dahil nasa jeep kami at naririnig ng ibang pasahero ang pinag-uusapan namin ni Mama. "Sige ma, dito na ako sa school. Ingat po kayo!"

"Ingat din."

Pagbaba ko ng jeep ay inayos ko na ang buhok ko na ginulo kanina ni Mama. Hays! Sino bang may gustong pumasok nang school na magulo ang buhok? It doesn't necessarily mean na may pinapagandahan na ako. As if naman!

"Sino kaya ang pinapagandahan niya."  agad akong napalingon nang marinig na naman ang nakakaasar niyang boses. Nang lumingon ako ay nakabungisngis na naman ang loko! "Mind to share?"

"Mind your own business!"  pagkatapos ay tinalikuran ko siya at dumaretso sa paglalakad.

W-wait. Narinig niya ang usapan namin ni Mama? Ibigsabihin, nadoon siya sa jeep na sinasakyan ko kanina? Napalingon ulit ako sa kanya.

"Nagbago na ang isip mo? Sasabihin mo na sa akin?"  nang-aasar pa rin ang tono niya. Bakit ba napaka-hyper ng lalakeng ito. Parang hindi broken hearted!

"Wala akong ishe-share sa'yo kasi wala naman akong pinapagandahan!" sabay ikot ng mata ko.

"Napakaaga pa para magsungit!" ang sabi niya.

"Oo nga, napakaaga pa para mambwisit! Tigilan mo na nga ako!"  tumawa lang siya na parang hindi man lang sineryoso ang sinabi ko.

Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay ginulo niya ang buhok ko kagaya nang ginawa sa akin ni Mama. Pero bago ko pa siya mahablot at mahampas ay nakatakbo agad siya palayo. "See you later!" pakaway-kaway pa niyang bati sa akin.

"Hoy! Anong see you later?!"  sigaw ko sa kanya pero hindi man lang siya nag-abalang lingunin at sagutin ako.

Kainis!

"Nakita mo bang sabay pumasok sa school si Renzo ang bestfriend ni Kaysha?"  rinig kong sabi ng isang babae. Nasa loob kasi ako ng cubicle at sa malamang-lamang ay hindi nila alam na nandito sa loob ng cr ang babaeng pinag-uusapan nila.

Excuse me, hindi kami sabay pumasok ni Renzo. Ni hindi ko nga alam na parehong jeep pala ang nasakyan namin kanina eh!

"Yup! Madalas ko na nga silang nakikitang magkasama. Pansin nyo ba, they've been close simula nang bustedin ni Kaysha si Renzo!"

"And another thing is, magkaaway daw ngayon ang magbestfriend."  sabi pa ng isang babae.

"OMG! OMG! Issue!"  sabay-sabay nilang sabi.

"Siguro sinulot ni Jelynne si Renzo!"  sabi pa nang isa.

The hell! Ano ba namang mga chismosang ito. Ako? Manunulot? Never in life I would do such thing! Gusto ko na sanang lumabas para sana harapin sila nang biglang may nagsalita -- si Kaysha?

"Anong karapatan niyo na husgahan ang kaibigan ko? Wala ngang kaalam-alam sa love or crush si Jelynne pagkatapos ay sasabihin niyong manunulot siya? Get a life girls! You would gain nothing in spreading such crap!" matapang na sabi ni Kaysha.

Ngayon ko lang narinig si Kaysha na sumigaw. She's always be the prim and proper, the bubbly and friendly one. Ni wala nga yang kaaway sa school. Yes, may mga haters siya ( normal naman siguro yun sa katulad niyang President ng Circuits Club and one of the pretty faces of the school), pero hindi niya ito pinapatulan.

This is the first time! At lumaban siya hindi para sa sarili, kung hindi para sa akin.

Narinig kong may lumabas ng pinto and I'm sure, 'yun ay yung mga gossip girls. Naglakas ako ng loob na lumabas sa cubicle at nakita ako ni Kaysha mula sa salamin na nasa harapan niya. Nagkatinginan kami mula sa salamin.

