Take me to your HEART (GxG) :...

By _AyEnNe_

624K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... More

Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 3 : " Hired "
Chapter 4 : "Ignored"
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 7 : " Green minded"
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "
Chapter 12 : Unfolding the PAST
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 19 : A Dear Friend?
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 22 : She Cares For YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 26 : Uncontrolled Emotions
Chapter 27 : Emotion Revealed
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 35 : Unexpected Visitor
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 38 : i'm sorry, but I love her
Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 41 : Imagine me & you
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 44 : Drifting
Chapter 45 : Awaken
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 49 : longing
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 1 : JUBEL

45.8K 632 31
By _AyEnNe_

Louise (POV)

" hey Santi! where are you na? Lian and I already here in the parking lot " bungad ko sa kaibigan ko pagkasagot na pagkasagot nya ng telepono. Kasalukuyan kaming nasa The Trellis Makati ngayon at iniintay ang mga kumag kong kaibigan.

" your too atat my dear!... mauna na kayo sa loob, I have my reservations at 7 pm so i guess pwede na kayong pumasok. Na stuck lang kami sa traffic dito sa EDSA" maarteng paliwanag nito.

" nampucha! make it fast bakla ... sayang ang gabi!" pang -aasar ko na sinabayan ko pa ng pagtawa. Nangingiti si Lian na nasa tabi ko na kasalukuyang inaayos ang gamit nya.

"aba at ang bruha nato'!.. what do you want me to do? lumipad?!" protesta nya.

I'm imagining him na pinanlalakihan ako ng mata habang nakapamaywang . Naiiling na lang ako, baklang bakla talaga ito.

Santi was my friend since college days, A closet gay. Lalaking -lalaki pa sya ng mga panahon na yun, madami rin ang nahumaling sa kanyang babae, dahil sa taglay nyang kagwapuhan pero eversince pusong babae na talaga sya. Hindi rin biro ang pinagdaanan ng baklitang yun because he was from a Chinese Prominent family. Ilang sipa at suntok din ang natanggap nya mula sa striktong tatay nya para lang patinuin sya.

But in fairness to him nagpilit naman syang maging lalaki para sa family nya. if i'm not mistaken, he even tried courting Lian na naging kaibigan din namin, pero wala ring kinahinatnan. His family even done the traditional arranged marriage for him, at ng mga panahon na yun willing na syang maging miserable ang buhay, nawalan na sya ng pag-asang maging masaya dahil halos ikulong na sya ng Father nya sa Mansion nila. Inihanda na nga nya ang sarili sa kasasadlakan ng buhay nya. Pero muli syang nabuhayan ng loob when he met Henry, his brothers best friend, a businessman from Germany.Duon na lumabas ang tunay na kulay nya at lalong lumakas ang loob ng ma-confirmed na gusto din sya nito. Itinakas sya nito from his family and dinala sa Germany. After a year natanggap na rin sya ng Family nya. Sayang nga lang dahil that was the time na may sakit na ang father nya.

and the rest sabi nga nila is history.

Actually, welcome back party nya ang i-cecelebrate namin tonight. Kakadating lang nya from Germany the other day.

"ano hindi na ba natin sila antayin? " tanong ni Lian while removing her seatbelt

"una na raw tayo,nasa edsa pa sila.. tara!" yaya ko kay Lian, after i get my carkey and removed my seatbelt.

Sumunod naman sya at agad na tumungo sa bungad ng club. Pagpasok pa lang namin ini-assist na kami ng waiter sa designated table namin at agad na umorder ng light drinks habang hinihintay sila Santi. Buti na lang at kumain muna kami sa bahay nila Lian bago umalis, if not sisikmurain kami kapag nagkataon.

Pansamantala akong tumingin sa paligid and sigh. This life, hindi yata ako magsasawa sa ganitong environment, for past few months wala na akong ginawa kung hindi mag clubbing at bar hopping. but why not, nagbabawi lang naman ako.

