Unexpected

By ohpurplerain

75.4K 1.1K 334

Walang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero... More

Prologue
Chapter 1*
Chapter 2*
Chapter 3*
Chapter 4*
Chapter 5*
Chapter 6*
Chapter 7*
Chapter 8*
Chapter 9*
Chapter 10*
Chapter 12*
Chapter 13*
Chapter 14*
Chapter 15*
Chapter 16*
Chapter 17.1*
Chapter 17.2*
Chapter 18*
Chapter 19.1*
Chapter 19.2*
Chapter 20*
Chapter 21.1*
Chapter 21.2*
Chapter 22*
Chapter 23*
Chapter 24*
Chapter 25*
Part 2*
Chapter 26*
Chapter 27*
Chapter 28*
Chapter 29*
Chapter 30*
Chapter 31*
Chapter 32*
Chapter 33*
Chapter 34*
Chapter 35*
Chapter 36*
Chapter 37 ~ The Unexpected Ending

Chapter 11*

1.6K 24 4
By ohpurplerain

Chapter 11 ~

 

JELYNNE's POV

Parang bigla akong nakaramdam ng lamig. Giniginaw ako. Ginapang ko ang mga kamay ko at may nakapa akong tela na sa malamang lamang ay isang kumot. Binalot ko ito sa katawan ko pero mukhang hindi effective kasi ang lamig talaga.

Binuksan ko ang mga mata ko. T-teka, ano to? Nasaan ako? Bakit puro puti lang ang nakikita ko? Nasa heaven na ba ako? Naalala ko ang huling nangyari sa akin at woaaaah! Pinatay na ba ako ng Mumu? TT___TT

Pero kung nasa heaven na ako, bakit parang ang lamig naman. Umiisnow ba sa heaven? Pero ala! Hindi pwedeng mangyari 'to. 

"Bakit ako pinatay ng Mumu? Wala naman akong ginagawa sa kanya ah? Huhuhu."  mangiyak ngiyak kong sabi sabay hila uli sa kumot. 

Ehh, may kumot din dito? Weird. 

"Tumigil ka nga dyan. Walang mumu, okay? Para ka namang bata dyan."  halos mapatalon ako aking pagkakahiga ng may biglang nagsalita sa tabi ko, akala ko si San Pedro na. 

 Sige, imaginine nyo, nakahiga tapos biglang napatalon.

"Renzo?" hinila ko ulit ang kumot at binalot ito sa buong katawan ko. "W-wag mong sa--"

"Wala akong ginawa sa'yo!"  sagot naman niya. Napahinga ako ng malalim. "Ikaw na nga 'tong tinulungan, pagmumukhain mo na naman akong masama!"

"Hehe!" at sabay na nag-peace sign ako sa kanya.

"Buti nagising ka pa. Kala ko matutuluyan ka na eh. Hinimatay ka kasi kanina. Hindi mo yata kinaya ang kgwapuhan ko. "  sabi nya sabay hagod sa buhok nya. 

Ay, kaya naman pala sobrang lamig dito!

Nang maalala ko uli kung anong nangyari sa akin, nag-init ang dugo ko. 

"Langya. So ikaw yung tumatawag sa akin kanina?  Ikaw yung bumato sa'kin? Ikaw yung humawak sa akin? Ikaw yung nanakot sa'kin kanina? OH MY RENZO! I almost die because of you? You do it on purpose, do you?"

"Hindi ko naman akalaing matatakot ka nang ganun na talagang hihimatayin ka pa!" natatawa niyang sabi sa akin.

Imbis na makonsensya at magsorry na lang sa akin, tinawanan pa nya ako.

"Napakabait mo! Sobra!"  I said, sarcastically.

"Ang lakas mo kayang maglakad mag-isa sa dilim tapos takot ka pala."

Naningkit naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ikaw, ano pa bang ginagawa mo sa school sa mga oras na yun. Itigil mo na nga yang pang-iistalk sa akin."

Bigla naman siyang napasinghal. "Hindi ko alam na marunong ka rin palang magjoke. Galing akong practice noon. Nahuli lang ako sa paglabas dahil nagshower pa ako sa cr sa may covered court."

Ah, kaya pala malamig ang kamay niya.

Tumayo na ako at inayos ang sarili. "Sige, uuwi na ako."

"Uuwi ka nang hating gabi? Papasukin ka pa kaya sa inyo?"