Bago pa ako makapagsalita ay agad na lumabas na siya ng cr at hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na makapag-thank you. It hurts.

As usual, hindi pa rin kami nagkikibuan ng magkaibigan. Gusto ko na siyang kausapin pero naduduwag ako. Jusko! Hindi ko na kaya 'to!

Okay. Mag-isa na naman akong mag-lulunch ngayon. Mas lalo kong na-miss si Kaysha na lagi kong kasabay maglunch.

Naghanap muna ako ng bakanteng upuan dahil palaging first come first ang ang mga upuan dito sa canteen. At hindi biro maghanap ng bakante ha. Madalas kasi sa isang table ay may mga nakaupo nang iba at talagang nakakahiyang maki-share lalo na pa pag mag-isa ka lang.

"Wala kang maupuan?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon, boses ni Renzo. "Pinag-save na kita!"  nakangiti niyang sabi sa akin at ipinakita ang bakanteng upuan na nasa tabi niya.

"Akala mo tatabihan kita?!" aktong aalis na sana ako ng bigla siyang magsalita muli.

"Ayaw mo? Sige, ipagsisigawan ko ngayon yung nangyari kagabi."

Anong nangyari kagabi?

Buffering ..

Shet! Magkatabi kami matulog!

"Ano? Isisigaw ko na ba?"  naningkit naman ang mga mata ko habang umuupo na sa upuan.

"Fine!" pagsuko ko sa kanya.

" .. and you still owe me something."

"Ano na naman?"

"Hinatid kita kanina at sinabi mong ililibre mo ako ng lunch!" napahawak ako sa ulo ko at napapikit na lang. Gusto ko pa sanang makipagtalo sa kanya pero dahil mayroon lang akong isang oras para sa lunch break ay siguradong kakapusin lang ako sa oras.

Inihagis ko sa kanya ang isang daan ko, "Okay. Bilhin mo ang gusto mo, basta caldereta ang akin."

Reaksyon pa lang ng mukha niya ay alam ko na ang gusto niyang sabihin. "Sige na, baka magbago pa ang isip ko!"

Mga ilang minuto lang ay bumalik na siya dala ang caldereta ko at sinigang niya. Hindi ko alam kung bakit siya nakabalik agad gayung ang haba naman ng pila sa mga kainan. Malamang ay nilandi niya muna ang mga nakapila o kaya ang server. Knowing him, he would definitely use his charms to get what he wants.

"Paborito mo talaga ang caldereta no?" teka nga, bakit ba niya alam na favorite ko 'to?

"Kumain ka na nga lang!"

Ramdam na ramdam ko naman na nakatingin sa amin ang mga highschool students na nandito sa canteen. Paano ba kasi, kasama ko ngayon si Renzo, ang pinagpapatansyahan nila na hindi ko naman alam kung anong nakita nila sa mokong na ito.

"Dahil binusted ni Kaysha, take advantage naman ang kaibigan."  rinig kong sabi nang babaeng dumaan sa amin. Nagkatinginan kami ni Renzo. Alam kong narinig daw niya yun.

Ang ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang pinagchichismisan ako! Nakakainis! Gustung gusto ko nang sugurin yung babae pero agad akong hinila ni Renzo at siya itong humarap sa babae. 

"We don't fucking need your opinion so shut the fuck up!"  gulat na gulat naman ang babae sa sinabing iyon ni Renzo at kahit ako ay nagulat din. 

Hinila ako ni Renzo palabas ng canteen at nang tuluyan na kaming nakalayo ay inalis ko ang kamay niya sa akin.

"Kaya ko namang gawin yun eh! Sana hinayaan mo na lang ako!"  sigaw ko sa kanya. "Pero salamat."

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
256K 17.4K 83
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
31.1K 1.4K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...