Unexpected

Por ohpurplerain

75.4K 1.1K 334

Walang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero... Más

Prologue
Chapter 1*
Chapter 2*
Chapter 3*
Chapter 4*
Chapter 5*
Chapter 6*
Chapter 7*
Chapter 8*
Chapter 9*
Chapter 11*
Chapter 12*
Chapter 13*
Chapter 14*
Chapter 15*
Chapter 16*
Chapter 17.1*
Chapter 17.2*
Chapter 18*
Chapter 19.1*
Chapter 19.2*
Chapter 20*
Chapter 21.1*
Chapter 21.2*
Chapter 22*
Chapter 23*
Chapter 24*
Chapter 25*
Part 2*
Chapter 26*
Chapter 27*
Chapter 28*
Chapter 29*
Chapter 30*
Chapter 31*
Chapter 32*
Chapter 33*
Chapter 34*
Chapter 35*
Chapter 36*
Chapter 37 ~ The Unexpected Ending

Chapter 10*

1.6K 26 8
Por ohpurplerain

Chapter 10 ~

 

Nandito na ako sa school. Bukod sa pinag-iisipan ko kung pupunta ba ako mamaya sa F. Park  ay pinag-iisipan ko rin kung papansinin ko ba si Kaysha after ng nangyari kahapon. Syempre kaibigan ko yun, ang hirap niyang iwasan pero gusto ko rin namang iparamdam sa kanya na nasaktan talaga ako sa ginawa niya.

Pagpasok ko sa room ay agad akong sinalubong ni Kaysha.

"Hindi mo na ako nireplyan kahapon!" pa-sad effect niyang bungad sa akin.

"Wala na akong load." napaka-cold kong sagot sa kanya at dumaretso na sa upuan ko.

"Tumawag ako di ba?"

Pumikit muna ako at huminga ako ng malalim then afterwards, I finally confront her.

"Do you expect me to still talk with you after mo akong iwan kahapon?" nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

 "Sinabi kong kukunin lang namin ang kotse ni Reign and right after that, babalikan namin kayo."

Yes, yes, that's actually what she told me but .. "you don't get my point!"

"What point?" clueless niyang tanong. "Kasama mo naman si Renzo eh. You're not alone."  Hindi ko akalaing maiisip niyang okay lang na iwan ako kasi may kasama naman ako. Grabe!

Ayaw ko sanang gawin ito pero nag-walk out ako.

"Saan ka pupunta Jelynne?" tanong niya pero hindi ko na siya pinansin pa. Nakita kong parating na ang teacher namin pero agad ko itong iniwasan at sadyang lumihis pa ng daan para hindi siya makasalubong.

Wala ako sa mood para umattend sa mga klase ko. Umattend man ako ay alam kong hindi rin naman ako makikinig. Alam kong kaoag nalaman ito ni Mama o kaya ni Lola ay paniguradong malalagot ako pero siguro hindi naman ito makakarating sa kanila. Unless, isumbong ako ni Kaysha. Subukan lang niya! Hmp!

"Jelynne!" napalingon ako nang marinig ko ang pangalan ko. Boses ng lalaki pero hindi iyon si Renzo. Sino namang tatawag sa akin? I mean, wala akong kaibigang lalaki dito sa school.

Nang hinagod ko ang aking tingin ay nakita ko si Dinno. Kaklase ko, kaklase ko simula first year. Bakit naman niya ako tatawagin? Hindi kami close at nagkakausap lang kami kapag kailangan lang, for school matters.

"Wala bang klase?" tanong niya sa akin. Time na rin kasi at makikita niya akong pagala-gala at suot pa ang bag ko. Iisipin talaga niya na walang klase.

"Meron. Nandoon na nga si Sir."  sagot ko. Takang taka naman siya sa narinig. Alam niya kasing hindi naman ako umaabsent eh.

"Sa -"

Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at umalis na lang basta. Alam ko kasing tatanungin lang niya kung saan ako pupunta at imbis na magsinungaling ay iniwasan ko na lang.

 

Nandito ako ngayon sa bleachers.

Wala. Nakaupo lang ako dito. Tinitingnan lahat ng dumadaan.

"Ay petrang kabayo!"  halos atakihin ako nang biglang may tumulak sa akin. Hindi naman talaga tinulak, parang pinat lang ang likod ko gamit ang dalawa niyang kamay!

Napalingon ako sa kanya at nakita ang nang-aasar na mukha ni Renzo!

Inirapan ko lang siya at kinuha na ang mga gamit ko. Wala ako sa mood para sakyan ang kakulitan niya.

"Ang sungit mo na naman. Sinabi ko sayong wag mo nang itatas yang kilay mo. Mamaya maging permanent yan. Hahaha!"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Napansin ko naman na sinusundan niya ako.

"Can you please stay away from me? Stop following me, okay!" 

"Nagpapatawa ka ba? Di kita sinusundan!"

Napahawak ako sa ulo ko at " Arghhhh!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bad vibes na nga, nangungulit pa! Hindi po mahaba ang pasensya ko.

Nakita ko namang napatingin sa amin ang ilang dumadaan. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at binantaan si Renzo. "Wag ka nang susunod!" 

Pero hindi pa ako nakakalayo ay bigla akong natisod doon sa elevated na semento at natumba. Tumakbo naman kaagad si Renzo at bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. 

"Libre kang tumawa, Renzo! Alam ko namang yan ang gagawin mo."

