Tainted

By PollyNomial

67.9K 1.8K 47

Zandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been sur... More

Tainted
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 37

898 26 0
By PollyNomial

KABANATA 37 — Now or Never


Sebastian insisted on driving his own car on the way to the restaurant. Aniya'y hindi naman ito malayo at kung nais kong balikan ang sasakyan ko mamaya ay ihahatid na lang niya ako. Hinayaan ko siya sa gusto tutal ay siya naman ang nagyaya.

He brought me to a familiar fine dining restaurant. Hindi na ako nagtaka. Nabanggit ni kuya noon na si Sebastian ang nagpakilala sa kanya ng masasarap na pagkain dito. He's a relative of the owner. At ito lang ang malapit na restaurant sa lugar kung saan kami nanggaling. Malamang ay rito rin talaga niya ako dadalhin.

"Have you tried eating here? The food here is great," aniya habang sabay naming tinatanggal ang seatbelt.

"Yes. Nadala na ako ni kuya rito," sagot ko. Sabay kaming lumabas ng kanyang sasakyan.

I felt the familiar air of the place. Samu't saring alaala agad ang dala nito. Iyong pakiramdam na sa amoy pa lang ng paligid ay naaalala mo na siya, iyon ang nararamdaman ko ngayon. I smiled at the simple memory.

"Shall we?" naglahad ng kamay si Sebastian sa akin.

Tinanggap ko naman iyon at gaya ng ginagawa ng isang magalang na binata, inalalayan niya ako sa tatlong baitang na hagdanan at pinagbuksan ng pinto. He asked for a table for two and the waitress lead us there. Doon ay pinaghila ako ni Sebastian ng upuan upang makaupo.

"Thank you," I mumbled politely.

Nakangiti siya sa akin matapos ay naupo na rin sa harap ko. He ordered the food. Ako naman ay kahit ano basta nakakain at katanggap tanggap sa aking panlasa. But this is new to me because they serve Filipino dishes that I haven't tried before. Ilan lang namang pagkaing Pinoy ang aking natikman at mga luto pa iyon ni Andrew. I have never tried a Filipino dish served in a restaurant until kuya brought me here. I wonder if they have a specialty in their menu cooked by Andrew. Pero gaya nga ng sabi niya, hindi siya ang chef ng restaurant at taga-pamahala lamang.

"You probably know that Andrew owns this restaurant," ani Sebastian sa kalagitnaan ng aming pagkain.

Napatingin ako sa kanya. Isang tipid na ngiti ang nasa aking labi. "Kailan ko lang nalaman. The time when kuya brought me here," sambit ko.

Dalawang beses siyang tumango. He sipped from his wine glass and looked at me again. Ngayon ay mas naglaan siya ng atensyon sa pakikipag-usap sa akin.

"So, how did you two meet?" kuryosong tanong niya.

Nagkibit ako ng balikat bilang pahayag na hindi gaanong makabuluhan ang pagkakakilala namin ng kanyang pinsan. It is for me, but I don't think he would see it that way.

"Sa New York. Nakilala ko siya roon. He is my friend's neighbor and a schoolmate too," simpleng sagot ko. I don't want to speak the details so I just settled on the general part. Sapat na mga iyon bilang sagot sa kanya.

"Uh... I see. Wala kasi siyang nababanggit na kakilala ka niya. Minsan kaming nagkasama sama ng kapatid mo. The three of us went to your brother's club and he was there when Zac and I were talking about you," itinagilid niya ang ulo. "Naalala ko lang 'yon dahil natahimik siya mula nang pag-usapan ka namin."

"Baka talagang tahimik lang siya," ngumisi ako kahit kasalungat ng nasabi ang nasa isip ko. Maybe he doesn't want to talk about me that was why he's silent.

"I don't think so," iling niya.

Ngumuso ako at piniling huwag nang sumagot. Sebastian is a one curious man. Hindi yata siya titigil sa pakikipag-usap tungkol kay Andrew.

"What I'm thinking is that you have a past. Kung iisipin kong mabuti ang mga ikinilos ni Andrew noon, siguradong may hindi magandang nangyari sa inyo. I am guessing that the first time I've seen you together was your first meeting? Ngayon ka pa lang umuwi ng Pilipinas, hindi ba? And Andrew's been living here for years now after he studied in New York," aniya.

"Ganoon nga. Tama ka," simpleng sagot ko sa mahabang litanya niya.

