Revenge ni Beki (Complete)

By AedrianBuison

205K 6K 290

Sinaktan nyo ako noon, sasaktan ko naman kayo ngayon. Si James Dean Lopez o mas kilala ngayon bilang Steph L... More

RECOMMENDATION
Revenge ni Beki
Prologue
Chapter One - New School
Chapter Two - Oh My Spencer!
Chapter Three - Tadhana
Chapter Four - Superhero
Chapter Five - Friends?
Chapter Six - Pretend
Chapter Seven - Bestfriend
Chapter Eight - ON
Author's Note
Chapter Nine - Confess
Chapter Ten - Picture
Chapter Eleven - Beginning
Chapter Twelve - Memories
Chapter Thirteen - Practice
Chapter Fifteen - Graduation Day
Chapter Sixteen - Party
Chapter Seventeen - Revenge
Chapter Eighteen - Plan
Chapter Nineteen - Woman in Black
Chapter Twenty - Bitchy
Chapter TwentyOne - Project
Chapter TwentyTwo- Project
Chapter TwentyThree - Vigan
Chapter TwentyFour - Ligaw
Chapter TwentyFive - Friends
Chapter TwentySix - Selos
Chapter TwentySeven - Fall
Chapter TwentyEight - Confused
Chapter TwentyNine - Truth
Chapter Thirty - Unexpected Scene
Epilogue
Author's Note

Chapter Fourteen - The Drawing

4.2K 135 0
By AedrianBuison

James POV


Papalabas na ako ng school ng biglang may yumakap sa akin, tinignan ko kung sino yung yumakap sa akin at nakita ko ang gwapong mukha ng aking boyfriend na si Spencer. Ang gwapo gwapo nya! Pinagtinginan kami ng estudyanteng papauwi.


"Bigla bigla ka nalang sumusulpot." sabi ko sa kanya, nakayakap pa rin sya sa akin.


"Sorry, gusto ko lang naman yakapin ang aking babe." sabi nya naman.


Kinilig ako sa sinabi nya, feeling ko nangangamatis yung mukha ko. Ang sweet sweet nya talaga sa akin. Perfect boyfriend sya para sa akin, kaya ko yan nasabi dahil napatunayan ko na yan. Sa buong taon naming pagsasama, nakita ko ang totoong ugali ni Spencer. Gentleman, mabait, walang arte, hindi mayabang kahit mayaman, sweet, caring at mapagmahal.


"Alam mo ang corny mo." sabi ko sabay tawa. Tumawa rin sya, yung tawa nya parang peke pero hinayaan ko nalang yon.


"Alis tayo."


"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko. Umalis na ako sa pagkakayakap nya at humarap sa kanya.


"Punta tayo sa Park, matagal tagal na rin tayong hindi nakakapasyal." sagot nya naman. Tumango naman ako meaning na pumayag ako sa gusto nya. Naglakad na kami papuntang kotse nya at ng makalapit na kami sa kotse nya ay pumasok na kami at pumunta na kami sa Park.


Nandito na kami ngayon sa Park, Luneta Park lang ang pinuntuhan namin para daw hindi masyadong malayo. Nakaupo lang kami ngayon sa bench at magkahawak ang kamay. Pinagmamasdan lang namin yung mga batang naglalaro, yung mga magjowa na naglalakad.


"Ice Cream" sabi ni Manong habang tinutulak yung ice cream na binebenta nya.


Tumayo bigla si Spencer at inaya akong bumili ng ice cream. Tumayo rin ako at pumunta na kami kay Manong na nagbe-benta ng ice cream.


"Manong dalawang cheese nga po dyan!" sabi ni Spencer kay manong sabay abot ng bayad.


Pagkatapos ay inabot na ni Manong ang dalawang ice cream sa aming dalawa. Bumalik na kami ulit sa kinauupuan namin kanina.


"Bakit cheese ang pinili mong flavor?" tanong ko.


Kasi naman ngayon lang ako nakakita ng lalakeng kumakain ng ice cream na ang flavor ay cheese, kadalasan kasi chocolate yung mga nakikita kong lalakeng kumakain ng ice cream. Iba din pala 'tong boyfriend ko noh?! Ibang iba.


"Syempre, bagay sa mgajowa. Cheesy kasi eh." sabi nya sabay ngiti habang sabay nyang itinataas yung dalawang kilay nya.


Ibang iba talaga 'tong jowa ko, sa lahat ng lalake sya lang ang nakilala kong mahilig sa korni pero nakakakilig.


"Kumakain ka ba lagi ng kornik?" tanong ko. Halata namang nagtataka sya sa tinatanong ko.


"Bakit?"


"Ang korni mo kasi." sabi ko sa kanya sabay punas ng ice cream sa mukha nya. Ngumiti naman sya sa akin, lalagyan nya rin sana ako ng ice cream sa mukha ko pero agad akong nakatakbo papalayo sa kanya. Tumayo sya at hinabol rin ako.