Jusmio! nuong panahon naman na nag-aaral ako, super tutok ko noh. Nasabik ako sa night life kaya pagka graduate at makapasa sa board exam kaliwa't kanang party na ang pinuntahan ko. Ano lang ba naman ang magligalig ng ilang buwan. Pero syempre, hindi naman habang panahon ganun na lang. Next week I need to work na. back to reality na naman ang peg ko.

"ang lalim ng iniisip mo girl" bati ni Lian pagkalagok ng iniinom nya

Bumuntong hininga muna ko bago ako sumagot " paano ba naman back to reality na next week, mag-start na ako sa work at siguradong yung ganitong event bihira ko ng magagawa"

"sus! anu ka ba naman, ganun talga .. hindi naman habang panahon kang ganito noh. Buti ka nga at may napasukan ka kaagad. Ako simula nung maka-grad tayo, nag start na ako maghanap ng work pero wala pang tumatawag sa akin ni isa" may bahagyang hinanakit sa tono nito

"eh teka, saang company ka ba nakapasok? " dugtong nya

"sa GaSCo, QC-Assistant"

Halos maibuga ni Lian ang ini-inom nya ng sinabi ko sa kanya kung saan.. Tila bata pa itong lumapit sa akin at inugoy ugoy ang kamay ko.

"whoa!!! Really? sa GaSCo? Ang galing mo naman girl, isa yan sa emerging company ngayon. Bago pa lang pero puro positive feedback na ang natatanggap. Kainggit ka naman"

"I know right?" maarteng sabi ko sa may pagmamalaking tinig kasabay ng nakakalokong ngiti.

She just pouted like a kid bago sinabing " pag' nag-start ka na magwork, mag boyfriend ka ng Engineer tapos i-recommend mo ko "

"sira! ang abnormal mo...kung ano-anong iniisip mo jan, iisa pa lang iniinom natin pero lasing ka na yata " pabiro kong sabi sa kanya.

Everyone keep on telling me that i'm lucky daw sa tuwing malalaman nila na dun ako magta-trabaho. True to what Lian said, malaking company talaga ang GaSCo, They are one of the the leading Construction Company sa bansa na mostly ang target is mga landed houses and mid-rise condominiums. Ang swerte ko nga lang talaga dahil isa ako sa mga natanggap.

Nakadalawang shot na yata kami ng sa wakas dumating na rin sila Santi.

"oh tabi-tabi kayo jan!... dadaan ang reyna! Pakendeng-kendeng pa!" sigaw nito habang iniisa isang hawiin ang binti namin at sumiksik sa dulong upuan.

Si Akie na nakasunod sa kanya tawa lang ng tawa at halatang nasa party mood na.

Pagka-upong pagkaupo pa lang nila. Tinawag na ni Santi ang waiter at umorder ng sangkaterbang pagkain at alak.

"which is which bakla ?

a. bibitayin tayo ?

b. hindi ka pinapakain ni Henry ng maayos?

c.Papatabain mo kaming tatlo dahil naiinsecure ka sa katawan namin?

O

d.All of the above? " natatawang komento ni Akie

"pwedeng D na lang!" malanding sabi nito habang pumipikit pikit na ikanahagalpak ng tawa naming tatlo.

"maryosep! napakadami naman kasi nyan" natatawang reklamo ko

" ang aarte naman! uminom na nga lang tau! Ang dami pang sinasabi ih! " si Santi. Isa isa nyang dinampot ang mga basong may lamang alak at iniabot sa amin.

" cheers!! " sabay sabay na sigaw namin sabay bottoms up.

********

Gabby's (POV)

" ano pong drinks " tanong sa akin ni Drei- ang bartender.

" the usual please" seryosong sagot ko

Ngumiti muna ito at tumango bago tumalikod. Alam na nya kung ano ang oorderin ko.

For past 6 months halos dito ang naging tambayan ko. Kung hindi man araw-araw, atleast 4 times a week pumupunta ako dito para mawala panandalian ang bumabagabag sa puso at para maibsan ang kahungkagang nararamdaman ko.