"I see," mahinang tawa niya. "Magaling palang pumili ng babae ang pinsan ko," dugtong pa niyang nagpakulo ng dugo ko.

Hindi dapat nag-init ang aking dugo. Walang masama sa sinabi niya. It was a complement, actually. Pero hindi ko mapigilan dahil sa nanunuya niyang tono.

Kumunot ang aking noo. Umangat ang tingin ko sa kanya at marahan kong binitiwan ang mga kubyertos. "Dinala mo ba ako rito para pag-usapan iyan," nakawala ang iritasyon sa aking boses. It's okay. I didn't try to hide it.

Natigilan si Sebastian at nawala ang kanyang ngiti. "Oh, I'm sorry. We were just having a conversation here," may panunuya sa kanyang boses.

Tinaas ko ang aking noo sa kanya. I pursed my lips to control the bad words that will come out from my mouth. I don't want to be rude. He is my architect, he is my brother's friend, and he is Andrew's cousin. Kaya ko pa naman pigilan ang aking sarili sa pagsabog.

Hindi ko alam na masyado pa lang pakealamero itong si Sebastian para sa dalawang taong kakikilala pa lamang. Masyado siyang madaldal. This was the first time I got irritated to a man after a long time. Kahit si Owen ay hindi ko naramdaman ang ganitong iritasyon nang ungkatin niya ang nakaraan namin ni Andrew. Siguro dahil may alam naman talaga ito at natural lang na magtanong ito tungkol sa amin. Pero si Sebastian, wala siyang alam at karapatan.

Tiningnan ko ang pagkaing hindi ko pa lubos na nauubos. I want to avoid being totally rude to this man. Kaya bago pa mangyari iyon inayos ko na ang sarili ko at tumayo.

"I'm done. Aalis na ako. Thank you," untag ko at tinalikuran siya. He should pay for our dinner. Tutal ay siya ang nagdala sa akin dito.

Naglakad ako palayo at hindi ko pinansin ang kanyang pagtawag. He should know by now that I didn't like how he acted. Hindi pa kami ganoon ka-close para sabihan niya ako ng ganoon. I was insulted when he told me that Andrew's good in choosing a girl. Kahit pa dapat ay komplimento iyon.

Ganoon ba talaga? At paano kung hindi ako ang babaeng tinutukoy ni Sebastian, ibig bang sabihin ay hindi ako mapipili ni Andrew?

Nag-init pang lalo ang aking dugo. For the first time in five years, I feel down and insecure again. Paano nga kaya kung hindi ako naging mahina noon? Paano kung matapang ako noon at walang pangit na nakaraan? Would Andrew notice me? Would he still choose to come to me and protect me? Paano kung wala namang kailangang protektahan? Didikit pa rin ba siya sa akin at hindi ako iiwan?

Paano kung hindi ako nabastos noon sa club? Lalapitan pa rin ba niya ako? I don't think so. Dahil siguradong hindi niya ako mapapansin kung hindi ako nagwala noon.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga iniisip ko ngayon. I was suddenly scared of the fact that I might not need Andrew anymore. Maayos na ako ngayon. Tanggap ko na ang lahat ng nakaraan ko. Ang lahat ng naging mali sa akin at naitama ko na ngayon. Wala nang kailangan protektahan dahil batid ko nang kaya ko na ito para sa sarili ko. Unti unti ay umuusad na ako. I am beginning to accept what life has to offer to me. Kaya ko nang makipagkaibigan, makipag-usap, at makisalamuha sa iba't ibang tao, kilala ko man o hindi.

Andrew was there before to help me. Pero ngayon ay kailangan ko pa ba ng tulong? Kailangan ko pa ba siya? Paano siya? Baka maisip niyang hindi ko na siya kailangan. Baka ayawan na niya ako kasi hindi na ako mahina. Wala na siyang dapat protektahan at tulungan. Maaari na siyang maghanap ng ibang babaeng paglalaanan niya niyon.

Suminghap ako at malalim ang pinanggalingan niyon. Natigil lamang ako sa paglalakad at napako sa kinatatayuan nang matanaw ang pamilyar na bulto ni Andrew. He's playing with his key in his finger. Nakapamulsa ang isang kamay niya at sa iba siya nakatingin. Kinagat ko ang labi ko at kahit anong pilit kumilos ay hindi ko magawa. I was just thinking about him a few seconds ago and now he's instantly there in front of me.