Naghabulan lang kami ng naghabulan sa Park, hindi ko namalayan na nabitawan ko na pala yung ice cream na hawak hawak ko kanina. Lumingon ako sa likod ko, malapit na sya sa akin kaya naman binilisan ko pa ang takbo ko.


"HUMANDA KA SA'KIN PAGNAABUTAN KITAA!!" sigaw ni Spencer.


Naramdaman kong may nakahawak sa likod ko, lumingon ako. Paglingon ko nakita ko yung kamay ni Spencer nakahawak na sa damit ko kaya pala parang may humahatak sa akin pabalik. Pinilit ko pa ring tumakbo kahit na nakahawak yung kamay ni Spencer yung likod ko pero hindi ko na talaga sya kaya.


Bigla nya nalang akong yinakap at binulungan,


"Uwi na tayo." bulong nya sabay tawa. Tumawa rin naman ako, pumayag na rin akong umuwi dahil magga-gabi na rin.


Nandito na kami sa loob ng kotse nya. Medyo malayo layo pa naman ang byahe kaya kinuha ko yung bag ko sa passenger seat at binuksan ko iyon.


Kinuha ko yung sketch pad ko dahil naisipang kong magdrawing. Magaling akong magdrawing, hindi ako nagmamayabang pero magaling talaga ako. Sa totoo nyan, kapag sumasali ako sa mga drawing contest lagi akong nanalo, wala pa ata akong talo eh.


Magaling na nga akong kumanta, magaling pa akong magdrawing. Saan ka pa? Talented eh. Kaya okay lang kung hindi man ako binigyan ng magandang itsura ni Lord dahil binigyan nya naman ako ng magandang talento.


Nagiisip ako kung ano ba ang pwedeng maidrawing. Parang may lumiwanag na bulb sa uluhan ko nang may naisip ako. Ida-drawing ko nalang ang pinakafavorite kong cartoon..si Doraemon!!


Special ang drawing ko na 'to dahil ibibigay ko 'to kay Spencer. Ang binibigyan ko lang kasi ng mga drawings ko ng doraemon ay mga taong special sa akin like si Mama, papa, ata, ganon. Since special naman sa akin si Spencer ay bibigyan ko sya ng drawings ko na Doraemon.


Matapos kong magdrawing, nilagyan ko ito sa gilid ng name ko at name ni Spencer with matching heart pa.


"Oh..." sabi ko kay Spencer sabay bigay sa kanya ng dinrawing ko.


Inabot nya naman ito, inihinto nya na yung kotse dahil nandito na kami sa tapat ng bahay ko. Ngumiti sya sa akin at bigla akong kinilig ng bigla nyang hinalikan yung noo ko. Uggh!! So sweet.


"Salamat dito. Itatago ko talaga 'to" sabi nya sa akin.


Lumabas na ako ng kotse nya at pumasok na sa bahay pero bago ako makapasok ng tuluyan sa bahay ay nagflying kiss muna ako sa kanya at sinalo nya naman ito. Pagkatapos non ay umalis na sya at tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay.


Nakakatawa naman yung relationship namin. Parang laro laro lang ganon. Para kaming mga bata na nagiibigan. Hay! Ang swerte ko dahil nagkaboyfriend ako ng katulad ni Spencer. Para sa'kin sya na ang perfect boyfriend!


At syempre perfect din ang relationship namin dahil wala pa ata kaming napaga-awayan. Kaya siguradong magtatagal pa ang aming relasyon.


Pagpasok ko sa bahay, bumugad agad sa akin si Mama.


"oh bat ngayon ka lang?" tanong nya sa'kin.


"Ah namasyal lang kami ni Spencer, ma" sagot ko.


"Ah, ganon ba! O sige umakyat ka na para makapagpalit ka na at makakain kana" sabi nya sa akin.


Umakyat na ako sa taas at nagpalit na ng damit. Hindi mawala yung ngiti sa mukha ko dahil sa nangyari ngayon. Ang sweet ng araw ko! Sobra.


Note: hello guys' sorry kung sobrang tagal ng update!! Namiss ko kayo! Sorry talaga. Btw happy valentines to all lalo na sa mga bitter! Hahaha.


Keep reading and supporting! Muah. Bye


Continue Reading

You'll Also Like

137K 4.4K 21
Paano kung sa hinabahaba ng inyong pagsasamahan at pagkakaibigan ay nagising ka na lang sa katotohanang inlove ka na pala sa bestfriend mo. Susugal k...
140K 5.6K 30
"Langit ka,lupa ako. Yung kuya mo Impyerno. Kung di lang kita kaibigan nasapak ko na yan! Ang hangin, maarte,suplado, alaskador,at bully. Lahat na ya...
44.1K 2.2K 105
Nagbago ang mga buhay nina Theo, Tyler, Jenna, Catalina, Ian at Jake dahil sa Labing dalawang oroskopyo. Misyon nilang pigilan ang diyos ng pagkawas...
9.3K 615 11
Read at your own risk.... Ā©AkhihoMisakhie