Its been 6 fucking months! Hayan ka pa rin at mukhang gago! Hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Komento ng isang maliit na parte ng utak ko na kalimitang sinasagot ng kabilang panig ng "I don't have a fucking idea!".

T*ang-ina! Kahit sarili ko hindi na alam kung ano pang dapat kong gawin.

For 6 months, I've been trying to live, out of my miserable life. para na lang akong isang zombie na gumagalaw at sumusunod sa agos ng buhay pero nilisan na ako ng literal na salitang "buhay".

" your drinks ma'am" pukaw sa akin ni Drei.

"salamat" sabay abot ko sa basong inilapag nya. Sinimulang simsimin ang laman at pagkatapos tsaka ininom hanggang sa mapa-ngalahati. Bahagyag gumuhit ang pait sa lalamunan ko pero hindi ko yun ininda. Inikot-ikot ko ang baso habang matamang nag-isip.

I don't know where to start. Hindi ko alam kung paano akong magsisimula muli o papaanong ibabalik sa normal ang takbo ng buhay ko.

Hindi ko alam kung paano na ako ngayong wala na siya.

Siya - ang kaisa-isang tao na inalayan ko ng buong puso at buong pagkatao ko.
Siya na pinagkatiwalaan ko ng lubos at
Siya - na sumira ng buhay at ng mga pangarap ko.

Nang mga pangarap naming dalawa.

Papaano nya ito nagawa sa akin? Paano NILA nagawa ito sa akin?

Paano?.

.. untag ng nagpupuyos kong kalooban.

I was in my deep thought when Drei the bartender slide a bundle of tissue in front of me. I look at him and saw pity in his eyes bago sya tumalikod para asikasuhin ang ibang customer. Hindi ko namalayang umiiyak na ako kasabay ng isang pamilyar na sakit sa dibdib ko, ang sugat na hindi pa rin gumagaling hanggang sa ngayon at patuloy lang nag-nanaknak tuwing sumasagi ang panlolokong ginawa nila sa akin.

Kumuha ako ng tissue at ipinunas sa nanlalabo kong mga mata.

Fuck! I hate crying! I hate this feeling! And I hate them!

For God sake Gabby! Maawa ka naman sa sarili mo.Give yourself a break! react na naman ng utak ko.Pero sa tuwina puro ganun lang, naghuhumiyaw silang lubayan ko na at ayusin ang sarili, pero lagi ko na lang natatagpuan ang sariling lulong at lunod pa rin sa sakit na pinaranas ng malupit na nakaraan.

Its not fair. Everything is unfair!

And Shit!!

Hindi pwedeng ako lang ang nahihirapan! Nagrerebelde ang kalooban ko, kung mahuhulog ako sa kumunoy ng kamiserablihan, I'll make sure na pati sila idadamay ko.

Maghihiganti ako and I will make their life a living hell.

********

Louise (POV)

Ilang oras pa ang lumipas bago napuno ang club. As for us, medyo may tama na rin kami ng alak dahil sa sangdamak-mak na inorder ni Santi at dahil medyo nagsisimula ng malasing, kung saan saan na rin humantong ang usapan naming magbabarkada. Kagaya ngayon na ang topic na binuksan ni Santi ay tungkol sa SEX. Siraulo talaga itong baklang ito buhat ng maka-live-in si Henry sa Germany naging garapal na ang bibig. Ngayon naman pinagti-tripan nya si Lian.

" alam mo friendship, if I were you, mamimingwit na ako jan ng magiging Papa.. Look around you ang daming Gwapo" halos paimpit na sabi nito sa aktong kinikilig habang iniikot ng tingin ang paligid.

"pwede ba Santi, lubayan mo nga ako, masaya ako sa buhay ko noh. Ayoko pa ng sakit ng ulo" mataray na sabi ni Lian

"naku girl, your not getting any younger na. ni isang boyfriend hindi ka pa nagkakaron... sayang ang luto ng diyos kung hindi mo matitikman!" pagpapatuloy na pang-aasar nito.