Nang mag-angat siya ng tingin ay nabigla rin siya nang makita ako. His eyes went wide. Ilang saglit ang lumipas bago iyon naging banayad at ngumiti.

"You're here," aniyang may malapad na ngiti.

Ilang linggo ko nga ba siyang hindi nakita? Hindi ko na maalala. Parang kahapon lang nang makausap ko siya.

"I'm with..." Nilingon ko ang loob ng restaurant. Nang bumalik ang tingin ko sa kanya ay nasa loob din nito ang kanyang paningin. Iniisip siguro niya kung sinong kasama ko.

"Kasama mo si Zac?" tanong niyang may ngiti pa rin sa labi.

Umiling ako. Nabawasan ang ngisi niya at nang bumaling muli sa aking likod ay natuluyan ang pagkawala niyon.

"Zandra, I'm really sorry," anang banayad na boses sa likuran ko.

I turned around and frowned at Sebastian. "It's okay, Sebastian. But I really want to go home now. Thank you for the dinner," utas kong hindi kayang maging mas maayos ang pananalita. I still sound annoyed.

Nang bumaling ako kay Andrew ay bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya habang natitig sa pinsan. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang tinginan ng dalawa. Bumuntong hininga ako at nagawang maglakad paalis.

"Zandra, wait up!" Sebastian yelled but a different hand held my arm.

Lumingon ako kay Andrew na naguguluhan ang hitsura. "Do you have your car?" tanong niya habang pinapasadahan ng tingin ang mga nakaparadang sasakyan.

Nagkibit ako ng balikat at inilayo ang braso ko sa kapit niya. His mouth was open while letting go of my arm. "No. Pero malapit lang naman ang boutique ko rito. I'll just... ride a taxi," sambit ko kahit hindi pa nasusubukan ang mag-taxi at hindi ko alam kung paano.

Umiling si Andrew na para bang hindi kapani-paniwala ang sinabi ko. "Madilim na. Hindi safe ang taxi rito sa..." natigil siya sa pagsasalita. "I'll just take you there," aniya.

Tumahimik ako at nag-alala sa una niyang sinabi. I can sense his concern and it makes my heart pound inside my chest. Hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin siya sa akin. He still wants me safe and protected. At siya pa rin ang gagawa niyon para sa akin.

I smiled and nodded. Nagusot ang kanyang kilay habang nagpapabalik-balik ang tingin niya sa kabuuan ng aking mukha. Sino bang hindi magtataka kung kanina lang ay iritado ako pero ngayon ay masaya na uli ako.

Kinuha niya ang kanang kamay ko at hinila ako patungo sa asul niyang sasakyan. Sinulyapan ko si Sebastian na nakadiin ang mga labi habang nakamasid sa amin ni Andrew. Sayang ang gabing ito para sa aming dalawa. Sana kasi ay naging tahimik na lang siya sa kanyang mga kumento at opinyon tungkol sa amin ng kanyang pinsan. It would have been a nice dinner between him and me. Gusto ko pa naman siyang maging kaibigan dahil kamag-anak siya ng lalaking mahal ko.

Isinakay ako ni Andrew sa pamilyar niyang sasakyan. Nakatutok ang kanyang mga mata sa aking mukha. Hindi niya agad isinara ang pinto. Sa halip ay ipinatong niya ang kanang paa sa sahig ng kotse at ikinabit ang seatbelt sa aking katawan. Lumunok ako sa kanyang napakalapit na presensya. It was really good to feel him near me. His scent filled my nose. I recognized his perfume. Ito ang amoy niya noon pa man sa New York. I could still remember how much I wanted to bury my face on his chest because of how he smelled. Kayang kaya niyang sakupin ang kaluluwa ko sa bango pa lang niya.

"Kung may nagawa mang masama ang pinsan ko, ako na ang humihingi ng tawad sa para sa kanya," sambit niya habang direktang nakatitig sa aking mga mata.

Malambing ang tono niya at malambot ang mga features ng kanyang mukha. It tells me that he is not mad at me or at his cousin.

"Sumama lang naman ako sa kanya kasi..."

"Shh," pangunguna niya sa akin. "You don't have to explain to me, Zandra," utas niya.