Napatingin ako sa relos at oo nga, alas dose na! Bakit gising pa siya? Akala ko tuloy mga alas otso lang at kayang kaya kong magdahilan kung bakit ginabi ako ng uwi. Pero ngayon, mukhang hindi na nga talaga ako makakapasok sa bahay!

"Pero kung gusto mo na talaga umalis, hindi naman kita pipigilan." nang-aasar na sabi niya sa akin.

 Napakabait. Sobrang bakit talaga ni Renzo!

" Okay!"

Tumayo na ako at bumaba sa kama. Dinahan-dahan ko lang para kung sakaling pigilan nya ako, sakto lang. Ayaw ko rin naman umuwi mag-isa no, takot ko lang sa mumu.

Pero dahil sobrang gentleman nga ni Renzo, wala akong narinig sa kanya. Di man lang ako pinigilan. Okay. Pagkalabas ko ng kwarto, halos malula ako sa nakita ko. Napakapit naman daw ako sa may pinto. 

Woah. 

Ang laki pala ng bahay nina Renzo! At pag sinabi kong malaki, sobrang laki talaga. Ang sosyal ng mga chandelier, nakakasilaw sa sobrang liwanag. Nakita ko ang hagdan pababa sa first floor, parang yung sa mga fairytale lang. Paikot sya tapos kumikinang-kinang pa. Bigla naman akong naexcite. 

Gusto ko na sanang bumaba kaso bigla akong natakot. Baka pag inapakan ko, biglang mabasag. Sinulyap ko na lang mula dito sa itaas ang kanilang sala. Sobrang lawak na para bang magkakasya kahit 2 barangay ang imbitahan mo dito. Ang lalaki ng mga figurine nila na parang mas malaki pa yata sa akin. Hanep, world Class. 

Bumalik ako sa kwarto ni Renzo sa pangangambang baka mabasag ko ang hagdan nila at baka maligaw ako kapag bumaba pa ako. 

"Oh, bakit ka bumalik?"  tanong nya sa akin na may halong pang-aasar. 

"Hindi mo naman kasi sinabi na malaki pala ang bahay nyo. Pano ako makakauwi nito? Baka dito pa lang sa bahay nyo maligaw na ako." 

"Problema mo na yun!" natatawa niyang sabi sa akin. Kainis! "Okay lang naman kung mag-stay ka muna dito. Ang Lola mo pa nga ang may sabi na dito ka na lang muna raw hangga't hindi ka pa nagigising."

"Pero gising na naman ako!"  Bigla akong napatigil nang marealize kung ano ba talaga ang sinabi niya, "T-teka, si Lola? Pa -- "

"Tumawag sya sa phone mo kanina at sinagot ko naman 'yun para na rin masabi ang kondisyon mo."

Nasapo ko na lang ang noo ko. Paano kung malaman iyon ni Mama? Patay na ako!

"Gusto ka nga niyang puntahan dito kaso, parating na raw ang Mama mo at kailangan ka raw niyang pagtakpan. Mukhang partners in crime ata kayo ng Lola mo." natatawa niyang sabi.

Kanina pa siya ah, parang tuwang tuwa siya sa mga pangyayari. Hindi ba siya nakakahalata na problemadong problemado na ako?

"Trust your Lola na lang!" at humiga na siya sa kama sabay pikit ng mata niya. "Matulog ka na para makauwi ka ng maaga mamaya." dugtong niya habang nakapikit pa rin.

Aba, at ang walang hiyang ito? Saan niya ako patutulugin? Sa sahig? Sa sofa?!

Hinila ko ang paa niya with all of my strength!

"Anong ginagawa mo?!" napabalikwas siya.

"Sabi mo matulog na ako, paano ako makakatulog kung dyan ka sa kama nakahiga?"

 

"Sinong nagsabi sa'yong dito ka tutulog?"

"Dito ako nakahiga kanina ah! Edi dito ulit ako tutulog!" 

"Yun na nga, dito kita pinahiga kanina dahil wala kang malay! Kaya nga hindi ako nakatulog kasi ito ang kama ko. Hindi ako makakatulog sa ibang kama!"

May ganun ba? Ang arte!

"Bisita mo ako. Kaya dapat lang na  dito sa kama ako humiga!"

"Sige kung gusto mo sa kama humiga. Marami kaming guest room. Mamili ka na lang kung san mo gusto. But not here in my room."

"Saan ba guest room nyo? Dali at nang makapili na ako. "  sabay tayo ko sa kama. 