"your such a pervert!" komento ko sa kanya na tatawa tawa. Na sinang-ayunan naman nila Akie

"wag ka ngang kumontra jan! if I know, magkaparehas lang tayo ng likaw ng bituka!" sagot nya sa akin na pinanlakihan ako ng mga mata at tumawa ng nakakaloko.

" hoy!.. mahiya ka nga jan! wag mo akong igaya sayo na halos--" hindi ko naituloy yung sasabihin dahil dire-diretso ng itong nagtungayaw. Sa lakas ng boses nya na-overpower ang boses ko. Taratitat talaga tong baklang to' isip-isip ko. Hindi na ako makapag-protesta dahil halos gumulong na ako sa kakatawa dahil sa itsura nya. Eversince talaga ayaw nyang tinatawag syang pervert! Kaya hayun ayaw lumubay ng kadadakdak.

Nagtry si Akie na takpan ang bibig nito ,but he just bite her at pagkatapos nagtungayaw na naman. Tatawa-tawa na lang kaming magkaibigan habang hinahayaan syang mag-ingay. Pero maya-maya when the dj start to play a familiar song bigla syang natahimik.

Sandali kaming napatigil at nagkatitigan ng marinig namin ang instrumental na intro nito ...

"Jubel!!!" halos sabay sabay na hiyaw namin.

It was our favorite song everytime na gumigimik kami during college days at kapag pinapatugtog ito automatic na pumupunta na kami sa dance floor.

Santi was the first to stood up at nagyaya sa Dance Floor.

Nagsunuran kaming tatlo habang unti-unting umiindak sa saliw ng musika. Marami na ring tao sa dun nang pumunta kami. Pumuwesto kami sa gitna habang paikot na nag-sasayaw. Dala ng medyo lango na sa alak naging magaslaw na ang naging kilos naming apat kasabay ng panaka-nakang paghiyaw-hiyaw habang ini-enjoy ang sandali. Hindi nagtagal may mga lalaki ng nakihalubilo sa amin , nakisayaw at sumunod sa malalanding galaw namin.

Then there is this one man na dumikit sa akin at sinabayan akong sumayaw, mapusok ang galaw nya na waring nang-aakit.

The hell I care. Sanay ako sa ganitong scenario. Kayang-kaya kong sabayan ang pagiging agresibo nya. after all i'm the flirtatious princess itself. The guy is obviously enjoying on flirting with me while dancing, halos ikiskis na nito ang buo nyang katawan na sinasabayan ko naman ng malanding pag galaw. I can sense na dalang dala na sya sa ginagawa naming dalawa.

His about to grab my waist when Santi came from nowhere and drag me out of the Dance floor.

Tatawa-tawa kaming tumungo pabalik sa table na halos ikaladkad ko dahil sa paghatak nya.

"just like the old days! " tatawa-tawang sabi ko sabay upo.

" did you see his face? He was shocked.. nanduon na eh.. onti na lang.. nabitin pa..hahaha! " namumulang sabi ni Santi.

" wala ka paring kupas girl, your still the same bitch I knew back in our days! Ang landi mo!" dugtong nya.

"what's happening here?" nagtatakang tanong ng bagong dating na si Akie

"hahaha!... don't tell me may pinagtripan na naman kayong dalawa?" sabat ni Lian na pinaglipat-lipat ang tingin sa amin ni Santi.

We did not confirm anything and just smirked at them.

"just like the old days" Santi sighed and smiled at them. After a while, tumawag sya ng waiter at umorder ulit.

"hey! baka naman gumapang na tayo nyan pauwi" reklamo ni Lian

"hindi yan,anu ka ba, the night is still young , mag-enjoy ka nga lang jan! " salag ni Santi habang nagsisindi ng sigarilyo.

Sumisimsim kami ng alak ni Akie ng magsalita na naman sya matapos ang ilang hitit at buga.