Nginitian niya ako at marahang hinaplos ang aking pisngi bago siya tumayo ng tuwid at isinara ang pinto. Umikot siya patungong driver' seat. Hindi ko na tiningnan pa si Sebastian na batid kong nasa labas pa rin at nanonood. All my attention drifted from him to the man sitting beside me. My irritation changed into delight and pleasure. Gustong gusto ng sistema ko ang pakiramdam ni Andrew sa aking tabi.

"Mabait naman si Seb. You'd like him kung hindi umiral ang pagiging mayabang niya," aniya.

Napabaling ako sa kanya. Nakataas ang sulok ng kanyang labi habang nagsasalita.

"He asked me about our past," untag ko.

Pinanood ko kung paano naging isang linya ang kanyang labi. Napatungo ako at ako naman ang mapait na ngumiti. He didn't like talking about our past.

"Anong tinanong niya sa'yo?"

Nag-angat akong muli ng mukha sa interesado niyang tono. "Nothing serious. Nainsulto lang siguro ako dahil hindi maganda sa pandinig ko ang sinabi niya. You know me. I get annoyed too fast by insensitive people," sambit kong tila napakasimple lang ng nangyari kanina. It is, though but not for me. Dahil kung saan saan ako dinala ng kumento ni Sebastian tungkol kay Andrew.

"I apologize for his insensitivity," aniya. "I assure you, interesado lang siguro sa'yo si Seb kaya siya ganoon," he said it like he knew his cousin's intentions to me.

Pinagmasdan ko ang aming dinadaanan. Malapit na kami sa aking boutique but I don't want to end this moment yet. Gusto kong itanong sa kanya kung anong kahulugan ng mga sinasabi niya ngayon. Why does he sound like he wants me to like his cousin? He explaining Sebastian's side to me. Bakit niya ito ipinagtatanggol? Wala ba siyang pakealam na sumama ako rito, tinanong nito ang nakaraan namin, at ang gusto pa niya ay magustuhan ko ito?

It's making me crazy to think all these!

"We're here," aniya.

Napapikit ako at nais magkunyaring tulog para lang makasama ko pa siya. He really was serious when he told me that he was going to bring me to my boutique! Hindi ba pwedeng ihatid na lang niya mismo ako sa aking condo? I could let him in my condo and we could talk there. Gusto kong mag-usap kaming dalawa. Nais kong pag-usapan na namin ang aming nakaraan. But why does it feels like he is avoiding that part of his life? Bakit kung harapin niya ako ngayon ay tila walang nangyaring nakaraan sa pagitan namin? He's acting like he wasn't hurt after I left him! Pero 'di kaya ay totoong hindi siya nasaktan? Baka wala talaga siyang pakealam? Baka hindi naman totoo ang sinabi niya noon na mahal niya ako kaya balewala lang sa kanya ang mga lumipas na taon? Nakalimutan na ba niya ang nararamdaman para sa akin?

Mas gusto ko pang magalit siya kaysa 'yong makalimutan niyang ako ang babaeng nang-iwan sa kanya matapos ng pag-amin niyang mahal niya ako!

"Zandra, I said we're—"

"Andrew," biglaan ang pagharap ko sa kanya kaya natigilan siya.

Umawang ang kanyang bibig sa aking paglapit. Ang kamay niyang nasa kambyo ay hinawakan ko. I am biting my lip as I stare in his eyes. Mahirap itong gusto kong mangyari. It might not be a good idea but I am dying to talk to him about our past.

"Andrew, let's talk," sambit kong halos magmakaawa. His eyes was void of any emotion. Hindi ko matanggap na wala siyang naging reaskyon sa nasabi ko. "I want us to talk about what happened. Please, don't act as if nothing happened five years ago. Limang taon akong naghintay para sa pagkakataong ito," untag ko.

If I were still the old Zandra, I might not be doing this right now. My pride before was huge! Pero nagbago na ang aming sitwasyon ngayon. All my walls have fallen on the ground and I feel so transparent every time I am with Andrew. Hindi ko kayang itago ang mga damdamin ko para sa kanya.

It's now or never. I am going to apologize for leaving. I am going to explain my side. I am going to tell him how in love I am with him before and until now.

Continue Reading

You'll Also Like

408K 12.4K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
79.5K 2.4K 55
How can you love when it's forbidden?
328K 6.4K 45
Savage Men Series #1: Estevan Zion Addison Dior was living a perfect life. Everything was well and fine but not until she met Estevan Zion. His prese...