"Hanapin mo. Ikaw na nga yung pinapatuloy ko dito sa bahay KO ! Tapos uutusan mo pa akong dalhin sa mga guest rooms? "

Yan na talaga, sobra na ang kayabangan nya. 

"Nasaan ba ang mga julalay mo?"

" Hanapin mo! "

 Bigla syang humiga sa kama at pumikit na. Ay grabe, di ko na kinakaya ang lalakeng ito. 

"Ano ba Renzo, san mo ako balak patulugin?" hinampas-hampas ko sya! Napamulat naman sya dahil alam kong napalakas yung hampas ko. Well, sinadya ko nga pala yon. Hahaha. 

Kita kong naiirita na sya. 

"Pumili ka na lang. Sa sofa ka matutulog o sa -- "

"Sa Kama! "  sabi ko, na hindi ko man lang pinatapos ang pagsasalita niya.

Natigilan sya at tumingin sya sa akin. Isang tingin na hindi ko gusto. 

"Sa kama ko, kasama ko? " 

YUCK. Kadiri. Nang makita nya ang reaction ko humaglpak na sya ng tawa. Masyadong hysterical nga kasi napapahawak na sya sa tyan nya sa sobrang utas. Sige, sana maubusan ka ng hininga. Joke.

"DUH." 

"DUH ka rin." panggagaya niya sa boses ko. "Wala akong pagnanasa sayo no. Asa pa ! Hindi lang talaga ako makakatulog kapag hindi ako sa kama ko natulog. "

"Lalo na ako no."

 "Yun naman pala e. Pumayag ka na na magkatabi tayo. Hindi naman kita gagalawin. "  sabi nya with a serious look. "If I know, ikaw yung may pagnanasa sa akin."  bulong nya sabay ngiti. 

Narinig ko yon. Narinig ko! ASAAAAR.  

"Ang yabang mo talaga no?"

"Ang arte mo kasi, dito ka na nga kasi matulog. " 

Hinili nya ako at- at. Napapatong ako ng bahagya sa kanya. >//< Napatayo naman ako bigla at tumalikod sa kanya. Shocks. Ano bang nagyayari dito. Di ko na kaya!

Mga ilang seconds rin na ganun yung position ko. 

"Sige na, humiga ka na rito. Nilagyan ko na ng harang oh, siguro naman okay na yan sa'yo. " 

Napalingon ako at nakita kong may mga unan sa gitna, siguro mga 5 patong ng unan na para bang nagsisilbing wall namin. 

Di na ako nag inarte pa at humiga na lang. Humarap ako sa kabilang side at pumikit na. Hayjusko, kailangan ko nang matulog. Masyado nang maraming nangyari ngayon.  

Renzo's POV

Hindi na sya umimik pagkatapos nang nangyari. Parang biglang nakaramdam ako ng awkwardness. Nilagyan ko na lang ng unan sa pagitan namin para maging panatag sya. Humiga sya ng walang imik-imik. At sa paghiga nyang yun, nakaramdam ako ng kaba. 

Gusto ko sanang tanungin kung okay lang sya pero biglang ZZZzzz .. humaharok na sya, nakatulog na pala agad sya. Natawa naman ako bigla.

Ano ba yan Renzo, humihilik lang si Jelynne pero kung makangiti ka naman akala mo may magandang nangyari sa buhay mo.

Ngayon nga, magkatabi kami, ay hindi, magkasama lang pala. Hindi magkatabi, okay? Malaki naman ang kama at nilagyan ko ng wall yung gitna namin dahil alam kong iyon ang ikakapanatag ng loob ni Jelynne. Wala akong gagawin dahil nirerespeto ko sya. Hindi masyado mataas yung ginawa kong wall. Sapat lang para makita ko pa rin sya, pero malas lang kasi likod lang niya ang nakikita ko.

Okay lang, basta alam kong kasama ko sya. Panatag na rin ako.

Sweet dreams sa akin. 

...

umaga na ..

 

Nakaramdam ako ng init. Napaka-unusual naman nito, may aircon kasi. Kadalasan, nangangatal na ako sa sobrang lamig sa mga oras na ito. Bakit kaya? Pero kahit mainit, ang sarap sa pakiramdam. I feel warmth. Unti- unti kong binubuksan ang aking mga mata. At ang una kong nakita ay si Jelynne.

 Pinagmamasdan ko lang ang maamo niyang mukha at saka ko lang napansin na nakayakap pala sya sa akin. Kaya pala iba agad yung naramdaman ko pagkagising ko. 