" why don't we play a game?! " excited na tanong nito, parang bata na ang luwang ng pagkakangiti.

"ano na naman yan bakla? " naiiling kong komento bago inumin ang alak na hawak ko

"I dare you! " sagot naman nya

"anu ka ba, ako na naman? Kanina pa yang dare game na yan eh..nakakasawa na ..walang thrill" mayabang na sagot ko

"no.. no.. this time pahihirapan kita...something na hindi mo pa nagagawa. " ngingiti-ngiting sagot nya

"bring it on girl, kahit ano pa yan hindi ko aatrasan" mayabang na sagot ko.

" okay... let me think .. " tila nag-iisip na sabi nya nangalumbaba and putting her index finger on her cheeks. Napansin kong iniikot nya ng tingin ang club at si hindi kalayuan huminto ang tingin nya sa bar area.

"may naisip na ko!" excited na sabi smirking at me.

Amuse akong napatingin sa kanya. Ano na naman kayang kalokohan ang tumatakbo sa isip nito.

Whatever!

Kahit ano pa yan, sure naman akong kaya ng powers ko yan.

"nakikita mo yung girl na nakaupo dun sa bar area?dun sa bandang dulo, yung mahaba ang buhok" turo nya sa akin. Kunot-noo akong tumingin sa direksyon na tinuturo nya.

"yes? What about her? " sagot ko sa kanya bago muli uminom ng alak.

"I dare you to seduce and kiss her " ang walang kagatol-gatol na sabi nya, sumandal ng prente at humalukipkip. Nanduon pa din ang tingin nyang naghahamon. Halos maibuga ko ang ininom kong alak ng marinig ang dare nya. Halos sabay pa kami nila Akie na napalingon ng marahas.

"you've got to be kidding me" sabi ko ng makabawi sa pagkabigla. Sabay lingon dun sa babae na itinuro nya. Nakatalikod ito kaya hindi ko mabistahan ang itsura.

Nampucha! seryoso?

"no..i'm not kidding my dear " ngingisi-ngisi ito sakin while raising his one eyebrow and sipping his drinks. i pause for a while.

talaga ba?

" what now? ayaw mo? hindi mo kaya?" naghahamon na tanong nito.

Tumingin ako kila Lian na ngingiti-ngiti na din at binabato ako ng nag-hahamong tingin.

They knew me since college. Lahat ng i-dare sa akin ginagawa ko. To name a few that includes, ang pagtakbo sa quadrangle ng naka-bra at panty lang with plastic in my head, I sabotage one of the party event by giving prank call to the police and sinabing may bombang nakatanim sa back stage, I even seduced my Math teacher who is way older than me at marami pang iba.

But this?

Oh My!

It's your forte Louise. I-seseduce mo lang naman. and the kiss? Its just a kiss. Sus! andami mo ng nahalikan noh. Where is the old Louise na wala ng ginawa kundi pumatol sa mga ganitong hamon?

"ehern! ano? ayaw na? " tila nanunuksong sabi ni Santi na nakangiti ng nakakaloko.

"o-of course n-not! " nag-ii-stammer kong sagot bago pa mag-react ang isang parte ng utak ko.

"kaya ko yan.. sus!. seduce lang pala tsaka kiss... chicken lang yan" sa hindi kumbinsidong tono na nahalata yata nila Akie kaya lalo akong nginitian ng nang-aasar.

"that's my girl!.. so ano pang inaantay mo?? Go na!" pagtataboy nito sa akin

Bago ako tumayo ini-straight ko muna ang isang basong alak. Binuo ang composure sa sarili at bumuntong hininga.

" Let the game begin "bulong ko

Tsaka dire-diretsong tumungo sa bar area.

Continue Reading

You'll Also Like

58.7K 1.3K 32
Katulad ng sinasabi ng marami, ang tadhana ay masyadong mapaglaro. Years later, Danielle happened to run with a girl na muling magpapayanig ng mundo...
7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
464K 17.1K 105
"What a plot twist you were."