"Ito naman, tutulungan na nga, mamasamain pa."

Inalalayan niya ako at hinayaan ko naman siya. At nang makatayo ako ay inalis ko kaagad ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko. May mga nakakakita kasi at nakakailang yon!

 "Kaya ko na. S-salamat."

Nakaalalay lang siya mula sa likod ko at sinamahan niya ako hanggang sa clinic. Nagkaroon kasi ang gasgas sa tuhod ko. Ang hapdi!

Hinilot nang nurse ang paa ko at unang ikot pa lang ay napa "aray" na kaagad ako sa sobrang sakit. 

"May sprain ka." sabi sa akin ng nurse. "Dito ka muna sa clinic. Bibigyan na lang kita ng slip para ma-excuse ka sa mga klase mo."

Ngumiti naman ako sa nurse. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil may maidadahilan na talaga ako kung bakit ako absent ngayon. Pero ang sakit ng paa ko. Karma na yata 'to!

"At ikaw. "  binalingan niya si Renzo. "Bumalik ka na sa klase mo dahil hindi kita bibigyan ng excuse slip. Balikan mo na lang siya mamayang lunch dahil pwede na rin siyang lumabas ng clinic."

Tiningnan ko naman si Renzo at sinenyasan na umalis na. Inayos naman niya ang bag niya at ngumiti sa akin. "Sige, magpahinga ka na."

Nang sumapit ang lunch break ay hindi naman ako nabigo. Dumating si Renzo at may dala-dala siyang pagkain.

"Kumain ka na. Alam kong favorite mo yan!"  pagbukas ko, caldereta ang ulam. Paano niya nalamang favorite ko 'to?

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ito sa akin. "Sabi ng nurse, pwede ka na raw umuwi. Gusto mo ihatid na kita?"

Agad akong umiling. "Hindi! Wag na!" 

Ayaw ko kasing makita na naman akong kasama si Renzo at saka ku-kwestyunin lang ako sa amin kung bakit ako maaga akong umuwi at mauuwi lang yun sa pag-amin ko na binalak kong mag-cutting!

Saka, kailangan ko pang makuha si fluffy. "Hindi ako uuwi. Aattend na lang ako ng klase."

"Sure ka? Kaya mo ba?"

"Uhmm!" tumango lang ako.

Hinatid niya ako hanggang sa aming room at ramdam na ramdam ko na nasa akin ang mata ng lahat. Alam kong kung anu-ano nang iniisip nila ngayon dahil hinatid ako ni Renzo.

Umuwi na ako sa upuan ko na katabi ng kay Kaysha. Alam kong alam na niya ang nangyari sa akin pero hindi man lang siya nag-abala na tanungin kung okay lang ba ako. Naging mailap siya at halatang umiiwas na rin.

Ang sakit.

Ganoon lang ang nangyari maghapon at natapos iyon nang hindi kami nagkikibuan. Umuna na nga siya sa paglabas at hindi na ako inintay. Dito na ba nagtatapos ang aming pagkakaibigan?

Napatingin ako sa aking relo at naalalang may kailangan pa nga pala akong tagpuin sa F. Park!

To: MR. na nakuka kay Fluffy

Nasan ka na? Nasan na yung bear ko? Are you coming or what? 

Pero wala akong nareceive na response sa kanya. Inabot na ako ng dilim at halos papakin na ako ng lamok, hindi pa rin siya dumadating.

 I tried to call him ..  the number you have dialed is either unattended or out of coverage area. please try your call later. 

Dadagdag pa ata ito sa sakit ng ulo ko! Nakakainis. Napagdesisyunan kong umalis na dahil mukhang mapapagsaraduhan na ako ng gate neto.

Palabas na ako ng gate 3 . Wala nang katao-tao.  Parang ako na lang ang nandito. Paano na kung sarado na yung gate dito sa likod? Pupunta pa uli ako sa main gate? Waa! Mahabang lakarin iyon!

Sana bukas pa ang gate 3. 

Sana bukas pa ang gate 3.

Natatanaw ko na ang gate 3  at nakakapanlumong makitang sarado na ito. Madilim na rin sa guard house. Ibigsabihin, wala na ang guard.

No choice. Lakad papuntang main gate!

Binilisan ko na ang paglalakad dahil natatakot ako sa sobrang dilim. May ilan-ilang ilaw sa mga poste pero hindi iyon sapat para magliwanag ang buong daan.

 Nakakatakot at mas nagimbal ako nang marinig ko ang pangalan ko.

"Jelynne!"  may tumawag sakin ? O_O ?

 "Jelynne!"

  "Jelynne!"

( echo yung mga yun. hahaha. )

Mas nakakakilabot ang mga echo. Binilisan ko pa lalo ang paglalakad. Ay hindi, tumatakbo na pala ako. Nang biglang may tumamasa ulo ko.

* BOINK * 

"Mumu. Please wag mo akong sasaktan! Uuwi na naman ako e. Hindi ko naman kayo guguluhin!" sigaw ko habang patuloy na tumatakbo.

 At ilang saglit pa ay nakarinig ako ng mga yabag. Tumatakbo siya pallapit sa akin at parang gusto ko nang himatayin nang hawakan niya ako sa pulso. Napakalamig ng kamay niya.

Malamang, multo yon eh!

I'm dead! 

Seguir leyendo

También te gustarán

52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.4M 33.5K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
260K 17.7K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...