Ano? Nakayakap sya sa akin? Nawala na pala ang mga unan na nilagay ko kagabi dito sa pagitan namin. Nadaganan na nya at malamang yung iba, nahulog na. Ayy, ang likot lang matulog ng babaeng ito!

Pero bago pa man ako makagalaw at maistorbo sya sa pagtulog. Napangiti na lang ako at hinayaan na lang sya na nakayakap sa akin. Maya-maya'y umibo na ang mga mata niya at bago pa ako makawala sa kanya ay nakita na niya na face-to-face kami ngayon!"

"Ahhhhhhh!"  sigaw niya na hindi pa rin gumagalaw sa posisyon niya. Napapikit naman ako sa sobrang lakas ng sigaw at talagang sa mukha ko pa siya sumigaw!

"Sinasabi ko na nga ba e. May masama kang balak ! Naku. Di ba sabi kong wag na wag kang didikit sa akin? Ano to, ha! "

I just smiled. Alam ko kasing bubungangaan na naman nya ako, tatarayan. Napangiti na lang ako kasi hanggang ngayon nakayakap pa rin sya sa akin. Kung makasigaw naman 'to. 

"Ano? Ngiti na lang ba palagi ang sagot mo sa mga tanong ko?"

"Ako ba talaga 'tong may binabalak sa'yo? Ako ba talaga ang dumikit sa'yo?"  natatawa kong sabi sa kanya. 

She got confused with my statement. 

Tiningnan nya ang mga kamay nya at nang makita nyang nakayakap to sa'kin ay bigla nya tong inalis at dali-daling tumayo. Inis na inis sya. Halatang halata sa nakakunot nyang noo. HAHAHA!

 

"Aalis na ako!" naiinis na sabi niya.

"Ihahatid na kita!"  hindi naman siya tumanggi dahil alam kong hindi niya alam ang daan palabas at alam ko ring takot siya maglakad mag-isa ngayong madilim pa sa labas.

 

Hindi pa kami nakakalayo nang bigla syang tumigil at lumingon bigla. Napalingon rin naman ako at napaisip kung anong tiningnan nya. Nagsimula na uli syang naglakad. 

"Hindi ko alam na may tao pa pala sa malaking bahay na 'yun.  Pagmamay-ari yun ng mga Herico di ba, yung may-ari rin ng El Nido Ressort sa Palawan?"

Tahimik lang ako.

"So Herico ka rin?" hindi ako sumagot.

"Imposible! Ha-ha!" natatawa niyang sabi. "Hindi ka naman mukhang mayaman eh! Siguro anak ka ng maid don. Hahaha!"

Biglang kumunot ang noo ko sa narinig. Pero kung may ayaw man ako sa buhay ko, ito ay ang pagiging mayaman namin. Mas gusto ko pang simple lang basta sama-sama kaming pamilya. Pero hindi na siguro mangyayari yun.

"Silence means yes. So anak ka nga ng isang maid don?"

"Kailan ka pa naging interesado sa buhay ko? " hamon ko sa kanya.

Napalunok naman siya at umiwas ng tingin. "H-hindi no!" pagtanggi niya.

Natawa naman ako kasi napaka-defensive nya. Hahaha!

Biglang tumahimik at wala nang sumubok na magsalita sa amin. Napansin kong napayakap sya sa sarili nya, siguro nilalamig. 

"Nilalamig ka ba?"  ang obvious naman ng tanong ko. 

"Oo malamig pero masarap sa pakiramdam. Gusto ko nang ganitong klima. " 

Sabi nya at pumikit bigla na para bang nilanghap nya ang hangin at muling niyakap ang sarili. Napangiti na lang ako sa nakita ko.

Maya-maya'y nakarating na kami sa tapat ng bahay nila at dire-diretsong pumasok sa gate nila na hindi man lang ako nililingon!

"Teka, Jelynne!" sigaw ko. Lumingon naman ito at sinenyasan ako na wag daw akong maingay at itinataboy na ako.

 Walang utang na loob!

"Ganun na lang ba yun?" bulong ko.

"Okay! Thank you!" napipilitan niyang sabi.

 "Anong thank you? Libre mo ako mamayang lunch!" napakunot siya ng noo. Akala ko mag-oobject sya pero nagulat na lang ako nang tumango siya.

 

"Sige na. Sige na. Alis na ! SHOOO ! "

Continue Reading

You'll Also Like

257K 17.5K 83
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
9K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
27.1M 717K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...